Lyra's POV
"Kakain ka? Masarap ang tinda sa cafeteria ngayon! Tsaka, gusto rin kita makasabay kumain eh. Kung ayaw mo naman kumain do'n, bili na lang tayo tapos sa garden natin kainin! Or sa waiting area! Pero alam kong mas gusto mong sa garden dahil lagi kitang nakikita do'n hehe. Nagugutom na 'ko! Nakakagutom mag discuss si Ma'am Isolde!!!" malakas ang boses na sabi niya. Hindi ko na siya pinakinggan.
Kasalukuyan kong tinatahak ang daan patungo sa cafeteria. Hindi ko alam kung bakit sunod nang sunod 'tong babaeng 'to sa'kin habang kung ano-anong pinagsasasabi. Nung una pa lang na nagkita kami, bigla na lang siyang lumapit sa'kin at gustong makipag kaibigan, pero ayoko sa kaniya. Na banggit niya kasi sa utak niya dati na kaya lang niya 'ko kakaibiganin ay para 'di siya mag mukhang loner.
Pagkatapak na pagkatapak ko pa lamang ng kaliwang paa ko sa entrance ng cafeteria ay biglang may malagkit na kung ano ang tumama sa mukha ko!
"W-what the rock?!" madiin at nis na usal ko nang mahulog nang tuluyan mula sa mukha ko ang styro na may lamang kanin at minudo! PUNO PA NG SABAW 'YUNG MINUDO NA NGAYON AY NASA UNIFORM KO NA!
Dinig ko pa ang malakas na tawanan ng mga estudyante sa cafeteria kahit na natatakpan ng headphones ang tenga ko.
"Oh my gosh! Okay ka lang?!" sigaw nung babaeng sunod nang sunod sa'kin tsaka pinunasan ang mukha ko ng tissue. Galit na itinabig ko ang kamay niya.
"SINONG BUMATO NITO?!" buong lakas na sigaw ko.
Lumapit sa'kin ang isang matangkad na lalaki matapos kong itanong iyon. Napatingala ako dito. Nakaayos ang dark brown na buhok nito. Lantad ang noo at medyo makapal ang kilay. Medyo singkit ang mata na dark brown din ang kulay. Sakto lang ang kapal ng labi at ang tangos ng ilong. Walang emosyon ang kaniyang mukha na animoy wala siyang pakialam sa nangyayari ngunit iba ang sinasabi ng isip niya.
'The H! Dapat hindi na lang ako umiwas if I only knew that this could happen! Ako dapat ang tinamaan no'n! Nadamay pa siya! Tsk! Namantsahan ang uniform niya! What should I do?! Sh-she looks so m-mad---- W-why is she l-looking at me like t-that?!' dinig kong sabi nito sa isipan niya.
"It's your fault. You arrived at a wrong time. Tss. Come with me." inis KUNWARING usal nito!
Bakit ba siya nagkukunwari?! Samantalang puro GUILT ang nababasa ko sa isip niya?! Sinundan ko lang siya nang tingin palabas sa cafeteria. Hindi na rin ako nag tanong kung bakit pinapasunod niya 'ko dahil nabasa ko sa isipan niyang pahihiramin niya 'ko ng PE T-shirt niya.
Tumingin muna 'ko do'n sa babaeng gulat na gulat na nakatingin sa'kin habang nakahawak pa ang isang kamay niya sa labi bago ako tumalikod. Siya 'yung babaeng nag hagis ng styro.
'Oh my gosh!' sabi nito sa isipan niya. Mukha namang hindi niya talaga intensiyong idamay ako kaya tinarayan ko na lamang siya. Nang akmang susunod na 'ko do'n sa lalaki ay napatigil ako.
'Sinadya niya sigurong matamaan! Gusto niyang mapansin siya ni Lorenzo! Sinalo niya 'yung tinapon ko dahil alam niyang lalapitan siya ng boyfriend ko! Matalino kang malan----' biglang saad niya sa isipan bago ko pa maiiwas ang paningin ko sa kaniya.
Hindi ko alam nguniy sa puntong 'yon ay parang may kung anong nag-snap sa sistema ko.
Agad na lumingon ako sa kaniya habang nanlilisik ang mga mata bago patakbong sumugod sa kaniya.
"Hala Lyra!!!"
"Oh my gosh!"
Sabay na sigaw nung babaeng parating sumusunod sa'kin at nung babaeng nag hagis ng styro.
Mabilis na hinugot ko ito sa kwelyo bago malakas na sinampal!
"AAAA!!!"
"AAAY!"
"HALA!"
"OMG!!!"
"SAKIT NO'N!"
"HALA BA'T NIYA SINAMPAL?!"
"ANG WARFREAK!"
"GAG*, ANG LAKAS!"
Reaksiyon ng mga tao sa paligid nang matumba siya sa lakas ng pagkasampal ko. Gulat na napahawak pa ito sa pisngi niya.
"Hindi ka na nga nag sorry, ganiyan pa ang----- ha!" hindi ko tinapos ang sinasabi ko sa sobrang inis! Hindi ko pwedeng banggitin ang na basa ko sa isipan niya! At iyon ang mas nagpainis sa'kin! Tanga ba siya?! Kararating ko lang?! Malay ko bang may rambol palang nangyayari para sadyain kong saluhin 'yung tinapon niya! Ang lala ng utak!
"How dare you?!" malakas na sigaw nito tsaka akmang tatayo ngunit agad ko itong tinadyakan sa noo! "AH!" daing niya. Hindi ko na sinasadya 'yon. Kusang gumalaw ang paa ko sa isiping gagantihan niya 'ko.
"Aba't gaganti ka pa?! Ikaw ang may kasalanan nito!" inis na itinuro ko ang gitba mismo ng mukha ko. "Kaya face the consequence! At 'YAN ang consequence mo!" inis na sigaw ko na tinuro pa ang mismong mukha niya bago tumalikod at mabilis na naglakad paalis.
"Bw*set! Na sa'n na 'yung lalaki?!" inis na sigaw ko habang palinga-linga sa paligid.
"Hey."
"Ang epal kasi nung babae eh! Masyadong papansin! Sinadya ko daw?!" pagkakausap ko sa sarili.
"Hey!"
"Aba! Kung alam ko lang na may itatapon siyang pagkain, edi sana kamay ko ang pinangsalo ko! Hindi mukha! Edi sana nakain ko pa 'yon habang pinapanood sila!" inis na sigaw ko pa habang naglalakad ng mabilis papunta sa lockers. Nando'n daw kasi ang PE uniform niya base sa sinabi ng utak niya.
"HEY!"
Napalingon ako ako nang may malakas na sumigaw mula sa likuran ko. Bahagya ko pang tinanggal 'yung headphones ko nang makita 'yung lalaking dapat na matatamaan nung minudo. Wala itong emosyong ipinapakita ngunit sa hindi malamang dahilan, tawang-tawa siya sa isipan niya. Napakunot ang noo ko.
'She's so funny! Kakainin niya daw 'yung tinapon nung babae kung na salo daw ng kamay niya 'yon? HAHAHAHAHA!' tatawa-tawang iniisip niya.
Pero ito ang sinabi ng bibig niya. "Are you deaf?! Tsk! My locker is over there!" saka siya tumuro sa bandang kaliwa. "I'll lend you my P.E uniform." inis na sabi niya pa.
Ngumiwi naman ako bago magsalita. "Nakita mong naka headphone diba?! Sisigaw-sigaw ka diyan!" inirapan ko siya bago bumuntong hininga na animoy nawawalan na ng pasensiya. Tumingin ako sa kaniya na ngayon ay nakatayo pa rin sa harapan ko. "Oh eh, ano pang tinatayo-tayo mo diyan?! Ako kukuha?!" tsaka ko siya inirapang muli.
Dahil doon ay walang emosyong naglakad ito papalapit sa locker niya bago ito buksan.
'She's so rude but I understand. Maybe she's just really hungry at naistorbo namin ang dapat na oras ng pagkain niya.' sabi nito sa isip habang nagkakalkal sa locker niya. Muling napairap ako dahil do'n.
---