CHAPTER 03

1730 Words
"KENDRA!" Saka lang ako nakahinga nang maluwag nang marinig ko ang boses ni Sophia sa aking likuran. Ilang minuto na rin kasi naghihintay dito sa harap ng main campus building. First day of classes namin ngayon at wala akong masyadong alam sa mga places dito sa loob dahil sa laki ng mga building. Ito rin ang unang araw para mag-aral ako bilang architecture student sa APIU. "Na-late ako dahil traffic, sorry," aniya. "Pasok na nga tayo sa loob. Baka ma-late pa tayo," ang patuloy niya. Dumiretso kami sa loob ng gymnasium para sa program ng bagong school year. Pagkatapos no'n ay kailangan na naming pumasok para sa una naming klase. Sa unang subject ay magkaklase kami ni Sophia. Dito na rin pala nagpatuloy si Kuya Lucas ng pag-aaral. Kaya lang irregular student siya for communication arts at nasa taping siya ngayon kahit first day of classes. Ilang minuto ang lumipas ay nakaramdam na ako ng gutom. Pakiramdam ko, walang laman ang tiyan ko. Hindi ko naman alam kung nasaan ang canteen kaya wala naman akong nagawa kundi ang patapusin na lang ang program. Magpapasama na lang ako kay Sophia mamaya. "Good morning, freshies! I am your professor for this subject. My name is Jannie. At ngayong alam niyo na ang pangalan ko, pwede bang ako naman ang kumilala sa inyo? Introduce yourself in front of this classroom individually. Let's start with that guy." Nagsimula na silang magpakilala isa-isa samantalang ako naman ag hinanda ko na ang sarili ko bago pumunta sa harapan para magpakilala. "I am Sophia Lincoln. By the way, hello everyone. I am a multimedia arts student who's 18 years old now. Thank you!" "I am Kelcy Dela Cruz. Greetings to everyone." She smiled. "I'm 18 years old who's currently taking under Bachelor of Science in Accountancy." Pagkatapos nitong magpakilala ay bumalik na ito sa kaniyang inuupuan sa tabi ko. Nang magtama ang mga mata namin ay ngumiti ako at gano'n din ang ginawa niya sa akin. Sa puti pa lang ng kaniyang katawan ay masasabi ko nang maganda talaga siya. Akala ko nga, hindi niya 'ko papansinin pero mabuti na lang dahil mali ang akala ko. Hindi lang siya maganda kundi mabait din. Siya ang unang estudyante na nakipag-usap sa akin at galing pala siya ng probinsiya. At doon na nagsimula ang pagkakaibigan namin. Nang sumapit ang lunch time ay sabay kaming tatlo nina Sophia, Kelcy, at siyempre ako. We went to the cafeteria para kumain. "Update ko nga pala kayo sa S4. They are college students now, freshies din katulad natin. Ewan ko nga kung nasaan na sila ngayon, e. Hindi ko pa rin sila nakikita simula kanina pa," ang ani ni Sophia habang kumakain. Nang sabihin ni Sophia ang salitang 'yon ay bigla na lang nabilaukan si Kelcy. Napaubo ito nang wala sa oras. "Bakit?" ang tanong ko. Uminom muna ito ng tubig bago nakapagsalita. "I know them. Pero si Carlos lang ang kilala ko sa kanila," ang sagot niya. "Ha? Talaga?" ang tanong ni Sophia. "Oo, ako ang maid niya." Tila yata nabilaukan kaming dalawa. Natigilan ako. Totoo ba ang sinasabi niya? Sa itsura niyang 'yan? "What do you mean? Are you joking? Totoo ba ang sinasabi mong 'yan?" ang hindi makapaniwalang tanong ni Sophia. Tumango naman siya. "Nagkasakit kasi si nanay kaya ako na ang pumalit sa kaniya bilang katulong para makapag-aral ako. Kaya ako nandito ngayon," ang nakangiting sagot niya. Tumango na lang kaming dalawa ni Sophia. Mukhang totoo naman ang sinasabi niya at hindi ito nagsisinungaling. "Speaking of S4, nandito na sila." Nang bigla kaming napalingon sa glass door ng cafeteria. Pumasok dito ang apat na magkakasunod na lalaki sa loob. It's obvious na sila 'yung nakalaban nila Kuya sa tournament last week. Ngayon ko lang sila nakita nang malapitan at totoo nga ang sinabi ni Sophia na ang gwapo nilang apat. As expected, halos lahat ng estudyante ay napalingon sa kanila. Ikaw ba naman, nandito na 'yung anak ng may-ari ng school. Parang slow motion lang sa feeling. Dumiretso ito sa unusual at medyo private na table and I think exclusive lang para sa kanila. They are like a glaring handsome men. Lalong-lalo na si Kim Philip Monton. Bakit ba siya ang napapansin ko? I don't know kung bakit siya ang mas napapansin ko sa kanilang apat. Siguro dahil siya 'yong 'Most Valuable Player' kaya gano'n ang naramdaman ko. Pero bakit gano'n? Pakiramdam ko mas lalo pa akong naging curious na malaman ang iba pa sa kaniya. Nevermind. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain at hindi na lumingon sa kanila. Nag-focus na lang ako sa kinakain ko. Minsan ay napapatingin ako rito nguni't agad din naman akong umiiwas. Baka kasi may makakakita pa sa akin. "What?" Si Kelcy. Tinatawag siya ni Carlos. Sumenyas kasi ito na lumapit sa kaniya kaya ginawa naman niya ito. 'Yong ibang member ng S4 ay napatingin din sa kaniroroonan namin. Tahimik. . . Nang bigla akong natigilan. Nagtama ang mata namin ni Kim Philip! We both get shocked by the incident. Kitang-kita ko mismo kung paano siya nagulat nang makita niya ako. Kilala niya ba ako? This is the first time lang na nagkita kami nang malapitan. Para kasing kilala na niya ako before. But then, ilang sandali pa ay hindi na siya nakatingin sa akin. Parang wala lang. Hindi na ako nakakain nang maayos. Hanggang sa nakalabas na lang kami ng cafeteria ay hindi pa rin umaalis sa isip ko ang nangyari kanina. Ba't bigla akong natakot bigla? I was so inquisitive with him. Hindi na sumagi sa isip ko ang lessons namin kanina sa second class. "Kita niyo ang apat na babae na 'yan? They are also a group named Sexy Leaves Girls or SLG for short. Parang jejemon, 'no? Sila 'yung apat na ingratang babae rito sa campus. Panay ang dikit-dikit nila sa mga gwapong lalaki, lalong-lalo na sa S4." Habang patuloy kaming naglalakad sa campus ground para maglibot-libot ay saka naman kinuwento ni Sophia ang apat na babaeng naglalakad sa isang walkway na malapit sa kinaroroonan namin. Suot ang mini skirt ay nagpatuloy ito sa paglalakad palabas ng campus na parang walang pakialam sa mundo. They're acting condescending. Tinarayan pa nila ang nadaanan nilang freshman. Hanggang tanaw na lang kami hanggang sa makalabas na sila. Nagpatuloy kami sa paglilibot hanggang sa sumapit na nga ang 3rd class namin. Ako na lang mag-isa ang naiwan dahil hindi na kami magkakaklase nina Sophia at Kelcy. Nakinig lang ako sa lesson namin hanggang sa matapos ito. Parang walang ganap ngayong araw. Feeling ko ang boring ng buhay ko. Wala akong masyadong ibang magawa dahil nasa klase pa sila. Wala kasi akong ibang mga kaibigan maliban kina Sophia at Kelcy. Naglibot-libot na lang muna ako para humanap ng matatambayan. Sa huli ay napunta ako sa isang bench sa kaharap ng isang modern at magandang building na mukhang kakatapos lang ang construction. Glass building ito at saka wala ni isa na may dumadaan na mga estudyante. Siguro private kaya gano'n. Umikot ang mata ko sa paligid nang dumapo ang tingin ko sa entrance ng building. Merong isang lalaki na nakatayo rito habang nakasandal aa isang pader. He's looking at me! Bigla akong kinabahan. Kahit sino pa ang mapatingin sa kaniyang mga mata ay ganito rin ang mararamdaman nila. I don't know nguni't parang merong pwersa na humihinto sa aking paghinga. Napatingala ako nang unti-unti itong lumapit sa akin. Hindi ko alam kung gaano siya katangkad dahil ngayon ko pa lamang ito nakita nang mas malapitan. Pero kung tatanchain ay hanggang leeg niya lamang ako. Nagpatuloy ito sa paglalakad palapit sa akin at mukhang ako nga ang pakay niya. Mabilis naman akong kumilos at nagpanggap na hindi siya napapansin. Naglakad ako papalayo sa kaniya nguni't pakiramdam ko ay sinusundan pa rin niya ako. Dahil dito ay mas binilisan ko pa ang paglalakad habang siya naman ay pabilis din nang pabilis. Dahil sa kaba ko ay tumakbo na lang ako nang mabilis nguni't mas lalo ko pang naramdaman ang mga yapak niya na halos ilang lapit na lang ay maabutan na niya ako. "I got you!" Bigla yata akong nawalan ng kaluluwa nang ilang segundo dahil sa isang matigas na bagay na tumama sa aking noo. It was him! It was his chest. Tumama ako sa dibdib niya nang wala sa oras. "B-bakit?" ang tanong ko. He looked at me so tightly. I never got any response from him. Nakikita ko na nang mas malapitan ang kaniyang mukha. He's perfect. I mean, he's flawless. Wala akong kahit ano na nakikita sa kaniyang mukha. Bakit ganiyan siya makatingin? Seryoso ito habang hindi pa rin umaalis ang mga mata sa akin. It seems like he's reading my mind. He didn't even bother to move. Tahimik… Bakit siya tumatawa? He was grinning while looking at me lightly. Baliw yata siya, eh. Tumatawa siya nag mag-isa nang hindi ko alam kung ano nangyayari sa kaniya. Makaalis na nga. Inayos ko ang buhok ko at saka tinalikuran na siya. Napasimangot ako. Ano ba ang nangyayari sa lalaking 'yon? I was about to walk away from him when someone grabbed my hand. Natalisod ako dahil sa ginawa niyang paghawak sa aking kamay. Nawalan ako ng balanse dahilan para mabuwal ako sa damuhan. Mahuhulog na sana ako nguni't mabuti na lang dahil may humawak sa aking likuran. He's holding my back while his other hand is holding my waist. Sobrang akong kinabahan. I could see his face looks so shocked sa mga nangyayari. I feel the warmth habang ang katawan niya ay nakadikit pa rin sa akin. Huli ko na nang malaman na marami na pala ang nakatingin sa amin. Saka lang namin napansin ang mga taong nagkukumpulan habang nakapalibot sa amin. Kumurap ang magaganda niya mata. Sabay kaming napakurap at bigla na lang niya akong nabitawan dahilan para matumba at mahulog ako sa may damuhan. Sobrang sakit ng likod ko lalong-lalo na ang ulo ko. Napahawak ako rito dahil sa matinding sakit. Unti-unti akong bumangon at sumalubong sa akin ang mga taong nakapaligid sa akin. Tumatawa ang mga ito habang ang iba naman ay mukhang nagagalit na sa akin. Umikot ang paningin ko nguni't wala na siya. Wala na si Kim Philip sa paligid. Bigla na lang itong nawala. Saan na kaya pumunta ang lalaking 'yon? "Ano ba ang ginagawa mo riyan? Bakit ka nakahilata?" ang tanong ni Sophia habang tinutulungan akong makatayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD