4 years in a relationship with David was the happiest moments in my life..
Yes, was..
Ngayon, lahat ng masasayang alaala na binuo namin ay parang isang trauma na ayoko ng balikan at isipin pa.
I thought, our relationship is perfect. That he is the one for me, my true love. He means a lot to me.
All of that vanished in an instant.
Ang pinakamasakit sa lahat, yung nagawa ko pa sya ipakilala sa pamilya ko. Tinanggap sya ng buo at pinakisamahan ng maayos.
Naalala ko pa dati, palagi kaming umuuwi sa Ilocos kung saan kami nakatira.
Tuwing dadalaw ako sa pamilya ko ay palagi ko syang kasama. Tinuring na din kasi syang anak nila nanay at tatay. Kasundo din nya ang mga kapatid ko.
See? Everything is perfect!
We even talked about our future. When are we going to get married? He said, there's a right time for that. He's just waiting for that right time before he ask for my hand.
We even talked about how many children we wants. I ask him and he said it's up to me, because I'll be the one who will carry the baby for 9months.
I'm so happy during those times that I even told him, 3 or 4 children would be fine.
During those 4 years, hindi pa kami lumampas sa limitasyon namin. But yes, we always make out.
Umabot kami sa puntong nahawakan at nahalikan nito ang dibdib ko. When he tried to touch me down there, i would stop him immediately.
Hanggang doon lang ang kaya kong ibigay sa kanya. We need to get married first before I give myself to him. Palagi ko yan sinasabi sa kanya hanggang sa nagagalit na sya.
Last year madalas na sya mag aya pero palagi akong tumatanggi. Nung una, sabi nya naiintindihan naman daw nya ako at humihingi pa sya ng pasensya.
Pero nung mga sumunod na pag aaya nya ay palagi na syang nagagalit pag tumatanggi ako. Naalala ko pa palagi ang sinasabi na.
"Bllsht! Palagi na lang bang ganito? Ilang taon na tayo pero hanggang ngayon ayaw mo pa rin? Lalaki ako marga! May pangangailangan din ako. Palagi ko naman sinasabi sayo diba na mahal kita at papakasalan naman kita!"
Until one day, nag open up ako kay Rachel. My bestfriend, una pa lang hindi na talaga ito boto dito para sa akin.
Palagi nya sinasabi na mukha daw itong playboy at ayaw nya akong masaktan kaya habang maaga pa daw ay hiwalayan ko na ito.
Pero dahil mahal ko at tanga ako, hindi ako nakinig dito na labis kong pinagsisihan ngayon.
Bahagya kong hinalo ang alak sa basong hawak ko bago ko ito inisang lagok.
Napatingin ako sa dancefloor sa gitna ng bar ng mag umpisa ng lumakas ang music at sumasabay na din ang Dj na lalong mas naging agresibo ang mga tao.
May mga sumisigaw na din sa labis na tuwa habang gumigiling ang mga katawan nila sa gitna. Ang iba ay kasama pa ang mga jowa nila at halos pag isahin na ang mga katawan nila doon.
Napukaw ang atensyon ko ng biglang tumunog ang cellphone ko tanda na merong tumatawag.
Mabilis kong kinuha sa loob ng bag ko ang cellphone at ng makitang si rachel ang tumatawag ay sinagot ko agad iyon.
"Hello bess?"
"Bess! I'm so sorry, nandyan kana ba sa bar?" Mabilis na tanong nito na animo'y aligaga na din.
"Kanina pa bes, magdadalawang oras na ako dito. Bat ang tagal mo naman? Malapit ng mag alas dose" napapanguso na din ako kahit hindi nya ako nakikita.
"I'm sorry, I think hindi nako makakapunta dyan. Si erol kasi--"
"Ha? What happened to him?"
"Alam mo naman ang sitwasyon namin bess, eto umuwing lasing na lasing. Hindi pa rin kasi kami tinitigalan ng mama nya."
Ramdam na ramdam ko ang lungkot sa boses nito. Mahal na mahal nito ang kasintahan at may malaki silang problema na kinakaharap ngayon.
"Sorry to hear that, sige bess okay lang naman. Uuwi na lang din ako agad maya-maya."
"Wait! Ano pala ang sasabihin mo dapat kaya nakikipagkita ka? Sabihin mo na ngayon bess tutal tulog naman na si erol. Hindi ko lang maiwan dahil baka magising at hanapin ako, alam mo naman na may pagka paranoid pa naman ang isang to!"
Natawa ako sa huling sinabi nito. Paranoid talaga ito pagdating sa kay rachel which is understandable naman dahil sa sitwasyon nila ngayon.
"Ah, wala bes. N-amiss lang kita kaya gusto kitang makita, pero may next time pa naman. Bantayan mo na lang si erol dyan at magpahinga kana din, i know pagod ka din sa trabaho."
"Are sure? Are you really okay?" Nadududang tanong nito.
"Haha! Yes, im very much okay bessyyy.. sige na, magpahinga kana uuwi na din ako maya-maya. Tapusin ko lang itong iniinom ko."
"Hoy, hinay-hinay sa pag inom wala ka pa naman kasama. Last na yan ah, uwi kana din agad.. ingat bess, bye."
Napailing na lang ako sa sinabi nito. Kung alam lang nito na naka ilang shot nako ng tequila, for sure masasabunutan nya ako.
Pero kahit papano nawala ng kaunti ang hilo ko ng makausap ko sya. Talagang nakakatulong din ang pagtawa kapag sobrang lungkot muna.
Nagpapasalamat ako na kahit papano nakatawa ako ngayong araw.
Simula kahapon ay hindi ko magawang tumawa.
Alam ko ang sitwasyon ni Rachel at Erol, matagal ko na silang kaibigan at alam ko ang hirap na pinagdadaanan nila para sa kanilang relasyon.
Ngayon nila higit na mas kailangan ang isa't isa kaya hindi ko maaaring isabay ang problema ko sa problema nila.
Pag nalaman nila ang nangyari sigurado akong masasaktan din sila para sa akin and worst baka masugod pa ni erol sa david.