Ate Alliyah is calling... Kunot ang noong sinagot ko ang tawag na iyon ni ate. Nakapagtataka kasi ang biglaan niyang pagtawag. Ngayon lang siya tumawag sa akin mula nang umalis ako sa bahay. Hindi man lang siya nangumusta sa akin kahit minsan. Kahit ilang beses kong sinubukang tawagan at i-text siya ay hindi niya sinasagot. Talagang tiniis niya ako pero inintindi ko iyon. Hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa kanya. Ako ang may kasalanan kaya dapat kong panindigan. Natuto na ako sa aking pagkakamali at napagsisihan ko na rin. "Hello Ate..." bungad na bati ko pagkatapos kong pindutin ang answer button ng aking celphone. Sa halip na sagot ay isang malakas na pag-iyak ang narinig ko mula sa kanya. Bigla akong nag-alala. Hindi naman kasi basta-basta umiiyak si Ate Alliyah ng walang malali

