CHAPTER 3

906 Words
A/N; PASENSYA NA SA MGA MALING GRAMMAR AT MGA MALING SPELLING SA BAWAT CHAPTER. •••• HABANG nakatutok ang baril ko sa babaeng nakatalikod mula sa akin hindi ko maiwasan na hindi mapa mura sa aking isip . Napansin ko na ito kanina palang habang nasa biyahe, alam kung may kasama ako sa loob nang sasakyan at hindi ako nagpahalata sa taong nasa loob nang aking sasakyan pero. Hindi ko alam na babae pala ang nasa loob. Hanggang sa makarating ako sa Wherehouse kung saan ako tinawagan ng isang tauhan ko na dalhin na ron ang mga traydor sa Org. Dahil yon ang utos sa akin ni Vilasco ako na lang din ang tatapos. At nasaksihan yon ng babaeng ito kung paano nila pinatay ang dalawang bihag kaya hindi ito maaaring umalis na lang basta kung kinakailangan na pati ito patayin ko ay gagawin niya. "Kung hindi kahaharap pasasabugin ko ang ulo mo. " Malamig kung sabi. Mas lalong nag salubong ang aking mga kilay nang hindi ito lumilingon sa akin. Na iinip na ako kaya't dahil hindi pa rin ito kumikilos mas lalong idiniin ko ang dulo ng aking baril mula sa ulo nito umigting ang mga panga ko nang marinig ko ang mahina nitong hikbi. Damn! Na-aamoy ko rin ang pabango nito na hindi ko malaman ang dahilan kung bakit nagugustuhan ko iyon at hindi masakit sa ilong. Mas lalo ako nainip kaya mabilis ko nang hinalak ang babae paharap habang naka angat pa rin ang hawak kong baril subalit parang slowmotion ang bawat sigundo nang masilayan ko ang mukha nito. Mas lalong na nunuot sa ilong ko ang natural nitong bango. f**k. Hindi ko maipaliwanag pero habang nakatitig ako sa babaeng ito na para bang may init na bigla nalamang lumukob sa sa akin nang dumantay ang mga kamay ko sa braso nito. Para akong napapaso na mabilis kung binitiwa ito. BIGLA akong napa salampak matapos ako nitong bitawan at salabis na rin na takot ko habang nasa harap ko ang matakangkad na lalaki at may hawak na baril hindi ko alam ang gagawin kaya mabilis kung inangat ang hawak kung notebook bago ako nag sulat doon habang ramdam na ramdam kung titig na titig ito sa akin mabilis kung ipinakita ang mga sinulat ko dito. ''Paki-usap po. Wag n'yo po ako patayin hindi naman po ako mag susumbong gusto kona pong umuwi. " Ani ko sa notebook na isinulat ko mula doon. Mariin akong napa atras nang upo nang hablutin nito ang aking hawak saka ito pumantay sa akin. "Ginagago mo ba ako? " Galit na sabi pa nito bago ako sunod-sunod na umiling habang nag mamakaawa pa din. "Boss mukhang Pipi ang babae. " Sabi nang isang lalaki nang makalapit ito kaya lumingon ako dito at sunod sunod na tumango. Bago tumingin sa akin ang lalaki. Saka nito tiningnan ang mga nakasulat mula sa aking Notebook bago sumulyap muli sa akin. "So you really are mute." Sabi pa nito saka ko, naramdaman ko ang mga palad nitong hinawakan ang ilang hibla nang aking buhok. Bago nito iyon dinala sa ilong nito at inamoy amoy. nag salubong ang mga mata namin. nangilabot ako dahil sa ginawa nito at sa kakaibang titig nito sa akin. Labis na ang kaba ko gustong gusto ko nang umuwi. Nag sign language ako pero sino naman tanga ang makaka intindi sa kagaya ko? Agad ko rin binaba ang mga kamay nang mataman akong tinititigan nang lalaki na aking ikina- ilang bago ko. pinahid ang aking mga luha at sinubukan kung ikalma ang aking sarili dahil kung hindi ko gagawin iyon baka mas lalo lamang akong matakot sa mga ito. Tumayo ito buong akala ko ay papakawalan na ako nang mga ito subalit nagkamali ako dahil bigla na lamang itong nag utos sa mga lalaking kasama nito. "Alalayan niyo siya, isakay niyo sa sasakyan ko. " Utos nito bago ako muling pinalingan nang makalapit ang dalawang lalaki nag pumiglas ako halos mag wala na ako para lang hindi ako hawakan ng mga ito. Isang bagay lang ang gusto niya ang maka sigaw siya at sabihin na pakawalan na siya. ''Hmmp! " Ungol ko tanda nang nais kung mag salita. Habang pumapalag sa mga lalaking nakahawak sa akin. At hindi ko alam kung papaano nagkaroon nang boses o kung papaano iyon lumabas mula aking sa bibig . ''A-ay-oko.. " Napahinto ang lalaki sa pag hakbang nito gayon din ang dalawang pang lalaki na naka alalay sa akin. Humihikbi pa rin ako gustong gusto ko nang umuwi. Nanginig ako nang humakbang ang lalaki papalapit muli sa akin napalunok ako ng matiim nito akong tinitigan at bumaba ang tingin nito sa aking labi at muli sa aking mga mata. Pinunasan din nito ang aking mga luha habang naktitig ito. Bago ito nag salita. "Interesting, sige isakay niyo na siya. " At wala na akong nagawa pa nang hilahin na ako nang dalawa papasok mula sa sasakyan kung saan ako nag tago kanina. Nang maipasok ako nang dalawa saglit na kinausap nang lalaking may malamig na mga mata ang isa. saka pumasok ang kalahating katawan nong lalaki kinausap nito saka nito tinalian ang aking mga kamay at paa. Iyak lang ang tanging nagawa ko habang nakatanaw ako mula sa labas nang bintana nang sasakyan. Hindi nga ako nahabol nila Ella pero nasa mga kamay naman ako nang mga masasamang loob at ano naman ang aking laban sa mga ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD