Stacey POV Maganda, sexy, matalino, mayaman. Ilan lang yan sa mga naririnig ko na papuri sa mga taong nasa paligid ko ngayon. Minsan nakakasawa na din pero wala naman akong magagawa dun, yun ang nakikita nila sa akin kaya tanggapin na lang ng buo sa loob ko. I'm Stacy Lindy Moore, 29yrs old. Kababata at unang kasintahan ni Zach. Yes, you heard it right. I'm his ex girlfriend. In short, una syang naging akin. Naghiwalay kami because of a third party issue. Well, i must admit. Natukso ako, nagkagusto sa iba. Noong mga panahon na iyon, nawawalan na ng panahon at oras sa akin si Zach. Masyado na syang naka focus sa negosyo nya. Nag-uumpisa pa lang noon ang negosyo nya at bagong tayo pa lang ang ZG Telecom Company. Sadyang matalino ito pagdating sa negosyo dahil napaunlad nya itong ne

