Chapter - 12

2613 Words
"Embezzlement of company funds worth of 50M." Bulalas kung bigla halos malaglag ang aking panga sa nabasa. "Tang..***..'na san niya dinala yon? Anung pinag kagastusan niya ng ganuong kalaking halaga? Sinung pinag kagastusan niya? Nagda-drug ba siya? Nagsusugal? Imposible naman nagastus niya sa lola niya nuong nagkasakit ito. Kahit yata sa pinakamagaling pang doctor hindi siya gagastos ng ganuon kalaking halaga, hindi rin sa abroad sila nagpagamot. Anong ginawa mo sa pera? Kanino mo ibinigay? May sinusustentuhan ka bang lalaki?" Halos masuntok ko na ang table ko dahil sa nakalap kung information kung bakit siya nalagay sa blacklist. Ilang buwan palang ang nakakalipas buhat ng masama ang pangalan niy dito. Halos sumulwak ang dugo ko sa galit buti nalang wala siya sa harap ko. Kung hindi baka masakal ko siya. Agad kung tinawagan ang hospital kung saan na-admit ang lola niya, isa sa pag-aaring hospital ni Tito Thom. [Ate Sue pwede po bang makisuyo sayo? May gusto lang akung itanong. Paki check naman naging hospital bills ni Mrs. Iluminda Cruz, more than two months na siyang na discharged.] Mahabang saad ko sa assistant ni Tito Thom, hindi ko na siya pinagsalita pa at diretsang sinabi ang pakay ko. Gusto kung malaman kung saan niya dinala ang ganuong kalaking halaga. Samatalang simpleng pamumuhay lang meron sila, walang kahit anung mamahaling gamit sa bahay nila, walang sariling sasakyan. Parang imposibleng nagkamal siya ng ganuon kalaki sa loob lang ng ilan buwan. At bakit may ganuon kalaking halaga ang attorney na 'yon sa opisina niya. O baka siya ang tumatanggap ng bayad ng mga kliyente ng abogado pero imposible yon. Pag ganuong kalaking halaga bank to bank na yun or cheque. Nakapagtataka rin, bakit hindi sinampahan ng kaso ni Attorney Goanzin si Yamileth dapat kinasuhan niya at ipinakulong ito. Hindi birong salapi ang nawala sa kompanya niya. Bakit hinayaan niya nakakalaya ito at pina-blocklist lang niya. Isa siyang magaling na abogado magagawa niyang ipakulong ito ng walang kahirap-hirap. Hindi kaya nagkaroon sila ng malalim na ralasyon. Sumasakit na ang ulo ko sa kaiisip ng dahilan kung saan niya dinala ang malaking halagang kinuha niya sa opisina ng abogado. Meyembro ba siya ng isang sindikato. Halos sabunotan ko ang ang aking buhok dahil walang-wala sa personalidad niya ang gagawa ng illegal. Inosente siyang tingnan at para walang muwang sa mga iligal na aktibidades. Kaagad kung dinampot ang cellphone ko ng mag-ring ito at binasa ang text message na galing kay Ate Sue. From: Ate Sue: hospital bills of Iluminada G. Cruz, 423, 808.00, fully paid. Basa ko. Naka indicate din ang time and date ng discharge ilang minuto lang matapos mabayaran ang bills. Napakaliit kumpara sa nadispalko niyang pera. Kasabay din ng araw na pina-banned siya ni Atty. Guanzin ang araw ng ilabas sa hospital ang lola niya at hindi narin siya nagtratrabaho sa law firm ng abogado ng mangyari ang krimen. Paanong nangyaring naka dispalko pa siya ng ganoung kalaking halaga ng salapi? Baka naman kaya siya nag resigned dahil nakagawa na siya ng krimen at nataon lang na natuklasan ng araw na lumabas sa hospital ang lola niya. At sa bawat kompanyang pinag trabahuhan niya gumagawa siya ng kalokohan kaya agad din siyang nagre-resigned. Tang'na. Sino ka bang talaga at ano ang lihim mo Briella Yamileth. Bakit sayo ko pa ito nararamdaman? Sa isang misteryosong babae pa ako nagkakagusto ng ganito. Ano bang hiwaga meron ka. Saan mo dinadala ang pera o baka kaanib siya ng isang malaking sindikato. Huwag na huwag kang gagawa ng krimen sa kompanya ko, dahil ako mismo ang dudurog sayo sa palad ko. Nagngingitngit kung bulong sa isipan ko. Sino ba si Attorney Guanzin sa buhay niya. Nakarelasyon ba niya ito, at nakuhanan niya ng pera. Lahat ba ng employer niya naging karelasyon niya para madali niyang maloko at makakuha ng pera sa mga ito at magre resigned siya matapos maperahan." Dammit!" Yamileth akala ko kakaiba ka at inosente, tuso ka rin pala. Tingnan natin kung maiisahan mo ako. Pagsisisihan mo ang araw na nakilala mo ako, dahil may paglalagyan ka sa akin babae ka. Sisiguruhin kung pagsasawaan muna kita bago kita itapon sa kabundukan pinanggalingan mo. Kukunin ko sayo ang singsing ko sa mabuti man o masamang paraan, maghintay kalang at matitikman mo ang tatak Franko Angelo Villaneza. Hindi pa ipinapanganak ang taong loloko sa akin, hindi sa tulad mong mapagbalatkayong babae lang ako mahuhulog. "Fvck! Hulog na hulog na ako sa kanya paano ko pa itatanggi sa sarili ko. Siya ang laging laman ng isip at puso ko. Pero kung ganito naman siya kasama kaya kung magtiis ng wala siya sa paningin ko. At kaya ko rin siyang palitan kahit sampu pa. Pero ako ang magpaparusa sa kanya. Dudurugin kita sa mga palad ko. Humanda ka Briella Yamileth. Ipapako kita sa krus ng nakabaliktad. "Good morning CEO." Bati niya pagpasok niya sa loob ng opisina ko. Gusto ko siyang lapitan para yakapin at hagkan pero hindi ko magawa. Hindi ko rin magawang tingnan siya dahil sa mga nakalap kung informations tungkol sa kanya. Alam kung hindi rin niya ako sasagutin ng matino kung tatanungin ko siya, baka kung ano lang magawa ko sa kanya na maari kung pagsisihan sa bandang huli. Kailangan ko munang matyagan ang bawat kilos niya. Kailangan kong masubok ang katapatan niya. Anong sindikato ba kinasasangkotan niya? . ...................... . "Suplado." Bulong ko dahil ni hindi man lang niya ako nilingon kahit saglit. "May problema kaya? O masyado lang siyang busy sa ginagawa." Bulong ko pa at inumpisahan ng gawin ang trabaho ko. Kahit gusto ko siyang lapitan at halikan tulad ng madalas na namin gawin sa tuwing magkkikita kami, tuwing papasok ako sinasalubong na niya ako ng halik, pero ngayon parang may kakaiba. Isang buwan narin ako dito kaya nasanay na ako sa mga moves niya. Basta ba huwag lang niya akung sisisantehen ayus lang. Mabubuhay na kami ni Inay ng maayos. Kahit hanggang ngayon palaisipan parin sa akin kung bakit kahit saan, kahit isa walang tumatanggap sa aking kompanya, hindi ko na nga mabilang kung ilang kompanya ang pinag aplayan ko kahit maliit lang ito hindi sila interesado sa akin na parang takot na takot sila marinig lang nila ang pangalan ko, parang may nakakahawa akung sakit. Anong hiwaga ba ang nangyayari sa akin. Mukhang may maling nangyayari ngayon, matuklasan ko lang kung sino ang may pakana nito mananagot talaga sa akin. "Sir coffee?" Usal ko ng hindi na ako makatiis dahil tahimik lang siyang nagtitipa sa laptop niya. Kaya kahit hindi siya sumagot tumayo parin ako para gawan siya ng kape. Trabaho ko rin namang ipagtimpla siya ng kape. Hindi niya ako gustong kausapin ngayon wala naman problema sa akin, pero ako ang nahihirapan sa sitwaston namin. Hinahanap-hanap ko na ang panlalambing niya sa akin, ang mga ngiti niya pagkinakausap niya ako, at madalas biruin. Nasaan na ang CEO kung hinahangaan. Mukhang may mali na naman nangyayari, kailangan ko ng makaisip ng paraan bago pa ako mawalan ng trabaho. Dahil wala na akung aasahang trabaho dito ngayon, wala na rin magtitiwala sa akin ngayon. Masasayang lang mga araw ko kung ipagpipilitan ko pa ang sarili ko sa mga taong ayaw at walang tiwala sa akin. Lumilipas ang mga araw na walang nangyayaring maganda sa akin. Matapos ko lang ang problema ko kay attorney sisigurohin kung wala ng makakalapit sa aking demonyo na ipagkakaluno ako sa impeyerno. Kahit ikaw pa CEO, tandaan mo yan, dahil sa pambabaliwala mo sa akin. Kailangan ko narin maabisuhan si Inay para maging handa siya sa lahat ng oras. Marahan kung ibinaba sa ibabaw ng table niya ang umuusok na tasa ng kape, na walang salitang binigkas at muling bumalik sa table ko para ipagpatuloy ang akin gawain. At hindi na siya muli pang nilingon, para ano pa. Isa-isa kung kinontak ang mga taong kakilala ko para pakiusapan ng isang bagay. Gusto kung malaman kung anung nangyayari sa buhay ko. Dahil kahit saan ako magpunta may kamalasang nakadikit sa akin, sino ang may gawa nito. At bakit kailangan nila akung parusahan ng ganito. Nabuhay na naman ba ang mga taong may mga maitim na budhi. Nasundan ba nila kami. Sila ba ang may kagagawan nito. Lahat ba ng kompanya hawak nila maliit man ito o malaki. Isa lang pwede kung gawin ang lisanin ang pinakamamahal kung bayan. Pero paano si Inay nag-iisa nalang siyang nagmamahal sa akin, mahina na siya at may sakit pa. Mag-isa na akung makikibaka ngayon wala na akung aasahan magtatanggol sa akin, tanging ako nalang sa sarili ko magproproteksyon sa sarili ko. "Kaya mo yan Yamileth." Bulong ko sa isip ko. "Inay kailangan na natin lumipat ulit ng bahay." Panimula ko habang naghahapunan kami ng lola. "Pakiramdam ko po kasi may kakaibang nangyayari sa paligid ko. Hindi n'yo ba napapansin ni isa walang tumatanggap ng trabaho sa akin. Para po kasing imposibleng wala makapansin sa mga credentials ko. Alam naman po n'yo ang kakayahan ko pero bale wala po yon maliit man o malaking kompanya. Para silang diring-diri at takot na takot pag narinig na nila pangalan ko." Mahabang litanya ko. "Hindi kaya nasundan nila tayo? Baka may nakapag-tip kung nasaan tayo, at nakilala ka nila. Dapat kasi nag-iba ka ng pangalan tulad ng habilin ng iyon mga magulang. Ano ang plano mo ngayon? Matanda na ako at hindi na kita kayang ipagtanggol pa." Nag-aalalang usal niya. "Magpapalit din po ako ng pangalan malapit na. Humanda po kayo dahil ano mang oras mula ngayon aalis tayo dito. Mauuna kayung umalis. Pumunta kayo sa probinsiya nila Lola Goring, alam kung hindi nila kayo pababayaan duon. Susunod po ako may tatapusin lang akung trabaho. Ibibili ko na kayo ng ticket bukas. Mag-iingat kayong mabuti Inay." Mahabang wika ko. "Paano ka apo?" mangiyak-ngiyak niyang tanong sa akin at mahigpit na ginagap ng kulobot niyang kamay ang isang kamay ko. "Ako na po bahala sa sarili ko matanda na po ako, kaya ko ng ipagtanggol sarili ko, kayo lang inaalala ko. Basta huwag n'yong pababayaan ang sarili n'yo, inumin n'yo mga gamot n'yo." Bilin ko sa kanya kailangan maging matatag kami. "Susunod po ako agad pagnatapos ko na trabaho ko dito." Dugtong ko pa. Sanay na kami sa ganito ang magtago. Pag may nakakakilala na sa amin, dahil malalagay sa panganib ang buhay namin kung hindi kami mag-iingat. Ilan beses narin kaming nagpalipat-lipat ng bahay upang mailayo lang ang mga sarili namin sa kapahamakan. Buhay namin ang nakasalalay dito. Kinabukasan maaga akung pamasok. Pero mas maaga parin siyang pumasok at tulad ng dati hindi kami nagpapansinan. Walang nagsasalita sa amin kung hindi rin lang tungkol sa trabaho. Kaya walang imik akung nagtimpla ng kape niya at dinitalye ang mga appoinment schedules niya, bago nagsimulang gawin ang mga papers works ko. Alam kung tatambakan na naman niya ako ng trabaho ngayon dahil araw-araw naman niyang ginagawa yon. Yung halos hindi na ako magkandaugaga sa trabaho. Pero pilit kung kinakaya dahil alam kung malapit na niya akung palayasin dito, ito man lang maipakita ko sa kanya kung gaano ako ka didikato sa trabaho ko. Professional ako pagdating sa trabaho kaya wala siyang masasabi at sinisiguro kung hindi niya pagsisisihan binigyan niya ako nang pagkakataon makapagtrabaho dito, kasama siya. Nagpapasalamat din ako at nakilala ko siya. Ang una at nag-iisang lalaking nagparamdam sa akin ng kakaibang damdamin na ngayon ko lang naramdaman. Ang laging napapabilis ng t***k ng aking puso sa tuwing nalalapit siya sa akin. Kaya sinulyapan ko siya ng tingin, as usual busy parin at walang pakialam sa paligid, parang siya lang tao dito sa loob ng opisina niya. "CEO may meeting po kayo ngayon 8:30 kay Mr. Kanachi." Pagbibigay inporma ko sa kanya ng hindi siya tinitingna. Nakatutok lang ang mga mata ko sa gadget na hawak ko. Kaya hindi ko alam kung nilingon ba niya ako o hindi, pero wala naman akung pakialam duon kung ano pang gawin niya. Kailangan maputol na kung ano mang bagay ang nag-uugnay sa amin. Kailangan ko na siyang kalimutan. Ayaw ko na siyang madamay pa sa gulo ng buhay namin. Kahit may pakiramdam akung safe ako pag kasama ko siya. "Sumama ka sa akin." Maawtoridad niyang saad, kaya kunot noong napalingon ako sa kanya. "Ano pangtinatanga mo d'yan? Gumayak kana at aalis na tayo. Hindi kita pinasusuweldo para tumunganga lang dito." Angil niya kaya walang kibong tumalima ako. At sumunod sa kanya palabas ng opisina. Kahit mabigat ang aking mga paa pilit kung ihinahabak pasunod sa kanya. Nagsisikip din ang aking dibdib sa nagiging pagtrato niya sa akin ngayon. Bakit kasi hindi nalang niya ako diretsahin kung anung gusto niyang mangyari para alam ko naman kung saan ko ilulugar ang sarili ko. Sabay din kaming sumakay sa elevator ng hindi lumalapit sa kanya. Lagi akung naglalaan ng distansya sa pagitan namin. Mahirap na baka kung ano nanaman mangyari sa amin, masinghalan pa niya ako. Hindi ko narin siya pinag-aaksahan pang lingonin at baka hindi ko na mapigil ang sarili kung nangungulila sa mga halik at panlalambing niya at ako na ang magmakaawang humalik sa mamula-mula niyang mga labing kay sarap humalik. Sa duration ng meeting nakikinig lang ako sa usapan nila at nagte-take down ng mga importanteng bagay na pinag-uusapan nila kahit may voice recorded naman sa harap namin. Magaling ang mga palitan nila ng usapan lalo na ang CEO ko ang galing niya magsalita kaya believe din ako sa kanya. Alam kung makukumbinsi niya ang mga inventors niyang kausap dahil kita sa mukha nila ang paghanga kay CEO. Kaya pasimple akung nangingiti, dahil alam kung matagal na niyang itong inaasam, ang magkaroon ng bagong project kasama ang mga investors sa harap namin ngayon. Matapos niya mailatag ang draft ng proposal niya, agad din itong inaproban ng mga investors. Nagtayuan ang mga ito at mahigpit na nagkamayan. Kanya-kanya din sila ng taas ng mga hawak na kopita at pinagpingkian ang mga yun. Maging ako nakitayo narin at nakisali sa kanila. "For the success of my CEO's new project. Congrats Franz" bulong ko sa isipan ko. At tinungga ang lamang red wine ng kopita kung hawak. Pinagmasdan ko lang siyang nakikipag kuwentuhan at tawanan sa mga investors. Kitang-kita ko ang mapuputi at pantay-pantay niyang mga ngipin. Ang mamula-mula niyang mga labing kay sarap humalik. Nami-miss ko na mga yakap at halik niya. Bakit ba bigla siyang nagbago at nanlamig sa akin. Ano bang nagawa kung mali? Baka mayroon na siyang bagong babae ngayon, kaya bale wala na ako sa kanya. Sabagay wala naman kaming seryosong relasyon, isa lang naman akung bed warmer niya. Naiiling nalang ako dahil sa naging trabaho ko sa kanya, kung hindi lang ako inabot ng malas, ni dulo ng daliri ko hindi mo mahahawakan kahit gwapo ka pa. Pero ihanda ko na raw sarili ko at malapit ng magumpisa trabaho ko sa kanya bilang assistant in bed niya. Hanggang kailan kaya yon? Ilang araw o linggo ang itatagal ko sa kanya. Malulutong na tawanan at biruan ang sumunod na usapan na para silang dating magkakaibigan na matagal ng hindi nagkita-kita. Masarap silang kausap hindi ka miinip, may sense of humor. Pero ang CEO ko masama lang niya akung pinasadahan ng tingin pero hindi ko nalang pinansin dahil ayaw naman niya akung kibuin kaya hindi ko na rin siya pinapansin maliban nalang kung tungkol sa trabaho ko ang sasabihin at itatanong niya. "Let's celebrates the success of our new project!" sigaw ng isang investor at itinaas pa niya ang hawak na kopitang may laman alak. "Cheers! Miss Gorgeous lady!" May kalakasan usal ng isang lalaki at iniangat sa tapat ko ang kamay niyang may hawak ng kopita. . . . ......................................................... please follow my account... and add my story in your library.. ...loveyouguys..God Blessed Us.. thanks much......lrs.. ....."Lady Lhee"....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD