Episode - 24

2263 Words

Kaagad niyang in-assemble ang mga drones na ibinigay ni Nikkel sa kanya at inaral kung paano niya magagamit ng maayus ang mga ito. Maliliit lang ang nasabing mga drone at pwede nilang padaanin sa pagitan ng mga sanga ng punong kahoy gamit ang remote controller ng hindi napapansin ng mga tao sa baba. Malinaw at malawak din ang mga screen shots ng mga ito araw at gabi. Ilang araw din silang nagtiyagang mag-ikot sa mga mabubundok at magubat na lugar upang ma-trace ang location ng mga rebelde. Ilang pagsusuri pa ang kanilang sinagawa sa mga nakalap ng drone na footages at photos at bawat anggolo at galaw ng mga tao, masusi nilang pinag-aaralan kung may kakaiba bang senaryo. Matataas at mayayabong ang mga punong kahoy na halos dikit dikit at hindi mapapansing may mga taong nakatira sa lugar.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD