Chapter 5

2987 Words
"Huwag nga kayong sobrang clingy, nakakadiri kayo." Pinaikot pa ni Nikki ang eyeballs matapos kaming tingnan ni Sid. Magka-holding hands kasi kami at nakasandal ako sa kanyang dibdib habang ang isang kamay pa ni Sid ay nakayakap sa akin. May ngiti sa mga labi namin habang masayang nagkukuwentuhan. Kasama namin ngayon sina Nikki at Giselle sa isang fast food restaurant. Dito namin ipinagdiwang ang aming 2nd monthsary ni Sid pati ang pagkaka-regular ko sa trabaho. Double celebration 'ika nga. Matapos ang halos isang buwan lang na panliligaw sa akin ni Sid, sinagot ko rin siya. Hindi nga lang ako ang niligawan niya, pati na rin sina Giselle at Nikki pero kahit ano sigurong tumbling ang gawin ni Sid ay hindi siya makakatikim ng kahit isang thumbs up lang sa kanila. Tinawanan lang namin ang sinabi ni Nikki. Sa halip na mahiya si Sid ay hinalikan pa niya ang likod ng aking palad. "Normal lang sa mag-boyfriend ang pagiging sweet lalo na kung mahal nila ang isa't isa," anito na sa akin nakatitig. Lalo tuloy akong nai-inlove sa mga pinagsasasabi niya. "Mahal mo ba talaga o brilyante lang ang habol mo?" diretsahang tanong ni Nikki na nakasimangot pa rin. Kahit sinabi niya na okay na sa kanya si Sid ay hindi pa rin mawala ang disgusto niya rito. Para bang napipilitan na lang itong makisama dahil sa akin. "Nikki..." pagsaway ko sa kanya. Bahagya ko siyang pinanlakihan ng mata. Nakakahiya kasi kay Sid. Hindi dapat niya sinasabi ang ganoon. "How many times I will prove to you that my intention to Allena was pure?" Parang naiinis na rin si Sid. Nagsalubong na kasi ang mga kilay nito. "Lokohin mo ang lelang mo," pabulong pang sabi ni Nikki na umiwas ng tingin. "Nikki, 'di ba napag-usapan na natin ito?" "Yeah. That's why I try my very best para lang magustuhan siya but sorry because until now, wala pa rin akong tiwala sa kanya." "Nikki naman..." "Hayaan mo na siya. Ang totoo niyan, I'm planning to invite you in our house. Gusto kong ipakilala na kita sa mga magulang ko. They are excited to meet you." Kumislap naman ang aking mga mata sa excitement. Hindi ako makapaniwala sa sinabi Sid. Ngayon palang ay para ng sinisilihan na ang aking puwet at hindi mapakali. Iniisip ko palang na makakaharap ko na rin sa wakas ang mga magulang ni Sid ay todo-todo na ang aking kaba. Kung ipapakilala niya ako sa magulang niya, ibig sabihin lang nito ay talagang seryoso siya sa akin. Naisip ko tuloy na ipakilala na rin siya kay ate Alliyah para maging pormal na talaga ang pagiging magkasintahan namin. Mahirap din itong patagong relasyon. "Kailan mo ako ipapakilala?" "This coming weekend. So, you must be prepared," nakangiting sabi niya sabay kindat. Tango lang ang tinugon ko. Nakita ko naman sa aking peripheral vision na tila nasuka si Nikki. Hindi ko alam kung talagang nasusuka siya sa kinakain niya o ayaw lang talaga niya ng nakikita ang sweetness namin ni Sid. Tahimik lang naman si Giselle na walang pakialam kundi ang ubusin ang ngayo'y buto na lamang na hita ng manok. Kibit balikat na lang ako at hinayaan sila basta ang alam ko sa ngayon, masaya ako. Ini-imagine ko palang ang paghaharap namin ng mga magulang ni Sid ay hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin. Magustuhan kaya nila ako? Ano kayang itsura ng mga magulang ni Sid? Mabait kaya sila o baka katulad nang napapanood ko sa telenobela na matapobreng mayaman? Naku, sana naman maging maayos ang paghaharap namin ng mga magulang niya. Sana boto sila sa akin. "Sigurado ka na ba sa desisyon mong sasama sa lalaking iyan?" pabulong na sabi sa akin ni Nikki. Nakatayo kami sa may parking lot sa labas ng company. Abala naman si Sid sa pagkuha ng extra helmet sa loob ng compartment ng kanyang motor. Pagkatapos ng trabaho namin ng araw na iyon ay nagdesisyon kami ni Sid na dumiretso na sa bahay nila para makilala ko ang kanyang mga magulang. Sakto naman na Linggo ngayon at wala kaming overtime. Maaga kaming lumabas kaya makakadaan pa kami sa kanilang bahay bago ako umuwi ng aming bahay. Hindi na ako nagpaalam sa ate ko dahil tiyak na hindi ako papayagan noon. Sobrang istrikta noon kaya napipilitan akong magsinungaling na may overtime kami kahit wala. "Wala ng urungan ito, Niks." "Sumama na lang kaya ako sa inyo?" suhestiyon niya na agad kong tinanggihan. "Ano ka ba? Ayokong isipin ng mga magulang ni Sid na may chaperone pa ako." "Parang hindi kasi maganda ang kutob ko sa mangyayari ngayon." "Huwag mo namang sabihin iyan, lalo tuloy akong kinakabahan. Think positive naman." "Hindi mo ako masisisi kung bakit ganito ang kutob ko. Kapag si Sid ang kasama mo, I don't think na safe ka sa kanya. Paano kung may ibang plano ang lalaking iyan?" "Anong ibang plano? Ikaw talaga, napakanega mo." "Nega na kung nega pero ikaw sobrang naive mo naman kung hindi mo maiisip na may hidden agenda ang fuckboy na iyan." "Mahal niya ako, Niks. Hindi niya gagawin kung anoman ang naiisip mo." Umiling-iling ito. "I don't trust him." "But atleast please trust me either." Bumuntong hininga siya. "Ewan ko. Bahala ka na nga." "Don't worry, I'll be safe." Nginitian ko siya upang kalmahin siya at iparating na magiging okay lang ako. "Oh, hindi pa ba kayo tapos magpaalam sa isa't isa? Magkikita pa naman kayo bukas," ani Sid. Tapos na ito sa ginawa at nakasandal na sa kanyang motor. "Oh sige na, mauna na kami. Ingat sa pag-uwi." Humalik ako sa pisngi ni Nikki. "Teka, nasaan pala si Giselle?" nagtatakang tanong ko. Kanina ko pa kasi hindi nakikita ang babaeng iyon. "As usual, mabilis pa sa babaeng nagte-teleport iyon. Akala mo maiiwan ng biyahe pauwi. If I know, may sariling date din ang bruha. Malihim lang." "Ah ganoon ba? Sige, alis na kami." Kinuha ko ang helmet na inaabot ni Sid. Sumakay na ako sa motor ng aking nobyo at yumakap sa kanya mula sa likuran. Marahan naman niyang pinatakbo iyon. Kumaway pa ako kay Nikki bago tuluyan siyang nawala sa aking paningin. Wala pa yatang kinse minutos ang naging biyahe namin, palibhasa ay naka-motor kami kaya madaling makasingit sa traffic. Nakarating agad kami sa isang kilalang subdivision dito sa Cavite. Matapos makilala si Sid ng guard ay pinapasok na kami. Ipinark naman niya ang kanyang motor sa garahe ng isang magarang bahay. Light green at white ang kulay ng kabuuan ng bahay. Maaliwalas sa paningin at may maliit na garden din sa harapan. May terrace din sa 2nd floor. Pumasok kami sa loob ng bahay pero madilim doon, senyales na walang katao-tao. Binuksan niya ang ilaw at saka ko pa lamang nakita ang kagandahan ng buong bahay. Siguro nature lover ang ina ni Sid base sa desenyo na nasa loob ng bahay. Marami ring painting na puro landscape ng iba't ibang lugar. Marami ding mga antiques na naka-display sa iba't ibang bahagi ng bahay. "Nasaan ang mga tao dito? Akala ko ba nandito na ang parents mo?" nagtatakang tanong ko. "Maybe they will come later. Just sit down and relax, honey." Iginiya niya ako sa may sofa para maupo. Hindi ko maintindihan pero mas kinakabahan ako na alam kong wala kaming kasama dito. "Nasaan ang mga katulong ninyo?" Sa laki kasi ng bahay imposibleng wala man lang silang kasambahay na nagtatrabaho para sa kanila. "Day off nila every Sunday. Care to have some drinks?" Tumango lang ako kaya naman nagtungo na siya sa may kusina at mabilis ding bumalik dala na ang dalawang baso ng orange juice. Inilapag niya iyon sa centre table saka tumabi sa akin. "Are you okay?" tanong niya sa akin sabay hawi ng buhok ko. Para akong biglang nakuryente nang gumapang ang kanyang kamay patungo sa aking batok. Hinimas-himas niya iyon. "O-ofcourse, I-I'm okay." Halos mautal na ako dahil sa kaba lalo na at napakalagkit ng titig niya sa akin. Umiwas ako nang tingin dahil nakaramdam ako ng pagkailang. "You're beautiful, Allena," aniya matapos ilapit ang kanyang labi sa aking punong tainga. Nanindig ang aking mga balahibo. Hindi ko alam kung anong klaseng sensasyon ang ipinaparating niya sa akin na lalong nagpapabilis ng t***k ng puso ko. Muli niya akong tinitigan saka inilapat ang kanyang labi sa aking labi. It was a gentle kiss that I can't resist. Kaya naman tumugon ako sa halik na iyon. Hanggang sa lumalim ang halik at naramdaman ko ang paggapang ng kanyang kamay sa aking likuran. Bawat haplos niya ay nag-iiwan ng kakaibang init sa aking katawan. Parang napapaso ako. Nang maramdaman ko na nasa loob na ng aking blouse ang kanyang kamay ay bigla ko siyang pinigilan. Itinigil ko ang halikan naming dalawa at bahagyang lumayo sa kanya. "Sid, baka dumating ang parents mo," nag-aalalang sabi ko. "They are not coming," aniya na ngumisi saka muli akong hinalikan. Itinulak ko siya at kunot ang noong nagtanong muli. "A-akala ko ba ipapakilala mo ako sa kanila?" "Yes but not now. Maybe some other time." "Kung ganoon, umuwi na lang tayo." "We're already home." Ngumisi ito at muli akong hinalikan. Mas mapusok kaysa kanina. "Don't worry and let's just enjoy this night, honey," bulong pa niya bago itinuloy ang ginagawa. Parang alam ko na kung ano ang binabalak niyang gawin pero hindi ko siya magawang awatin. Nadadala ako sa init ng apoy ng pagnanasa niya sa akin. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong buhatin na parang sa bagong kasal. Naglakad siya patungo sa isang silid na naroon at inihiga niya ako sa kama. Lumayo siya sa akin sandali upang hubarin ang kanyang pang-itaas. Napalunok ako nang makita ko ang perpekto niyang abs. Para akong nahipnotismo at ni hindi ko magawang tumayo man lang. Nakatitig lang ako sa kanyang kabuuan. Lumapit muli siya sa akin at inalalayan akong makaupo sa gilid ng kama. Hinalikan niya akong muli saka hinakawan ang laylayan ng aking blouse. Ngumiti siya sa akin at nagtanong, "Are you ready for this, honey?" Alam ko kung ano ang tinutukoy niya at kahit alam kong hindi pa ako handa sa gusto niyang mangyari ay napatango na lang ako. Iyon na ang senyales para dahan-dahan niyang hubarin ang aking blouse kasunod ang aking panloob. Nag-init ang aking mukha nang pakatitigan niya ang aking hinaharap. Tinakipan ko iyon ng aking dalawang braso dahil sa hiya. Inalis din naman agad niya iyon. "Don't be shy, honey. You have a beautiful body, be proud of it." Kitang-kita ko ang pagnanasa sa kanyang mga mata. Muli niya akong hinalikan sa labi na tinugon ko naman. Muling naglikot ang kanyang mahiwagang kamay at hinawakan na niya ang aking hinaharap. Wala akong nagawa kundi ang mapaungol ng mahina. Kahit tumututol ang aking isip ay iba naman ang itinutugon ng aking katawan. Namalayan ko na lang na natanggal na niya ang lahat ng saplot sa aking katawan maging ang pang-ibaba. Wala na akong nararamdamang hiya kundi pagnanasa na rin. Nakikiayon ako sa kung ano ang galaw ng katawan ni Sid. Napasusunod niya ako kahit hindi siya nagsasalita. Maybe that's the power of lust. Handa na ang kanyang sandata upang ipasok sa aking lagusan pero pinigilan ko siya nang maramdaman iyon. Parang hindi ko yata kaya ang sakit, nasa b****a palang iyon pero tila hindi iyon magkakasya sa loob ko. "Sid..." tanging naiusal ko. "Don't worry, honey, I'll be gentle." Hinalikan niya ako at habang tinutugon ko ang halik na iyon ay unti-unti niyang binabaon ang kanyang espada. Nakagat ko ang kanyang labi at naibaon sa kanyang likod ang aking kuko nang tuluyan kong maramdaman ang pagsakop niya sa loob ko. Sobrang sakit! Hindi ko napigilan ang luhang lumabas sa aking mga mata. Pero kahit masakit, tiniis ko dahil ipinagkatiwala ko na ang aking katawan sa lalaking ito. Sa lalaking sobrang minamahal ko. Ang sakit na kanina'y nararamdaman ko ay napalitan ng kakaibang sarap kaya lalo akong nadala sa sensasyong binibigay sa akin ni Sid. Paulit-ulit niyang itinusok sa aking lagusan ang kanyang espada at tuluyan na ngang nasakop ng Hathoria ang buong Lireo. Wala na akong nagawa, tuluyan ko nang isinuko ang brilyante ni Sang're Allena. Titig na titig ako sa kawalan habang inaalala pa rin ang nangyari sa amin kagabi ni Sid. It was the best experience I ever had kahit pa nga napakasakit noong una. Ganoon pala ang pakiramdam ng magpasakop ng buo sa iyong minamahal. "Hey, Allena!" Isang malakas na tampal sa braso ang naramdaman ko na nagpagising sa natutulog kong diwa. Napakurap-kurap ako at nakita ko ang mukha ni Nikki. Nakataas na naman ang kilay nito na wari'y nawi-wirduhan sa akin. "Ikaw pala, Nikki." "Hindi ako si Nikki, ako si Amihan, ang nag-iisang reyna ng Encantadia," pilosopong tugon niya na ikinangiti ko. Kahit nagbibiro siya ay seryoso pa rin siyang magsalita. "Alam mo para kang tanga kanina. Para kang nangangarap ng gising diyan. Muntik nang tumulo ang laway mo kung hindi pa ako dumating." "Sorry na, masaya lang kasi ako." "Bakit? Ano bang ganap? Kumusta ba naman ang meet up ninyo ng mudrabels ni fuckboy?" "Masarap," wala sa loob na tugon ko. Nanlaki naman ang mata ni Nikki sa gulat. "Anong masarap?" "Sinabi ko bang masarap?" Bigla akong namula sa hiya. Ano bang pinagsasasabi ko? Ang layo ng sagot ko sa tanong niya. "I mean, masarap silang magluto. Ipinaghain nila ako ng masasarap na pagkain," pagsisinungaling ko na alam kong hindi sinakyan ni Nikki. Lalong tumaas ang kilay nito. "Allena," may pagbabanta na naman sa boses niya. Lalong naningkit ang singkit na niyang mga mata. "Tell me the truth." Kahit kailan talaga napakagaling kumilatis ng baklang ito. Para bang kilalang-kilala na talaga niya kapag nagsisinungaling ako. Tumingin ako sa mga mata niya saka napakagat labi. Paano ba ako makapagsisinungaling sa kanya? Parang may x-ray yata ang mga mata niya na nakikita ang buong katotohanan. "Allena..." muli niyang tawag sa pangalan ko. Nag-cross arm na siya at handa na talagang makinig sa katotohanang gusto niyang malaman. "Nikki..." "Allena, isa..." "Nikki kasi... ano e..." "Speak up." Dinaig pa niya ang ate ko. Nakakatakot talaga siya. "Isi... isi... isinuko ko na..." "Huwaaaaaat?" Sabay na nanlaki ang ilong at ang singkit niyang mga mata. Kahit hindi ko pa naitutuloy ang aking sinasabi ay alam kong gets na niya iyon. "S-sorry," mautal-utal pa ako. Alanganing ngiti at peace sign ang ginawa ko baka sakaling mawala kahit konti ang galit niya. "I can't believe you. Napakarupok mong babae ka. Bumigay ka kaagad sa modus ng lalaking iyon. Sinasabi ko na nga ba, kaya ayaw kitang pasamahin sa kanya e. Naku Allena, ang sarap mong ilublob sa isang drum na tubig at gamitan ng kapangyarihan ng hangin para ilipad ka sa outer space. Baka sakaling doon, maging matino ang utak mo." Nanggigigil siya habang sinasabi iyon. Nakakuyom ang kanyang kamao pero alam kong pinipigilan niyang gamitin iyon sa akin. Napaikot na lang ang kanyang mga mata dahil sa kunsumisyon sa akin. "Hay naku, Allena! Itinatakwil ka na ng buong Encantadia!" Inis na inis siya nang talikuran ako. Hahabulin ko pa sana siya pero nakarinig na ako ng malakas na tawanan sa may locker area malapit sa kinaroroonan ko. Nakilala ko ang tawa na iyon kaya napasilip ako sa pinanggalingan noon. "I told you, she's an easy to get, same as the other girls that I take," pagmamalaki ni Sid sa kausap na kapwa engineer. "You're the best man!" Nag-high five pa ang dalawa. "Ofcourse. Wala yata akong ginusto na hindi nakuha," nakangisi pang sabi nito. "So, what's your next plan?" "It's done. My business with her was over." "Iba ka talaga, pare. Pagkatapos mong makuha, itatapon mo na lang." Biglang kumulo ang aking dugo sa narinig. Alam kong kahit hindi nabanggit ang aking pangalan ay ako ang pinag-uusapan ng mga ito. Kagabi lang nang may nangyari sa amin at ngayon ay pinagsasabi na nito. Hindi na niya ako binigyan ng kahihiyan. Mahigpit kong naikuyom ang aking kamao at malalaki ang mga hakbang na nilapitan ko sila. Hinarap ko si Sid na nanlilisik ang mga mata. At bago pa man naibuka ni Sid ang kanyang bibig ay dumapo na sa kanyang pinagmamalaking mukha ang aking palad. Ikinagulat niya iyon. Wala siyang nagawa kundi ang hawakan ang nasaktang pisngi. "Ang kapal ng mukha mo!" Tumulo na ang luhang kanina ko pa pinipigilan. "Pinagkatiwalaan kita at minahal tapos ganyan kababa ang tingin mo sa akin? How dare you do this to me? Anong kasalanan ko sa'yo para gawin mo sa akin ang ganito?Bakit kailangan mo akong saktan at gamitin lang? Tama pala talaga si Nikki, dapat hindi ako nagpaloko sa'yo." "It's not what you think, Allena." Gusto pa yata niyang magpalusot pero hindi na ako maniniwala sa kanya. Rinig na rinig ko siya at hindi naman ako sobrang tanga para hindi isiping niloloko lang niya ako. "Stop fooling me, Sid. Rinig na rinig ko. Huwag ka nang magsinungaling tutal dito rin naman ang punta natin 'di ba? Kaya bago pa maggaling sa'yo ang pagtapos sa relasyon natin, uunahan na kita. Break na tayo!" Tinadyakan ko ang hinaharap niya nang buong lakas. Halos mamilipit siya habang sapo-sapo ang sensitibong parteng iyon. Buti nga sa kanya, mabaog sana siya! Tinalikuran ko na at hindi na ako nag-abalang lingunin pa siya. Kung masakit ang ginawa ko sa kanya, mas masakit ang ginawa niya sa akin. Parang dinudurog ang puso ko. Ngayon lang ako nagmahal ng ganito pero naloko pa ako. Sobrang tanga ko para magpaloko. Nasabunutan ko ang aking sarili. Kasalanan ko ito. Hindi ako naniwala sa mga taong tunay na nagmamahal sa akin. Naging marupok ako. Huli na para magsisi ako. Naibigay ko na ang lahat. Ibinigay ko na ang puso pati na rin ang brilyanteng pinakaiingatan ko. Hindi ko na iyon mababawi pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD