Lyra's Pov
Hindi dapat ako ang humingi ng tawad. Siya ang dapat na humingi ng tawad sa'kin.
Natigil ako sa pag-iisip nang biglang bumukas ang pinto. Nagsi-ayusan nang upo ang mga kaklase ko sa pag-aakalang teacher ang bumukas no'n.
Sumilip doon ang isang matangkad at maputing babae. Mahaba at wavy ang buhok nito. May side bangs siya na bumagay naman sa hitsura niya. Mukha siyang model.
Inilibot niya muna ang paningin bago tumayo nang maayos. "Good morning. Who's Ms. Elowen?" seryoso ngunit maarte ang pagkakabigkas na saad nito. Itinaas ko ang kamay ko bago tumayo.
Dahil sa palaging nangyayari ang ganitong scenario sa'kin, hindi na 'ko nagtaka at kinabahan sa kung ano mang dahilan nang pagpapatawag sa'kin.
Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa na parang hinuhusgahan ako. Napairap ako dahil doob kahit na gano'n din naman ang ginawa ko sa kaniya pagsilip na pagsilip pa lang niya sa room kanina.
'She doesn't seem like someone who would just beat someone up without a reason. So why is Ma'am Lacosta calling her to the Guidance office?'
Napalunok ako sa narinig ko mula sa isipan niya. Walang kaso sa'kin ang mapatawag sa guidance ngunit hindi ko gustong si ma'am Lacosta ang kakausap sa'kin. "Lagot ako." mahinang bulong ko tsaka lumapit sa kaniya.
"Ma'am Lacos----"
"I know." pagpuputol ko sa sinasabi nito tsaka naunang maglakad sa kaniya. Wala pang ilang minuto ay sumabay na ito sa paglalakad ko.
"I'm Farrah. I am the Vice President of the class where 'Arianne' is." pagbibigay impormasyon nito na may kasamang diin sa pangalan ng kaklase niya.
"Oh, tapos?" walang ganang tanong ko dahil wala naman akong pakialam sa kaniya. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan nitong ipakilala ang sarili niya sa'kin gayong hindi siya nakasisiguro kung magkakaroon pa kami ng interaction in the future.
Nakita ko sa peripheral vision ko ang pagtaas ng kaliwang kilay nito. "I'm just letting you know that YOU ARE DOOMED." irap nito tsaka naunang maglakad. Rinig na rinig pa sa buong pasilyo ang malakas na tunog ng takong suot nito dahil sa mabilis na paglakad niya.
'Now I think they're right. She has some guts to disrespect me? So maybe she really did beat Arianne just because she's not in the mood. Psh. What a psycho.' dinig kong mapanghusgang saad nito sa kaniyang isipan.
Napairap ako dahil do'n. "What a judgemental." panggagaya sa tono ng boses niyang komento ko. Hindi niya 'ko pinansin at nagpatuloy lamang sa paglalakad. Iniwas ko na rin lang ang paningin ko sa kaniya para hindi ko na mabasa 'yung mapanghusgang utak niya sa halip ay itinuon ko na lamang ito sa daan.
Nang makarating kami sa G.O ay kumatok muna siya bago buksan ang pinto. "Here's Ms. Elowen ma'am." pormal na usal nito tsaka nilakihan ang bukas ng pinto bago ako sinenyasan gamit ang kaniyang mga mata na pumasok. Tumingin siya sa akin at tumingjn sa loob bago ulit ibalik sa akin ang mataray niyang tingin. "Good luck." nakangisi at sarkastikong saad niya bago umalis nang makapasok ako.
Sa loob ng guidance office, nakita ko 'yung Arianne na umiiyak. Animoy aping-api samantalang siya naman ang puno't-dulo ng lahat. Tsk.
"Good morning ma'am." walang ganang usal ko bago lumapit sa upuang kaharap nung Arianne na mas nilakasan ang iyak nang makita ako. Inirapan ko na lamang ito at tumingin sa paligid. Nandito din 'yung Lorenzo at ang babaeng sunod nang sunod sa'kin na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan.
Si Lorenzo ay prenteng nakaupo sa tabi ni Arianne habang nakatingin sa kawalan samantalang 'yung babaeng sunod nang sunod sa'kin ay nakatingin sa kuko niyang nakapatong sa hita niya habang kinukutkot niya.
"Sit down." seryosong utos ni Ma'am Lacosta na agad kong sinunod. Umupo ako sa tabi nung babae tsaka sumandal.
"Uulitin ko ang tanong ko kanina kay Castro para marinig ko rin ang side niyo. What happend." hindi patanong ang dating nang tanong na iyon. Pautos ito na parang sinasabing may mangyayaring masama kung hindi namin ilalahad ang buong pangyayari. Seryosong-seryoso si ma'am at sa hindi malamang dahilan, gusto kong matawa.
"Big-bigla po niya akong sina--sinampal Ma'am!" hirap na hirap na saad nung Arianne habang humahagulgol ng iyak. Napangiwi ako habang pinapanood ang pag-arte niya. "T-tapos nung t---" napahinto siya sa pagsasalita nang iniharap ni ma'am ang kaniyang kamay kay Arianne. Senyales na pinatatahimik siya.
"I'm not asking you Castro. Narinig ko na 'yan. I'm asking YOU." turo niya sa'kin.
Bumuntong hininga ako bago walang ganang sumagot. "Pagpasok ko palang po ng canteen, bigla na lang pong may humagis ng menudo sa mismong mukha ko. Ano pong inaasahan niyong magiging reaksyon ko? Matutuwa po? Siyempre nainis po ako at tinanong kung sino 'yung naghagis no'n. Then imbis na sumagot at magsorry po sila, nilapitan po ako ni Lo---" huminto ako saglit at tumikhim nang mapagtantong hindi ko pa nga pala dapat alam ang pangalan niya dahil wala pang nagsasabi bukod sa utak nung babae. "--- n-niya." turo ko kay Lorenzo na ngayon ay kunot noong nakatingin sa'kin.
'She knew my name? Did I heard it wrong?'
Hindi ko pinansin ang sinabi niyang 'yon sa isip niya, sa halip ay iniwas ko ang paningin sa kaniya bago magpatuloy. "Pinapasunod niya 'ko sa kaniya. Then kumulo 'yung dugo ko sa kaniya---" tinuro ko si Arianne. "--- dahil hindi na nga siya nag sorry, tatarayan pa niy----"
"Hin-hindi kita tin-tinarayan! B-bigla mo na lang a-akong sinugod!" humihikbing sigaw niya.
"Tinarayan mo 'ko. Hindi ka nag-sorry." pinal na sagot ko tsaka nag cross arm at isinandal ang likod sa sandalan ng upuang kinauupuan ko.
"And you slapped and kicked her forehead just because TINARAYAN ka niya?" taas kilay na tanong ni ma'am. Tinignan ko 'to nang diretso sa mga mata.
"Yes ma'am." matapang na sagot ko. Alam ko rin naman ang ending nito, ba't ko pa susubukang lusutan?
"Kailangan mong maparusahan." naiiling na saad ni ma'am Lacosta.
Napairap ako. "Yeah, yeah." pasiring na sabi ko. "Pero hindi ako papayag nang ako lang." seryosong tinignan ko 'yung Arianne.
"Why should I b-be punished?! I'm the v-victim here!" sigaw niya.
"No. You're not. I am your victim here, miss." hindi ko nilingon si Lorenzo nang sumabat siya. Ibinaling ni ma'am ang paningin kay Lorenzo.
"And why is that?"
"I am the one she's aiming at but I moved away so miss Elowen got hitted by the food instead. Miss Castro throws it at me."
"And why did you do that Castro?"
"H-he cheated on me!" sigaw ulit ni Arianne. Napatalon sa gulat ang lahat maliban kay Lorenzo nang hampasin ni ma'am nang malakas ang desk niya.
"CAN YOU PLEASE STOP SHOUTING?!" galit na usal ni ma'am. Napayuko ang lahat dahil sa tensyon at sa lakas ng boses ni ma'am maliban sa'kin at kay Lorenzo.
"Bwis*t naman." inis na bulong ko dahil sa gulat sa paghampas ni ma'am sa desk niya.
"I didn't." seryosong depensa ni Lorenzo. Hindi pinansin ang pagsigaw ni ma'am.
"You did. I saw you with a girl." pilit na pinahihina ni Arianne ang boses niya nang sabihin niya iyon. Sa puntong 'yon ay nagpapalit-palit na ang tingin ko sa kanilang dalawa ni Lorenzo.
"So?" inaantok animong tanong niya.
"Y-you cheated..." mahinang bulong niya.
"No, I'm not your boyfriend, miss. I don't even know you."
---