Kanina ko pa pinagmamasdan si Allena mula dito sa aking kinatatayuan. Nagdadalawang isip ako kung lalapitan ko ba siya o hindi. Kanina pa siya sa ginagawa niya pero hindi niya matapos-tapos dahil panay ang pahid niya sa kanyang mga luha. Basang-basa na nga yata ang panyong ginagamit niya. Mabuti na nga lang at walang pakialam ang line leader namin dahil busy ito ngayon sa pakikipag-meeting sa mga supervisors.
Nakakairita talaga siya. Gusto ko siyang sabunutan dahil sa karupukan niya. Ayokong nakikita siyang umiiyak dahil sa walang kuwentang lalaking iyon. He don't deserve her tears even the single drop of it.
Hay naku.
Padabog akong lumapit sa kanya kasabay ang pagdukot ng panyo sa aking bulsa at inabot iyon sa kanya.
"Palitan mo na iyang panyo mo. Puwede na iyang pigain dahil sa dami ng luha mo," mataray na sabi ko.
Napatingin siya sa akin. Halatang nagulat siya sa presensiya ko pero nakita ko rin ang bahagyang pagniningning ng mga mata niya. Halatang natuwa siya na makita ako at kulang na lang ay yakapin niya ako tulad ng lagi niyang ginagawa.
"Nikki..." usal niya saka tipid na ngumiti. Tinanggap niya ang panyong inalok ko at humihikbing ipinunas iyon sa kanyang mga mata.
"No one else but me... Amihan, ang Reyna ng Encantandia," pabirong pakilala ko. "Anyways, ang pangit mo kapag umiiyak. Tantanan mo na nga iyan, hindi bagay."
Bahagya siyang natawa pero hindi pa rin tumigil sa pag-iyak sa halip lalo pa yata iyong lumakas. Eskandalosa rin itong bruhang ito kung minsan. Kaloka. Sarap sabunutan.
Hinatak ko siya at niyakap palapit sa dibdib ko. "Oh iyan, may hug na, tumahimik ka na. Nakakahiya ka."
"Sorry na, Nikki. Hindi ko mapigilan umiyak e. Ang tanga-tanga ko kasi."
"Buti alam mo."
"Naman e. Alam ko naman talaga pero kasi..."
"Huwag ka na mag-explain. Marupok ka talaga. Kailangan sa'yo, sementadong puso para hindi nabubuwag."
"Puro ka talaga biro." Marahan niya akong hinampas sa braso. Nakita ko ang ngiti sa labi niya kahit pa nga may luha pa rin sa kanyang mga mata. Pinahid ko iyon ng aking magandang daliri.
"Sinasayang mo ang kristal sa mga mata mo. Inilalabas lang ito sa mga taong deserving."
"Okay. Promise hindi na ako iiyak dahil sa kanya. Ngayon pang nalaman ko na ang tunay na kulay niya. Sana talaga nakinig na lang ako sa'yo noon."
"Pasaway ka kasi. Mas pinaniwalaan mo pa ang fuckboy na iyon kaysa sa amin na true friend mo. You know naman na we want the best for you."
"Now I learned my lesson."
"Aba dapat lang! Ang katangahan, hindi inuulit iyan."
"Grabe ka sa akin." Lumabi siya na nagpa-cute sa itsura niya. Sinabi ko bang naku-cute-tan ako sa kanya? No! Pero sabagay dati pa naman siyang cute lalo na ang biloy sa kanyang kaliwang pisngi. Pero hindi ibig sabihin na naku-cute-tan ako ay may ibang meaning na iyon. Cute lang talaga siya, period. Bakit ba ang defensive ko? Ano bang ipinaglalaban ko?
Napailing ako ng ilang beses para burahin kung anoman ang nasa isip ko. Kung saan-saan kasi napupunta ang isip ko, ayaw mag-behave.
"Okay ka lang?" nagtatakang tanong ni Allena nang mapansin ang ilang ulit kong pag-iling. Hindi na siya umiiyak pero humihikbi-hikbi pa rin.
"Ofcourse, I'm okay. Ikaw nga itong hindi okay 'di ba? Bakit binabaligtad mo ako?"
"Para kasing ang lalim din ng iniisip mo e. Galit ka pa rin ba sa akin?"
"Lalapitan ba kita dito kung galit pa rin ako sa'yo? Kahit sinabi kong itinatakwil ka na sa Encantadia, hindi pa rin kita puwedeng pabayaan 'no?"
"Salamat, Niks. Siya nga pala, may inaalala pa pala ako."
"Ano iyon?"
"Baka ma-terminate ako. Nasaktan ko kasi kanina si Sid dahil sa narinig kong sinabi niya kanina. Nag-aalala ako na baka makarating sa HR ang ginawa ko."
"Don't worry, hindi ka mate-terminate. Kakausapin ko si Eula para pagaanin ang sintensiya mo." Si Eula ang head ng HR na nagkataong pinsan ko. Madali lang namang bilugin ang ulo noon basta suhulan lang ng paborito niyang lipstick with free make up pa care of my talent.
"Salamat, Nikki. Love talaga kita."
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong halikan sa pisngi. Sanay na ako sa sobrang pagiging clingy niya pero minsan nakakagulat pa rin talaga ang mga action niya. Parang binubuhay niya ang pagiging Adonis ko.
Iwwww! Hindi puwede! Never!
Agad kong pinunasan ang laway niyang dumikit sa pisngi ko. "Don't kiss my cheeks ever again kundi sasabunutan na talaga kita. Naka-reserved ito sa Oppa ng buhay ko."
"Arte mo talaga bakla."
"Tse!" Inirapan ko siya at bahagyang tinulak. Tawa lang ang itinugon niya.
"Allena, sabi ni Ma'am Kathy, tawagin mo raw si Sir Sid. May problema daw sa testing machine at kailangan ng engineer," biglang sabi ng mahaderang si Flor nang makalapit sa amin. Panira talaga ito ng eksena kahit kailan.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Bakit kailangang si Allena pa ang tumawag e puwede namang ipa-page o kaya ikaw na lang ang tumawag?"
"Sabihin mo iyan kay Ma'am Kathy at huwag sa akin," pagtataray din ng bruha. Umirap pa saka kami tinalikuran. Akala mo, maganda e tinubuan lang naman ng mukha ang tagyawat niya.
Aktong tatayo na si Allena sa kinauupuan niya pero pinigilan ko siya.
"Saan mo balak pumunta, aber?"
"Kay Sid."
"Manahimik ka diyan sa puwesto mo. Ako ang makikipagtuos sa kanya." Nag-cross arm pa ako saka nagmartsa patungo sa engineering department.
"Nasaan ang fuckboy este si Sir Albert Isidro?" tanong ko kay Maynard, isa rin sa mga engineer na naka-assign naman sa ibang line.
"Naku hindi siya puwedeng istorbohin ngayon. Busy siya sa pagkalikot este sa ginagawa niya. Ano bang problema? Baka puwedeng ako na lang ang gumawa?"
"Kapag naging si Albert Isidro ka na saka mo puwedeng gawin ang trabaho niya," pilosopong sagot ko. "Siya ang kailangan sa line namin kaya sabihin mo na kung nasaan siya? Oramismo! Sinasayang mo ang oras ko."
"Taray mo naman, Barbie," biro nito sabay akbay sa akin.
"Wala ako sa mood makipagbiruan kaya sabihin mo na kung nasaan siya kung ayaw mong masaktan." Inambaan ko siya ng suntok sa sikmura kaya napaurong siya.
"Minsan lumalabas ang pagiging lalaki mo. For real na ba talaga ang pagiging beki mo?"
"Ang dami mong sinasabi. Sabihin mo na lang kung nasaan ang Hari ng mga Hathor!" Umikot na ang eyeballs ko dahil sa sobrang inis.
"Nandoon sa warehouse pero baka hindi pa siya tapos sa kinakalikot niya," anito sabay turo sa gawing kanan kung saan may malaking steel door na bahagyang nakasara.
"I don't care." Nagmartsa na ako papasok sa warehouse na ewan ko kung bakit ang dilim-dilim e pang-umaga naman kami. Saka lunch break yata ngayon ng mga staff dito, parang walang katao-tao.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarinig ako ng ungol.
"Aaaahhh... oooohhh!"
Ang laswa ng boses, parang may ginagawang milagro. Dahan-dahan akong lumapit sa pinanggagalingan ng ungol at nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita. Natutop ko ang aking bibig bago ko pa man maisigaw ang salitang "Oh my God!"
"Aaaahh, sige pa. Make it hard! Oohhh!" sabi pa ng babae na halatang sarap na sarap sa ginagawa ng kapareha. Nakatuwad ito habang nakatuon ang dalawang kamay sa pader. Hindi maipinta ang mukha nito habang hinahayaan ang lalaki sa ginagawa nito sa likuran.
"Ssshh. Huwag kang masyadong maingay, baka may makarinig sa atin," saway ng lalaking katalik nito habang tuloy-tuloy pa rin sa pagbayo sa likod ng babae. Nakadamit naman ang mga ito pero nakataas ang palda ng babae at nakababa naman ang pantalon ng lalaki. Hawak pa ng lalaki ang pang-upo ng babae at tila gigil na gigil.
"Sino namang makakarinig sa atin? Wala namang pumapasok sa warehouse ng ganitong oras," sagot pa ng babae.
Kampanteng-kampante silang dalawa sa ginagawang kababalaghan. Hindi nila alam na narito ako at abalang nanonood at nire-record ang ginagawa nila. Akala nila palalagpasin ko ang kalokohan nilang ito, puwes nagkakamali sila. Girlscout yata ako, handa ang cell phone ko to capture every single moment. Pakasarap lang kayo. Napangisi ako sa aking naisip.
Tuloy-tuloy sa pagbayo ang lalaki, halatang ganado sa ginagawa habang ang babae ay sarap na sarap din sa ginagawa sa kanya.
"I'm cumming..." Tila hinihingal na ang lalaki nang sabihin iyon.
"Yeah, me too..."
Pero bago pa man nila ilabas ang dapat nilang ilabas, sumigaw na ako ng... "okay, cut!" Lumabas ako sa pinagtataguan ko matapos kong ibulsa ang aking cell phone. Pumapalakpak na lumapit ako sa kanila. Halata ang labis na pagkagulat sa mga mata nila. Tila sila natuklaw ng ahas at hindi makagalaw. Naka-post pa sila na magkadikit ang mga sandata nila. Nakakatawa talaga. Ni hindi nagawa ng lalaki na hugutin iyon.
"Nicholas!" bulalas ni Sid na nanlalaki ang mga mata.
"Huli ka balbon. Anong pakiramdam na ma-caught in the act? Ang hot ng scene, pasado sa takilya. Tiyak na pipilahan ng madla."
"You... bastard!"
Mabilis niyang hinugot ang sandata na nakabaon sa lagusan ng babaeng katalik. Galit na galit siya habang inaayos ang pantalon. Mabilis siyang nakalapit sa akin at kinuwelyuhan ako. Dahil mas malaki ang katawan niya sa akin, bahagya akong umangat sa lupa. Pero hindi ako nasindak sa kanya. Nasa akin ang alas kaya hindi ako patatalo sa kanya.
"Give me your phone now!" utos niya sa akin.
"Bakit ko ibibigay sa'yo? Mahal pa iyon sa buhay mo. Hindi mo iyon kayang bayaran."
"Gusto mong hindi na makalabas ng buhay dito, bakla ka?"
"Baka ikaw ang hindi na makalabas dito dahil sa kahihiyan. Ano kayang reaction ng mga taong makakita ng scandal ninyong dalawa? Tiyak na trending kayo sa buong company. Supervisor and engineer in warehouse making miracle." Ngumisi pa ako na lalo niyang kinainis. Binitiwan niya ako sa kuwelyo saka pabalyang itinulak. Tumama ang balakang ko sa sahig.
"Aray ko! Ang sakit a," mahinang daing ko habang hinihimas ang balakang ko. Tumayo agad ako at pinagpag ang pantalon ko. Buti na lang at hindi niya sinapak ang mukha ko kundi magsisisi talaga siya. Wala pang sumisira sa makinis kong mukha.
"Delete it now!" Malakas na sigaw niya sa akin. Lumalabas na ang litid niya sa leeg sa sobrang galit. Nakita ko naman ang takot na reaksyon ng babaeng katalik niya kanina.
"I'm sorry Master but it's too late. Na-send ko na po sa HR ang scandal ninyo. Sila na po ang bahalang humusga at kayong dalawa na rin ang magdesisyon kung lalabas pa kayo sa warehouse na ito o itutuloy na lang ang kababalaghang ginagawa ninyo," may pangungutyang sabi ko. Tinalikuran ko na ang mga ito pero bago pa ako makalayo ay binantaan pa niya ako.
"Nicholas, you will pay for this! I'll kill you, bastard!"
Nilingon ko siya at isinenyas sa aking daliri ang hugis baril at itinutok iyon sa kanya. "Bang!" Nakakalokong sabi ko saka tinalikuran na nang tuluyan ang mga ito. Bahala siyang umusok sa galit. Kahit pumutok pa siya na parang bulkan, I don't care. Hindi ako natatakot sa kanya dahil alam kong hindi niya ako magagawang patayin sa loob ng warehouse na ito. Takot na lang niyang makulong.
Narinig ko pa ang pagtatalo nilang dalawa bago ako tuluyang nakalayo.
"What we're going to do?" Nag-aalala ang boses ng babae.
"Shut up! Kasalanan mo ito!" Galit na galit ang boses ni Sid, halatang frustrated ito.
"Kasalanan ko? Damn you! Ako ang sinisisi mo sa kalibugan mo?"
"Bakit? Ako lang ba ang malibog dito? Hindi ba't inakit mo lang ako kaya mo ako napapayag na makipag-s*x sa'yo? Sa sobrang libog mo payag ka nga kahit sa kalye lang kita galawin."
Isang malakas na sampal ang narinig ko at padabog na mga yabag palabas. Nilingon ko pa ito at kitang-kita ko ang nagngingitngit na mukha ni Ma'am Sheena, ang aming butihing supervisor na nasa loob din pala ang kulo. Napangisi ako nang tumingin siya nang masama sa akin. Tinalikuran ko na lang siya at nagbalik na sa department na naka-assign sa akin.
Paglabas namin ng production ay trending na agad ang balita sa company tungkol kina Ma'am Sheena at Sir Sid. 2nd break namin para sa hapon na iyon at bumungad agad sa amin ang mga katrabaho namin a.k.a mga tsismosang kapitbahay na nag-uusap-usap.
"Alam ninyo ba kung bakit biglaan ang pagre-resign nina Ma'am Sheena at Sir Sid?" tanong ng isang babae sa mga kasama nito. Kumpulan ang mga ito sa isang lamesa malapit sa amin. Nasa canteen na kami ngayon at nakahanda na sa hapag ang mga inorder namin. Miryenda time kaya pancit, tinapay at softdrinks ang inorder naming dalawa.
"Ewan ko nga ba? Parang kanina naman okay sila at parang wala namang problema maliban na lang sa balitang nag-away daw sina Allena at Sid sa may locker area."
Sabay-sabay silang tumingin sa gawi namin ni Allena. Tinaasan ko sila ng kilay.
"Anong tinitingin-tingin ninyo?"
"May kinalaman ka ba sa pagre-resign ni Sir Sid?" tanong ni Lina na nakatingin kay Allena.
"Wala siyang alam at wala siyang pakialam," muli kong sabat.
"Bakit wala? E 'di ba boyfriend niya iyon?"
"Correction, EX boyfriend as in ekis, erase, cancel, finish! Wala na sila," tugon ko pa.
"Bakit ba ikaw ang sumasagot para kay Allena?"
"Oo nga," segunda naman ng mga kasama nito.
"Spokesperson niya ako, may reklamo kayo?"
Hindi na sumagot ang mga ito sa halip ay inirapan pa ako. Akala mo mga kagandahan, mukha namang mga julalay at extra sa pelikula ang mga characters ng mga ito. Mga pashnea.
"Ano ba kasi talagang nangyari? May kinalaman ka ba?" tanong ni Allena sa akin.
"Ma at Pa. Malay ko at pakialam ko. Bakit hindi si Sid ang tanungin mo kung anong milagro ang pinaggagagawa niya sa buhay niya?" Sumubo ako ng pancit at tinapay.
"Kanina nagpunta ka sa warehouse para tawagin si Sid 'di ba? Anong sinabi mo sa kanya para magdesisyon siyang mag-resign?"
"Wala."
"Nikki... magsabi ka ng totoo."
Ibinaba ko ang tinidor na hawak ko saka siya tiningnan.
"Hindi mo na kailangang malaman pa kung ano man ang dahilan ng fuckboy na iyon, ang mahalaga, mawawala na siya sa landas mo. Hindi mo na siya makikita pa."
"Pero Nikki, nakakapagtaka lang kasi."
"Alam mo, isa ka ring etchuserang frog. Kumain ka na nga. Baka mawalan ako ng gana. Daming puwedeng pag-usapan, huwag na iyong tungkol sa fuckboy okay?"
Kumibit balikat lang siya pero halatang hindi pa rin ito mapalagay. Hindi ko naman puwedeng sabihin sa kanya ang totoo. Masasaktan lang siya. Mabuti na nga lang at ako lang ang nakakita sa kababalaghang ginagawa ng Sid na iyon dahil kung siya ang nakakita, malamang na bubuhos na naman ng isang drum na luha.
"Hindi pa tayo tapos, Nicholas!" Nagulat kami nang biglang sumulpot si Sid sa harap namin hawak ang isang tinidor at itinutok sa akin. Galit na galit at nanlilisik ang mga mata nito. "Now you win but wait for my revenge," pagbabanta pa nito saka ibinagsak ang tinidor sa lamesa. Matapos iyon ay tinalikuran na kami at nagmamadaling lumabas ng canteen.
Ramdam ko naman na lahat ng mga nasa paligid ko ay sa akin nakatingin at nagtataka kung bakit ganoon na lang ako kung pagbantaan ng Sid na iyon. Tumingin ako kay Allena na ngayon ay nakatitig din sa akin na puno ng pagtataka.
"What?" Kibit balikat na tanong ko.
"Explain," seryosong sabi niya pero hindi ako sumagot sa halip ay ipinagpatuloy ang pagkain ko. No need to explain, tulad ng sabi ko, masasaktan lang siya at ayokong mangyari iyon. Let's keep it a secret. Tutal, ako lang naman talaga ang nakakaalam, ni ang HR ay walang alam. Hindi ko naman talaga sinend ang video at naka-save lang iyon sa phone ko. For emergency purposes lang at kung talagang kakailanganin ko ng ebidensiya laban sa lalaking iyon. Mabuti na iyong may pang-blackmail. Effective naman dahil wala pa man akong ginagawa, kumagat na siya sa pain ko. Evicted na siya with bonus pa na malanding haliparot. Buti nga sa kanila. They deserve it. Karma is real.
"Nikki, please tell me. Bakit ka pinagbantaan ni Sid?" Ang kulit talaga ng babaeng ito. Ni hindi na itinuloy ang pagkain, malaman lang ang dahilan ng nangyari.
"Never mind it, please."
"Hindi puwedeng never mind. Binantaan ka niya at mukhang seryoso siya sa banta niya. Pero bakit ka niya pagbabantaan? Siguradong may ginawa ka."
"Allena, kung may ginawa man ako, it's for your own good."
"Anong ibig mong sabihin?"
"You don't deserve him. Marami pang lalaki ang magkakagusto sa'yo at mamahalin ka. Mabuti na iyang wala na si Sid para makapag-move on ka."
"Pero ano ngang ginawa mo?"
"It's a secret. Just trust me. Huwag ka nang mag-alala sa banta ng fuckboy na iyon. Hanggang salita lang naman iyon at saka, hindi siya uubra sa brilyante ng hangin na hawak ko," sabi ko sabay kindat.
"Puro ka talaga biro. Sa totoo lang, kinakabahan ako sa banta na iyon ni Sid. Ngayon ko lang siya nakitang ganoon." Bakas pa rin talaga ang pag-aalala sa kanyang mukha.
"Bakit ka pa mag-aalala e, magre-resign na nga ang fuckboy na iyon? Wala na siyang magagawa pa sa akin."
Malalim na buntong hininga ang itinugon niya. Hinawakan ko ang kamay niya at bahagyang pinisil iyon. Tiningnan ko rin siya sa kanyang mga mata.
"Kung may gawin man sa akin ang lalaking iyon, kaya ko ang sarili ko. You don't have to worry."
Tumango naman siya. "Sige pero mag-iingat ka. Ayokong may mangyaring masama sa'yo dahil sisisihin ko talaga ang sarili ko. Alam kong dahil sa akin kaya ka pinagbantaan ni Sid."
"Promise, mag-iingat ako. Maglalagay ako ng kalasag sa buong Encantadia para hindi mapasok ng mga Hathor," muling pagbibiro ko.
"Pasaway ka talaga," sabi niya kasabay ang mahinang pagtawa.
"Poprotektahan natin ang buong Lireo. Poprotektahan natin ang isa't isa. Hindi natin hahayaang may sumira sa atin. Lalaban tayong mga Sang're." Tinaas ko pa ang aking kanang kamay na lalong ikinatawa niya. Masaya na akong makitang nakatawa ulit siya.