Chapter 1- Meet a new friend
"Anak, tanghali na gumising ka na riyan! Mali-late ka ng bata ka!"
Nagising ako sa sigaw ni Mama sa likod ng pintuan ng kuwarto ko kasabay ng malakas na katok nito na animo'y gigibain na ang pinto.
"5 minutes pa, Ma!!" Ganting sigaw ko sa kaniya bago muling sinubsob ang mukha sa unan at nagtalukbong ng kumot sa buong katawan.
"Leshugas! Gigising ka o papasok ako at kukurutin ko 'yang singit mo hanggang sa magising ka?!" nagtitimping sigaw ng Ina ko.
Inis na bumangon ako bago sinabunutan ang buhok ko. Bagsak ang balikat at nakasimangot na bumangon ako sa kama.
"Ito na nga. Gigising na."
"Bilisan mo! Maligo ka na at pumunta sa kusina para sabay na tayong makakain!"
Iyon ang huling narinig ko na sabi ni mama bago ko marinig ang mga yapak niya na papaalis sa kuwarto ko.
"Hay buhay…" buntong-hiningang sabi ko bago pumunta sa cabinet ko para kumuha ng damit pagkatapos ay pumasok na 'ko sa banyo.
Pagkatapos kong gawin ang morning routine ko ay pumunta na ako sa kusina kung saan naabutan ko si mama na naghahanda ng pagkain.
"Oh nandyan ka na pala. O siya handa na ang pagkain, paki tawag na lang ang kapatid mo para sabay-sabay na tayong makakain" Utos ni mama nang makita niya ako.
"Sige po, Ma." Tugon ko at akmang tatalikod na ng biglang may sumigaw sa likod ko.
"GOOD MORNING, MA!! GOOD MORNING, ATE! " sigaw ng napaka bibo kong kapatid habang abot-tenga ang ngiti sa mga labi.
Patalon-talon pa itong naglalakad palapit sa amin habang maaliwalas ang ngiti.
Umismid ako. Napaka hyper talaga nito. Kabaligtaran ko na pinaglihi 'ata ni Mama sa sama ng loob dahil palagi akong bad trip.
"Mabuti at gising ka na, anak. O siya at umupo na kayo para makapagsimula na tayong kumain," sabi ni mama na sinunod naman namin.
Nagsimula na kaming kumain habang ang kapatid ko naman ay panay ang dada kahit puno ang bibig niya ng pagkain. Minsan talaga ay ang sarap tahiin ng bibig niya nang manahimik eh. Parang hindi mauubusan ng sasabihin kakakuda at pinalihi 'ata sa vitamin B.
"Pwede ba, Serine, huwag kang magsalita habang puno ang bibig mo ng pagkain. Masama 'yan," saway ni mama kay Serine na nag-peace sign bago agad na umiinom ng tubig.
"Sorry, Ma. Sorry, Ate," nakangusong paumanhin niya sa amin.
"Okay lang anak basta huwag mo nang uulitin ha?" marahang sabi ni mama sa kaniya.
"Opo, Ma. Promise!" Sabay taas ng kanang kamay niya na parang nanunumpa.
"Sige na. Kumain lang kayo. Huwag kayong magpapagutom lalo kana Marie, anak. Alam kong pagod ka sa trabaho kagabi isabay mo pa 'yang mga project at quizzes niyo na alam kong pinagpupuyatan mong tapusin. Palagi ka na lang puyat. Pagpasensyahan mo na at wala akong magawa, anak," ani ni Mama na may mapagpaumanhin na tingin sa akin.
"Ma, okay lang po ako. Ako pa! Malakas 'ata 'to ano!" sabi ko sabay flex ng payat ko na braso na kunwari ay may muscle e buto-buto naman. Pero huwag ka, sexy ako 'no! Sabi ng mga kaklase kong bakla.
"Anak, nag-aalala lang naman ako na baka magkasakit ka. Halos wala ka na kasing tulog. Kung hindi sana ako nagkasakit at natanggal sa pinagtatrabahuhan ko edi sana-"
Hindi ko na pinatapos si Mama sa sasabihin niya at agad na akong nagsalita.
