Chapter 4

2846 Words
Sabi nila, "The way to a man's heart is through his stomach," kaya naman pang limang araw ko nang ginagawa ito. Ang maglagay ng pagkain sa locker ni Nikki. Inilalagay ko ito sa locker niya para sa kanyang pananghalian. Alam ko naman ang locker number niya dahil noong bago palang akong napasok sa company na ito ay nag-share kami. Wala pa kasing bakanteng locker noon para sa mga new contractual kaya siya ang nagmagandang loob na magpahiram. One week lang naman kami nagka-share pagkatapos noon na-issue-han na kami ng bagong locker. "Why you always do that?" Bigla na lang may nagsalita sa likod ko kaya muntik na akong mapatalon sa gulat. Buti na lang at nahawakan kong mabuti ang hawak kong tupperware na may lamang sisig at kanin na ako mismo ang nagluto kung hindi ay baka natapon lang ito. Masasayang ang pinaghirapan ko. Nilingon ko ang nagsalita at nagsalubong ang aking kilay nang mapagsino iyon. "Sid?" Ngumiti siya saka kumindat. "No other than your handsome suitor," pa-impress pang sabi niya. Napailing na lang ako sa kahanginan ng lalaking ito. Hindi ko rin maintindihan ang aking sarili kung bakit ako nagkagusto sa lalaking ito. Itinuloy ko na lang ang balak kong gawin. Binuksan ko ang locker at saka ipinatong roon ang tupperware na may lamang ulam at kanin. Kinuha ko rin sa aking bag ang sticky note na may sulat na I'm sorry at idinikit roon. Saka ko isinara iyon na may ngiti sa labi. Mission accomplished. "How can you be so sure na kinakain niya ang mga iniiwan mo diyan?" tanong pa niya sa akin. "Kilala ko si Nikki. Hinding-hindi siya magsasayang ng pagkain. Ultimo mumu o nalaglag na mga pagkain sa mesa ay iniipon niya, hindi para kainin kundi ilaan para sa mga asong kalye na nadadaanan niya malapit sa subdivision nila." Alam ko iyon dahil madalas ko siyang makasabay sa pag-uwi at makitang may dala-dalang plastic ng mga tira-tirang pagkain. Minsan ko na rin siyang tinanong kung ano ang ginagawa niya sa mga iyon at iyon ang sabi niya. "Paano kung ibinibigay lang din pala niya iyan sa mga pets niya? Sayang ang effort mo." "I'm sure, hindi niya gagawin iyon. I saw him eating the food that I prepared. Nagsalo pa nga sila ni Giselle. Sarap na sarap pa sila." Ngumiti ako nang maisip ko kung gaano kagana si Nikki kapag kinakain ang mga niluto ko. Hindi man nila ako kasabay sa pagkain, pinupuntahan ko naman sila sa canteen kapag oras na ng pagkain at sinisilip kung kinakain ba nila ang niluto ko. Sinabayan ako ni Sid na maglakad patungo naman sa locker ko. Binuksan ko iyon at ipinasok sa loob ang dala kong bag. Kinuha ko na rin ang mga gamit na ginagamit ko sa production, gaya ng ground strap at gloves. Isinara kong muli iyon saka naupo sa waiting area malapit din sa locker. Inaagahan ko talaga ang aking pagpasok sa company para mauna ako at mailagay ang pagkain sa loob ng locker ni Nikki. "Hindi ka ba napapagod?" Umupo siya sa tabi ko at tinitigan ako. Sobrang seryoso ng kanyang mukha. "Napapagod saan?" kunot noong tanong ko. "Sa effort na ginagawa mo para sa baklang iyon. Parang sobra naman yata para sa isang kaibigan. Nakakaselos na." Hinampas ko siya sa braso. "Selos ka diyan. Umayos ka nga. He's my friend at gagawin ko ito hanggang sa magkabati kami." "Gagawin mo rin kaya iyan kapag naging tayo na?" "Advance ka mag-isip." Tinawanan ko ang sinabi niya. "Ang tagal ko na ring nagpapapansin sa'yo but still you ignoring me," seryosong sabi niya. "Ignore you? O.A mo. Kausap ba kita ngayon kung ini-ignore kita?" "Kailan mo ba kasi talaga ako sasagutin?" Mukhang naiinip na siya samantalang wala pang isang linggo mula nang mag-umpisa siyang manligaw sa akin. "May lakad? Nagmamadali? Maiiwan ng biyahe?" Dinadaan ko sa biro ang aking mga sagot. Masyado kasi siyang seryoso at ako ang natetensiyon dahil sa kanya. Para bang nilagay niya ako sa pressure cooker. I am under pressure. Susme! "Not really. Pumayag kang i-court kita pero hindi ako sigurado kung talaga bang may pag-asa ako sa'yo." "Kalma ka lang, darating din tayo diyan. Ipanalangin mo na magkabati kami ni Nikki para dumating ang araw na hinihintay mo." "Ano? Nakasalalay sa baklang iyon ang future nating dalawa. That's impossible!" Halatang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Lalong tumaas ang boses niya. Mukhang hindi lang siya naiinis, nagagalit na siya pero nagtitimpi lang. Hindi rin naman ako sigurado kung bakit nga ba nasabi ko iyon. Basta ang alam ko gusto ko kapag naging kami ni Sid, tanggap na siya ni Nikki. "Iyon ang kondisyon ko. Kaya kung gusto mo talagang maging tayo, tutulungan mo akong magkaayos kami ni Nikki." Pinanindigan ko ang aking desisyon. Kung talagang mahal niya ako, susundin niya ang gusto ko. Iyon din naman ang paraan para mapatunayan niyang mali ang first impression ko sa kanya. "Bakit kailangang sa kanya nakasalalay ang magiging relasyon natin? Paano kung hindi niya ako magustuhan para sa'yo? Hindi na magiging tayo?" "Alam mo, ang nega mo. Kung nag-e-effort ako na magkabati kami dapat nag-e-effort ka rin para magustuhan ka niya para wala tayong maging problema in the future. Gusto ko tahimik ang relasyon natin at walang kontrabida kaya kailangang ligawan natin si Nikki para magustuhan ka." "I really don't get your point." "Tiwala lang. Kung talagang mahal mo ako gagawin mo ang gusto ko." "Paano kung sa dami ng effort mo, hindi ka pa rin pansinin ng baklang iyon? It will be all useless. At kapag nangyari iyon, malabo na ring maging tayo pa." "I will do my best para lang kausapin na niya ako. Mataas ang self confidence ko na papansinin rin niya one of this day. Hindi siya makakatiis at sisiguruhin ko iyon sa'yo," desididong sabi ko. "Then, goodluck." Kumibit balikat na lang ito saka umiling-iling. Ngumisi lang ako bilang tugon dahil ngayon palang may naiisip na akong plano na hinding-hindi magagawang ignorahin ni Nikki at tiyak na kakausapin na niya ako. At gagawin ko ang plano kong iyon bukas na bukas rin. Tulad ng dati, maaga akong pumasok para ihanda ang aking grand master plan. Inilagay ko na ang aking best gift sa loob ng locker ni Nikki at hinintay ang pagdating ng aking target. Pumwesto na ako sa aking pagtataguan. Ilang minuto lang ay dumating na rin si Nikki. Pakembot-kembot pa ito habang palapit sa kanyang locker. Pinagmamasdan ko lang siya habang pinipindot ang password ng kanyang locker. Maya-maya pa ay nabuksan na niya iyon. Tulad ng inaasahan ko, malakas na sigaw ni Nikki ang umalingawngaw sa buong locker area. Napalingon ang halos lahat sa kanya kabilang na ang mga security guard na nakapuwesto sa guard house na hindi rin kalayuan sa locker area. "Aaaahhh! Pashnea kang babae ka. Humanda ka sa akin." Nanggagalaiti siya at padabog na sinara ang pinto ng kanyang locker. Kitang-kita ko mula dito sa kinatatayuan ko ang itsura ni Nikki. Gustong-gusto ko talagang makita ang reaksyon niyang iyon. Namumula ang kanyang mukha at hindi maipinta dahil sa galit. Lalong naningkit ang kanyang mga matang natural ng singkit. Nanlalaki rin ang kanyang ilong na parang may ibubugang usok. Ewan ko, pero sa halip na matakot ay naku-cute-an ako sa itsura niyang iyon. Napahagikhik ako sa tuwa. Luminga-linga siya sa paligid na para bang mala-agila ang mga mata. Tinatalasan ang paningin para lang makita ang kanyang target. At sa wakas nakita niya akong nakasilip kaya naman parang susugod sa gera na lumapit siya sa akin. Parang anumang oras ay sasakalin niya ako. Hindi ko na nagawang makatakbo. "Allena..." Dahan-dahan niyang bigkas sa pangalan ko na may pagbabanta. Nginitian ko siya na nakalabas ang lahat ng ngipin. "Hello, Niks," balewala kong bati na para bang hindi ko alam na sa akin siya nagagalit. Huminga siya ng malalim na para bang iniipon ang isang daang porsyentong lakas. "Huwag mo akong hello-hellowin, Allena kung ayaw mong mapaaga ang halloween mo! Hindi ako natutuwa sa ginawa mo a." "Ano bang ginawa ko?" Kunwari ay wala akong kaalam-alam pero deep inside gusto ko nang tumawa nang malakas. "Eto!" Hawak-hawak niya ang plastic na may lamang dinaing na tuyó at pinagduldulan sa mukha ko. "Alam kong ikaw ang naglagay niyan dahil ikaw rin lang naman ang naglalagay ng araw-araw ng pagkain sa locker ko." "Wala akong alam sa sinasabi mo," pagkakaila ko pa. "Walang alam. Kalokohan. Okay na sana ang mga pagkain na iniiwan mo noong una, okay rin naman sana itong tuyó. Ang problema lang, pashnea! Alam mong ayoko ng nangangamoy ang locker ko. It's so baho!" Lalong hindi maipinta ang kanyang mukha na diring-diri sa amoy ng tuyó. Tuluyan na akong natawa. Ito talaga ang plano ko. Ang maglagay ng mabahong tuyó para kausapin niya ako. Alam kong hindi niya matitiis ang baho noon kaya kokomprontahin niya ako oramismo at tama ako. "Sige tawa pa! Isungalngal ko itong tuyó sa bunganga mo." Akto ngang isusubo sa bibig ko ang nakaplastic pang tuyó pero bago niya pa nagawa iyon, niyakap ko na siya nang mahigpit. "I'm really sorry, Nikki. Bati na tayo please." "Bati your face," mataray na sabi nito na hindi man lang kumikilos. Para itong tuod habang yakap-yakap ko. "Sige na, bati na tayo. Hindi ka ba nasarapan sa mga luto ko?" "Masarap," sabi niya na parang napipilitan lang. "Nasarapan ka naman pala e. Huwag ka na pakipot, bati na tayo. Promise, ipagluluto kita ng masasarap pa basta peace na tayo ha?" paglalambing ko pa. Alam kong konti na lang bibigay na ang baklang ito. Hindi niya ako matitiis. "Basta ayoko nang nilalagyan mo ng tuyó ang loob ng locker ko, masasakal kita." Inalis ko ang pagkakayakap sa kanya at nakangiting tinitigan siya. "Promise. Hindi na mauulit." Itinaas ko pa ang aking kanang kamay bilang pangako. "So, bati na tayo?" Tinaasan niya ako ng kilay. Ang taray talaga ng baklang ito. "Pag-iisipan ko pa." "Naman e." Lumabi pa ako. Akala ko pa naman madaling kumbinsihin ang baklang ito. Mukhang pahihirapan pa yata ako. "Sheda, (Magtigil ka) Allena. Ang pangit mo." Nagbibiro na siya kaya napangiti na ulit ako at muli siyang niyakap. "Labyu, bakla." "Labs din kita pero hindi ako bakla, babae ako. Sampalin kita, gusto mo?" Ginantihan niya ako ng yakap sa kabila ng kunwaring pagbabanta niya. Sabay kaming nagkatawanan saka nag-highfive sa isa't isa. "May dala nga pala akong air freshener para matanggal ang mabahong amoy sa locker mo," sabi ko saka bumitiw sa pagkakayakap at mabilis na kinuha ang air freshener sa aking locker at iniabot sa kanya. Dinala niya iyon sa kanyang locker pero hindi agad ginamit. Ipinatong lang niya iyon doon at ibinalik rin niya ang plastic na may lamang tuyó roon. "Mamaya ko na i-spray-an ang locker ko kapag nakain ko na ang tuyó na iyan. Sayang e." Isinara niya ang kanyang locker at muli akong binalingan. "Next time, kapag magbibigay ka ng pagkain sa akin, iabot mo na lang ng personal a. Ayoko na pinapabaho mo ang locker ko," maarteng sabi niya. "Okay, boss." Sumaludo pa ako sa kanya habang ngiting-ngiti. Ang gaan na ng pakiramdam ko na sa wakas bati na kami ng matalik kong kaibigan. "Siya nga pala, akala ko ba nangako ang Sid na iyon na titigilan ka na pagkatapos ninyong kumain sa labas? Pero bakit araw-araw ko kayong nakikitang magkasama?" Tumaas ang kanyang kilay at nag-cross arm na akala mo ay nasa husgado kami at siya ang abogadong nag-iimbestiga sa mga tunay na nangyari. "A, e kasi..." Napakagat labi ako. Paano ko nga ba aaminin na pumayag na akong magpaligaw kay Sid? Pumayag ako kahit wala pang permiso galing sa kanya. Baka kababati lang namin ay bigla na namang humantong sa World War 3. "Ayoko ng sinungaling, Allena," may pagbabanta na naman sa kanyang boses. "Promise mo muna na hindi ka magagalit kapag nagsabi ako ng totoo." "I can't promise." "Niks naman..." "Okay. I will try." Bumuntong hininga muna ako nang malalim bago muling nagsalita. "Kasi Niks, pumayag na akong magpaligaw sa kanya." Nag-aalangan akong tingnan ang reaksyon niya dahil alam kong nag-uumpisa na namang umusok ang ilong niya sa galit. Naningkit ang kanyang mga mata tulad din ng kaninang reaksyon niya. Kaya bago pa man siya sumabog ay niyakap ko na siya. "Kalma lang, please. Hayaan mo muna akong magpaliwanag." "Okay, explain but don't hug." Inilayo niya ako sa katawan niya. Lumakad naman ako patungo sa may waiting area at doon naupo, sumunod naman siya sa akin at naupo rin na naka-cross arm pa rin at naka-cross legs din. Dinaig pa ako. "Niks, narinig ko na ang paliwanag niya tungkol doon sa girl na na-link sa kanya noon at naniwala naman ako. I mean, not totally. I gave him a chance to prove himself." "Pumayag kang magpaligaw sa kanya para mapatunayan ang mga buladas niya at maisama ka sa listahan ng mga biktima niya." "Huwag mo naman siyang husgahan hanggang hindi natin napapatunayan. Isa pa, tsismis lang naman iyong nakabuntis siya 'di ba?" depensa ko pa. "Anong tsismis? Totoo iyon," giit niya. "How can you be so sure na totoo? Paano kung pinalabas lang noong babae na nabuntis siya para balikan siya ni Sid? Hindi mo pa naman nakita ang babae na lumaki ang tiyan o nanganak ' di ba?" "Hindi ko alam na abogado ka na pala ngayon. Tagadepensa ka na niya ha?" sarkastikong sabi niya. "Hindi naman sa ganoon." "Hay naku, ewan ko sa'yo Allena. Mukhang nabulag ka nga ng lalaking iyon. Sumama ka pa kasi sa kanya, na-brainwash ka tuloy at mukhang ginayuma pa." "Hindi naman. Grabe ka." "Anyways, dahil andiyan ka na sa sitwasyong iyan at pumayag ka na rin lang naman without my permission. Sige, gora ka na day!" "Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ko. "Mahina ang pick up 'te? Slow lang? I mean to say, gora, push! Hindi na kita pipigilan sa gusto mo. Mahirap din naman pigilan iyang puso mo, pasaway kasi." Inirapan pa niya ako. Niyakap ko naman siya dahil sa sobrang tuwa. Sa wakas ay napapayag ko rin siya. "Thanks, Niks. Labyu ulit." "Labyu too. But know your limitations. No s*x!" diretsahang sabi niya. "Grabe ka naman sa s*x. Ofcourse, hindi ko isusuko ang brilyante ni Sang're Allena." "Dapat lang, dahil itatakwil ka ng buong Encantadia. Hmp!" Nagkatawanan kami saka muling nagyakapan. "No wars na tayo ha?" "Basta huwag pasaway, walang war na magaganap." "Promise, behave ako. Pero puwede bang isang favor?" "Ano iyon?" "Can you and Sid make up?" "Bakit bumigay na rin ba siya?" biro niya kaya nahampas ko siya sa braso na ikinatawa niya. "Joke lang. Alam ko namang patay na patay ka sa lalaking fuckboy na iyon. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit mo nagustuhan iyon." "Love moves in mysterious ways 'di ba?" "Oo na. Osiya! Kailan ko me-make up-an iyang Sid mo este kailan kami magbabati?" "Now na. Tara na!" Tumayo ako at agad na hinila siya patungo sa loob ng production. Tuloy-tuloy kaming naglakad sa may engineering department at agad kong nakita roon si Sid na busy sa pagtitipa sa kanyang laptop. "Pssst..." Lumingon naman agad siya sa kinaroroonan namin nang sitsitan ko siya. Agad din siyang ngumiti sa akin ngunit kumunot rin ang noo nang makita si Nikki na kasama ko. Kinampayan ko siya palapit at lumapit naman siya. "Hi Sid," agad kong bati. "I want you to meet Nicholas Adonis--- aray!" Siniko ako ni Nikki sa tagiliran kaya napadaing ako sa sakit. Pinanlakihan din niya ako ng mata nang tingnan ko siya. Na-gets ko naman ang ibig niyang sabihin. Ayaw niyang tinatawag siya sa kanyang buong pangalan. "...este, si Nikki pala." "Bakit mo pa siya ipinapakilala? I knew him already. Matagal na," nagtatakang sabi niya. "Alam ko, gusto ko lang maging pormal ang pagkakakilala ninyo sa isa't isa atsaka gusto ko na magsimula ulit tayo. Iyong walang gulo. I want both of you to be friends." "Walang problema sa akin." Nag-abot si Sid ng kamay kay Nikki. Tiningnan lang naman ni Nikki ang kamay nito. Mukhang ayaw makipagkamay. "But I guess sa kaibigan mo ay hindi okay." "No! Nag-usap na kami. He will make up to you. 'Di ba, Nikki?" Siya naman ang siniko ko sa tagiliran para matauhan. Pilit na tumango naman siya. "Okay. Let's be friend." Kinamayan na ni Nikki si Sid. Napangiti naman ako. Sa wakas, okay na rin silang dalawa. Pero akala ko lang pala dahil may hirit pa si Nikki. "Siguraduhin mong hindi mo sasaktan si Allena kundi papasabugin ko ang buong Hathoria," pagbabanta niya kay Sid na akala mo ay ito si Hagorn na gustong sakupin ang buong Lireo. Sana naman ay end of war na talaga ito kaya lang mukhang dito palang mag-uumpisa ang tunay na gera. Naiiling at natatawa na lang ako habang pinagmamasdan silang nagsusukatan ng tingin sa isa't isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD