Thank God its Friday! Yan ang walang kamatayan na dialogue ng mga kasama ko sa trabaho.
Every friday night kasi ay lumalabas sila upang mag enjoy naman at kalimutan muna panandalian ang kanilang mga trabaho..
Sa pagkakaalam ko ay sa mga restaurant sila kumakain tuwing byernes ng gabi o di kaya'y sa nga turo turo. Pero alam ko din na mas madalas ay bar sila nagpupunta.
Hindi kasi ako sumasama sa kanila tuwing nalabas sila dahil ang katwiran ko noon ay yun ang time para samin ni David.
But now that we're not together anymore, i've decided to go with my workmates.
Ngayon ko sila mas na appreciate, masyado kasi umikot ang mundo ko kay david noon at hindi ko naranasan ang ibang magagandang bagay na pwedeng gawin kasama ang mga kaibigan.
Now, I promised to myself that I will do my very best to get in touch with my friends and workmates.
Gusto kong maranasan lahat ng masasayang sandali na nararanasan ng mga kaibigan ko.
Simula ngayon ay ididikit ko na ang sarili ko sa kanila and i think it's time to get out from my shell, to get out from my old self.
I need to start a new life, a happy life with a lot of friends and experiences.
Taste of heaven Bar, basa ko sa pangalan ng bar sa harapan ko.
Muling nanumbalik ang mga alaala ko sa lugar na ito.
Dito ko sya unang nakilala, saksi ang bar na ito sa malungkot at masayang pangyayari sa buhay ko.
Its been 3 months since we last seen each other, after nya magtapat sa akin ay nawala na lang syang parang bula.
Nasaktan ako oo, dahil unti unti na syang nagkakaroon ng puwang sa puso ko.
Pero siguro mas okay na din na lumayo sya para mas mabilis ko syang malimutan at ang nararamdaman ko sa kanya habang maaga pa.
I took a deep breath and relax myself.
Sumabay ako sa mga kasama ko papasok ng bar.
Malikot na ilaw ang sumalubong samin at mga taong nasasayawan na sa gitna sa saliw ng rock music.
Kitang kita namin kung papano mag enjoy ang mga tao doon kaya naman hindi namin mapigalan ang pagsilay ng mga ngiti sa labi namin at napatingin sa isa't-isa.
Naghanap na kami ng magiging table namin at napag usapan na pupwesto kami sa sulok at medyo tagong lugar.
Nandito kami para kumain at marahil may kasamang konting inuman. At mas makakakain kami ng maayos kung nasa tagong lugar kami upang hindi madistract sa mga nagsasayawan sa gitna.
Gutom na kami lahat kaya naman mabilis kaming nagsipag order.
The usual foods that girls often to eat when they're outside are the one we've ordered.
Pizza, fries and burger good for 5 persons.
Pero ang bar na ito mayroon din namang mga filipino dish dahil sa isang Filipino ang may ari neto.
Ang mga lalaki ay nag order ng sisig at alak nila. Tatlong bucket agad! Hindi man sila hayok uminom, promise.
Malakas akong kumain pero hindi ako tabain kaya naman nag order ako ng kanin at ulam.
"One order of rice with fish fillet pakisamahan na din po ng dalawa pang extra rice."
Hindi na nagulat ang mga kasama ko dahil alam nilang hindi ako nakapag lunch kanina at bukod dun ay alam nilang malakas ako kumain.
"Marga, natapos mo ba yung report kanina na pinapatos ni Sir?"
Maya maya ay tanong ni Nica.
"Oo, kaya nag skip ako ng lunch para matapos ko yun at wala ng iisipin sa day off natin."
" Mabuti yan be, nga pala kamusta naman ang lagay ng puso naten ngayon?" Nananantyang tanong nito saken.
I was stunned for a moment but smiled immediately when i saw her stare at me.
"Medyo ayos naman na sya ngayon kumpara nung nakaraang buwan" I simply answered.
Bukod kasi sa bestfriend kong si rachel ay maituturing ko din na mabuting kaibigan si Nica.
Sa mga katrabaho ko kasi ay sya ang naging malapit sa akin kung kaya naman lahat ng pangyayari sa buhay ko ay nakukwento ko sa kanya.
"Kaya mo yan be, ikaw pa ba? Tsaka kung totoong seryoso sayo si Zach naniniwala ako na magtatagpong muli ang mga landas nyo" nakangiting saad nito sa akin.
Hindi nya pa ito nakikita personally.
But she likes him already for me.
Batay daw kasi sa mga kwento ko ay ramdam daw nito na totoong gusto ako ng lalaki.
Tipid akong ngumiti at tinignan ang pagkain sa lamesa namin na kakahatid lang ng waiter.
"Hindi nako umaasa be, kung mangyari man iyon ay bahala na. Pero sa ngayon ay gusto ko muna i enjoy ang pagiging single ko. Kain na muna tayo." natatawa kong wika na mabilis naman nitong sinang ayunan.
We started eating while talking, we talk about some random topics and after a while, the boys started drinking.
Umiinom din naman kami pero pakonti konti nga lang.
"Nica, musta na kayo ni Jerry? Hindi ka yata nya sinundo kanina?"
Tanong ni Abby na kasama din namin sa trabaho.
Nahinto ang sana ay pagtungga nito sa basong may laman na kaunting alak.
Mabilis lamang ang paghinto nito at itinuloy din ang pagtungga nito bago ngumiti at humarap sa amin.
Kilala ko ang babaeng ito kaya alam ko na hindi totoo ang ngiti nito ngayon.
"Okay lang kami, nagchat kasi ako sa kanya kanina na lalabas tayo kaya wag na lang muna nya akong sunduin"
"Pero db sumasama naman sya sa atin pag nalabas tayo kasi hinahatid ka din nya pauwi after natin kumain?" Hindi papatalong tanong ni abby.
"Overtime din kasi sya ngayon kaya naman hindi nako nagpasama para maaga na din sya makauwi pagtapos nya at hindi na maabala pa masyado."
"Ahh ganun ba, edi commute ka mamaya pag uwi?"
"Oo"
"Sige isasabay na lang kita mamaya pag dumating si Carlo tutal isasabay din naman namin si Chloe eh" sagot naman dito ni Abby.
"Naku wag na, nakakahiya naman"
"Ano kaba, mag kakaibigan tayo dito kaya bakit ka naman mahihiya. Tsaka mas okay na yun para lahat tayo ay safe makakauwi."
"Sabay kana din samin marga ha?" Dagdag na sabi pa nito.
"Naku wag na, malapit lang naman ang apartment ko isang sakay lang."
"Sure ka?" Tanong naman sakin ni Nica.
"Oo be, sumabay kana sa kanila atleast alam ko na magkakasama kayong uuwing tatlo. Wag na kayo mag alala malapit lang naman apartment ko dito eh"
"Sige ikaw bahala, pag nagbago isip mo sabihin mo agad ha?" Nakangiting sabi ni Abby.
"Tara na magsayaw na tayo let's enjoy the night!" basag ni chloe sa katahimikan..
Party goer talaga tong babaeng ito.
Natawa naman ako ng nauna ng pumunta sa dance floor ang mga lalaki kasama sila chloe at Abby.
Naiwan kami ni Nica, mas okay din ito dahil gusto ko itong makausap.
Tinignan ko muna ang mga kaibigan naming masayang nagsasayawan bago ko pinalipat si Nica sa tabi ko upang makausap.
"Nica, lipat ka dito may itatanong ako."
Mabilis naman itong lumipat sa tabi ko at biglang yuko ng ulo nito.
Sabi na nga ba may problema ito eh.
"Speak."
Naguguluhan naman itong nagtaas ng tingin sa akin.
"Alam kong hindi kayo okay ni Jerry, kung ang mga kaibigan naten napaniwala mo puwes ibahin mo ako."
"May konting tampuhan lang kami, marga"
"Tungkol naman saan ang tampuhan ninyo?"
"Gusto nya kasi na mag live in na kami, kaso ayoko pa kasi eh. Alam mo naman kung gaano kahigpit sila mama, kahit nasa probinsya sila natatakot ako once malaman nila na magkasama kami ni jerry sa bahay"
"Anong sinabi ni Jerry sayo?"
"Naintindihan naman daw nya, kaso kasi gusto nya na magsama na kami para kahit papano daw ay alam nya na palagi akong safe sa bahay"
"May point naman si Jerry, alam ko din kung gaano ka nya kamahal. Nag aalala lang sya sa kaligtasan mo."
Nakita ko naman ang namumuong luha sa mga mata ni nica.
"K-kaso kasi, parang nagtampo sya kasi ilang araw na syang cold sakin" garalgal ang boses na sabi nito.
" Mahal mo ba sya?" Tanong ko dito.
Mabilis naman itong tumango.
Hindi din naman lingid sa kaalaman ko na may nangyayari na sa mga ito.
Matagal na silang magkasintahan at malaki ang tiwala nila sa isa't isa, kaya naman ilang beses na din naibigay ni Nica ang sarili dito.
Sana kahit papano makatulong ang sasabihin ko sa kanya.
"Sinubukan mo na bang sabihin sa magulang mo ito?"
Umiling ito habang nagpupunas ng luha.
"Alam kong malaki ang tiwala nila tita at tito sayo Nica lalo na kay Jerry."
"At nasisiguro ko din na kung magpapaalam ka sa kanila ay alam kong papayag sila sa gustong mangyari ni Jerry."
"Natatakot ako, paano kung hindi sila pumayag?"
"Paano kung pumayag sila?" Ganting sagot ko dito.
"Malaki na kayo Nica at may sarili ng desisyon pero kailangan parin ng gabay ng magulang. Magpaalam ka muna, alam kong maiintindihan ka nila dahil kilala naman din nila ang nobyo mo."
"Susubukan ko marga"
"Isipin mo nalang malaki din ang maisasave mo kung may kahati ka sa lahat ng gastusin mo sa apartment db? Malaking tulong din sa pag aaral ng kapatid mo at higit sa lahat kasama mo pa ang taong mahal mo."
Napangiti naman ito sa akin. Parehas kasi kaming tumutulong sa pag aaral ng mga kapatid namin.
Pero batid ko din na gusto nito makasama ang nobyo.
Sweet kasi si Jerry at maunawain samantalang si Nica naman at sobrang bait at mapagmahal na kasintahan.
Bigla na lamang pumasok sa isip ko si Zach.
Sa nakalipas na tatlong buwan mas napatunayan ko sa sarili ko nahuhulog na ang loob ko dito.
Mabilis man ngunit sigurado ako sa nararamdaman ko, pero hindi ko maiwasang masaktan sa isipin na umalis nga marahil ito at sadyang pinili na huwag ng makipagkita sa akin.
Ganun ba kababaw ang pagtingin nya sa akin?
Hindi ko napigilan ang sunod sunod na pagtungga ng alak na nasa lamesa namin.
I like him too! But, im holding up my feelings for him. Alam ko kung saan patutungo ang nararamdaman kong ito at natatakot ako dahil sa bilis ng mga nangyayari sa amin.
Ang sakit na naramdaman ko ng lumayo sya ay mas matindi kumpara sa sakit nung nahuli ko si David at Tricia sa itaas ng kama.
Siguro dahil naramdaman kong totoo lahat ang pinakita nito sa akin at hindi sya mahirap magustuhan.
I closed my eyes when i felt like my head is spinning around.
"Ayus ka lang be?" Rinig kong tanong ni nica.
Nag thumbs up ako dito at binigyan ito ng munting ngiti.
"Naalala mo sya no?"
Nagkibit balikat lang ako dito at ngumiti ng may halong lungkot.
"Sabi ko naman kasi sayo dati, dapat tinawagan or tinext mo sya. Maybe he's just too busy with his work."
"Kahit gaano pa kabusy ang isang tao, gagawa at gagawa sya ng paraan para makipag communicate sa taong gusto nya" mapait kong saad dito.
"Exactly! Yun din dapat ang ginawa mo. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay palaging ang lalaki ang unang gumagawa ka ng paraan, pwede din na ikaw ang mauna."
"Pero paano ko gagawin yun kung alam ko na sadya sya talagang hindi nagpapakita sa akin?"
"Nasaktan ko sya alam ko yun, yun ang iniisip ko kaya hindi ko magawang maunang magtxt or call sa kanya." Mahabang paliwanag ko dito.
" Ano ng gagawin mo ngayon?"
"Ano pa, edi kalimutan sya. Kung nagawa nya akong hindi kontakin sa loob ng ilang buwan, ibig sabihin lang nuon na kinalimutan na nya ako. Kaya i think it's time na rin na kalimutan ko sya."
Nakita ko ang simpatya sa mga mata nito.
"Alam mo, halika na sumayaw na lang tayo kasama sila abby" hinila naman ako nito at dinala sa dance floor..
Hindi ko hilig ang mga ganito pero siguro nga ay tinamaan na din ako ng alak dahil sumabay na din ako sa sayawan ng mga kaibigan ko.
Ng makaramdam ako ng hilo ay nagpaalam ako sa mga ito na magbabanyo muna.
Kahit nahihilo ay pilit kong inaaninag ang daan papunta sa comfort room.
Ilang beses din akong natumba at minsan ay natatawa na lang ako sa sariling kagagahan.
Alam ko malapit nako sa banyo basta malampasan ko yung hagdan papuntang second floor.
Dala ng kalasingan ayun diko na napigilan pa sarili ko na matumba sa sobrang hilo, naghahanap ako ng makakapitan pero wala.
Hinintay ko na lang matumba sa sahig at medyo nagulat ako ng may humawak sa bewang ko at napasubsob ako sa dibdib nito.
This scent! Hindi ko maaring magkamali.
Pero baka imahinasyon ko lang yun dahil sa kalasingan at pagka miss ko dito.
Ang sarap humilig sa dibdib nito at amoy na amoy ko sa kanya si Za--
"Hey, baby." rinig ko ang malambing na boses na iyon.
Bigla kong inangat ang mukha ko at laking gulat ko ng makita ang lalaking nasa isip mula pa kanina.
3 months..
He didn't show up for three months and now he's here?
Tinignan ko ito gamit ang mapanuri kong mga mata.
Dito ko pa talaga sya sa bar na ito muling makikita.
Ano bang meron sa bar na ito at dito kami muling pinagtagpo?
I feel the familiar pain in my heart and im sure that it is now evident in my eyes too.
Hindi ba ako masaya na makita sya?