"Ma, ok lang ako 'no. At saka mas malaki pa ang sweldo ko ngayon kaysa sa pinagtatrabahuhan niyo sa matapobreng matatanda na 'yon na porke't may mayaman sila, mamaltratuhin ka na nila. Lalait-laitin ka pa nila na parang hindi tao na kung tutuusin eh kakarampot ng barya lang naman ang pinapasuweldo nila sa iyo." Asik ko. Kumukuyom ang palad ko at bumabalot ang inis sa kaibuturan ng puso ko sa tuwing naaalala ko 'yong matandang iyon!
"Salamat, 'nak. Huwag kang mag-alala, hahanap agad ako ng trabaho para hindi kana mahirapan pa," ani ni Mama habang nakangiti kaya tipid na nginitian ko rin siya pabalik bago nagpatuloy sa pagkain.
"Ehem, huwag po kayong mag-alala, ate, 'pag lumaki na 'ko, tutulungan ko rin po kayo lalo na sa gastusin dito sa bahay," singit ng kapatid ko sa usapan kaya napapailing ako at ginulo ko ang buhok niya na basa pa dahil bagong ligo.
"Bata ka pa. Huwag mo munang problemahin ang problema namin. Ako nang bahala rito. Sa ngayon, mag-focus ka muna sa pag-aaral," pangaral ko sa kaniya.
Sumimangot naman ang labi niya bago inayos ang ginulo kong buhok niya
"Ate naman eh. Kakasuklay ko lang nito eh," nakasimangot na aniya na siyang dahilan para matawa kami ni Mama.
Masaya kaming nagpatuloy sa pagkain habang nagsimula na namang dumaldal si Sirene na tila ba nakalimutan agad ang sinabi ni Mama sa kaniya.
Pagkatapos kumain ay hinatid ko muna si Serine sa paaralan na pinapasukan niya bago ako dumiretso sa pampublikong unibersidad kung saan ako kasalukuyang nag-aaral.
Habang naglalakad ako sa hallway papunta sa first room ko ay bawat nakasalubong ko na grupo ng mga magkakaibigan ay panay ang kuwentuhan at malakas na tawanan. Halos kadalasan sa mga pinag-uusapan nila ay tungkol sa skincare, mga kasalukuyang issue, mga taong binabackstab nila na kung sa harap ay ang bait-bait nila pero kapag nakatalikod ka, kulang na lang gawan ka ng s*x issue kung makalait at makagawa ng mga issue na kahit sarili mo ay hindi mo alam. At syempre, hindi rin mawawala sa pinag-uusapan nila ay boys. Mga sikat, guwapo. Manliligaw man nila o ex.
Well sanay naman na ako sa pinag-uusapan nila at wala akong pakialam dahil hindi ko naman sila kilala. As long as hindi ako ang pinag-uusapan nila ay hindi ako mag-aabalang sumali at makialam sa kanila. Buhay nila iyan at choice nila na aksayahin ang oras nila sa mga walang kabuluhan na mga bagay. Bahala sila sa buhay nila, basta ako ay pokus muna ako sa trabaho at pag-aaral. Hindi naman ako mayaman o may kaya sa buhay gaya nila. Wala akong choice kun'di magtrabaho at mag-mature sa maagang edad dahil ako ang panganay at breadwinner ng pamilya namin. Wala naman akong ama dahil maagang nangaliwa at iniwan kami na naghihirap.
Kasalukuyan akong nasa ikatlong taon ng kolehiyo at nag-aaral ng architecture. Scholar ako sa University sa Iloilo at assistant librarian ako tuwing may vacant time ako. May part time job din naman ako kung gabi. Kumbaga, sa umaga, sa school ako at sa gabi naman ay sa trabaho ko. Mahirap at nakakapagod pero mas gugustuhin ko pang mag-part time job bilang isang waiter sa sikat na restaurant kaysa pagtrabahuin si Mama doon sa matapobre na mayayaman na kung makaasta ay parang sila lang 'yong mayaman sa buong mundo.
Kung nagtataka kayo kung bakit ganito na lamang ang galit ko sa matandang nang-abuso kay Mama. Well pinagkamalan lang naman nilang magnanakaw ang mama ko ng alahas kuno nila. Maid kasi si mama kaya nung nalaman nilang nawawala 'yong alahas nila ay si mama ang pinagbintangan nila kahit wala namang ebidensya dahil lang mahirap si Mama kaya siya na agad ang may kasalanan kahit wala naman silang pruweba na may si Mama nga ang kukuha no'n. Mayaman kasi 'yong amo ni mama eh kaya ayo'n... muntik na ngang ipakulong si mama pero wala naman silang ebidensya kaya sa halip na ipakulong e tinanggal na lang nila si mama sa trabaho.
Hindi naman ako galit sa mayayaman basta wala silang ginagawang masama sa amin pero 'yong mga amo ni mama na matapobre. Do'n talaga nag-iinit ang ulo ko. Kung sino makaasta porket may pera.
Napailing na lamang ako. Hays… so 'yon nga, back to reality na tayo.
Hindi ko namalayan na nandito na pala ako sa tapat ng pinto ng room namin.
Pagpasok ko palang bumungad na agad sa akin ang mga kaklase kong may mga sariling mundo. May kaniya-kaniya silang grupo at kaniya-kaniya ring ginagawa. May nagmi-make up, nag-uusap at nagtatawanan, kumakanta, nag gigitara, natutulog, naglalaro sa cellphone at nagsisigawan na para bang walang bukas.
Akalain mo, nakarating sa college ang mga pasaway na ito na papetiks-petiks lang pero nakaka survive pa rin. Hanga rin ako sa kanila dahil malakas ang loob nila na maghabol ng mga project at assignment within last day ng deadline ng pasahan. Sila na talaga.
Hindi ko na lang sila pinansin at dumiretso ako sa upuan ko sa likod at umupo. Nang makaupo ay naglabas agad ako ng libro at nagsimulang mag-review para sa susunod naming subject kung saan may quiz kami. Wala naman akong close dahil hindi nila matagalan ang ugali ko na sobrang seryoso. Ako rin naman, ayaw kong magkaroon ng kaibigan. Masiyadong mainitin ang ulo ko at maiinis lamang ako kung panay ang daldal nila habang nag-aaral ako. Tama na ang madaldal na kapatid ko sa bahay namin. Baka matuluyan na ako kung madadagdagan pa ng madaldal at mga makukulit na ibang tao. You know, it's better to be alone than to fit yourself to those people that you know you have never been compatible with. Mas okay na ito kaysa ipagsiksikan ko ang sarili ko sa mga taong puwede akong plastikin.
Nagfo-focus sa pagrereview nang biglang tumahimik ang paligid kaya nag-angat ako ng tingin at napatingin sa paligid. Lahat sila ay tulala at laglag ang panga habang nakatingin sa harap kaya napatingin rin ako do'n.
Doon ko lang napagtanto na dumating na pala ang professor namin kasama ang isang matangkad at guwapong lalaki na sa tingin ko ay kaedad ko lang din na nasa tabi niya.
Napasimangot ako. Kaya naman pala gano'n na lamang ang reaksyon ng mga kaklase ko. Basta talaga gwapo, hays....
Ano bang mapapala nila sa gwapo? Mapapakain ba sila ng kaguwapuhan ng mga iyan? Ako kasi mas type ko sa lalaki iyong kahit hindi kaguwapuhan basta praktikal, madiskarte at matured. Kahit matanda lang ng ilang taon sa akin basta kaya akong buhayin at kaya niyang dalhin ang sarili niya. Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay clingy, madaldal, burara at higit sa lahat ay masiyadong naka depende sa akin. Dala-dala ko na nga ang problema namin na pamilya, dadagdag pa ang isang lalaki. Baka naman makuba na ako sa bigat ng pasanin ko kaya no…no. Isang malaking NO sa mga lalaking pabigat at puro papogi lang ang alam!
"Good morning, class. As you can see, may bago kayong kaklase. Galing siya sa ibang bansa kaya treat him well," malakas na anunsyo ng Professor namin dahilan para matauhan ako.
Umayos ako ng upo bago isinandal ang likod ko sa upuan habang tamad na nakatingin sa lalaking nasa gilid ng professor namin na maayos ang postura na nakatayo habang nakatutok ang atensyon sa harap.
"Ang guwapo, gago!" mahinang tili ng babae sa harap ko.
"Oo nga beh at ang hot pa," segunda naman ng katabi niya.
"Sana maka date ko siya." Bakas ang paghahangad sa boses ng babaeng nasa harap ko.
"Tsk! Asa ka pa! Kung pagbabasehan pa lang sa mukha ng lalaki. Halatang hindi ikaw ang tipo niya," pambabara ng kaibigan niya bago umirap.
"Grabe ka naman sa akin. Maganda naman ako ah?"
"Sa mata ng mama mo."
Eksaheradong napahawak sa dibdib ang babae sa harap ko. "Ouch nakakahurt ka naman ng feelings. Kaibigan ba talaga kita?"
"Just stating the facts."
"Wow english!"
"Naman!"
Bulungan nila na kung matatawag pa bang bulungan iyon e rinig na rinig nga hanggang dito.
"Quiet Class! Now introduce yourself Mr." sita ni Prof sa classmate ko na agad namang tumahimik.
"Hi. My name is John Marco Rodriguez
but you can call me JM for short. I came from the United States and I am not really fluent in Tagalog. I hope we can get along. Nice to meet you," pakilala niya bago nilibot ang paningin sa paligid.
Saktong nagtama ang paningin namin. Hindi ako nag-iwas at nanatiling nakatingin sa kaniya. Gano'n din siya sa akin. He just smiled and I frowned. Base sa malinis at plantsadong uniporme niya dagdag pa ang makintab na sapatos niya ay halatang galing siya sa mayaman o may kayang pamilya. Mabait naman siya at mukhang friendly rin hindi katulad ng ibang mayayaman na matapobre.
Muling nag-ingay ang mga kaklase ko. Nakita ko pang pasimpleng naglabas ng cellphone ang ibang mga babae at nag-open ng f*******: para i search ang pangalan ng bago naming kaklase.
"Class, please lower your voice!" saway sa amin ng professor bago muling bumaling sa transferee. "Mr. Rodriguez, you can take a seat. Maraming vacant dito. Feel free to choose wherever you are comfortable."
Umikot naman ang mata ng bago naming kaklase sa buong room para humanap ng vacant seat at saktong lumanding ang tingin niya sa bakanteng upuan sa tabi ko.
Agad na nagsalubong ang kilay ko. Mukhang alam ko na kung saan siya uupo. Sa dinami-raming upuan sa paligid, bakit dito pa niya naisipan na umupo?
"Miss, can I sit beside you?" tanong ng lalaki na hindi ko namalayan na nakarating na pala sa harap ko.
"Okay," labag sa loob na sagot ko bago muling tumingin sa harap kung saan nagsimula ng magturo ang professor namin.
Masiyado akong focus nang may kumalabit sa akin. Nag-angat ako ng tingin kay… sino nga 'to? Ah basta. Nanatili itong nakatayo sa tabi ko.
"Ah Miss," tawag niya.
"Bakit?" Taas-kilay na tanong ko.
"Your things." Turo niya sa mga gamit ko na nakalagay sa bakanteng upuan na uupuan niya sana.
Mula sa kaniya ay lumipat ang tingin ko roon bago dali-dali itong kinuha. "S-sorry."
"It's all right." Mabait itong ngumiti.
Umupo siya sa tabi ko nang malinis ko na ang upuan niya.
"I'm John Marco by the way," aniya bago naglahad ng kamay.
"Marie," tipid na sabi ko bago tinanggap ang kamay niya.
Mabilis ko rin itong binitawan at tinuon ang atensyon ko sa harap. Isa't kalahating oras ang tinagal bago kami tuluyang pinakawalan ng professor namin.
Nagliligpit ako ng gamit para makapunta na sa next subject nang may kumalabit sa balikat ko kaya lumingon ako sa likod at nakita ko si JM na nakakamot sa batok na parang nahihiya.
Tuluyan ko siyang hinatap. "Ano 'yon? May kailangan ka?" direktang tanong ko sa kaniya dahil may next class pa ako na hahabulin.
Kinagat niya ang labi niya bago naglakas loob na salubungin ang tingin ko. "May I ask where room A-23 is?" tanong niya.
"Ah doon ba rin ba ang punta mo? Sumabay ka na sa akin, doon din kasi ang rom ko," sabi ko at nauna nang lumabas.
Naramdaman ko namang nakasunod siya kaya nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa room na walang masiyadong imikan.
"Dito na tayo," wika ko sabay harap sa kaniya.
"Thank you," aniya sabay ngiti.
Tumango lang ako at pumasok na sa room. Sumunod naman sya at umupo sa tabi ko. Pinabayaan ko nalang dahil hindi ko naman pagmamay-ari ang upuan sa tabi ko. Hanggang sa dumating na si professor namin at nagsimula na ang klase.
Pagkatapos ng tatlong class ko ay sa wakas break time na rin. Hindi ko kaklase si Marco sa ikatlong class ko. Pagkatapos kong ligpitin ang gamit ay lumabas na ako sa room para pumunta sa cafeteria nang matigilan ako nang makita ko si Marco na nakasandal sa dingding na katabi ng pintuan na animo'y may hinihintay.
Akmang lalagpasan ko na sana siya nang nagsalita siya
"You're already there," biglang sabi nya bago umalis sa pagkakasandal sa pader.
Kumunot ang noo ko bago luminga-linga sa paligid. Tinuro ko ang sarili ko.
"Ako ba ang kinakausap mo?" tanong ko. Baka kasi nagkakamali lang ako. Hindi naman kami masiyadong close para kausapin niya.
Tumango siya. "Yes, I've been waiting for you."
"Bakit? May kailangan ka ba?"
Muli siyang tumango. "Yes. Can you guide me in the cafeteria? You are the only one I know and I am still not familiar in this place." Nahihiyang ngumiti siya pagkatapos.
"Okay. Just follow me," ani ko bago naunang naglakad patungo cafeteria.
Walang imik naman syang sumunod
hanggang sa makarating na kami. Dumiretso na kami sa counter para mag-order. Wala pa kasing masiyadong tao kaya hindi mahaba ang pila na siyang ipinagpapasalamat ko. Mabuti na lang at maalalahanin ang guro ko sa huling klase ko dahil 5 minutes earlier niya kami pinag-break para lang mauna kami rito sa cafeteria.
"Anosa inyo?" tanong sa amin ng tindera.
"Hmm.. carbonara po sa akin at pineapple juice, ikaw?" Baling ko sa kasama ko na nakatingin sa akin.
"Same here," sagot niya.
Nagbayad na kami. Dumiretso kami sa bakanteng table pagkatapos naming kunin ang order namin.
Tahimik lang kaming kumakain nang bigla siyang magsalita.
"Wait, what's your full name again? I've been with you for a while but I still don't know anything about you," wika niya sa american accent niya.
Hindi ko sana siya sasagutin dahil tinatamad akong magsalita pero may biglang pumasok na kalokohan sa isip ko kaya ngumisi ako.
"I'm Ocean Marie Santiago but you can just call me Mars," sagot ko habang nakangisi sa kaniya.
"Nice name, Mars. It's suits you," puri niya.
"Thanks," tugon ko bago tumango sa kaniya.
"By the way can you be my friend? I don't have any friends here yet and I just met you and I think you are nice person so please be my best friend. Don't worry I will always treat you a food."
Sumimangot ako sa huling pahayag niga. "Para namang pinapalabas mo na pera lang ang habol ko sa iyo."
"Oh no! I know you're not that kind of person, that's why I am willing to be friend with you… please accept my friendship please." Pakiusap niya.
Tiningnan ko siya. Mukha naman siyang hindi masama. Wala rin siyang masiyadong kaibigan dito dahil bago lang siya kaya nakakaawa naman kung hindi ko tatanggapin ang alok niyang maging kaibigan siya. Alam kong medyo mahihirapan siyang makahanap ng kaibigan dahil na rin mahirap makipag-usap sa hindi natin ka lengwahe but he can understand tagalog naman. Hirap nga lang minsan intindihin ang sinasabi niya dahil bukod sa mabilis siyang magsalita ay may accent din siya.
"Okay." Pagpayag ko habang nanatiling nakayuko sa pagkain ko.
"Really?!" awang ang labing tanong niya.
"Oo nga," nakasimangot na sagot ko habang pinapaikot sa tinidor ang pasta.
"Thanks God! I already have a friend. I thought I would be a loner here," buntong-hininga niya bago masayang ngumiti.
"And why is that?" I asked while looking at me.
Ngumisi siya. "Because the people in the US are different and I'm right that the Filipinos are really kind."
Nagkibit-balikat lamang ako at hindi na sumagot pa. Kung alam niya lang kung gaano ka gulo ang Pilipinas.
"Do you still have time after we eat??"
Kumunot ang noo ko. "Oo, bakit?"
"Great! Can you tour around the campus so I can get familiar here?"
"Sure," tipid na sagot ko at nagpatuloy na sa pagkain.
Ngumiti siya bago maganang sumabay sa akin sa pagkain.