Zach's Point of view
As usual puro kayabangan nanaman ang alam gawin ng dalawang kolokoy na ito. Marco and Jake.
"How are you, bud?"
I look at him and give him a small smile.
"I'm doing great, Apollo. Hindi na kita tatanungin, dahil mukha namang maayos na maayos ka" nakangisi kong pang aasar dito.
Ngumiti ito ng hilaw na hindi man lang umabot sa mga mata nito.
"Yeah, im very much happy right now."
"I'm not a fool bud. Spill it."
Alam na alam ko ang likaw ng bituka ng mga ito kaya sa mga oras na iyon, alam kong may problema ito.
Apollo is a silent type of guy. Nailalabas lang nito ang totoong ugali nito pag magkakasama kami.
We found a home in each other's arms.
We have a strong bond that anyone can't break.
"Paano mo masasabi kung totoo ang pag ibig na ipinapakita sa iyo ng isang babae?"
What the fck!
Nalintinkan na, mukhang tinamaan yata ni kupido ito ah.
Kita ko naman na natigilan sa paghaharot ang dalawa at seryosong lumapit sa amin.
Dahil magkakatabi lang naman kami ng upuan ay hindi malayong hindi nila narinig ang sinabi nito.
"Kapag sinabi nyang mahal ka nya habang nakatingin sa mga mata mo."
"Kapag sinabi nyang mahal ka nya habang nagsesex kayo!"
Mabilis kong binatukan si Jake sa kalokohan nito.
"Sorry na! Eto naman masyadong seryoso." Hinimas pa nito ang ulo nito.
"Pero mahal mo ba?" My question made him stunned for a minute.
"H-hindi noh!"
Sabay kaming pumalatak ni Jake.
"Hindi ka magtatanong ng ganyan kung hindi mo sya mahal"
"At hindi ka mababahala kung totoo ang sinabi nya sa iyo kung wala ka naman nararamdamab para sa kanya" segunda ko naman sa sinabi ni Jake.
"Okay lang na i deny mo sa amin yan, bud. But, you can never deny it to yourself. Ikaw ang lubos na nakakakilala sa kanya, kaya wag mo ng lokohin pa ang sarili mo. Bago mahuli ang lahat."seryosong pahayag naman ni marco.
May sense din naman pala kausap to minsan.
"Ang lalim bud! May pinagdadaanan ka din? My love life kana?!"
Muling nakatikim ng batok si Jake but this time, galing yun kay marco.
"Ugok! Nakalimutan mo na bang adik sa kdrama at chinese drama ang prinsesa namin sa bahay?! Sa kanya ko nalaman yun."
Yeah right, we almost forgot.
His younger sister. Their family's Princess.
Mahal na mahal nito ang kapatid kahit pa madalas nya itong i bully.
"Oh! Kamusta na pala kapatid mo? Maganda pa din ba? Ligawan ko na kaya?"
Great, Jake! Gusto mo talagang magulpi.. Tsk!
Tumayo si Marco at lumapit dito.
"Sinasabi ko sayo, huwag ang kapatid ko. Huwag mo isama sa koleksyon mo si princess kung ayaw mong kalimutan kong magkaibigan tayo."
"Handa akong kalimutan lahat ng pinagsamahan natin para sa kapatid ko." Dagdag pa nitong sabi bago naglakad palabas ng pintuan.
"Huh? I was just kidding, marco!" Hinabol pa nito iyon kaya naman naiwan kaming dalawa ni Apollo dito.
"Masyado yatang overprotective yung isang yun sa kapatid nya?"
I just shrug my shoulders and stand up.
"Huwag mo kalimutan ang huling sinabi ni Marco sayo bud. Sa aming tatlo, mukhang sya lang ang may matinong sagot sa tanong mo."
Nagpaalam naman ako dito na tatambay muna sa ibaba. Ayoko pang umuwi. Magpapalipas muna ako ng oras dito sa bar.
Swerteng bakante pa ang paborito kong pwesto dito sa ibaba. Sinabihan ko ang waiter na dalhan ako ng isang bote ng alak.
My phone vibrated inside my pocket. Tinignan ko iyon at binuksan ang mensahe.
Arein:
"Sir, i booked for 2 rooms. 1 room for the boys and 1 for the girls. The 3 boys are drunk so it's not a good idea to let them go home alone."
Me:
"Okay, are you going to stay with them for tonight?"
Arein:
" No, sir. Im going home. Hindi naman po ako lasing. Also, wala pong kasama ang mama ko sa bahay."
Me:
"Okay, it's good to know that zelva didn't do anything to you. I'm sure she's drunk also, right?"
Arein:
"She's very drunk, Sir. It's also good that her whole team is with us so she didn't have the chance to get near me."
Me:
"Okay, you can go home now. I'll call the manager there to settle the bills."
Hindi ko na ito hinintay na magreply at diretso ko ng tinawagan ang manager doon.
Habang kausap ko ito sa kabilang linya ay may napansin akong lalaki na kanina pa nakatingin sa madilim na parte ng bar na iyon.
Para bang may hinihintay ito mula roon at panay ang sagot sa cellphone nito tuwing may tumatawag.
He looks suspicious.
I looked at the direction that he was looking and my eyes found a beautiful pair of brown eyes.
Our eyes met, but i knew that he didn't saw me clearly because its too dark here in my table.
She has a small beautiful face. Her lips looks so small and inviting.
I shook my head and erase the thought of wanting to claim those lips.
Sht! What is this feeling.
Mabilis ang mga sumunod na pangyayari at tama nga ako na may masamang balak ang lalaki dito.
We ended up in my unit because she's too drunk and can't even tell me her address.
I lose all my control when i tasted her lips and wants more and that lead us on having s*x the moment she wakes up, and right then im very sure that I'm attracted to her beauty.
Her face looks so innocent like an angel and it's so soft. I feel so great when i found out that she's a virgin and swore to myself that i will not gonna let her go.
Crazy right?
Is it really possible to fall in love the first time i laid my eyes on her?
My heart hurts when i saw her crying while telling me her story. I don't wanna see the tears that rolling down her cheeks.
I wanna punch his ex boyfriend and teach him a lesson.
That jerk doesn't deserved her tears.
Looking at her red face right now, i feel the pain that she's been going through.
I pulled her body close to me and gave her a tight hug.
My heart feel so happy when she gave her number to me. I want to know her more and there's something inside me that keeps on telling me that this girl needs me.
NAGISING si marga kinabukasan sa lakas ng tunog ng cellphone nito.
Ang aga naman tumawag neto, kinuha nito ang cellphone sa taas ng drawer at tinignan kung sino ang natawag.
"Nanay calling..."
Tuluyang nagising ang diwa nya ng makita kung sino ang nasa kabilang linya kaya mabilis nya itong sinagot..
"Hello, nay?"
"Nak, nagising ba kita? Pasensya kana kung maaga kita naabala ha?"
"Ayos lang po nay, kamusta naman po kayo dyan? Buti napatawag po kayo? May kailangan po ba kayo nay?"
Sa totoo lang ay sobrang miss ko na talaga ang pamilya ko pero kailangan ko magtiis dahil ako ang tumatayong bread winner sa amin kaya kailangan ko magtraho upang makatulong sa pag aaral ng kapatid ko at sa gamutan ni tatay.
Meron pa kasi akong dalawang kapatid na isang lalaki na sumunod sa akin at isa pang babae na bunso naman. Si Marah ang bunso ay kasalukuyan ng 12 years old at nag aaral sa elementarya. Ang sumunod naman sa akin na si Marc ay graduating na sa kursong Accountancy.
Si Marc ay isang working student kasalukuyan itong nagtatrabaho bilang waiter sa isang bar tuwing gabi kung kaya naman hindi na sya gaano nahingi ng tulong sa akin pwera na lang kung hindi nya talaga kaya or hindi aabot sa budget nya.
"Itatanong ko lang sana nak kung sumahod kana? Pasensya kana anak ha, hmmm wala na kasing gamot si tatay mo eh. Last na yung para mamayang gabi. Nahihiya man ako nak kaso hindi pa kasi nagsahod si Marc sa bar eh"
Batid kong sa mga oras na iyon ay nahihiya ang nanay. Hindi kasi nila ugaling manghingi ng pera sa akin, talagang hinihintay nila na ako ang kusang magbigay sa kanila.
Nagtatrabaho ako para sa pamilya ko kaya lahat ng kaya kong ibigay ay binibigay ko ng taos sa aking puso.
Nawala lang talaga sa isip ko na magpadala kahapon dahil nga sa mga nangyari sa akin. At dahil linggo naman ngayon at maaga pa magsisimba muna ako bago magpadala sa kanila.
"Ayos lang yun nay, pasensya kana at nakalimutan ko pala magpadala ng pera nung isang araw meron lang po kasi akong inasikaso." Dahil sa nangyari samin ni David nakalimutan ko magpadala. Hindi ko tuloy maiwasang makonsesya.
"Pasensya na din nak ha, alam ko naman baka wala kana din pera eh"
Meron naman ako pera, sa katunayan ay malaki na din ang naipon ko sa banko. Kumukuha lamang ako ng pera dito kapag kailangan ng magpadala sa bahay.
"Ano ka ba naman nay, ok lang po yun tsaka nagsahod naman na po ako eh wag ka mag alala nay, mamaya magpapadala ako pambili ni tatay ng gamot at pang allowance nyo na din"
"Nako nak, okay naman kami dito kahit paano may bunga naman na ang mga tanim na gulay ng tatay mo kaya wala kaming problema sa ulam"
Napangiti naman ako sa sinabi ni nanay, oo mahirap lang ang buhay sa probinsya pero nakakaraos naman kahit papano kasi mahilig magtanim si tatay ng mga gulay at hindi naman din maselan sa ulam ang mga kapatid ko kaya kahit papano nakakatipid kami sa pagbili ng ulam noon at hanggang ngayon.
"Okay lang nay, edi itabi mo na lang yung pera or ibili ng kailangan sa school ni Marc at Marah."
"O kaya nay mag stock ka ng ulam sa ref natin. Para hindi kana palaging napunta ng palengke, nakakapagod din iyon lalo at may kalayuan nay."
"Salamat nak ah, oh ikaw kamusta ka dyan? Baka naman pinapabayaan mo na sarili mo dyan ah?"
"Nako ma, ayos na ayos lang ako dito. Wag po kayo masyado mag alala naaalagaan ko naman po sarili ko dito. Nagpapahinga naman po ako agad paglabas ko ng trabaho."
"Mabuti naman anak, kamusta naman kayo ni david? Wala pa ba kayo balak na magpakasal? Matagal tagal na din ang relasyon nyo nak. Hindi nyo pa ba napag uusapan yun?"
Bigla akong natahimik sa tanong nito at nawala ang ngiti sa labi ko.
Hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay nanay ang nangyari dahil alam kong masasaktan sila para sa akin.
Hindi na din kasi iba si david sa kanila dahil tinuring na din nila itong parang anak.
Ayoko din masaktan sila nanay pag nalaman nilang wala na kami ni david.
Kaso, mas masasaktan sila kung itatago ko sa kanila ang nangyari. Isa pa, kailangan pa namin mag-usap upang mabigyang linaw ang paghihiwalay namin.
"Hmm, nay. Balak ko na po kasi sanang makipaghiwalay kay david mamaya eh" medyo kabado at malungkot kong sabi dito.
"Ha? Bakit naman anak? May nangyari ba? Anong naging problema nyo?" Sunod sunod na tanong nito.
"Nay, pwede po ba na ikwento ko na lang po sa inyo ang nangyari pag nakauwi ako dyan?" Sa tingin ko kasi hindi ko pa handang ikwento ng buo sa kanila ang nangyari dahil masakit pa rin ito tuwing naiisip ko yung nakita ko sa condo nito.
"Oo naman anak, kung kelan ka handa. Alam mo naman na nandito lang kami ng tatay mo palagi para sayo. Kung hindi mo pa kayang sabihin ay wag mo pilitin nak. Kung anuman ang nangyari sa inyo ay pag usapan nyo ng mabuti"
"Wag padalos dalos ng desisyon anak. Lalo na matagal din kayong nagkarelasyon, alam mo naman na sa relasyon anak mayroon talagang problema na darating at susubukin kung hanggang saan nyo kayang ipaglaban ang pag iibigan ninyo"
Napaisip ako sa sinabi ni mama, sa totoo lang ay may punto naman sya.
Matagal ang naging relasyon namin pero kasi hindi pa nila alam ang tunay na nangyari.
Alam kong maintindihan nila ang desisyon ko pag nalaman na nila ang totoong dahilan ng pakikipaghiwalay ko.
"Opo nay, palagi ko pong tatandaan ang sinabi nyo"
"Palagi mong tatandaan anak na ano man ang maging desisyon mo ay lagi namin iyong maiintindihan dahil kilala ka namin na pinag iisipan mabuti ang bawat desisyon na ginagawa mo."
Napangiti naman ako sa narinig ko.
"Maraming salamat po, hayaan nyo po at makakauwi din ako dyan sa mga susunod na buwan. Magpafile ako ng leave para mahaba haba ang bakasyon ko. Ah nay? Pwede po bang huwag nyo munang sabihin sa tatay ang tungkol samin ni david?"
Natatakot kasi ako na baka ano mangyari kay tatay. Masyado pa naman overprotective sa amin yun.
"Oo nak, wag ka mag alala. O sige na, magpahinga kana nak ng makaluto ka na din ng almusal mo, ingat ka dyan ha, wag magpapalipas ng gutom."
"Opo, ingat din po kayo dyan. Pakikamusta na lang po ako kay tatay at kanila marc at marah. Magpapadala ako mamaya nay ha pakuha mo na lang kay marc, bye na na po loveyou muahh"
"Sige anak salamat. Loveyou too, bye"