Maaga ako pumunta sa Melody's cafe kung saan dito kami madalas na magdate ni David dati. Nagsend ako ng message dito kagabi at sinabi kong kailangan namin magkita.
Usapan namin is 10am pero pumunta talaga ako ng maaga dito dahil gusto ko muna magrelax kahit papaano.
Iniisip ko kasi kung ano ang mga sasabihin ko dito. Madami na din naman akong nasabi nung araw na mahuli ko sila ni Tricia.
Nasabi ko na din maghiwalay na kami, pero hindi yun ganoon kalinaw lalo na ng mga panahon na iyon ay alam kong nabigla din ito sa mga nangyari.
Kaya ngayon, tatapusin ko na lahat. Kailangan namin ng matinong break up, wala na din kaming pakialam sa isat-isa pagkatapos nito.
Hindi naman ako maarte pero ibang usapan kasi pag nahuli mo yung bf mo na may kasex na iba. Para sa kanya ay nakakadiri iyon at nakakawala ng respeto sa karelasyon mo.
Natigilan ako sa pag-iisip ng biglang magvibrate ang cellphone ko sa lamesa.
Mabilis ko itong kinuha at tinignan kung sino ang nagtxt.
From: Zachhyy
Hi, goodmorning. I hope im not disturbing your sleep right now.
Hmm. Kahapon ng kunin nito ang number ko ay agad nya akong tinawagan to check na hindi ko daw ito niloloko.
Buong araw kami magkatxt kahapon hanggang gabi. Mukhang seryoso ito ng sabihin na gusto nya akong makilala ng mas mabuti.
Para tuloy kaming mga teenager na hindi mawalay ang cellephone sa kamay at inaabangan ang mensahe ng bawat isa.
May nakapaskil na ngiti sa labi ko habang nagttype ng message sa kanya.
Me:
Hello? it's okay. Gising naman na din ako eh. Goodmorning too.
Ang cute ng name nya kaya naisipan ko sya lagyan ng nickname at yun ang sinave ko sa phone ko haha..
From: Zachhyy
Nag breakfast kana ba?
Lihim syang napatawa sa tanong nito. Very common question.
Me:
Not yet, nasa labas ako now. May kakausapin lang saglit then babalik nako sa apartment ko after.
From: Zachhyy
Ganun ba.. hmmm okay. Don't forget to eat your breakfast. Nga pala, may i ask kung pwede kita mayaya maglunch mamaya? If you're not busy.
Hmm wait. Lunch with him? Hindi ba parang nakakahiya?
Ngayon kapa nahiya? Nung nakipag s*x ka nga sa kanya hindi mo naalalang mahiya eh!
Gusto kong pamulahan ng mukha sa sinabi ng kabilang bahagi ng utak ko.
Lunch naman sinabi nya db? Hindi naman date? So i guess okay lang naman siguro.
Marahan syang nag buntung hininga at nagtipa ng message para dito. Hindi naman siguro masama if pumayag sya diba?
Me:
Sige, wala naman ako gagawin today since bukas pa balik ko sa work.
From: Zachhyy
Sige2 sunduin na lang kita maya sa apartment mo. See you later!
Hindi nya mapigilang kiligin sa simpleng salitan lamang nila ng mensahe.
Ng makita nya si David na papasok ng cafe ay nawala ang ngiti nya sa mga labi.
Tinaas nya ang isang kamay dito ng makita itong nililibot ng tingin ang buong lugar.
Nakita naman sya nito agad at naglakad na patungong lamesa nya. Dahil maaga pa naman ay iilan pa lang ang tao dito kaya naisipan kong pumwesto sa bandang likuran kung saan walang makakarinig sa pag uusap namin.
Medyo kinabahan sya pero mabilis nyang tinanggal sa isipan nya iyon.
"Kanina kapa babe?" Tanong nito pagkaupo sa harapan nya.
"Halos kadarating ko lang din" malamig nyang sabi dito.
At talagang may lakas pa ito ng loob na tawagin syang babe.
Natigilan ito bakas sa mukha ang kalituhan, minsan ko lang kasi sya kinakausap gamit ang ganitong tono sa ilang taon na magkarelasyon kami.
"Gutom kana ba? Order muna tayo"
"Kape na lang saken, sa apartment na lang ako kakain" maiksi nyang tugon dito.
Tinawag nito ang waiter at nag order na lamang ng kape.
Mabilis naman iyon dumating at humigop muna ako ng kaunti bago sya hinarap.
"Alam kong alam mo na ang dahilan kung bakit gusto kitang makausap ngayon." Panimula ko dito.
Hindi nito magawang salubungin ang mga tingin ko at bahagya pang lumunok.
"Nasabi ko nung nakaraang araw na maghiwalay na tayo. Pero alam ko na hindi yun ganoon kalinaw lalo na at nandoon pa yung fck buddy mo." May diin na bigkas ko dito ng tukuyin ko su tricia.
"B-bab--
"Don't call me that! Simula ng magloko ka ay nawalan ka na ng karapatan na tawagin akong ganyan."
"Hindi ko sya mahal, sinabi ko na sayo db? Ikaw, ikaw ang mahal ko at hindi sya Tricia."
"Pwede ba, david! Huwag mo ng bilugin ang isip ko. Hinding hindi na ako maniniwala sa iyo. Hindi mo ako mahal, david. Dahil kung mahal mo ako, hindi mo magagawa na lokohin ako!"
Dahan-dahan akong tumayo nakita ko naman sya na medyo nataranta at mabilis na lumapit sa akin.
"Babe, wala lang yun. s*x lang yun, hindi ko naman sya mahal. Kung kasi hinayaan mo na may mangyari sa atin edi sana hindi ako maghahanap ng ib-
Malakas na sampal ang binigay ko dito at hindi ko na hinintay na tapusin nito ang sinasabi nya.
"D-david! Naririnig mo ba yung sinasabi mo? Wala lang yun sayo pero sa akin sobrang halaga ng bagay na hinihingi mo!" Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko mula dito, hindi ito ang david na nakilala ko dati.
Hilam ng luha ang mga mata ko at panay ang hikbi ko, hindi ko na alintana ang mga matang nanonood sa amin.
Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon ay wala na akong pakialam sa paligid ko.
"Tapusin na natin to david, tutal naman mukhang nag eenjoy ka sa tricia mo sige bumalik kana sa kanya"
"B-babe! " Muli nya akong hinawakan sa kamay at pilit na niyayakap.
Tinulak ko ito sabay sabing "tinatapos ko na ang lahat sa atin david, mula ngayon malaya kana. Malaya kana kaya pwede mo ng gawin lahat ng gusto mo ng hindi ako iniisip. Minahal kita ng totoo david, pero hindi ko deserved itong ginawa mo at itong nararamdaman kong sakit ngayon"
Kita ko ang sakit sa mga mata nya pero kumpara sa sakit na ibinigay nya sa akin ay walang wala ang nararamdaman nyang iyon kesa sakin.
"Maghiwalay na tayo, sana ito na ang huli nating pagkikita. Sobrang sakit david. Hindi muna kita kayang makita. Wag ka mag alala, ako na ang bahalang magsabi kanila nanay at tatay, wag mo na akong guguluhin pa" huling sabi ko dito sabay labas ng cafe.
Habang naglalakad sa gilid ng kalsada ay walang tigil sa pag agos ang mga luha ko at hindi ko na alintana ang mga taong nakakasalubong ko at napapatingin sa akin.
Sobra kong minahal si david, minsan na rin akong nangarap na maikasal sa kanya. Pero hindi ko alam na ang kapalit pala ng kaligayahan kong iyon sa loob ng 4 years ay sobrang sakit sa puso ngayon.
Hindi lang iyon ang inaalala ko dahil napalapit na din ito sa pamilya ko.
Ayokong may mangyaring masama kay tatay dahil dito. May sakit pa naman ito sa puso.
Muli naman tumulo ang luha ko ng maalala ko sila.
Sobra nila akong mahal kaya alam kong masasaktan sila pag nalaman nilang sobra akong nasasaktang ngayon.
"Marga?"
Mula sa pagkakayuko ay mabilis akong napatingala dahi kilalang kilala ko ang boses na iyon.
"Zachhyy" mahinang sambit ko sa pangalan nito. Pakiramdam ko ay wari'y nakakita ako ng kakampi sa katauhan nito kung kaya naman ay mas lalong bumuhos ang mga luha ko na may halo ng hikbi.
"H-hey hey, why are you crying? What happened?" Tarantang tanong nito at lumapit pa sa akin upang tignan ng mas maayos ang hitsura ko.
"Zach!"
Mabilis ko itong niyakap at duon na bumuhos lahat ng kinikimkim kong sakit simula pa kanina. Mabilis naman ako nitong niyakap ng pabalik.
Humagulgol ako ng malakas at hindi na pinigilan pa ang sarili na mas yakapin ito ng mahigpit at ibuhos lahat lahat ng sakit dito.
"Hush now, I'm here." Hinagod nito ang likuran ko at masuyong hinahaplos ang buhok ko.