Chapter - 11

2585 Words
Buong biyahe namin tahimik lang siya, nakabaling ang mukha niya sa binata sa tabi niya. Kahit anung sabihin ko parang hindi niya naririnig. Kunot ang kanyang noo, nasa mukha niya ang pagkairita. Gusto ko siyang suyuin at yakapin dahil alam kung iba siya sa mga babaeng nakilala ko. Hindi siya ang tipo ng babaeng nadadala sa isang kindat at ngiti lang bibigay na. Paminsan-minsan sinusulyapan ko siya, wala parin pagbabago ang ekspresyon ng mukha niya. Pagkahinto ng sasakyan ko, padabog niyang binuksan at isinara ang pinto ng kotse, agad din siyang nagmartsang palayo sa akin ng hindi man lang ako pinansin. Malalaki ang hakbang kung sinundan siya at hinila sa kamay ihinarap ko siya sa akin pero mas lalong nalukot ang mukha niya sa pagkairita. "Hey! What's the matter with you?" Asik ko na sa kanya at hinapit siya sa maliit niyang beywang. Nagagalit ka ba sa mga sinabi ko? Hindi ako hihingi ng sorry sayo dahil lahat ng sinabi ko totoo at mangyayari. Pasalamat ka pa nga at hindi kita binigla." Dagdag ko pa ng hindi siya nagsalita, tahimik lang siyang nakabaling ang tingin sa ibaba. "Be ready woman" Singhal ko at iniwan siya. Napipikon na ako sa inaasal niya, ganon pa man sinisisi ko parin ang sarili sa pagiging agrisibo. Kung bakit kasi pagdating sa kanya nawawala ako sa aking sarili na para bang gutom na gutom ako. Siguro kailangan ko ng lumabas paminsan-minsan para makapag-release ng init ng katawan. Nakakailan hakba na ako pero hindi ko parin nararamdam ang presensiya niya, hindi ko naririning ang tunog ng takong ng sapatos niya, wala siya sa tabi ko kaya nilingon ko na siya. Pero laking gulat ko ng hindi ko na siya makita, wala siya sa kinatatayuan niya kaninang iniwan ko siya. Wala rin sa paligid, natanawan ko na siyang palabas na ng parking area. Sunud-sunod na mura ang namutawi sa isip ko at mabilis ko siyang tinakbo. Nagpahid pa siya ng luha niya at tumayo sa gilid ng kalsada. May takot akung bigla nadama sa aking dibdib anung klase bang babae ito. Ni hindi inisip na wala siyang pagkakakitaan kung mawawalan siya ng trabaho. Ni isa nga walang tumatanggap sa kanya. Paano sila mabubuhay na mag-lola. Saan siya kukuha ng pambili ng gamot ng lola niya, saan sila kukuha ng panggastos nila araw-araw. "Saan ka pupunta?" Mariin kung tanong sabay hablot sa palapulsuhan niya. Pero nagpupumiglas siya at pilit hinihila ang kamay niya. Kaya mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak sa kamay niya. "Ano ba, tigilan mo na nga ako." Mariin din sikmat niya, talagang palaban siya. Kaya hinila ko na siya at halos kaladkarin ko na paalis sa kalsada. Wala na rin siyang nagawa kung hindi nagpatianod na dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao. Kung hindi siya makukuha sa pakiusapan sisiguruhin kong isang linggo ko siyang ikukulong sa kwarto ko. "Subukan mong umalis, makikita mo ang hinahanap mo, baka madali ang honeymoon natin." Anas ko sa punong tenga niya. "Don't dare to escape at gagawin ko talaga ang sinasabi ko kahit saan kapa magpunta masusundan at makikita kita." Mariin turan ko. Pero parang balewa lang sa kanya ang pagbabanta ko. "Stubborn" bulong ko. At pinagsalikop ang mga kamay namin, hindi naman siya tumutol kaya lihim akung napangiti. Hanggang makapasok kami sa elevator hawak kamay parin kami at hindi binibitawan ang kamay niya baka pag nalingat ako mawala na siyang tuluyan. Hindi ko parin binitiwan ang kamay niya maging paglabas namin ng elevator kaya pinagtitinginan kami ng nadadaanan namin mga emplayado pero wala akung pakialam sa kanila hindi rin umiimik ang katabi ko. "Carlota in my office." Mariing kung saad ng mapatapat ako sa table niya. Kita ko pa ang pagkagulat sa mukha niya. Pinasadahan din niya ng matalim na sulyap ang kamay namin ni Yamileth na magkasugpong. "Sit!" Asik ko kay Yamileth na hanggang ngayon nakasimangot pa rin. Inalalayan ko siya paupo sa bangko sa harap ng table ko. Imikot ako para maupo rin sa swivel chair ko. Kasunod ng pagbukas ng pinto ng opisina ko ng hindi man lang siya kumatok at basta nalang pumasok na tila mo kanya ang buong karapatan pagnaglakad. Wala ring abisong umupong taas kilay sa tapat ni Yamileth. "Ngayon sabihin mo sa akin kung bakit umalis si Yamileth kahapon?" Saad kung tanong sa aking secretary pagkaupo niya. Kunot naman ang noo ni Yamileth na nakatitig sa akin. "Sir, siya naman ang ng kusang umalis. Inaway pa niya ako bago siya umalis, kung anu-ano din sinasabi niya sa akin, pinagbantaan din niya ako kahapon." Litanya niya kaya nilingon ko siyang kunot na kunot ang noo at matatalim ang mga matang nakatitig dito. "Is that true?" Tanong ko dahil wala naman siyang sinabi sa aking dahilan kahapon ng nakausap ko siya sa telepono. Na parang iniiwasan niyang pag-usapan namin kung bakit siya umalis, ang dahilan niya nainip daw siya. "Kung hindi mo ako hinarang at nagmamagaling kang nagbibintang ng kung anu-ano hindi sana ako aalis." Sikmat niya at binuksan ang bag, hinugot niya duon ang tablet na binigay ko sa kanya kahapon. Kinalikot niya yon, ang una kung narinig nuong nag-uusap kami sa elevator at agad din niyang ipinas-forward. Nilingon niya si Carlota at nginisahan ito na parang nang-aasar. "Makinig kang mabuti stupida para malaman natin kung sino ang nagsisinungaling. Ngayon mo ilabas ang tapang mo at baka sa harap ng boss mo igudgud kita sa table niya." Usal niyang nakangisi. "Subukan mong galawin yan at ipalulunok ko sayo yan ng buong-buo" Angil niya ng tangkang kukunin ni Carlota ang tablet. Dinig na dinig ang conversation nila habang nagtatalo sila. Kahapon nakita ko na footage ng CCTV ngayon mas malinaw kung naririnig ang pagtatalo nila. Kita ko ang pagkabalisa ng aking secretary. "Ano yung mga sinabi mo sa akin kahapon?" Tanong ko kay Carlota, matapos namin marinig ang buong voice recorded na usapan nila. Buti pala naibigay ko sa kanya yun kahapon. At hindi man lang niya nakuhang nai-power off. "Masama naman talaga ang ugali ng babaing yan." Nanggagalaiti niyang turan, matatalim din ang mga mata niyang nakatingin dito. "Ano naman nagawa ko at nasabi mong masama ugali ko? Kayo nga itong kung anu-ano ang sinasabi sa akin. Maging yung isang babae pinagsabihan niya ako ng "Buti nga malandi ka kasi manggaagaw ng boyfriend. Kabago-bago nakikipaglandian na agad. Ngayon matsutsugi ka na." Yan ang iksaktong sinabi ng epal na babaeng mukhang surot." Mahabang wika niya. " And who's that girl?" Sikmat ko. "Yung mga aleporis niyang girlfriend mo." Asik niya sa akin. Matalim din niya akung sinibat ng tingin. Kaya naihilamos ko nalang ang dalawang palad ko sa aking mukha. "Call them now!" tanging naisigaw ko nalang. Mabilis naman siyang tumalima at dali-daling lumabas ng opisina ko. "I don't have any girlfriend so don't be jealous." Pagaasar ko nalang, matalim na irap lang ibinigay niya sa akin. Agad siyang napatayo ng sunod-sunod na pumasok sa opisina ang mga babaeng tinutukoy niya, kabilang si Carlota. "Itong babaeng ito ang lumapit pa sa akin para pagsabihan ako ng maladin at mangaagaw ng boyfriend." Singhal niya at pinadapo niya ang isang palad sa pisngi ng babaeng simula palang pagpasok niya sa opisina taas kilay na siya. Hindi naman nakahuma ang babae dahil sa gulat. Tanging pagtutop lang sa pisngi ang nagawa niya. Kaya tumayo na ako at nilapitan na siya. Hinapit ko siya sa beywang palapit sa aking katawan. "Sinong may sabing may girlfriend ako? Mukhang hindi ko yata alam na my girlfriend ako dito." Malumanay ko ng turan dahil umuusok na ang bunbunan ni Yamileth sa galit. Gusto kung matuwa sa kaalaman nagseselos siya. "Yan naman sir sabi ni Carlota boyfriend na daw niya kayo at wala daw babaeng pwedeng lumapit sa inyo." Pasinghal niyang saad. "Listen! This is Yamileth my fiancé" Anunsyo ko, kaya lahat sila nanlalaki ang mga matang tumitig sa akin. Agad ko rin dinampian ng halik sa pisngi si Yamileth at bahagyan pinisil ang bewang niya upang ipiahiwatig na manahimik lang siya. "Ngayon paano ako nagkaroon ng girlfriend ng hindi ko nalalaman?" Tanong ko. "At dahil alam ko na ngayon na may girlfriend ako, pumunta na kayung lahat sa HR. Ipapaayus ko na rin ang sweldo at compensation n'yo dahil ito na ang huling araw n'yo dito sa kompanya ko." Mariing saad ko. Tinalikuran ko na sila at muling naupo sa swivel chair ko. "Sir, sorry po, hindi na po mauulit. "Sir pasensiya na po hindi naman namin alam." Mga pagmamakaawa pa nila na hindi ko na pinansin. Pinalabas ko na silang lahat ng opisina ko. Naiirita na ako sa ingay nila na sinamahan pa ng pag-iyak. Mga drama nilang hindi papasa sa akin. Ilan nabang mga empleyado at empleyada ang napaalis ko dahil sa hindi magandang attitude, mas magaling pa sa akin. Lilinis ko ang kompanya namin. Walang puwang dito ang masasama ang paguugali. Sayang lang ang pinag-aralan nila kung hindi naman nila mai-apply sa sarili nila kabutihang asal. "Dahil mawawalan na ako ng secretary ikaw na ang pansamantala kung magiging personal assistant hanggat wala pa akung nakukuha." Aniko. "Dito ka sa loob ng opisina ko mag oopisina. Magpapalagay ako ng isang table d'yan para sa iyo." Dagdag ko pa at tumayo, nag-iskuwat ako sa harap niya at hinagap ang mga kamay niyang nakatapong sa kandungan niya. "Galit ka pa ba?" Anas kung tanong. Pinakatitigan ko rin ang maganda niyang mukha na nakaukit na sa isipan ko. "Umayos ka nga, baka may pumasok makita tayo, kung ano pang isipin nila." Singhal niya at ipiniksi ang kamay. "Ano gagawin ko? Ayaw kung nasasayang ang oras ko na katutunganga." Sikmat pa niya. "Para hindi masayang oras mo duon tayo sa kwarto ko, for sure walang oras na masaaayang sa atin at sinisiguro kung hindi ka narin makakalakad pagnatapos na tayo. Masarap duon dahil malamig mag-e-enjoy din tayo sa gagawin natin bago tayo sabay pagpawisan. Gusto ko pangalan ko lang idadaing mo. Don't worry soundproof yon kaya kahit magsisigaw ka sa sarap walang ibang makakarinig sayo ako lang." Panunukso ko sa kanya. Kita ko ang pagkapula ng kanyang mukha kaya pinasadahan ko ng likod ng mga daliri ko ang pisngi niya. "Manyak talaga 'tong sira ulong 'to." Bulong niyang umabot din sa pandinig ko. Kaya nangingiti akung tumayo at bumalik sa upuan ko. Ibang klase talaga siya. Paano ko bang susuin ito ni hindi nga ako marunong mangliligaw. Para sa aking hindi na uso ang ligawan basta nagkasundo kayo yun na, kayo na. Lahat ng mga babaeng nagdaan sa kamay ko malalaman ko nalang girlfriend ko na sila at puro game naman sa lahat ng gusto kung gawin dahil isa lang naman ang nais nila, ang makasalo ako sa kama. "Here, can you do me a project plan. A draft." Aniko at dinitalye ko sa kanya ang mga dapat niyang gawin. Mataman naman siyang nakikinig at nagtitipa sa laptop ng mga sinasabi ko. Very professional siya pagdating sa trabaho. Naka focus lang siya kung ano pinagagawa ko. Patango-tango lang siya at paminsan-minsan nagtatanong at may mga isina-suggest din siya. Ngayon ko malalaman kung gaano siya kahusay magtrabaho at kung bakit hindi siya nagtatagal sa mga nauna niyang mga trabaho. Bakit pina-banned siya ni Attorney Guanzin. May nagawa ba siyang labag sa batas dito. A smart and a very stubborn woman, walang matinong permanenteng trabaho. Anung sekreto niya? Piping bulong ko Attorney Artemio Guanzin, may kalakihan ang law firm niya, halos lahat ng kaso naipapanalo niya kaya tinagurian siyang beast attorney, may twenty employee's siya. Lima ang anak at nag-iisa ang lalaki. Ohh, dating starlet ang asawa. At habang binabasa ko mga article tungkol sa kanya hindi nga imposibleng maisama sa blacklit si Yamileth, kayang-kaya niyang gawin yun sa husay at galing niya. Kaya hinanap ko pa ang IG account niya pero puro mukha ng mga anak at empleyado ang nasa profile niya. Bakit wala ang mukha niya at asawa niya. Kailagan kung personal na maimbestigahan sila kung ano ang tinatago nila. Baka ako naman ang sumabit. Sayang lang ang babaeng ito sa harapan ko kung may bulok na itinatago. Baka naman may illegal activities sila. Paano ko siya maproprotektahan kung ganito. . ....................... . Sa dalas ng paghalik-halik sa akin ng lalaking ito malapit na akung bumigay dahil nakapanghihina siya. Idinadaan ko na lang sa pagtataray ang lahat para pagtakpan ang nagge-jelly kung katawan. Gusto kung ipikit ang aking mga mata sa tuwing hahalikan niya ako at damhin ang init ng katawan niyang parang apoy na tumutopok sa aking kalamnan. Gustong-gusto kung mayakap ang puro muscle niyang katawan. Braso palang naghuhumiyaw na sa muscle, paano pa kaya pagnaghubad na siya at lumabas ang mga abs niya. Ipinilig ko nalang ng ilang beses ang ulo dahil pinagnanasahan ko na ang lalaki sa harapan ko. Nakakunot noo siyang abalang nagtitipa sa laptop niya, na parang kay lalim ng iniisip. Seryosong-seryoso ang mukha na parang hindi mo pwedeng salingin. Maging langaw yata mahihiyang dumapo sa kanya. Diretso lang ang katawan niya na parang hindi nangangawit, hindi ba pwedeng ibaluktot naman niya kahit saglit lang ang katawan niya. Para tuloy ako ang nahihirap sa hitsura niya. At kung mag command parang hari, kailangan mong sundin agad. "Don't stared me like that Honey parang gusto mo na akung iuwi." Usal niyang bigla ng hindi ako tinitingnan. "In your dreams." Saad ko nalang para pagtakpan ang pagkapahiya. Alam pala niya pinagmamasdan ko siya. Lakas din ng pakiramdam niya. "Bakit kasi hindi mo pa maaming patay na patay ka sa akin. Dinadaan mo pa sa patingin-tingin. Pwede ka naman lumapit sa aking at gawing ang lahat ng gusto mo, game naman ako." Usal pa niya. Marunog din ba siyang magbasa ng iniisip ng kapwa niya. "Ang dami mong alam hindi porque tumingin sayo patay na patay na agad. Hindi ba pwedeng hinihintay lang kitang matapos sa ginagawa mo." Singhal ko na. Pinapahiya na naman niya ako. "Bakit mo ako hinihintay? Gagawa na ba tayo ng baby? Gusto mo na ba?" Nakangisi niya wika. "Bakit kaya pinayagan kang maging CEO ng tatay mo, baliw ka naman." Pangaasar ko pa. "Bakit mo nga ako hinihintay?" seryoso na niyang tanong, mukhang napikon na siya. "Gusto ko sanang mag haft day bukas." Malumanay kung saad. Kunot noo naman niya akung tinitigan. "Why? Anong meron? Bakit magha-haft day ka? Saan ka pupunta." Sunod-sunod niyang seryosong tanong na parang nadududa siya sa sinabi ko. "Schedule kasi ng check up ni Inay bukas ng umaga. Sasamahan ko siya pagpunta sa Doctor para alam ko rin ang condition niya at kung may gamot pa siyang iinumin." Mahabang saad ko. Buti nalang naalala kong araw pala ng check up niya bukas nagkaroon tuloy ako ng dahilan. "Is that so?" Tanging tugon niya. Kaya napatango nalang ako. "Ok, sasamahan ko na lang kayo para hindi na mahirapan si Inay mag-commute." Maawtoridad niyang wika. "Huwag na kami nalang nakakahiya naman sayo maaabala ka pa, kaya na namin yun." Usal ko. "Huwag ng matigas ang ulo. Kung anung sinabi ko, yun ang dapat masunod." Asik na niya kaya nanahimik nalang ako at ng focus nalang sa mga ginagawa ko baka sisantehin pa niya ako. "Bakit ano bang sakit niya?" Dagdag tanong pa niya. Umandar na naman ang pagiging bossy niya "Almost three months din kasi siyang na confined sa hospital, kaya twice a month may check up siya." Aniko at ikinuwento ko na sa kanya ang nangyari kay Inay. "Susunduin ko nalang kayo bukas." Maawtoridad niyang saad ng hindi ako nililingon.. . . . . . . ......................................................... please follow my account... and add my story in your library.. ...loveyouguys..God Blessed Us.. thanks much......lrs.. ....."Lady Lhee"....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD