Prologue
"Uwaaaaa! Uwaaa!!!" malakas na iyak ng sanggol na bagong silang.
Nanghihinang napangiti ang ina bago ito mawalan ng malay sa sobrang kapaguran. Nakahinga nang maluwag ang ama, saka ito napapikit.
"Ang ganda po ng anak niyo." komento nang doktora habang nakatingin sa sanggol na umaatungal ng iyak.
Napangiti ang ama saka ito dumilat bago lumapit sa doktor. Tinignan nito ang sanggol. "Tama po kayo doktora. Napakaganda niya po." naluluhang sabi nito.
Makalipas ang ilang mga araw, nababahala na ang magulang ng sanggol dahil sa oras-oras na pag-iyak nito.
"Doc." Umiiyak na tawag ng ina sa doktor habang bitbit ang sanggol. "Hindi po siya tumitigil sa pag-iyak! Hihinto po siya saglit at maya-maya'y iiyak na naman! Normal pa po ba ito???" nag-aalalang tanong niya. Katabi nito ang asawa niyang pinakakalma siya.
"'Wag po kayong mag-alala misis, normal lang ho ang madalas na pag-iyak ng sanggol. Ito po kasi ang paraan nila para makipag communicate sa atin. Kailangan lang po nating alamin kung ano pong kailangan nila kagaya ng gatas at palitan ang diaper para tumahan sila."
Hindi naniwala ang ina sa sagot nang doktor kaya't pumunta sila sa iba't-ibang ospital, ngunit pare-pareho lamang ang naging sagot nang mga ito. May mga pagkakataon ding tinitignan ng mga doktor kung may sakit ba ang sanggol ngunit wala itong makita. Hanggang sa lumipas ang ilang mga taon, natanggap na lamang nilang masyadong iyakin ang kanilang anak na babae.
"Maamaaaaa!! Huhuhuhu!! Maaaa!!!"
Naalimpungatan ang ina nang marinig nito ang malakas na iyak ng kaniyang anak. Agad itong bumangon upang lumapit sa gawi kung na saan ang kaniyang anak na katabi ng kaniyang asawa.
"T-tahan na..." mahinang bulong ng ama bago ito tumalikod nang higa.
Binuhat ng ina ang anak at hinele. "Bakit baby? Shhh... Tahan na... May masakit ba sa'yo?" malambing na sambit ng ina.
"Aku winig buwsis! Waaaa!!!" sagot ng anak habang patuloy na umiiyak.
'Ano bang sinasabi niya? Inaantok pa 'ko. Gusto ko pang matulog.' inaantok na sabi ng ina sakaniyang isipan habang patuloy na hinehele ang anak.
"It's okay... Mommy's here. Tahan na..."
Makalipas ang ilang taon ay patuloy na nahihirapan sa pagtulog at pagpapatahan sa kanilang anak ang mag asawa. Madalas na sabihin nang kanilang anak na ito raw ay nakakarinig ng mga boses at bulong nang mga tao kahit na walang ibang tao sa kanilang tahanan bukod sa mag-asawa. Dahil dito, lumapit na naman sila sa doktor upang ipacheck up ang anak.
"Your daughter has a hyperacusis. It is a condition where certain sounds are perceived as louder or more intense than they actually are, leading to discomfort or pain in response to normal environmental noises. People with hyperacusis may find everyday sounds, such as a door closing or a car honking, to be intolerably loud. Ito po marahil ang dahilan kung bakit madalas na sinasabi ng anak niyo na nakakarinig siya ng mga boses. Maaaring ang mga boses na naririnig niya ay galing sa labas ng bahay niyo or mga bulong ng tao sa paligid niyo kaya't siya lamang ang nakakarinig nito. Kahit ang mahihinang mga bulong ay malakas at masakit sa tainga para sa kanila. Kahit ang patak ng tubig na nanggagaling sa gripo ay naririnig niya. Ito marahil ang dahilan kaya't parati siyang umiiyak." pagbibigay impormasyon ng doktor. Agad namang na bahala ang mag-asawa.
"Ano pong kailangan naming gawin, Doc?" nag-aalalang tanong ng ama.
"I recommend implementing strategies to help lessen the impact of sound on people with hyperacusis, such as your daughter. Creating a quieter environment by minimizing background noise and using sound-absorbing materials can reduce discomfort. Sound therapy techniques like sound desensitization can help retrain the brain to process sounds more effectively. Providing customized ear protection, like earplugs or earmuffs, can help reduce the intensity of sounds. Encouraging relaxation techniques such as deep breathing and mindfulness can assist in managing stress and anxiety related to sound sensitivity."
Matapos ang pangyayaring iyon, tumigil na sa kaiiyak ang kanilang anak. Ngunit isang araw...
"Anak, bakit mo naman itinulak 'yung kalaro mo?" nagugulat na tanong ng kaniyang ama matapos nitong makita ang biglaang pagtulak ng kaniyang anak sa isang bata.
"Shinabihan niya po akong pangit! Ayaw niya daw po akong kalawo! Masyado daw po akong madaya!" nakasimangot na sigaw ng anak.
"Pero hindi tama ang ginawa mo anak. Hindi tamang manakit ng kapuwa... Lahat ng bagay anak, kayang idaan sa maayos na usapan. Dapat ay itinanong mo muna sa kaniya kung bakit at tanggapin na iba't-iba talaga ang tingin sa'tin ng mga tao kahit pa anong buti mo..." pangangaral ng ama.
Mangiyak-ngiyak namang sumagot ang anak. "Pewo bad po shila. Wala naman po akong ginagawa, gano'n po ang shinashabi nila."
"Itinulak niya po ako, mama!" sumbong nung batang lalaki.
Bago pa man makapagsalita ang magulang ng dalawang bata ay sumigaw na ang anak "Shabi mo kasi pangit ako!"
"Wala 'kong sinasabing gano'n!"
"Shinabi mo 'yon! Shabi mo pa nga, madaya ako kaya ayaw niyo 'kong kalawo!"
"Wala akong sinasabi sa'yo!"
"Shinungaling! Nawinig ko!" Matapos nang pangyayaring 'yon, naguluhan ang ama sa inasal ng kanilang anak dahil muli niya na naman itong ginawa sa iba pa niyang mga nakakalaro.
Doon nagsimulang magtaka ang anak kung ano ang mga naririnig niya. Napapansin din nitong naririnig niya ang boses nang kaharap kahit hindi nito ibinubuka ang bibig.
Lumipas ang ilang mga taon, napansin ng mag-asawa na hindi na nakikipag laro ang kanilang anak sa ibang bata. Palagi na lamang itong na sa loob ng kaniyang kwarto habang nagbabasa ng libro.
"Anak?" malumanay na tawag ng ina.
Isinarado ng anak ang libro tsaka ito inilapag bago umupo ng diretso. "Po?"
Umupo ang ina sa kama. "Hindi ka ba lalabas? Buong linggo ka nang hindi lumalabas."
"Ayoko po. Masyado pong maingay sa labas."
"Pa'no 'yong mga kalaro mo? Hinahanap ka nila."
"Ayoko po sakanila." diretsong usal ng anak.
Nagulat ang ina bago niya ito tanungin. "Bakit naman anak?"
"Ang plastik po nila."
Gulat na napatingin ang ina sa anak. "Ha?! Pa'no mo na sabi anak?"
"Iba po ang sinasabi ng bibig nila sa iniisip nila. Ang plastik po nila."
'Saan naman kaya niya nakuha ang salitang 'yan?' tanong ng ina sa kaniyang isipan.
"Palagi ko pong naririnig sa mga kalaro ko 'yung salitang 'yon. Sinasabi po nila 'yon sa'kin kahit sila po ang plastik. Masama po ang iniisip nila sa'kin pero umaakto po silang mabait sa harap ko."
Nagtatakang tinitigan siya ng kaniyang ina. 'Pa'no naman niya nasabing masama ang iniisip sa kaniya ng mga kalaro niya?' muling tanong ng ina sa isipan.
Sasagutin sana ng anak iyon ngunit naisipan nitong ilihim na lamang ang dahilan.
Siya si Lyra Elowen. Mula nang isilang siya ay naririnig na niya ang iniisip ng mga tao. Noong una ay inakala niyang multo ang mga ito ngunit nang magtagal ay napagtanto nitong boses ito ng mga tao sa paligid niya. Hindi siya na niniwalang mayroon siyang sakit dahil hindi niya naririnig nang malakas ang patak ng tubig, hangin, at ang kanta ng mga ibong nanggagaling sa labas ng kaniyang bintana. At dahil sa kahiligan sa pagbabasa nang fantasy novels, naisip nitong maaaring nakakabasa siya ng isipan ng mga tao. Napagpasyahan niyang ilihim ang kakayahang ito sa lahat dahil base sa mga nababasa niya ay hindi daw normal iyon at iisipin nang mga ordinaryong tao na baliw siya.
Habang lumilipas ang maraming araw, mas lumalamang ang inis ni Lyra sa mga tao sa paligid niya dahil sa patuloy na pagsisinungaling ng mga ito. Ngunit isang araw, ang paulit-ulit na pangyayari sa buhay ni Lyra na puro school, bahay, basa, school, bahay, basa lamang ay nagbago.
Mabuting pagbabago naman ba ang pagdaraanan niya?
O
Magulo at masamang pagbabago???
•∆•∆•∆•∆•∆•
This story is a work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious, unless otherwise stated. Any resemblance to real persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
All Rights Reserved. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, without the prior permission of the author. Plagiarism is a crime.