Welcome to Barangay Cape Niyugyog ko ang braso ng katabi ko ng makitang nandito na kami sa aming barangay. Maya-maya lamang ay nakita ko na ang bahay namin kaya mabilis akong nagpara. Ako ang nakapwesto sa unahan kaya naman ako ang unang makakababa. "Mahal ko, ikaw na magbayad ah? Baba na ako, sunod kana lang." Malapad ang ngiti kong sabi dito. Tumango na lamang ito at wala ng nagawa. Mabilis ko naman itong hinalikan sa pisngi at kinurot ang ilong nito. Ng matapos ko syang asarin ay nauna na akong bumaba. Nakita ko pa si Nanay na nasa labas at nagsisilong ng mga sinampay. Si tatay naman ay nakaupo sa teresa at kausap ang tita mommy.. Mommy ni Josh.. tamang tama nandito din pala ito. "Nay! Tay!" Sigaw ko pagpasok ko ng gate namin. Sabay namang napalingon sa akin ang tatlo at gu

