A very typical disco bar. Pagpasok mo pa lang sa loob ng bar ay makikita mo na agad ang dami ng tao.
Mga kabataan halos. Well, sa panahon ngayon masasabi kong ang mga kabataan ay masyado ng wild and curiosity always eat their system.
Paano ko nasabi?
Look at the right corner, makikita mo ang isang grupo ng mga kabataan. Limang lalaki at dalawang babae.
Kitang kita naman sa mukha ng dalawang babae na ayaw talaga dito sa lugar na ito. But, you can see on thier faces that they admire these 5 guys.
Maybe these 5 boys are very popular in their school, that's why this two girls wanted to get their attention.
Pupunta na nga lang sila dito hindi pa nila naisipan na magpalit muna ng damit. Proud pa ang mga ito na suot suot nila ang school uniform nila.
Pag nalaman ito ng school nila siguradong lagot ang mga ito. Ang eskuwelahan pa naman nila ay hindi basta-basta. Isa ito sa mga sikat at kilalang universidad dito sa maynila.
Madami din ang mga artista nag aaral sa paaralang iyon. Kitang-kita ko pa ng abutan ng basong may alak ng isa sa limang lalaki ang kasama nilang babae, ganun din ang ginawa sa isa pang kasama nito.
Tsk! Ano ba ang nasa isip ng mga dalagang ito? Hindi ba nila alam na maaari silang mapahamak sa ginagawa nila?
Tinungga nila ang alak at kita sa mga mukha na ito ang unang beses na natikman nila ito base na din sa reaksyon ng mukha nila.
Napailing na lang ako habang patuloy sa paglalakad at paghahanap ng bakanteng lamesa.
May nadaanan pa akong mga estudyante na naghahalikan at animo'y mga sabik sa labi ng isa't-isa, mukbang yarn?
Umupo sya sa bakanteng pwesto sa mismong harap ng bartender at pinanood ito kung gaano ito kagaling maghalo ng iba't ibang klase ng mga alak na alam nyang malalakas ang tama.
"Ano pong alak ang gusto nyo mam? Ladies drinks or yung matapang po na alak?"
Nakatingin na tanong sa kanya ng barista habang abala ang mga kamay nito sa pagmimix.
Hindi agad sya nakasagot sapagkat bahagya syang namangha sa ginagawa nito.
"One tequila please"
Natigilan ito sa ginagawang pagmimix at pinagmasdan ng mabuti ang mukha nya. Napakunot pa ng bahagya ang noo nito bago nagsalita muli.
"Are you sure mam?" Sabi nito na may bahid ng pagdududa.
Tumango naman ako dito bilang pagtugon kaya naman makalipas ang ilang sandali ay iniabot na nito sa akin ang order ko.
Sa katunayan hindi naman ito ang unang beses na makakatikim ako ng alak. Ilang beses na din akong nakainom kasama ang kaibigan ko sa apartment.
Pero, this is the first time that im gonna drink tequila. She's aware that tequila can make you drunk really fast, especially if this is the first time you gonna drink it.
Mabilis nya itong tinungga na ikinalaki naman ng mata ng lalaki sa harap nya. Muntik pa syang maubo ng gumuhit sa lalamunan nya ang init na hatid ng inumin na iyon.
"Isa pa" sabi nya sa bartender.
"Mam, kung may problema ka umuwi ka na lang po at doon uminom sa bahay nyo, tiyak na mas safe doon."
Mahihimigan ng pag aalala ang boses nito ng sabihin iyon sa kanya.
"Hindi naman ako maglalasing, after a few shots aalis na din ako."
Tumalima naman ito at inabutan sya muli ng tequila.
Sa pangalawang lagok nya ay medyo nakaramdam na sya ng kaunting hilo. Kaya naman bahagya muna syang pumikit at kinalma ang sarili.
If you wanna forget your problems and just be happy, then just drink and get drunk. That's what she always heard from the people around her.
Because when you're drunk, all you wanted to do is lay in your bed and sleep like there's no tomorrow.
"One more, please."
Tinitigan ko ang basong hawak ko ngayon habang naglalakabay ang aking isip.
Napangiti sya ng mapait ng maalala ang kanyang kasintahan at kung paano sila unang nagkakilala. May kinalaman din kasi iyon sa mga alak.
Flashbacks
Hmm, nandito ako ngayon sa loob ng supermarket at abala sa pamimili ng mga stocks ng pagkain na kakailanganin ko sa apartment.
Today is Sunday, and I decided to go to the church and attend the mass. Tuwing linggo ko lang ito ginagawa kaya sinisigirado ko tuwing linggo ay naglalaan ako ng oras para sa KANYA, upang magpasalamat at humingi ng gabay.
Tuwing araw din ng linggo ay pumupunta ang bestfriend ko sa apartment dahil day off nito iyon. Well, she's been my friend since college. And after we graduated, we only see each other every sunday because we're both busy with our work.
Pumunta ako sa junk food section. Knowing her, for sure maghahanap yun ng snacks sa bahay.
Kumuha ako ng ilang piraso na malalaking chichirya at ilang sweets. And oh, may old time favorite. Dark chocolate Toblerone.
Dumiretso ako sa pwesto ng mga alak at malalim na nag isip.
Pareho kami ng kaibigan ko na hanggang san miguel apple flavor pa lang ang naiinom. Actually, tinikman lang namin ito nung una dahil hindi naman daw nakakalasinh iyon hanggang sa magustuhan na namin pareho.
Kahit sabihin nilang hindi ito nakakalasing ay hindi pa din kami umiinom ng madami nito.
Hanggang tig isa or dalawang bote lang kami. Tikim-tikim lang habang nagkukwentuhan or habang nag momovie marathon.
But earlier, i got a message from her. Telling me that she wanna try something else. Ibang klase naman daw ng alak ang bilhin ko.
I'm about to get the emperador light infront of me when I heard a voice at my back.
"Never thought that a beautiful girl infront of me, can drink a hard type of liquor."
I turned around to see if I'm the one he's talking to.
Nakangiting mukha nito ang sumalabong sa akin. Nakuha ang atensyon ko ng dimples nito sa magkabilang pisngi.
"Hi there, pretty. Are you really gonna drink that one or just buying it for your family?"
"Ah, kaming dalawa ng kaibigan ko ang iinom nito" maikli kong wika dito.
"Woah, heavy drinker pala kayo".
"Ay hindi, ngayon lang namin susubukan ito. Actually, kanina pa ako naghahanap dito, gusto kasi ng kaibigan ko na iba naman daw ang inumin namin. Wala naman ako gaanong alam sa mga alak kaya naman ito na lang kinuha ko"
I don't have to explain to him. But i remeber that "first impression lasts" at ayaw kong isipin ng taong ito na tanggera ako.
"I think, I can help you on that. Let me introduce myself first. My name's David."
Tinignan ko naman ang nakalahad na kamay nito sa aking harapan. Wala naman sigurong masama kung aabutin ko ang kamay nito. Mukha naman itong mabait at ng tingnan ko muli ang mukha nito ay nakangiti pa din ito sa akin.
"Marga" sabay abot ko sa kamay nito. Bahagya nitong pinisil iyon bago binitiwan ng mapansin nyang tumikhim ako ng mahina.
"I have a younger sister and everytime we asks her to drink with us together with our other siblings and parents, she always drinks San Miguel apple or tanduay ice, sabi kasi nya hindi naman daw nakakalasing yun basta hinay-hinay lang daw sa pag inom noon."
Nakatingin ito sa hawak kong Emperador light habang nagsasalita.
"Iyang hawak mo kasi ay mostly mga lalaki ang umiinom and malakas ang tama niyan."
Napantingin na din ako sa hawak ko at dahan dahan iyon ibinalik sa pinagkuhanan ko.
"Maraming salamat" kumuha na lang ako ng tatlong bote ng Tanduay Ice original flavor. Binasa ko din kasi ang nasa likod nito at nakita kong 5% lang ang alcohol nito.
Ngumiti ako muli at nagpasalamat bago nagpaalam dito na mauuna na ako.
"Ah, wait!" Nagtataka akong napalingon dito ng pigilan ako nito sa braso.
"Hmm, puwede bang mahingi ang number mo?" Pulang pula pa ang mukha nito matapos sabihin iyon at bahagya pang napapayuko.
Cute.
Mukha naman itong mabait at friendly. I think hindi naman masama kung makipag kaibigan ako dito.
After I gave my number to him dumiretso na ako sa counter upang magbayad para makauwi na din.
Matapos kong ibigay dito ang number ko ay halos araw-araw na itong nagttext sa akin at kung minsan pa ay natawag ito.
Nalaman ko din na nagtatrabaho ito sa sarili nilang company. May kaya ito sa buhay pero nananatili itong mabait at mapagkumbaba.
Hindi naman nagtagal ay niyaya nya akong magdate at ilang beses pa nasundan iyon hanggang sa nahulog na din ang loob ko dito.
Ng manligaw ito ay sinagot ko din sya after 1 year and now, mag aapat na taon na ang relasyon namin.
Apat na taon na sana, pero kahit anong saya pala ng relasyon nyo, minsan ay susubukin talaga kayo. Kung gaano kayo katatag, at kung gaano nyo kamahal ang isa't-isa.
Madami kaming pagsubok na napagdaanan pero itong huli, mukhang dito na ako susuko. Nakakapagod din pala. Suko na ako.
Walang kasing sakit ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Dahil sinira nya ang buong tiwala ko sa kanya at sa relasyon namin.