CHAPTER 2

1270 Words
A/N: PASENSYA NA SA MGA MALING GRAMMAR AT MGA MALING SPELLING SA BAWAT CHAPTER. •••• HABANG naglalakad ako nakayuko lang ako dahil ramdam naramdam ko ang mga tinginan ng mga ibang studyante sa paligid ko mayron pa nga akong naririnig na mga bulungan pero pinag sawalang bahala ko na lamang iyon at dire-diretso lang ako naglakad papunta sanang library. Don lang kasi panatag ang loob ko na walang mang gugulo sa akin pero. Nagkamali ako. dahil sa pinto palamang ng library ay nakita ko na agad ang grupo ni Ella. Mahigpit ang hawak ko sa aking bag at Notebook. "Well, well, well. look who's here. " Sabi ni Ella. Saka nito ako hinarangan sa aking daraanan. Mabilis agad akong nag sulat aking notebook bago ko iyon ipinakita dito. Habang tumatawa ang mga ito. ''Please, Ella. " Mas lalo pang tumawa ang mga ito at humakbang pa lalo papalapit sa akin kaya naman bigla akong napaatras. "Poor Asheera dapat ang mga tulad mo ay hindi nandito. Tch! Tingnan mo nga yang sarili mo. Talagang bumalik kapa hindi kapa rin nadala no? " Pinalis ko ang mga kamay nito nang hawakan nito ang ilang hibla ng buhok ko. Nais ko nang umalis pero nakaharang ang mga ito, nag Sign language ako pero. muli lang ako pinag tawanan nang mga ito. At bago paman ako pilit na umiiwas ay mabilis na akong hinawakan ng mga ito sa magkabilaan kung mga braso. "At saan ka pupunta? Di pa ako tapos sayo, alam mo bang na aalibadbaran talaga ako sayo! Dahil sayo kaya ako pinagalitan ni Ma'am at na suspend---" Nag pumiglas talaga ako habang ang ibang mga naroroon ay wala manlang ginagawa upang tulungan ako. "Ah, talagang palaban kana rin ngayon huh! Makikita mo. girls! dalhin siya sa likod." Utos nito mariin na ako agad sinalakay nang kaba sa dibdib dahil alam ko na kung ano ang gagawin ng mga ito sa akin. Nais kung sumigaw humingi nang tulong perom wala naman boses na lumalabas mula sa aking bibig kinabahan na talaga ako nang kaladkarin ako nang mga ito. Nag pumiglas ako nang makaliko na kami papunta sa likod nang school ginawa ko ang lahat hindi ako papayag na saktan nanaman ako nang mga ito. Kaya bago paman makalapit sa'akin si Ella ay 'buong lakas kong naisipan na sipain ito bago ko kinagat ang isa sa mga kasama nito at malakas na tinulak dahilan para mapasigaw ang mga ito at mapa salampak sa lupa Laluna si Ella, kita ko ang galit na galit nitong mga mata. "Bwisit ka! Asheera! Ano pang tinutunganga nyo? Habulin niyo! mga bobo! " Rinig kong sigaw ni Ella napapikit ako at mabilis na tumakbo. Halos lahat nang mga studyante ay pawang napapatingin na lamang sa akin at yung iba natatawa pa. Umiling iling ako. " Hoy!Pipi! Bumalik ka dito! " Mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko ayaw ko mahuli ako nang mga ito kaya minabuti ko na lang ang tuluyan nang lumabas nang university, dahil kung di ako lalabas ay mas malala pa ang gagawin sa akin ni Ella at baka sumali pa ang ibang mga studyante sa kung ano mang kalokohan ang gagawin nito sa akin. Hinihingal na ako nang malakalapit mula sa may gate lumingon ako nang makita na tumatakbo parin ang mga ito para habulin ako namilog ang aking mata bago ko binuksan ang gate nag pasalamat ako at nakatalikod ang Guard mula sa kinatatayuan ko. Bago paman ako nito mahuli mabilis kunang nabuksan ang gate at may pagmamadali sa kilos ko nang lumabas huli na nang mapansin ako ng Guard dahil naroon na ako sa labas at kumakaripas na nang takbo papalayo nang University. Kaso nakita ko si Ella na humahabol din sa akin kahit malayo na ako sa gawi nang University ay di pa rin ito tumigil kaya nataranta ako lalo mukhang hindi talaga ako tatantanan ng babae. Limingon ako sa paligid bago ako nagtago sa likod nang mga sasakyan. Habang nag tatago ako di ko sinasadyang mabuksan ang isang pinto sa mga sasakyan na naroroon. Kaya hindi na ako nag asksaya pa nang oras mabilis na akong pumasok roon at napayuko nang makita ko ng nakalagpas na ang mga ito. Malakas ang kabog nang aking dibdib habang hinihingal saka ako napa upo pinagpapawisan rin ako. Hindi na ako papasok ayaw ko nang kuyugin ako nang ibang mga studyante kapag bumalik pa ako don . Di ko rin naman kasalanan kung bakit pinagalitan at na suspende ang mga ito dahil sa lokohan na ginagawa ng mga ito sa akin. kaya nga ako hindi na nakakapasok kasi natatakot ako na baka may gawin nanaman ang mga ito sa sa akin tapos eto nanaman ang nangyari wala parin tigil si Ella kahit kaka-suspinde palang nito ay gumagawa nanaman nang kalokohan. Napahinga ako nang malalim ng humupa na ang kaba at bilis nang t***k nang aking puso handa na sanang lumabas nang'muli akong mapa siksik sa dulo nang sasakyan at mas lalong napa yuko nang makarinig ako ng pag bukas sara nang pinto nang sasakyan may ilan akong narinig na mga nag uusap bago tuluyan kung narinig ang pag sara muli nang pitno kasabay no'n ang pagkabuhay nang makita nang sasakyan. Oh. No.. Kinabahan akung muli nang umandar na ang sasakyan, dibali hihintayin ko na lang uli na huminto ang sasakyan kung saan man ito paparada at kapag nangyari yon saka na ako lalabas. Ang kaso mo hindi iyon ang nangyari dahil ilang oras nang tumatakbo ang sasakyan ay hindi pa rin ito humihinto. Mas doble na ang kabang nararamdaman ko nang mga sandaling iyon. Mas lalo pa ako nag sumiksik natatakot baka mahuli ako nang driver. Hindi ko alam kung ilang minuto ang tinagal ng biyahe dahil huminto na ang sasakya narinig ko na rin ang pag bukas sara nang pinto ng sasakyan kaya napahinga ako nang malalim. Mariin akong sumilip mula sa bintana nang sasakyan nakita ko maraming mga lalaki ilan doon ay pawang mga naka itim mayron din akong nakita na may mga dalang baril? Habang sa unahan ng mga ito ay may mga nakaluhod pa na dalawang lalaki. Jusko! Kinabahan na ako lalo dahil sa mga nakikita ko. Mali nga siguro ang napagtaguan ko dahil sa tingin ko mukhang mga masasamang tao ang mga ito at mali pa na napunta ako roon. Mariin akong napa yuko nang may dumako ng tingin banda sa kinaroroonan ko at ganon na lamang ang panlalamig ng buong katawan ko dahil sa nasaksihan ng dalawa mga mata. Kitang kita ko kung papaano pinagbabaril ng mga naka itim na lalaki ang dalawa pang lalaking mga nakaluhod halos manginig ang kalamnam ko dahil sa nakita. doon ko lang din napagtanto na nasa lumang whorehouse kami. Shet! Pagmumura ko sa aking isip habang mas lalo pang kinabahan dahil papaano ako aalis sa lugar na iyon? Dibali na kailangan ko lang sigurong mag ingat para hindi mapansin nang mga ito na bukod sa mga ito ay may iba pang naroroon. Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng sasakyan at na nginging ang mga tuhod ko. hinakbang ko ang isang mga paa ko pababa bago ko sinunod ang isa. nang maitapak ko iyon sa simento lumingon pa alo sa kaliwa't kanan ko pigil ang paghinga. nang walang nakapansin sa akin kaya dahan dahan na akong humakbang para umalis na sana subalit. ganon na lamang ang paninigas nang aking katawan wala rin tigil ang bilis ng t***k nang aking puso nang marinig ko ang isang malamig na boses mula sa aking likuran naramdaman ko rin ang isang bagay na nasa likod ng aking ulo. "Try to move, or you'll die."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD