“MAYEN! Sandali lang! Hintayin mo ako!” Patuloy lang si Mayen sa paglalakad nang mabilis sa may gilid ng kalsada. Hindi niya pinapansin ang pagtawag ni Third sa kaniya kahit magmukha pa itong tanga dahil hindi niya ito pinapansin. Sino ba naman kasi ang matutuwa sa ginagawa nito at ni Jenica? Kakasagot lang niya dito tapos makikita niya na nakikipag-holding hands agad ito sa iba! Hindi naman siya tanga para hindi mahalata na may relasyon ang dalawa na higit pa sa pagiging magkaibigan. Obvious din na pinaglalaruan lang siya ng mga ito. Kasalanan din niya dahil masyado siyang madaling maniwala. Walang gwapong lalaki ang manliligaw sa katulad niyang hindi kagandahan. “Mayen! Sandali!” At nahawakan na nga siya ni Third sa braso. Humarap siya dito na luhaan. Isang malakas na sampal
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


