Nag-leave si Nikki sa company para masamahan niya ako sa pag-uwi ng Davao. Sumakay kami ng eroplano para mabilis lang ang biyahe. Nakarating agad kami sa Davao nang wala pang 12noon. "Ate, andito na kami sa airport." Kausap ko si Ate sa cellphone. Tinawagan ko siya para ipaalam na nakalapag na ang eroplanong sinakyan namin at para malaman ng susundo sa amin na nandito na kami. "Nandiyan na rin si Arman. Siya ang susundo sa inyo." Si Kuya Arman ang asawa ni Ate Alliyah. Taga-Davao din ito. Kababayan at kababata ni Ate. Regular sa isang company sa EPZA si Kuya Arman pero nag-resign na ito nang magpasya si Ate Alliyah na manirahan na lang ulit dito sa Davao. Wala rin kasing mag-aalaga kay Inay. Luminga ako sa paligid at nakita ko ang pagkaway ni Kuya Arman sa di-kalayuan. Masayang kumaway

