"Hey, are you okay?" Nasa tabi ko na pala si Nikki. Hindi ko man lang namalayan na parating na siya. Abala ang aking isip sa pag-iisip kay Sid. Erase! Erase! Nilingon ko si Nikki at ngumiti na para bang okay lang ang lahat kahit ang totoo ay hindi. "Andiyan ka na pala. Maganda ba itong unan na napili ko?" Tumango lang siya pero halatang hindi siya kumbinsido sa ngiting ipinakita ko base sa pagkakatitig niya sa akin. "Ito na ang pipiliin ko. Teka, ano pa bang kulang?" Nagpalinga-linga ako sa paligid para hanapin ang dapat ko pang bilhin. Chineck ko rin ang aking mga pinamili. "May nangyari ba na hindi ko alam?" tanong ni Nikki na naka-cross arm. "Kumpleto na pala ang pinamili ko, bayaran na natin." Hindi ko pinansin ang sinabi niya at naglakad lang ako papunta sa counter. Sumunod nama

