LUMIPAS ang mga araw ay dumating na oras ng final exam namin. Ilang araw na lang ay wala na kaming pasok at magsa-summer vacation na. Abala ako sa pag-aayos ng mga notebooks at libro ko para pumasok na sa university.
"Huy, ano pa ang ginagawa mo diyan? Male-late na tayo, bilisan mo na!" ang sita ko kay Carlos habang mukhang boss pa ito kung makaupo sa sofa.
Pagod din kasi siya kagabi dahil tutok na tutok pa ito sa mga libro at laptop niya. Kapwa kami may kaniya-kaniyang mundo kagabi para makapag-aral.
"Tara na, male-late na tayo!" ang patuloy ko pa sabay hila sa kaniya. Nagpatulog-tulog pa ito pero wala na rin siyang nagawa kundi ang bumangon.
Pagdating ng university ay agad na naming tinungo ang kaniya-kaniya naming schedule. Dumiretso na ako sa unang classroom na papasukan ko samantalang si Carlos naman ay tumungo pa sa building nila dahil may aayusin pa raw ito.
"Bes, sabi raw ng ate kong second year college ay mas maging mahirap daw ang exam natin. Hayst, hindi pa naman ako masyadong nakapag-study kagabi." Halos hindi ko na ma-describe ang mukha ni Aren habang nakaupos sa tabi niyang upuan dahil sa panlulumo at mukhang inaantok pa ito.
"Ano ba kasi ang ginawa mo kagabi kung bakit hindi ka nakapag-study? Meron pa naman tayong oras para makapag-study kaya mag-study ka na diyan. Dapat kasi 'yun ang inuna mo dahil mas importante 'yun," ang sagot ko naman.
"Hindi mo kasi ako naiintindihan Bes, e. By the way, pa-copy ako, ha?" ang sagot naman niya.
"Ano?! Mangongopya ka sa akin? Bawal 'yun 'no!" ang agad na sagot ko.
"Sige na, please. Nakikita mo bang namumugto pa rin ang mata ko, oh." Tinuro pa niya ang medyo mugto niyang mata. "Umiyak kaya ako kagabi," ang patuloy niya.
"Bakit namumugto ang mata mo? Umiyak ka ba kagabi?" ang tanong ko.
"Hindi ba obvious? Binugbog ako ni daddy kagabi dahil nalaman niyang bakla ako. Pero hindi naman talaga ako bakla, e. Bisexual lang ako, naiintindihan mo ba 'yun?" ang sagot niya sabay pakita ng mga namumuong pasa niya sa kaniyang katawan.
Kaya pala medyo may peklat sa bandang pisngi niya dahil sa ginawa ng daddy niya. At mukhang hindi nga siya nagsisinungaling. Wala akong ibang naramdaman no'ng mga oras na 'yon kundi ang awa sa kaniya.
Nagkuwento pa siya nang marami sa akin at doon ay hindi niya napigilang hindi maluha. Umiyak siya samantalang ako naman ay niyakap ko siya para paamuin at upang mawala ang sakit na nararamdaman niya.
Hindi ko alam na ang isang masiyahing tao pala na katulad ni Aren ay meron ding tinatagong problema nang hindi alam ng ibang tao. Tanyag kasi ito bilang isa sa mga masiyahing kaklase namin sa Accountancy.
"Please, 'wag mo muna itong sabihin sa kaklase natin. Natatakot pa rin ako dahil baka malaman nila ang tungkol sa akin at pandirian pa nila ako."
"Oo, naman. Wala akong sasabihan na kahit kanino. Pero, hindi mo naman talaga kailangang itago pa ang sarili mo, e. Hindi man nila maiintindihan 'yan ngayon pero balang araw ay alam kong magiging okay din ang lahat."
"It takes time, Kelcy. Hindi pa ako ready na ipaglandakan ang sarili ko ngayon. At isa pa ay wala na akong uuwian. Tanging sa kaibigan ko na lang ako natulog kagabi dahil itinakwil na ako nina Daddy at Mommy. Kailangan ko na sigurong maghanap ng bagong apartment or magte-take na lang ako ng application for dormitory."
Wala akong ibang nagawa kundi ang yakapin ulit ito. Alam kong hindi madali ang pinagdadaanan niya ngayon at alam kong nahihirapan din siya sa sitwasyon niya. Ang ulo niya ay nakasandal sa aking balikat habang dinaramdam ang sakit na nararamdaman niya.
"Maraming salamat sa'yo, Kels. O, sige na. Hindi na 'ko mangongopya sa'yo, mag-aaral na lang ako dahil meron pa naman pala tayong time." Pareho kaming natawa na dalawa.
Pagkatapos ng unang schedule ng exam namin ay dumiretso muna ako sa library para mag-aral ulit. Habang patuloy ako sa pagpili ng mga libro na kakailanganin ko ay may bigla na lang tumamang katawan sa akin.
"Kelcy? Kumusta ka na? Long time no see, ah." Sapol ang mukha ko sa braso ni Trayce habang kapwa kami pumipili ng libro sa isang book shelf.
"Ano ang ginagawa mo dito? Ang balita ko raw ay kakabalik mo lang galing ibang bansa dahil sa isang award. Congrats!" ang sagot ko naman.
"Tama ang sinabi mo. Nominated ako for international awarding and okay lang if I did not win. Nandito ako dahil bibili ako ng books para sa last term ng exam namin, ikaw?" ang nakangiting tanong niya.
"Meron lang akong hinahanap na libro na kanina ko pa hindi mahagilap. Hindi ko nga alam kung saan na 'yun, e," ang sagot ko naman.
"Ngayon na ba 'yung last term exam ng Accountancy department? Good luck, kaya mo 'yan," ang sagot naman niya.
Ngumiti ako at saka nagpasalamat sa kaniya. "Anong klaseng libro ba 'yang hinahanap mo?" ang tanong niya.
"Financial and banking, hindi ko alam kung saang banda na 'yun," ang sagot ko.
"Hindi dito, tara." Bigla na lang niyang hinawakan ang kamay ko at saka hinila paalis. Doon niya ako dinala sa kung saan ay merong nakasulat sa taas na Finance and Banking shelves.
"Oh, pa'no? Dito ka na lang muna, marami pa akong kailangan dapat gawin. Good luck sa exam mo, see you next year."
Tawanan.
Ngumiti lang ako at saka nagpasalamat. Naiwan akong mag-isa habang abot tingin lang ako sa kaniya habang naglalakad palayo.
Naghanap ako ng lugar na pwede kong maupuan habang hawak-hawak ko ang librong hinahanap ko kanina. Tahimik lang ako habang nagbabasa hanggang sa dumating na ang oras para sa next schedule ng exam.
Inabot kami ng alas-otso ng gabi bago natapos ang final exam. Pakiramdam ko naman ay nasagutan ko lahat nang tama ang mga tanong kanina kaya walang masyadong pressure akong naramdaman.
Kinabukasan.
Pagpasok pa lang sa loob ng campus ay nagkakagulo na kaagad ang mga estudyante sa isang malaking LED screen para sa result ng exam. Nakisiksik ako para makibusisi kung ano na ang nangyayari.
Isa-isang nagsilabasan ang mga score hanggang sa makita ko na lang ang pangalan ko. Sa lahat ng subject ay hindi ako bumagsak at mataas din ang nakuha ko. Saka lang ako nakahinga nang maluwag.
"Uy, si Kelcy mataas ang nakuha! Congrats, Kels!" ang pamumuri ng kaklase ko sa tabi ko.
"Oo nga, Kelcy. Mataas ang nakuha mong score, congrats sa'yo," ang narinig ko namang may nagsabi sa likod.
"Salamat." Lahat na muna kami ay dumiretso na sa classroom para tapusin pa ang mga ipapasa naming requirements.
Makalipas ang ilang oras ng paghahanda at hanggang umabot na lang ang tanghaling-tapat nguni't hindi ko pa rin nakikita si Carlos. Hinanap ko na ito kung saan-saan nguni't napagod na lang ang mga paa ko ay hindi ko pa rin siya nakita.
Wala akong nagawa kundi ang umupo na lang muna sa isang bench malapit sa may walkway. Mukhang hindi maganda ang nararamdaman ko at hindi ko alam kung bakit parang kinakabahan ako nang hindi ko malaman.
Sinubukan ko itong tinext at tawagan nguni't hindi naman ito sumasagot. Wala naman siyang sinabi sa akin kanina na meron itong pupuntahan. Wala akong nagawa kundi ang tumayo at nagsimulang maglakad para umalis na lang.
Pakiramdam ko ay parang hindi ako mapakali nguni't hindi ko na lang inisip ito at sinubukang i-relax ang sarili ko. Babalik na lang ulit ako ng classroom para ipagpatuloy ang ginagawa ko.
Tahimik.
Papasok na ako ng lobby nang may biglang tumawag sa pangalan ko. Napalingon ako nguni't wala naman akong nakitang nakatingin sa akin.
"Gutom ka na?" ang narinig kong sabi ulit ng nasa boses kaya napalingon ulit ako.
Tumambad sa akin si Carlos na nakasuot ng pormal na attire. Iba ito sa suot niya kanina nang pumasok kami ng campus.
"Hey, ang tanong kung gutom ka na ba? Sorry na-late ako," ang patuloy pa niya.
"Saan ka galing?" ang imbes na tanong ko.
"Ha? May importante lang akong nilakad. Huwag mo nang alalahanin 'yun," ang nakangiting sagot niya sabay hawak sa kamay ko.
Nagpumiglas ako. "Ano ba, may makakakita sa atin," ang angal ko.
Napapansin kong merong kakaiba sa mga ngiti nito at mukhang ang weird niya 'ata ngayon. "Let's eat, sabay na tayong kumain. Alam kong kanina mo pa ako hinihintay. Sorry na-late ako," ang usad niya sabay hila sa braso ko para kumain.
Pakiramdam namin sa sariling kwarto niya sa building ng S4 ay merong ng mga nakahandang pagkain at hindi ko alam kung sino ang gumawa nito.
"Kanina pa kita hinahanap, where have you been? Kung saan-saan na kita hinanap kanina pa," ang tanong niya habang kumakain.
"Saan ka ba nagpunta kanina? Kanina pa rin kita hinahanap," ang sagot ko.
"Sagutin mo muna 'yung tanong ko. Baka mabalitaan ko na lang na meron ka na palang kinakausap na ibang lalaki diyan," ang imbes na sagot niya na parang nagngingitngit.
"Paano mo nalaman?" ang pang-aasar ko.
Biglang sumimangot ang mukha niya at tiningnan ako nang masama. "Joke lang, ang hirap mo talagang biruin," ang sagot ko sabay tawa.
"So totoo palang meron kang kinakausap na ibang lalaki diyan? Tell me his name then dahil titingnan natin kung saan aabot ang tapang niya."
"Bakit, ano'ng gagawin mo? Pwede ba, tigil-tigilan mo na 'yang pagiging bayolente mo? Nagbibiro lang ako kaya huwag kang mag-aalala!" ang pagtataray ko naman.
Nguni't parang wala yata siyang narinig sa sinabi ko. Hindi ako nito pinansin habang patuloy lang ito sa pagkain. Ano pa ba ang aasahan ko sa kaniya? Palagi naman niya akong hindi pinapakinggan.
Tahimik.
"I have a good news for you."
Nagtaka naman ako kung ano ang ibig niyang sabihin. "Ano'ng good news?" ang tanong ko.
"I'm a dean's lister," ang maikling sagot niya habang hindi nakatingin sa akin.
"Totoo?!" Hindi ako makapaniwala dahil nagbibiro lang siya or hindi. Hindi ako nito pinansin nguni't mayamaya ay bigla itong tumingala at tumingin sa akin. Ngumiti siya at saka tumango.
Mabilis ako tumayo at saka niyakap siya nang mahigpit. "Congrats, proud na proud ako sa'yo. Gusto kong ipagpatuloy mo na 'yan."
Ngumiti lang siya habang nakayakap din sa akin. "It was because of you, dahil sa'yo kaya lang ako nakapag-aral nang maayos. Itong dating gago na 'to at bad boy ay naging good boy dahil sa'yo at hindi ko rin alam kung bakit ako nagkakaganito. Hindi ko alam kung ano ang ginawa mo sa akin pero pakiramdam ko ay nababaliw na yata ako. Para kang gayuma na ang hirap labanan at mukhang nalunod na ako nang hindi ko alam, ewan ko ba."
Sandali akong natahimik at hindi nakaimik. Hindi ko inaasahang sasambitin niya ang mga katagang 'yun sa aking harapan. Ang isang katulad niya na ayaw magpatalo palagi at mataas pa ang pride ay mahirap ay ang hirap na marinig ang salitang 'yun.
"Bakit ba ganiyan ka kung makapagsalita? May saki ka ba, ha? Patingin nga," ang sagot ko sabay hawak sa leeg niya na agad din naman niyang inalis.
"Seryoso ako ako, Kelcy. Ikaw lang naman diyan ang mukhang hindi seryoso, e. Ano, mahal mo ba talaga ako?" ang tanong niya.
"Siyempre, hindi." Bigla itong napasimangot. "Hinding-hindi ako aalis sa tabi mo," ang patuloy ko.
Ang simangot ay biglang napalitan ng isang matamis na ngiti. Hinawakan niya ang aking batok at mabilis akong hinalikan sa labi. Napakabilis bumago ang reaksiyon niya at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya matanto.
*****
"KELCY, kanina ka pa hinahanap ni Trayce. Doon ka na muna sa kaniya, ako na ang tatapos ng requirements natin."
Mabilis naman akong lumabas ng classroom upang salubungin ito. Nakatalikod ito habang nakasulyap sa ilalim ng campus ground. Hawak-hawak nito ang isang pamilyar na notebook sa kaniyang kamay.
"Naiwan mo 'to kahapon sa may library. You should have taken care your things next time, okay? Mabuti na lang dahil ako ang nakakita."
"S-Salamat." Hindi agad ako nakasagot dahil kung makapagsalita siya ay parang sinisermunan niya ako.
"Bakit parang napakurap ka? May sakit ka ba?" ang biglang tanong niya na may halong pagtataka.
Bigla itong gumalaw at ilalapat sana niya ang kamay niya sa noo at leeg ko pero biglang may humampas nang malakas sa kaniyang kamay dahilan para mapaangal siya.
"Arrreekupp!" Walang iba ang gumawa nito kundi si Carlos. Suot-suot pa rin niya ang suot niya kanina at marami siyang dalang papeles habang dala ang sariling knapsack.
"What did you do to her?" ang tanong niya habang masama ang tingin kay Trayce.
"Meron pa pala tayong dapat gawin. Tara na, umalis na tayo. Goodbye, Trayce." Para akong nataranta at mabilis kong hinila ang kamay ni Carlos palayo sa kaniya.
Hindi naman niya ako pinigilan pero ang mga mata niya ay nakatingin pa rin nang masama kay Trayce samantalang siya naman ay natatawa na lang kahit kakarating lang ni Beverly sa tabi niya.
"Bakit kasama mo naman ang mokong na 'yun?" ang tanong niya na may halong pagtatampo.
"Binalik niya lang 'yung notebook ko na naiwan ko kahapon sa library. Huwag ka nang magalit diyan."
"Malaman ko lang na merong pumuporma sa'yo, babasagin ko ang ulo no'n. Lalong-lalo na 'yang Trayce na 'yan."
"Bakit ba ganiyan na lang palagi ang bukang-bibig mo? Wala namang may aagaw sa ako 'no. Lahat sila ay takot na sa'yo," ang sagot ko.
"Ibigay mo nga sa akin 'yang account mo. May titingnan lang ako," ang sagot niya.
"Ano'ng account ang sinasabi mo?" ang tanong ko.
"Ang ibig kong sabihin ay 'yang social media account mo, ibigay mo na sa'kin. May titingnan lang ako."
"Bakit, ano'ng gagawin mo? Hindi ko 'to ibibigay sa'yo 'no, wala ka ring makikita dito. At saka, marami kang hindi dapat na hindi malaman dito dahil bawal at nakakahiya."
"Ibibigay mo ba sa akin o idediretso ko 'tong kotse sa apartment mo? Huwag ka na munang magtrabaho ngayon, ipagluto mo 'ko ng pagkain."
"Huwag! Ganito na lang. Ibibigay ko itong account ko sa'yo pero dapat ibigay mo na rin 'yung sa'yo sa akin," ang sagot ko.
Bigla itong napatingin sa akin habang hawak-hawak nito ang manibela ng sasakyan. Tila yata nagulat siya sa sinabi ko.
"Huwag mo nang tingnan dahil masasaktan ka lang. Alam mo naman siguro na gwapo itong boyfriend mo, marami ang naghuhumaling. You know, I'm handsome beautiful."
"Ano, huwag ka ngang self-proclaimed diyan. At isa pa, huwag mo na ring asahan na makukuha mo ang account ko dahil hindi ko ibibigay sa'yo 'yun!"
"Arrekuppp! Bakit mo ba ako sinisigawan? Gusto mo ba 'kong mabingi, ha?" ang reklamo niya habang nakatabon ang tainga.
"Hayaan mo na, deserved mo rin naman 'yan. O, sige. Dito na lang ako, umuwi ka na doon. Uuwi ako na lang ako nang mag-isa mamaya."
"Hihintayin kita dito, sabay tayong uuwi mamaya," ang sagot niya na may halong utos.
"Hindi na dahil antukin ka pa naman. Baka makatulog ka na naman mamaya. Umuwi ka na lang, gawin mo kung ano ang gusto mong gawin doon," ang sagot ko sabay taray dito.
Nguni't hindi niya ko pinakinggan dahil umupo pa ito sa isang table at saka um-order ng gusto niyang kainin at inumin. Hindi ako nito pinansin hanggang sa nag-umpisa na lang ang trabaho ko habang siya naman ay nakamasid lang sa akin.