HUWAG NIYO PO MUNA ITONG BILHIN, THIS IS NOT AN UPDATE. SALAMAT PO.
GABI na natapos ang event at bago 'yun ay pinarangalan muna sina Kiara at Tristan bilang Mr. & Ms. Campus. Sila kasi ang nanalo at ang buong department namin ay nagdidiwang ngayon.
(Kung gusto niyong mabasa kung ano ang buong nangyari sa pageant nina Kiara at Tristan ay mababasa niyo ito sa ibang kwento (Be My Possession) kung saan ay sila mismo ang bida. Hindi pa ito published dahil nasa ikaapat na series pa sila.)
Mag-isa akong umuwi patungo sa apartment samantalang si Carlos ay sumama pa sa mga kaibigan niya upang magdiwang. Iinom pa raw kasi ang mga ito para i-celebrate ang pagkapanalo nila.
"Siguro naman ay wala na siyang ibang babae doon? Baka maulit na naman niya sa akin dati. Humanda talaga siya sa 'kin!"
Hala, bakit ganiyan ang iniisip ko? Nababaliw na ba ako? Hayst, hindi ko mapigilang kabahan. Pero, may tiwala naman ako sa kaniya kaya okay lang.
Day off ko ngayon sa restaurant kaya may panahon na rin ako para magpahinga. Sumampa ako sa kama. Huminga ako nang maluwag habang nakatingin ang katawan ko sa kisame.
Ilang araw na pala kaming magkasama ni Carlos. Si nanay, kumusta na kaya siya? Gusto ko sana siyang tawagan pero wala naman akong load.
Wala akong nagawa kundi ang pumikit na lang para matulog. Medyo napagod yata ang buong katawan ko kaya mabilis lang akong nakatulog. Nasa tabi ko ang binili kanina ni Carlos na teddy bear.
Hinawakan ko ito at saka niyakap. Sobrang lambot at ang cute niya kaya nanggigigil ako. Bakit niya ba sinabi sa akin kanina na gagawa raw siya ng baby dito sa tiyan ko? Nababaliw na yata si Carlos.
"Hindi siya pwedeng gumawa ng baby sa tiyan ko 'no. Ito lang muna dapat ang baby namin," ang sa isip-isip ko.
Umikot na lang ako patagilid at saka niyakap ang unan sa tabi ko. Nasa hiinihigaan naman ni Carlos ang teddy bear na binili niya. Pumikit ako hanggang sa namalayan ko na lang na natutulog na pala ako.
Kinabukasan…
"CUT!" ang biglang sigaw ng direktor dahilan para mapakurap ako.
"Ano ba 'yan, Kelcy? Kaya mo pa ba? Ba't tawa ka nang tawa diyan? Hindi ka ba marunong magseryoso?" ang asar na sermon niya sa akin.
"Sorry po, nakikita ko kasi 'yung mukha ko sa monitor. Hindi kasi ako sanay," katuwiran ko.
Kanina ko pa kasi nakikita ang mukha ko habang nag-a-acting kaya hindi ko mapigilang matawa. First time ko pa lang gumawa ng ganito at sobrang hirap pala talaga. Ang hirap mag-focus. Natatawa ako sa mukha ko.
"Pang-ilang take na ba niya 'yan?" ang tanong niya sa isang staff.
"Take 3 po, Direk."
"O, see? Naka-take 3 na tayo pero hindi mo pa rin nakukuha 'yung tamang poise. Tawa ka lang nang tawa diyan."
"Sorry po, Direk. Aayusin ko na talaga. Pero pwede po bang humingi muna ng favor?" ang tanong ko.
"At ano na naman 'yan? Naku naman, oh. Pa-especial ka talaga!" ang parinig niya habang bumabalik sa puwesto niya.
"Pwede po bang iikot niyo muna patalikod 'yang monitor para hindi ko makita 'yung mukha ko? Natatawa kasi ako kapag nakita ko ang sarili ko, eh."
Napangiwi na lang ako dahil baka kaunting galaw ko na lang uupakan na nila ako. Lahat kasi ng mga staff ay nakatitig na sa akin nang masama at parang hindi na rin sila natutuwa.
Mabuti na lang dahil nandiyan si Trayce sa kabilang gilid para hindi ako mahiya. Hindi ko naman in-expect na ganito pala kahirap magseryoso. Pakiramdam ko ay nagsisi yata ako kung bakit ko pa tinanggap ang alok ni Trayce.
"Sige, iikot niyo na muna 'yang screen para mabilis na tayong matapos dito. Six minutes late na tayo, oh."
Ginawa naman nila ang sinabi ng direktor at nag-acting ulit ako. Ginawa ko na talaga ang best ko na hindi ako matawa at sinubukan ko ulit na magseryoso. Dinama ko ang lines ko para mai-deliver ko nang maayos ang pag-acting.
"Cut! Good take, Kelcy." Nagpalakpakan ang buong tao sa palibot. "That's perfection. Keep up the good work. Ipagpatuloy mo lang 'yan."
Siyempre direk 'no! Ayaw ko na kayang mapagalitan. Mabuti na lang dahil hindi ko na ulit nakita 'yung itsura ko dahil kung hindi ay sigurado akong may panibagong take na naman.
Hayst, bumuga ako nang isang malalim na buntong hininga bago tuluyang pumunta sa gilid para umupo.
"Keep it up, magaling ka naman palang mag-acting, ah. Napahanga mo nga 'yung direktor namin." Tinapik-tapik ni Trayce ang balikat ko.
Ngumiti lang ako sa kaniya dahil nagmamadali na rin itong pumunta sa gitna dahil siya na ang susunod na mag-acting. Meron pa akong susunod na lines kaya kailangan ko pang mag-memorize.
Lunch time na bago natapos ang apat na oras na taping namin. Meron silang hinanda na libreng pagkain para sa amin pero kaagad na kong nagpaalam dahil pupunta pa ako kay Carlos.
Babalik na lang ako mamayang alas-siete nang gabi bago sasabak muli sa pag-arte. Sumakay ako ng taxi at mabilis na tinungo ang university namin.
"Saan ka galing kanina?" ang tanong ni Carlos habang kandautal ako sa pagsunod sa kaniya sa may hallway.
"May pinuntahan lang akong importante," ang maikling sagot ko.
"Like what? What do you mean?" ang tanong niya.
"Wala ka na doon 'no!" ang sagot ko dahilan para mapatigil siya sa paglalakad at napatingin sa akin. Nagtaka siguro siya dahil sa sinabi ko.
E, nakakahiya kaya na sabihin ko sa kaniya na magiging artista pala ako. Hindi niya alam na mag-a-acting pala ako at baka pagtawanan niya pa ako.
"May inasikaso lang ako kanina pero huwag ka nang mag-alala sa akin. Wala naman akong gagawing masama 'no." Baka kasi pag-isipan niya pa ako nang masama.
Hindi siya sumagot. Lumapit ito sa akin at saka inakbayan ako. "Dapat lang dahil hindi ko gusto na meron kang nililihim sa 'kin. Malaman ko lang na meron kang sikreto ay malalagot ka sa akin," ang proud na sagot niya dahilan para mapangiwi ako.
"Saan tayo pupunta?" ang nakangiting tanong ko.
Ngumiti lang siya at nagpatuloy kami sa paglalakad. "Siyempre kailangan kong bumawi sa 'yo dahil hindi kita nakasama kagabi. Meron tayong pupuntahan," ang sagot niya at pinasakay ako sa kaniyang kotse.
Dinala niya ako sa isang mamahaling restaurant nguni't hindi naman ito kung saan ako nagtatrabaho. Meron namang cafeteria doon sa APIU pero bakit dito niya pa ako kailangang dalhin?
Hindi ko nga rin alam kung cafeteria nga ang tawag doon dahil meron namang mga nagsi-serve sa amin.
Umupo ako sa upuan paharap sa kaniya. Binigay niya sa akin ang menu na binigay ng isang waitress. Pumili ako ng gusto kong kainin habang sinusulat naman ng waitress ang sinasabi ko.
"You should eat more. Treat ko ngayon kaya dapat magpakabusog ka."
"Ayaw ko 'no. Baka tumaba pa ako," ang katuwiran ko. Ayaw kong tumaba dahil nagkakasakit ako.
"Mabuti nga 'yun, eh." Ngumisi siya. "Um-order ka nang marami diyan dahil kapag tumaba ka ay wala nang magkakagustong iba sa 'yo."
Ano, gusto pala niyang tumaba ako? "Ah, gano'n pala. Para iwan mo na ako, gano'n?" ang tanong ko.
"Siyempre ay hindi." Mabuti naman kung gano'n dahil titirisin ko siya. Malay ko ba kung sa katawan lang pala niya ako nagustuhan o 'yung pag-aalaga ko sa kaniya. Sana ay hindi.
Ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na rin ang in-order namin. Pero ibang klase yata ang na-order ko dahil kami pala mismo ang magluluto para sa sarili namin. Sariwa pa ang karne na may kasamang lettuce ang binigay ng waiter.
"Paano 'to?" Hindi kasi ako marunong. Hindi ko rin alam kung ano ang gagawin ko. First time ko lang 'tong nakita.
Kinuha niya ang karne na nasa harapan ko at saka hiniwa ito. Isa-isa niyang nilagay ang hiniwa niya sa isang parang kawali na merong mga linya sa gitna.
"Samgyupsal pa kasi 'yung pinili mo, eh. Marami namang iba diyan." Ano daw? Hindi ko siya maintindihan. Ganito pala 'yung pinili ko kanina kaya kami nagluluto ngayon.
"Kumain ka na. Here, uhh." Kinuha niya ang chopstick sabay tapat ng hawak niya sa bibig ko.
"Hindi ba mainit 'yan?" ang tanong ko.
"Nahipan ko na 'to." Sinubo ko naman ang binigay niya. Kumuha pa siya ng kaunting piraso at itinapat ulit sa bunganga ko.
"Hmmn, masarap pala 'to?" ang tanong ko.
Hindi siya sumagot at saka ngumisi lang. Dumampot ulit siya ng pagkain at saka binigay ulit sa akin.
"Sige, kumain ka lang. Magpataba ka." Sumimangot ako habang nginunguya ang pagkain na binigay niya.
"Sige na, kumain ka na diyan." Kumuha ako ng sarili kong chopstick para hindi na niya ako masubuan. May plano pala siyang masama sa akin, ah.
Hindi ko siya pinansin at sabay na kaming kumain na dalawa hanggang sa matapos na kami. Busog kaming dalawa habang tinatahak ang daan patungo sa kaniyang kotse.
"Uy, kumusta ang date? Mukhang ngiting panalo yata kayo?" ang bungad sa amin ni Tristan nang makasalubong namin sila.
Mahina naman siyang hinampas ni Carlos sa dibdib. "Bakit ba kayo nandito? Unahin niyo na lang kaya 'yung mga assignments niyo? Puro kayo lakwats, eh. Mag-aral dapat kayo."
"Wow, ang isang Carlos Mondragon ay nagsasabi nang ganiyan? Bravo! Bravo! Bravo! Iba na talaga ang katas ni Kelcy."
"Ungas, nag-aaral naman talaga ako at kailangan ko pang tapusin ang assignment ko. Kayo, malapit na ang exam, ah? Nag-aral ba kayo?" ang puna ni Carlos.
"Ikaw nga ang dapat kong tanungin niyan, eh. Nag-aral ka ba talaga? Baka naman kasi pakitang tao ka lang?" ang tanong ni Tristan.
"Siyempre hindi. Nag-aaral na ako nang mabuti at hindi 'yun dahil kay Kelcy. Diyan na nga kayo," ang sagot niya sabay lampas sa mga kaibigan niya.
"Uy, teka lang, bumalik ka dito. Pakopya kami."
"Mga gago kayo."
Sinundan ko siya. Nag-aral ba talaga siya? Baka naman joke lang.
"Totoo ba ang sinabi mo?" ang tanong ko habang nakasunod sa kaniya.
"Aba, ba't ka nagtatanong? Doon ka na nga, mag-aral ka dahil malapit na 'yung exam natin. Baka maliit lang na score ang makuha mo."
"Ha?" Totoo ba ang sinasabi niya? Nag-aaral na ba siya? Bakit ayaw niya akong tingnan? Hinabol ko siya pero nagkandautal ako.
"Nagawa mo na ba 'yung assignment natin kahapon? Meron ako dito, kunin mo na lang." Napahinto siya.
"Meron na ako dito. Nag-aral ako kaninang umaga kaya lahat ng mga activity ay nagawa ko na. Bakit ba ayaw mo nang maniwala sa akin? Wala ka sigurong tiwala sa 'kin ano?"
"Ngayon ko lang kasi napansin sa 'yo iyan, eh. Naninibago lang siguro ako."
Sarkastiko siyang natawa. "Ako, nakakapanibago? Ginagawa ko na 'yun dati pa pero hindi mo lang napapansin. Baka hindi mo alam na ako 'yung pinakamatalino sa department namin?" ang pagmamalaki niya.
"Oo nga, ikaw na ang pinakamatalino pero mukhang hindi ka naman gumagawa ng activity mo dati pa, eh. Umaasa ka na lang sa stock knowledge mo."
"Kinakalaban mo yata ako, eh. Ano, lalaban ka ba?" ang sagot niya sabay posisyon na parang isang martial artist.
"Ayan ka na naman sa pagiging galawgaw mo, eh. Diyan ka na nga." Umalis ako at saka nilampasan siya.
Hinabol niya ako. "Biro lang, masayado ka namang seryoso. Sabay na tayong uuwi mamaya. Huwag ka na munang pumasok doon sa restaurant na pinagtatrabahuan mo dahil may pupuntahan tayo."
"Ano? Bawal! May gagawin pa ako mamaya. Marami pa akong kailangan gawin doon at hindi ako pwedeng mag-absent."
"Ano ba 'yan, sagabal talaga 'yang restaurant na 'yan mga plano ko, eh. Ipapasara ko na 'yun bukas para wala nang pipigil sa akin."
"At ano na naman ang gagawin mo? Subukan mong gawin 'yan dahil ako ang makakalaban mo," ang pagbabanta ko dahilan para mapakamot siya ng kaniyang ulo.
Lahat na lang yata ng maisip niya ay gagawin na niya nang hindi nag-iisip. Kung ano ang gusto niyang gawin ay gagawin niya talaga. Napahinga na lang ako nang malalim bago tuluyang pumunta sa unang schedule ng klase ko ngayong araw.
"Kumusta ang unang araw ng taping mo? Mahirap bang mag-acting? Baka iyan na ang ikasisikat mo," ang bungad sa akin ni Sophia.
"Sa unang pagkakataon ay napagalitan ako ng direktor," ang natatawang sagot ko habang umuupo sa tabi nila.
"Ha? Bakit, ano'ng nagyari? Ikuwento mo sa amin," ang pang-uusisa ni Kiara.
"Natatawa kasi ako sa mukha ko kanina sa monitor kaya palaging naka-cut 'yung scene. Kaya ayon, ang ending ay pinagalitan ako."
"Okay lang 'yan ano. Noong dati nga na sumama ako sa taping ni kuya ay marami ring napapagalitan ang direktor dahil natatawa 'yung ibang artista."
"Si kuya, napagalitan din ba siya kanina?" ang tanong ni Kiara.
Umiling ako. "Napakagaling niya nga, eh. Isang take lang ay kuha niya na kaagad," ang sagot ko.
Para itong nadismaya. "Sayang naman." Bakit parang malungkot pa siya na magaling nga ang kuya niya? Nag-away ba sila?
"Nga pala, pinasasabi ng pinsan mo na congrats daw sa pagkapanalo mo." Mabuti na lang dahil naalala ko 'yung sinabi sa akin ni Cendy kanina.
Biglang lumiwanag ang mukha niya. "Si Ate Cendy ba?" ang tanong niya.
Tumango ako. "Oo, magaling din siyang mag-acting. Isang take lang kanina pero nakuha na niya kaagad. Pakiramdam ko nga ay ako lang ang hindi magaling, eh."
Totoo naman. Mukhang ako lang yata ang hindi magaling doon. Parang lahat na sila ay bihasa sa pag-acting samantalang ako ay napahiya pa kanina. Parang hindi ko na gustong bumalik.
"Matagal ko na siyang hindi nakita simula no'ng nag-training siya 3 years ago. Miss na miss ko na nga siya, eh."
"Mabait nga siya, eh. Hindi niya ako sinimangutan basta nakangiti lang siya palagi tapos tinuturuan pa ako kung paano um-acting."
"Kaya nga idol ko 'yan, eh. Maganda na, mabait pa. Hindi siya katulad sa ibang cousin ko na palagi akong sinisimangutan," ang sagot niya.
"Kailan na ang next taping mo? Sana naman hindi ka na pagalitan ng direktor. Si Direk Dawin ba?" ang tanong ni Kendra.
Tumango ako. Paano niya nalaman na si Direk Dawin nga 'yung direktor namin? "Paano mo nalaman?" ang tanong ko.
"Naku, grabe magalit 'yun, eh. Kahit pang-take 2 pa lang 'yung shoot dati noong sumama ako kay kuya ay grabe na kaagad siya magalit kapag merong mali. Nakakatakot siya kaya hindi na ako sumama ulit."
Napangiwi naman ako. Mas lalo tuloy akong kinabahan. Mukhang nagsisisi na ako kung bakit ko tinanggap ang alok ni Trayce. Sigurado akong mapapagalitan ulit niya ako kapag nagkamali ako.
"Totoo ba?" ang tanong ko ulit.
Tumango siya kaya mas lalo pa akong kinabahan. Sa tuwing naiisip ko na pupunta ako ulit ako mamaya sa taping ay bumubilis ang t***k ng puso ko.
Alas-kuwatro nang hapon bago natapos ang aming schedule. Wala akong ibang ginawa kundi ang sumakay na naman ulit sa taxi para magtungo sa lugar kung saan ang next na taping namin.
"O, ikaw na ang susunod na sasabak. Galingan mo, ah. Kaya mo 'yan," ang sambit ni Cendy dahil ako na ang susunod na sasabak.
Huminga ako nang maluwag bago sinunod ang instructions ng mga staff at pati si Direk Dawin. Ready na rin ang mga lighting at ilang sandali na lang ay aarte na ako. Kailangan kong mag-focus dahil medyo malungkot ang eksena.
"Lights... camera... rolling... and action!"
"Ano Raf? Gano'n-gano'n na lang ba? Dahil sa sarili mong emosiyon ay papatay ka na kaagad ng tao? Wala ka na ba talagang awa kaya ayaw mo nang sumunod sa akin?" ang umpisa ko habang kaharap si Trayce.
"Huwag mo 'kong pigilan, Pia. Sinasabi mo lang 'yan dahil hindi ikaw ang nasa kalagayan ko. Hindi mo alam kung ano'ng hirap ang dinanas ko!" ang madiing salita ni Trayce.
"Kaya nga, eh. Nandito ako ngayon to comfort you. Pero ano'ng ginawa mo? Hindi mo 'ko pinapakinggan! Hindi mo na 'ko binigyan ng pagkakataon para matulungan kita!" ang sagot ko
"Girlfriend lang kita, Pia. Hindi mo 'ko pag-aari at hindi mo rin hawak ang buhay ko!"
Sinunod ko naman ang sinabi ng direktor na parang nagulat dahil sa sinabi ni Trayce. "Gano'n pala ang tingin mo sa akin, Raf?" ang tanong ko.
Hindi siya sumagot. Hawak-hawak pa niya ang baril nitong hindi totoo at mabilis na nag-walk out. Palakpakan ang mga tao sa paligid.
"Cut!" Lumapit sa akin ang direktor. Natakot naman ako dahil baka meron na naman siyang concern tungkol sa akin.
"I've never expected that, Kelcy. Ipagpatuloy mo lang 'yan. I'll look forward on your talent, magaling ka." Nakahinga ako nang maluwag.
"Thank you po." Napahawak ako sa dibdib ko at mabilis na pumunta sa gilid para maupo. Nilapitan ako ni Trayce at saka inakbayan ako.
"Sobrang galing mo. Hindi ako nagsisi na ikaw ang pinili ko," ang nakangiting sabi niya.
"Salamat," ang maikling sagot ko.
'Yun na ang last scene ko ngayong gabi kaya nagpaalam na ako sa kanilang lahat na mauna nang umuwi. Gusto pa sana akong ihatid ni Trayce nguni't meron pa itong susunod na eksena.
Pagdating ko sa apartment ay naabutan ko sa labas ng pintuan na naghihintay sa akin. Nagtataka naman akong lumapit sa kaniya. Bakit nasa labas pa rin siya? Ano ang ginagawa niya rito?
"Saan ka nanggaling?" ang kaswal na tanong niya habang nakapamulsa.
"H-ha?" Hindi ako nakasagot kaagad dahil hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin.
"Pinuntahan kita sa restaurant kanina at ang sabi ng manager mo ay hindi ka raw pumasok. Saan ka nanggaling?" ang tanong ulit niya.
"A-ah, hindi kasi niya alam na kasama ko ang amo namin at meron kaming ibang pinuntahan. Hindi na kami nakapunta sa restaurant kaya hindi nila alam."
Tiningnan niya ako nang mata sa mata at mukhang hindi siya kumbinsido sa sagot ko. Tumango lang ito at saka tumalikod para pumasok sa loob ng apartment. Hindi na niya ako pinansin at saka mabilis na itong sumampa pahiga sa kama.
Mabilis akong nagbihis ng suot ko at saka pumunta sa banyo para maglinis ng katawan. Pagbalik ko ay gising pa rin siya habang hinihintay ako.
Nagsuot lang ako ng damit at saka humiga na rin sa kaniyang tabi. Ngumiti ako at saka lumapit sa kaniya pero hindi ako nito pinansin. Mayamaya pa ay unti-unting gumalaw ang katawan niya at mabilis ako niya akong niyakap at pinaunan sa kaniyang braso.
Ngumiti siya. "Goodnight."
"Goodnight," ang sagot ko.
Tahimik.
Wala kaming imikan sa isa't isa. "I hope I made your day. Hindi ko hahayaan na may ibang lalaki ang makalapit sa 'yo. Tandaan mo ang sinabi ko sa 'yo dati noong dumating ka sa mansion. You're only mine, Kelcy," ang sabi niya habang hindi ako tinitingnan at kapwa kami na nakatingin sa kisame.