Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata nang tumunog ang alarm clock na nasa side table. Kinuha ko ito at pinatay ang alarm. Bumangon na ako para maghanda sa pagpasok pero bigla akong nakaramdam ng pagkahilo at p*******t ng ulo. Napahawak ako sa aking noo. "Ang sakit ng ulo ko," nasambit ko. Pinilit ko pa ring tumayo at magtungo sa banyo pero umiikot talaga ang paningin ko. Bago pa man ako makalapit at makahawak sa seradura ng pinto ng banyo ay tuluyan nang nag-blangko ang paningin ko at bumagsak sa sahig. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog pero pagdilat ng aking mata, maliwanag ang paligid. Tiyak kong wala ako sa aking kuwarto. Kumunot ang aking noo nang makita si Ate Alliyah sa tabi ko. "Mabuti at gising ka na," halatang masama ang timpla niya. Ni hindi ko nakitaan ng

