Chapter 19

3870 Words
Biglang nawala ng bahagya ang kalasingan ko ng makita ng maayos kung sino ang lalaking sumalo sa akin. Oo at may tama nako ng alak pero hindi naman ganun kalala ang tama ko para hindi maalala kung sino ito at kung anong ginawa nya sa akin. Mabilis akong tumayo at humiwalay sa kanya. "Ahm s-salamat" medyo utal at mabilis kong sabi bago dahan dahang naglakad papunta ng ladies comfort room. Medyo hilo pa ako kaya mabagal ang lakad ko pero mas okay na to kesa naman ang madikit ulit sa lalaking yun. Malapit nako sa CR pero mukhang matatagalan pako makarating dun dahil sa lakad kong parang singbagal ng pagong. Huminto ako saglit at pumikit. Ang tanga tanga ko bat kasi ako nagpakalasing paano pa ko uuwi nito and take note mag cocomm-- "Huh? S-saglit!" Nagulat ako ng bigla na lang may humila sa kamay ko sabay kabig sakin. "Bitawan mo ako ano ba!" Piglas ko dito sabay tingin, at ganun na lang ang gulat ko ng makitang si Zachy iyon. "Pwede ba bitawan mo ako? Kaya ko naman mag isa" masungit kong sabi kahit nahihilo pako sa biglang paghila nya sakin kanina. "Bukas kapa makakarating ng CR kung hahayaan kitang maglakad ng ganyan kabagal" naiinis naman na sabi nito Teka lang! Sya pa talaga may ganang mainis?! "Saglit lang nga, bakit naiinis ka? Hindi ko naman hiningi ang tulong mo at ano naman kung abutin ako ng bukas dito. Wala ka ng pakialam dun, tabi nga!" Galit ko ng wika dito at mabilis na naglakad papuntang Cr. Tiisin mo ang hilo mo! Binilisan ko pa ang lakad ng makarating sa CR ay mabilis akong pumasok sa isang cubicle at naupo sa toilet bowl sabay pikit ng mariin. Hay! Samalat naman, akala ko susunod sya hanggang dito sa CR eh, ano bang problema nya? Pagkatapos nyang hindi magpakita ng tatlong buwan bigla na lang sya susulpot ngayon sa harap ko at sya pa may ganang mainis ha? Kasalanan mo to eh! Bakit kaba kc nagpakalasing ha? At sa dami pa talaga ng pwede mong makasalubong at tumulong sayo, yun pa talagang lalaki na iyon! Parang tanga na kausap nito sa sarili. Pagtapos ko ay mabilis akong naghugas ng kamay at naghilamos upang mahimasmasan kahit kaunti. "Eh ano naman kung nakita mo sya ulit? E ano naman kung mas gumwapo sya? Hmp! Hinding hindi nako madadala ng mukhang yun noh! Sana hindi na ulit kami magkita." nakasimangot kong sabi sa harap ng salamin. Mabilis naman akong naglagay ng pulbos sa mukha ko at naglagay ng liptint. Hindi sya nagmemake up nangangati kasi sya lalo na sa mga blush on at eyeshadow. Kaya liptint lang solve na ito. Yayayain ko na silang umuwi gusto ko na din matulog eh. Pagbukas ko ng pinto ng CR ay nagulat pako ng makita syang nakatayo sa gilid ng pinto. "Ay kabayo! Ano bang ginagawa mo dyan?" Tanong ko dito habang nakahawak sa dibdib ko. "Puwede ba tayong mag usap?" Seryosong wika nito habang nakatitig sa mga mata ko. "Sorry pero hindi kilala kaya i think wala tayong dapat na pag usapan." suplada kong sabi sabay lakad palayo dito. Bigla naman nitong hinila muli ang kamay ko sabay yakap sa likod ko. "I miss you so much baby, please forgive me." Malambing nyang sabi. Bigla naman kumabog ng malakas ang dibdib ko at natakot ako na baka bigla nyang marinig iyon. "Bitaw, diba sabi ko hindi kita kilala" matigas kong saad sa kanya. Aaminin ko na sobra ko syang namiss, at pasimple kong hinihiling na sana tumagal pa ang yakap nya sa akin. Sobra akong nasaktan sa ginawa nyang paglayo sa akin at hindi lang ilang beses kong iniyakan iyon. "Im so sorry, please forgive me baby" hinarap nya na ako sa kanya at niyakap ng mahigpit.. Natatakot ako na mas lalo akong ipagkanulo ng sarili kong katawan kaya bago pa mangyari iyon ay mabilis ko ng tinulak ng mahina ang dibdib nito upang humiwalay sa akin. "Simula nung lumayo ka at hindi nagpakita sa akin ay tinanggap ko ng ganun lang kababaw ang pagmamahal na sinasabi mo sa akin." "Walang lalaking aamin na mahal ka nya pero iiwan din kinabukasan at hindi na magpapakita pa" mapait kong dagdag na wika dito. Kita ko sa mga mata nya ang pagsisisi at di ako sigurado kung sakit ba ang dumaan panandalian sa mata nito at biglang napalitan ng seryosong tingin. "Let me explain first, hindi ko naman sinadya na iwan ka ng ganun katag- "Pero may choice ka naman na i txt or tawagan ako para magsabi or mag paalam, diba?" Putol ko sa anumang paliwanag nito. "On second thought, bakit mo nga naman pala gagawin yun eh wala namang TAYO?" Dagdag ko pa at diniin ang huling salita dito. " I get it, yun siguro talaga ang dahilan kaya hindi ka nag abalang tumawag or magtxt. Wala nga naman kasing TAYO. Well sorry ah? Masyado yata ako nag assume kaya nag expect ako ng tawag mula sayo kasi akala ko okay tayo eh." "Alam mo, okay na ako eh. Kung ayaw mo naman ng magpakita, fine! Kinalimutan ko na din yung confession na ginawa mo dati kasi alam ko naman na walang katotohanan 'yun, nadala ka lang ng bugso ng damdamin mo kasi ilang beses may nangyari sa atin." Marahil dahil sa dami ng nainom nya ay nagkalakas sya ng loob na sabihin dito lahat ng hinanakit nya at saloobin dito. She wouldn't have the courage to say all these words to him right now if she's sober enough. "No! That's not true, alam mong hindi iyon ang habol ko sayo. Kung anuman yung sinabi ko sayo noon totoo lahat yun. Believe me, please" "Wala na akong pakialam kung totoo man iyon o hindi. Nung lumayo ka at hindi nagpakita ng ganun katagal ay napatunayan ko ng walang katotohanan lahat ng sinabi mo noon." "Please do me a favor, wag mo na akong susundan pa. Masyado mo na akong naabala at gusto ko na din magpahinga, excuse me." Mabilis akong naglakad palayo dito kasabay ng pagtulo ng luha sa pisngi ko na mabilis ko naman pinunasan. Akala ko okay nako pero ang sakit parin pala . Bumalik ako sa table namin at nakita kong kumpleto na silang lahat. "San ka galing?" Nag aalalang tanong ni Nica. "Nag CR lang ako, gusto nyo na bang umuwi?" "Oo, nagbayad na din kami ng bill. Nag aya na din silang lahat umuwi eh" "Ano guys? Tara na! " Sabay sabay na sabi naman ng mga boys. Lumabas na kaming lahat. At nakita ko na din si Carlo sa tabi ng kotse nito nito agad naman nilapitan ni Abby. "Hon, isabay na naton sila Chloe at Nica" "Sige hon" nakangiti naman nitong sabi sabay tingin samin. "Marga, sure kaba talaga na mag commute ka?" Pahabol na tanong nito. "Oo, wag nyo na ako alalahanin, hindi naman din ganoon kalayo ang apartment ko eh." "Tsaka, panatag din ako na sabay kayo uuwi nila Nica at Chloe" nakangiti ko namang sagot kay abby. "Marga, ihatid kana lang muna namin nila dennis bago kami umuwi." Sabi ni kuya Alvin. "Oo nga, delikado na din at gabi na mag isa ka lang at babae pa." segunda naman ni Dennis. "Naku wag na, abala pa sa inyo imbes na dumiretso na din kayo pauwi at naghihintay na din panigurado mga misis nyo." "Hatid kana namin kahit hanggang sakayan lang" sabat naman ni kuya Alfie. "Sige na nga po, pano girls? Ingat kayo ha. Drive slowly, Carlo." Nagpaalam na kami sa isa't isa at hinintay muna namin sila makaalis bago ako ihatid sa sakayan nila kuya. Habang naglalakad ay sige tawanan pa ang mga ito dahil daw paniguradong sermon ang aabutin sa mga misis nila. "Dito nako mga kuya, ayan na din yung taxi oh. Salamat sa paghatid, ingat kayo pag uwi ah." Paalam ko sa mga ito ng makita ang paparating na taxi. "Sige,ingat. Chat ka na lang samin o kaya kanila Nica pag nakauwi kana, mauna na din kami." Paalam ni kuya Alvin. Pag alis nila ay sya namang hinto ng taxi sa harap ko. Pagsakay ko sa loob ay kaagad kong sinabi sa driver ang address ko ng apartment ko. So tired and sleepy. Pagod na sumandal sya sa upuan at nilapag sa tabi nya ang hawak na handbag. Hindi naman gaano kalayo ang apartment ko, mga 20 minutes lang nandun na ako lalo at wala ng traffic ngayon dahil gabi na kaya mabilis na ang byahe. Pumikit ako saglit ng ilang minuto upang magpahinga. Zach's face suddenly invade my mind as I close my eyes. Sorry zachy, kailangan kong sabihin yun dahil ayokong umasa muli at masaktan. This time, I need to protect my heart because I don't even know if he's telling the truth about his feelings. Pagmulat ko ay ang relo ko agad ang tinignan ko at nakita kong 20 minutes na ang lumipas, ganun katagal na pala ako nakapikit at nag iisip. Mabilis ko naman kinuha ang handbag ko sa tabi ko at sinukbit sa kamay ko. Automatic naman akong napatingin sa may bintana ng taxi sa pag aabang na makita ang apartment ko pero laking gulat ko ng makitang madilim sa labas at puro mga naglalakihang puno ng acacia ang nakikita ko. Teka! Hindi ito ang daan papuntang apartment ah. Mabilis na nilukob ng takot ang puso nito. Tumingin ako sa driver na nakasumbrero ng itim na hindi ko napansing suot nito kanina. Mas lalo akong kinabahan pero hindi ko pinahalata. "K-uya, mukhang namali po yata tayo ng daan? H-hindi po kasi ito ang daan papuntang apartment ko." Tumingin naman ito sa akin sa salamin bago sumagot. "Ginagawa kasi yung daan dun papunta sa apartment mo miss at mas lalo tayong gagabihin kung duon tayo dadaan kaya dito sa kabila na lang ako dumaan." seryosong sagot nito sakin. Tumayo naman ang balahibo ko hindi dahil sa lamig ng aircon kundi dahil sa tono ng boses nito. Kinakabahan man ay muli akong tumingin sa labas, may dumaan na kotse at nilagpasan lang kami. Medyo nabuhayan ako ng loob sa kaisipan na meron naman palang ibang nadaan dito. "Kuya, malayo pa ba tayo?" "Malapit na miss, konting hintay na lang" Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko, simula kasi kanina mabibilang lang sa daliri kung iilang sasakyan pa lang ang dumaan dito . Ni wala pa nga yata sa lima. Ngayon tuloy sya lubos na nagsisi kung bakit hindi pa sumabay kanila abby or nagpahatid kanila kuya alvin! She can now feel the tears slowly forming on the side of her eyes. Maya-maya pa ay may naaninag syang limang lalaki na natutukan ng ilaw ng taxi ang pwesto nila. Wari'y inaabangan talaga ang pagdating nila. Ang tatlo dito ay nakaabang sa kanila habang ang dalawa naman ay nakaupo sa ilalim ng puno na tila nagpapahinga. She can't help but to sob a bit when the taxi stopped right infront of the tree. Ang luha ay nag umpisa ng maglandas sa pisngi nya. Malaki ang puno na nandito at hindi sila basta makikita ng mga dumadaan na sasakyan kung meron man, lalo pa at pinatay na ng driver ang ilaw sa loob ng taxi. "K-kuya, please ihatid nyo na po ako sa apartment ko, nagmamakaawa po ako " umiiyak nya ng sabi dito. Alam na nya ang sunod na mangyayari kaya labis ang takot na lumukob sa katawan nya ngayon. "Pasensya na miss, napag utusan lang. Kung hindi ko gagawin to, babalikan nila ang pamilya ko." kita ko naman ang takot sa mga mata nito. "Pasensya na miss, binlackmail kasi nila ako. Patawad tlg- Nagulat kami parehas ng biglang bumukas ang pinto sa tabi ng driver. "B-boss! Eto na po, basta po labas na ako dito at yung pangako mong titigilan ang pamilya ko" nanginginig ang boses na sabi nito sa tinawag nitong boss. "Oo naman, marunong akong tumupad sa usapan. Sa bar ba galing yang dala mo?" "Opo boss" "Ayos! Sigurado ka bang nagtatrabaho yan sa loob ng bar? Balita ko ay magaganda at sexy ang mga pokpok doon eh." Kinilabutan naman sya sa boses nito at marahang naikuyom ang palad nya. Akala ba nila ay doon ako nagtatrabaho? Habang nag uusap ang mga ito ay lihim kong hinagilap sa loob ng bag ang cp ko at mabilis na hinanap sa phonebook ang number ni Zach. Nagpalit ako ng number pero nakasave pa din sa cp ko ang number nito. Sa mga oras na to, hiling kong sana ay sagutin nya ang tawag ko. Sya ang unang pumasok sa isip ko na pwedeng makatulong sa akin, wala na din naman akong maaasahan na iba dahil tiyak na nakauwi na ang mga kaibigan nya. Mabilis kong idial ang numero nito pero hindi nito sinasagot. Mas dumoble ang kaba ko ng sumilip iyong lalaki sa pwesto ko. Ibinaba ko agad ang cellphone sa likod ng upuan ng driver para hindi nito makita ang ilaw na nagmumula doon. "Ayos ah, maganda ang chix na dala mo, wala bang nakatunog o nakasunod sa inyo?" "Kanina boss meron, hindi ko sigurado kung kami yung sinusundan eh pero niligaw ko na lang para sigurado." Nabuhayan naman ako ng pag asa ng marinig ang sinabi ng driver, hindi kaya si zach yun? Pero pinagtabuyan ko sya kanina, malabo na sundan ako nun dahil alam nyang galit ako. Mas lalo akong naiyak sa naisip ko, tuloy tuloy ang agos ng luha ko. "Sigurado bang nailigaw mo?" Sa nangingig na kamay ay mabilis akong nagtipa ng mensahe. "Zachhyy, help please!" Sent! "Oo boss, alis nako." Tumango naman ang tinawag nitong boss bago tumingin muli sa pwesto nya. "Sige, Miss ganda! Baba na!" Hindi ako kumilos dahil sa sobrang takot ko dito lalo na ng makita kong tumayo ang mga lalaki na nasa ilalim ng puno kanina. "Ayy!!" Sigaw ko ng biglang bumukas ang pinto sa gilid ko at hinila ako ng lalaki palabas. "Parang awa nyo na po, gusto ko na pong umuwi!" Umiiyak kong sabi dito sabay tingin sa driver. Kita ko ang awa sa mga mata nito. Sa nangungusap na mga mata ay tinitigan ko sya saglit, umaasang maintindihan ang nais kong sabihin. Pasimple kong sinulyapan ang cellphone na nahulog sa sahig ng kotse ng hilahin ako kanina. Nasa harapan ko ang driver kanina at nasa gilid naman ang boss nito kaya sigurado sya na makikita ng driver kung saan sya nakatingin ngayon. Kita nya ang pasimple nitong pagsulyap sa tinitignan nya at alam nyang nakita nito ang cellphone doon. "Halika na miss, wag ka ng pakipot mag eenjoy ka naman mamaya eh." Nakakakilabot na sabi nito. "Parang awa nyo na po, w-wag po!" Pilit kong hinihila ang kamay ko mula sa pagkakahawak nito. Muli akong sumulyap sa driver at tumango ito ng bahagya sa akin at lumapit. "Saglit boss, naiwan ang bag nya sa loob. Kukunin ko lang at titignan baka may pera iyan." Dumaan ito sa gilid ko at ng malapit ng lumagpas sa balikat ko ay narinig ko itong bumulong ng mabilis. "Sorry miss, pangako sisikapin kong humingi ng tulong." Sapat na ang narinig nya mula dito upang mabuhayan muli ng pag-asa. "Boss, wala naman importante dito sa bag nya. Dalhin ko na lang ito para wala tayong maiwan na bakas dito." "Sige, siguraduhin mo lang na wala talagang nakasunod sa inyo ah." "K-kuya, parang awa mo na po uuwi na po ako" hilam na ng luha ang mukha ko at patingin tingin sa paligid, wala talagang nadaan na sasakyan kaya mas lalo akong naiyak. Muli syang sinulyapan ng driver bago ito nagmadali sa pagsakay at pag-alis sa lugar na iyon. Bitbit nya ang pangako nitong hihingi ng tulong para sa kanya. "Wala pa kaming ginagawa umiiyak kana! Mamaya ibang iyak naman mararanasan mo" nakangising sabi nung lalaking mataba. "Pano pare, dalhin nyo na yan sa damuhan baka mabulilyaso pa pag may biglang dumaan dito." Utos ng boss ng mga ito. Kinaladkad naman ako ng dalawang lalaki at patuloy lang ako sa pagpupumiglas. "Wag po! Wag po maawa po kayo" iyak sya ng iyak at pilit kumakawala sa kanila pero sadyang malalakas ang mga ito. Ramdam ko na ang hapdi sa mga braso ko sa higpit ng hawak nila. Panigurado akong namumula na iyon at magkakapasa na mamaya. "Pare ang lambot ng balat nito ah at ang kinis pa, mukhang naka jackpot ngayon si bossing." "Oo nga, pero sana ipasa sa atin ni bossing pagkatapos nya pagsawaan para naman matikman natin kahit tira tira lang hahahaha!" Sa mga oras na ito ay sobrang takot ang nararamdaman nya. Natatakot sya na mapagsamantalahan ng mga lalaki na ito na parang demonyo. Gamit ang buong lakas ay pinagsisipa nya ang mga ito, nabitiwan sya nung isa kaya naman mabilis nyang sinipa ulit yung isa. Run!! Gamit ang natitirang lakas ay tumakbo sya palayo sa mga ito. "Anak ng p*ta! Mga bobo!" Sigaw ng boss nila na naiwan sa puno kanina at nakita ang ginawa nyang pagtakbo. "Ako na ang hahabol pag nahuli ko yun ay dun ko na tatapusin, maiwan kayo dito at magbantay! Mga inutil!" Hindi na nya alintana ang mga sugat sa binti at paa nito dahil sa mga maliliit at matutulis na mga bata na gumuguhit sa talampakan nya. Hinubad niti kasi kanina ang sapatos upang mabilis na makatakbo. "Takbo lang miss ganda! Pag naabutan kita yari ka sakin, pag sasawaan ko muna yang katawan mo bago kita ibigay sa iba!" Kahit wala syang nakikita sa dilim at hilam pa ng luha ang mukh ay tuloy lang sya sa pagtakbo kahit pa ilang beses na itong nadapa ay mabilis din bumabangon muli. Lord please..tulong Zach please, tulungan mo ako.. Yan ang paulit ulit kong dasal, dasal na bigla kong tinigilan ng makita kong dead end na, nanlambot ako ng makitang isang malaking pader ang nasa harapan ko. "Tignan mo nga naman ang swerte, pano ba yan miss! Handa ka na bang malasap ang langit?" Kumalabog ang dibdib nya ng makita ang nakakatakot na ngisi nito habang papalapit sa kanya. "Please po maawa po kayo saken, pauwiin nyo na po ako" hikbi kong pakiusap dito. "Shhh, wag kana umiyak. Paisa lang ako okay? Wag ka naman madamot." Para itong baliw na biglang naglalambing ang boses na kumakausap sa kanya. Napasigaw ako ng malakas ng bigla akong hilahin nito. "No! Parang awa nyo na po! wag po! Hayop ka! Demonyo! Bitiwan mo ko." Kinalmot nya ang mukha nito sa labis na galit na nararamdaman nya sa oras na iyon. "Palaban ka miss ah, gusto ko yan" nakangisi nitong sabi. He tried to kiss my lips and as if on cue, I immediately moved my side away from him. His lips landed on my neck which made me cry even more when I felt his tongue licking me there right now. "Hayop ka! Bitawan mo ko!!" Pakiramdam nya ay diring-diri na sya sa sarili nya ngayon. "Tumahimik ka!" Gamit ang kaunting lakas ay pinagkakalmot nya itong muli. "Ahhh!" Napahiyaw sya sa sakit ng sampalin nito ng malakas ang pisngi nito. Pakiramdam ko ay tinakasan ako ng lakas sa katawan sa sampal nito sa akin. "Ayan! Masyado ka kasing pakipot, gusto mo pang masaktan muna bago ka manahimik." Isinandal nito ang katawan nya sa pader at kahit labag man sa puso, isip, at katawan nya ang ginagawa nito ay wala na syang magagawa pa. Ang katawan na nya mismo ang sumusuko dahil bugbog na ito sa sampal at suntok na ibinigay nito sa kanya kanina. He looked at me and all I can see now is a Demon. This person is a demon! Paano nila nagagawa ang ganitong mga bagay sa mga kababaihan? Ng marahas nitong hilahin at punitin ang damit nya ay doon na sya tuluyang nanghina. Ipinagdadasal nya na kung matuloy man ang plano nitong hindi maganda sa katawan nya ay sana tuluyan na syang mamatay pagkatapos nito. Hindi nya kakayanin kung matapos nitong babuyin ang katawan nya ay mabubuhay pa sya. Walang sinuman sa mga kababaihan ang may gusto na maranasan ang ma rape. Paulit-ulit syang nagdadasal na patayin na lamang sya nito imbes na galawin. Mas matatanggap nya pa siguro iyon. "Woah! What a big boobs you got there! Parang ang sarap naman lamasin at pagsawaan nitong dibdib mo." "Sigurado akong lahat ng lalaking dumaan sayo ay nag enjoy ng husto sa dibdib mo. It's my turn now, miss ganda." "W-wag po, p-parang awa nyo na po" Huling beses na pagmamakaawa nya ng ibinaba nito ang suot nyang bra at pagsawaan ng mata nito ang tanawin na nakikita. Sobrang hapdi na ng mata nya sa sobrang pag-iyak mula pa kanina. Ni hindi na nya magawa pang manlaban. Tumaas ang tingin nito sa mukha ko dinampian ng halik ang pisngi at leeg ko. "Pangako, sisikapin kong humingi ng tulong" Nag echo sa utak nya ang huling salita na binitiwan ng driver kanina. Para iyong nagsilbing malakas na enerhiya na dumaloy sa dugo nya at buong katawan. Tinulak nya ito ng malakas at tinakpan ang dibdib nya bago akma sanang tatakbo muli ngunit sadya itong mabilis kumilos at naunahan sya. Muli sya nitong hinila at sinandal sa pader at malakas na sinampal ang kabilang pisngi nya. Napabitaw ako sa dibdib ko sa sobrang sakit ng sampal nya at sinapo ang nasaktang pisngi. Zach umaasa pa din ako na darating ka. "Let's start miss ganda ng pareho na tayong makarating sa langit hahahahah!" Pumikit na lang ako ng mariin ng makita kong unti unti na nitong hahawakan ang dibdib ko. Zachhhh please!! Sigaw ko sa isip ko at mariing pumikit kasabay ng pagbagsak muli ng panibagong luha tanda ng pagtanggap ng kapalaran ko. "Ahh! Fck! Sino kang hayop ka!" Naramdaman kong biglang may bumagsak na kung ano sa katawan ko kasabay ng sigaw ng lalaking kumuha sakin kanina. Mabilis akong dumilat ng makarinig ng mga daing at hiyaw. Nakita ko itong nakahandusay sa lupa at sapo ang mukhang nagdurugo na ngayon. Bumaba ang tingin ko sa katawan ko at nakitang may nakapatong na jacket sa ibabaw ko. Nagtataka man ay lumipat ang tingin nya sa lalaking nakatalikod sa kanya na nakaharap naman sa manyak na ngayon ay nasa lupa na. Zachhhyy.. Dumating sya. Kasabay ng luha ko at sa nanginginig na boses ay tinawag ko ito. "Z--zachhh" Mabilis itong lumingon sa pwesto ko at tinakbo ang pagitan namin. "Zachhhh!" humagulgol ako ng malakas ng maramdaman ko ang bisig nito sa katawan ko. "Shhhhh, tahan na. Im here, nandito nako" "Takot na takot ako zach, a-akala ko, a-akala k-- "Shhhh, sorry im late. Im so sorry, baby." Ramdam kong nabasa ang balikat ko, natigilan ako at humiwalay ng bahagya upang tignan ang mukha nito. Umiiyak sya! "Im sorry, I'm late!" Umiling ako dito at kita ko sa mga mata nito na sinisisi nito ang sarili sa nangyari sa akin. "No, dumating ka sa tamang oras at yun ang importante sa akin, don't blame yourself zach." Sa nanghihinang mga kamay ay pilit kong inabot ang mukha nito at pinunasan ang luha sa pisngi nito. Niyakap naman ako nito ng mahigpit at ramdam ko din ang panginginig ng katawan nito. Hinang hina na ang katawan ko.. "Zachh" tawag kong muli at nakaramdam ng pagdilim ng paligid ko bago bumigay ang katawan ko sa matinding sakit at pagod. "Baby!! Wake up!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD