Chapter - 10

2591 Words
Kaagad kung hinagilap ang resume niyang inipit ko sa pagitan ng mga libro upang maunat ito. Ilang beses ko ng dinayal ang number niya pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Ilang beses ko rin pinakatitigan ang mga numbers kung tama dahil puro ring lang naririnig ko."Dammit! Yamileth answer your f*****g phone." mariing asik ko na habang nagpapalakad-lakad paikot sa opisina ko. Alam kung hindi siya aalis ng walang dahilan. Wala rin siyang mapupuntahan. Kailangan niya ng trabaho para sa kanila ng Lola niya. ["Where are you? Why did you leave my office without saying anything? Hindi ba sinabi kung maghintay ka sa opisina ko?"] Singhal ko agad sa kanya kahit hindi pa man siya nakapagsasalita. ["Pwede ko bang malaman kung sino ito? Sino po bang kagalit n'yo?"] Malumanay na wika sa kabilang linya kaya napatayo ako ng tuwid dahil ibang boses ang sumagot. ["Paumanhin po ma'am. Si Franz Villaneza po ito ang bagong boss ni Miss Yamileth. Pwede ko po ba siyang makausap?"] nahihiyang turan ko. ["Pasensiya na po sir, naliligo lang ang apo ko, inabutan kasi siya ng ulan sa daan. Mamaya ka na lang ulit tumawag. Kalma ka lang sir mabait naman ang apo ko."] Tugon niya sa kabilang linya, gusto kung matawa sa huling sinabi niya, pero nahihiyang humingi nalang ako ng paumanhin at nagpaalam. Naupo ako sa aking swivel chair at isinandal aking likod. "Mukhang bad shot agad ako sa lola niya hindi pa man. Paano pa akung haharap sa kanya ngayon?" Usal ko sa kawalan, at pinagpatuloy nalang ang nabinbin kung trabaho. Wala naman akung natapos na trabaho simula ng dumating si Yamileth kanina. Sa kanya na na-focus ang buong attention ko. Nakakasira siya ng ulo. Halos hindi ako makatulog sa excitement, dahil pumayag siyang sunduin ko ngayon at sabay kaming pumasok. Ang problema ko ang lola niya paano ko siya haharapin kung sa simula palang nagpakita na ako ng kagaspangan ng ugali. Ano bang sasabihin ko? At sa unang pagkakataon manunundo ako ng babaeng kakikilala ko palang. "s**t, first time in my life na manuyo ng isang babae at may kasama pang lola. bulong ko sa isipan ko. At nagmamadali na akung pumasok sa cr para makapaghanda na, susunduin ko pa si Yamileth. Ng makita ko ang oras, alas singko palang ng umaga bihis na bihis na ako, masyado naman yata akung halatang excited. Ni hindi ko man lang kasi tiningnan ang orasan kanina. Ni wala na akung pakialam sa paligid kaya hindi ko napansing madilim pa pala. Kaya naisipan kung dumaan nalang kila Mommy para makumusta ko naman sila. Mabilis lang ang naging biyahe ko dahil masyado pang maaga at wala pang traffic. "How's the ex-marine turned to CEO?" Bungad sa akin ni Wyatt pagpasok ko palang ng mansyon namin. Nag-man hug lang kami ng aking kapatid na mukhang kadarating lang niya. "I've really enjoyed my new job. And my next steps is hiring new employees, papalitan ko lahat ng may bad attitude, yung taong ayaw sa akin dahil masakit sila sa mata." Aniko. "Don't worry and be ready you're next in line." Usal ko na ikinasimangot niya kaya natawa ako at tinapik siya sa balikat. "Where's Mom?" Dugtong ko pa. "Nasa kitchen." maikling tugon niya. "How about Dad? and Lola?" aniko. "Kaaalis lang ni Daddy. Pinalitan ko siyang magbantay sa hospital." Aniya. "Wow! Ikaw nagbantay kay Lola?" Bulalas kung hindi makapaniwala. "So bati na kayo ni Lola?" dagdag ko pa. "Pinalitan ko lang si Daddy para makapagpahinga naman siya, pero sa labas lang ako ng room ng lola mo." Turan niya kaya natawa ako. "Hi! Mom, good morning." bati ko kay mommy pagpasok namin sa kusina. Abala siyang naghahalo ng niluluto niya. "Good morning anak." Ganting bati niya matapos ko siyang halikan sa pisngi. "Ang aga mo yata Franz? Kumain ka na. Upo na. Dalasan mo naman ang dalaw dito, buhat ng ikaw ng umupong CEO hindi kana nagagawi dito." Usal niya sa akin. "Busy lang Mom." Katwiran ko nalang para hindi siya magtampo. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa sobrang excited ko masyadong napaaga ang gayak ko kaya dito ako tumuloy. "Kumusta ang pagiging CEO? Hindi ka ba nahihirapan? Magsabi ka lang kung may problema andito lang kami ng Daddy mo." Saad niya habang sinasandukan niya ng fried rice ang plato ko. Kaya sinabi ko sa kanya ang plano ko tungkol sa bago kung project. Para mahingi ang openion niya. At habang kumakain kami ng almusal puro business na ang pinag-usapan namin kaya medyo natagalan kaming kumain. Tama lang naman para sakto sa pagsundo ko kay Yamileth "Kumusta na si Lola?" Nanantiya kung tanong, alam kung iwas si Mommy kay Lola. "Sabi ng Daddy mo, humalo na daw sa dugo niya ang gamot na itinurok dito ng nurse, mahirap na raw maalis yon. Kaya hangang ngayon nag-iinit pa rin ang ulo ng Daddy mo, alam naman n'yo kung gaano kamahal ng Daddy n'yo ang Mommy niya. Kahit ayaw sa atin nun, madalas pa din dalawin ng Daddy n'yo ang Mommy niya hindi lang niya sinasabi sa atin. Kaya buhat ng lumipat na sa hacienda ang lola n'yo hindi na niya ito nakikita.Tapos ngayon ganyan pa nangyari sa lola n'yo sino ba naman anak ang hindi magagalit kung may nagtangkang pumatay sa magulang mo." Mahabang litanya ni Mommy. Kaya napabuntong hininga nalang ako. Dahil lola pa rin namin siya kahit ayaw niya sa amin. "Dalawin ko rin siya mamaya Mom, pag may time pa ako." Usal ko. I gotta go, kailangan kung pumasok ng maaga maraming akung trabaho." Pagsisinungaling ko. May ngiti sa mga labing pinasibad ko ang aking sasakyan, sa iisang direksyon. Kagabi ng sabihin kung susunduin ko siya, ibinigay naman niya ang tamang direksyon patungo sa bahay nila. Sana naman hindi ako masermonan ng lola niya dahil sa inasal ko kahapon. Nakakahiya man pero nangyari na, hihingi nalang ulit ako ng paumanhin sa kanya mamaya. Lumiko daw ako sa kanto tapat ng KFC, at pang-apat na bahay sa kaliwa daw ang bahay nila na may kulay pulang gate. "Here i am. f**k!" bulong ko dahil may nakita akung matadang nagdidilig ng halaman sa may gate. Isang semi bungalow type na bahay na may kalumaan na kulay murang asul. May maliit na halamanan sa harap at gilid. Nag-dadalawang isip tuloy ako kung baba na ba ako dahil kinakabahan ako at baka mapagalitan ako ng lola niya. Ngayon ako nagsisisi kung bakit dire-diretso akung nagsalita agad ng hindi naghintay na sagutin muna ang kabilang linya. Wala narin akung magagawa kung hindi harapin siya. "Magandang umaga po ma'am." Kinakabahan kung bungad paglapit ko sa hanggang dibdib kung gate na bakal na rehas ang halos kalahati, liso naman ang baba, nagtatanggal naman siya ngayon ng tuyong dahon ng mga halaman sa tabi ng gate, mukha yatang hinihintay niya ako. "Magandang umaga rin. May kailangan ba sila?" Tugon niya. At inaninag akung mabuti. Mapuputi na ang nakapusod niyang buhok may ilang takas na hiblang buhok rin siya nakakurtina sa mukha. Hinawi pa niya ang mga ito pataas gamit ang isang palad niya. "Ah.. susunduin ko po sana si Yamileth, ako po ang boss niya, si Franz Villaneza." halos mautal kung saad pagpapakilala. "Pumasok ka sir. Kagigising lang ng batang 'yon." Usal niya at pinagbuksan ako ng gate, may kaba naman akung pumasok at sumunod sa kanya patungo sa bahay na may walong metro yata ang layo mula sa gate. Halos magkakadikit din ang mga bahay dito pero hindi naman matatawag na squatter area dahil may malalaking mga bahay sa tapat at tabi nila. Kung may sasakyan ka, kalsada na ang magiging parking mo at kung meron man space sa bakuran mo nakapaliit nalang at isang sasakyan lang ang kakasya. Pero dito kila Yamileth pwedeng gawing parking ng sasakyan ang harap nila. "Pasok ka sir. Pagpasensiyahan n'yo ang bahay namin at medyo maliit." Saad niya kaya napabaling ang tingin ko sa kanya.Tulad din siya ni Lola Caring makulobot na ang balat marahil kaidad lang sila. "Maupo ka muna sir at gagawan kita ng kape habang hinihintay mo si Yam." Dagdag pa niya. "Franz nalang po ma'am." usal ko. "Kung ganuon tawagin mo na rin akung Inay tulad ng tawag ng aking apo, o kahit lola ayus din." Saad niya. "Salamat po Inay." Turan ko bago umupo. Pinasadahan ko ng tingin ang buong bahay. Malinis at maayus ang lahat ng gamit. May mga kurtinang lace na kulay puting ang desenyong bulaklak. "Ano ba gusto mo? Black coffee ba o with cream?" Tanong niya sa akin. "Kahit black coffee nalang po Inay. Thank you po." Usal ko at naglakad na siya patungo sa kusina, sakto rin bumukas ang pinto tabi ng pintong pinasukan ng lola niya. Nakayuko siyang lumabas ng pinto at nagsuot ng tsinelas. Nakabalot ng puting towel ang ulo niya, may nakapulupot ding puting towel sa katawan niyang hanggang kalahati lang ng hita niya ang haba. Kitang-kita ang mapuputing bilogang mga hita niya, kaya ilang beses akung napalunok ng laway dahil sa tanawin nakikita. Nanlaki ang mga mata niya ng mag-angat siya ng mukha at nakitang titig na titig ako sa kanya. Nanglilisik ang mga mata niyang sumisinyas na tumalikod daw ako dahil malapit sa kinauupuan ko ang pinto ng kwarto niya, kaya tumayo ako at tumalikod. Pagtapat niya sa akin bigla ko siyang kinabig sa batok at siniil ng halik. "Hhmm.." Impit niyang daing ng bahagya kung kagatin ang pang ibabang labi niya at ipinasok ang aking dila kasabay ng paggalugad sa kanya. Lasang-lasa ko mint flavor na ginamit niyang toothpaste. Amoy na amoy ko rin ang bodywash at shampoong ginamit niya. Kaya lalong nag-init ang pakiramdam ko, at maging ang pants ko nagsisikip narin. Masyadong malakas dating niya sa akin. "Yam, bilisan mo at may naghihintay sayo." Sigaw ng isang tinig na nagpahiwalay sa amin. Agad naman siyang kumawala sa akin at tumakbo papasok sa pinto malapit sa amin, malalaki rin ang hakbang kung tinungo ang entrada ng pinto at walang lingon likod na lumabas. Nakapamulsa ang dalawang kamay ko at may ngiti sa mga labi na tumayo sa maliit nilang balkunaheng may isang rocking chair at isang mahabang kawayan bangkong may nakapatong na manipis na form. At nagkunawaring pinagmamasdan ang mga halaman. Para akung bata nagkasala at nagkunwaring inosente para hindi mapalo. "Kape ka muna Franz." Usal niya. Humarap naman ako sa kanya na may ngiti parin sa labi. Kabado man ako pero sa ibang dahilan na. "Salamat po." Tugon ko at inabut ang tasang may lamang umuusok na kape. "Salamat at tinanggap mo sa kompanya n'yo at binigyan ng trabaho ang aking apo. Ilang buwan narin kasing naghahanap yan ng trabaho. Hindi ko lang malaman kung anung nangyari at hirap na hirap siyang makakita ng trabaho ngayon, dati rati naman saglit lang may trabaho na agad siya." Mahabang wika niyang humihigal. Hindi ko lang masabi sa kanya ang tunay na dahilan kung bakit hirap makakita ng trabaho ang apo niya. Kailangan ko pang malaman kung bakit siya nalagay sa blacklist, kung may nagawa ba siyang illegal. "Hindi po matatawaran ang angkin talino at husay niya. Kaya sa palagay ko po malaki ang maitutulong ni Yamilerh sa kompanya namin." Turan ko, pero kung alam lang niya ang plano ko sa apo niya baka himatayin pa siya. piping bulong ko sa isipan ko. Sumimsim na lang ako ng mainit na kape at nakinig sa mga kuwento niya. Dahil kung magsasalita pa ako madaragdagan lang pagsisinungaling ko sa kanya kaya mas mabuti pang manahimik nalang ako. Napalingon ako sa may sala ng lumabas duon ang babaeng hinihintay ko naka spaghetti straps siya ng bistidang pantay tuhod lang haba, nakasampay sa isang braso niya ang blazer niya. Kaya kitang- kita ang maputi niyang balikat at leeg na kay sarap kagatin. Damn mura sa isip ko. dahil sa tuwing makikita ko siya puro kahalayan ang pumapasok sa isip ko. "Inay, alis na po kami." Kaagad niya turan pagkalabas niya sa balkunahe. At masama niya akung sinulyapan ng tingin. Kaya napatayo na rin ako. May ngiti man ako labi pero nag-aalala parin ako dahil mukhang nagalit siya sa ginawa ko. "Kumain ka ba? Baka gutomin ka niyan." Usal ng lola niya. "Kumain na po ako kanina bago pa ako naligo." aniya. "Mauna na po kami." Saad ko rin at inalalayan na siya sa siko. "Mag-iingat kayo." ani lola niya. "Yung mga gamot n'yo Nay huwag n'yong kakalimutang inumin, may mga pagkain d'yan kumain lang kayo ng madami at huwag magpapagod." Litanya niyang bilin sa lola niya. Ihinatid pa kami hanggang sa gate ng lola niya habang nagbibilin ng kung anu-ano sa amin. Binuksan ko na ang pinto ng sasakyan ko para makaalis narin kami. At inalalay siyang makapasok sa loob. "What's that for?" Singhal ko na sa kanya ng bigla nalang niya akung bigyan ng isang malakas na sapak sa braso na ikinagulat ko. "Bakit nabitin ka ba sa ginawa natin kangina?" Pangaasar ko na sa kanya. Matalim lang na irap ang iginanti niya sa akin. "Napaka sama mo talaga bigla ka nalang nanghahalik. Manyak ka." Asik niya sa akin. "Hindi naman tama ginagawa mo tapos may pa "what! what!" ka pa ngayon." Mariing singhal niya sa akinl "Baka nakakalimutan mo kung anung trabaho mo sa akin. O gusto mong ipaalala ko pa sayo." Singhal ko rin sa kanya. "Kulang na kulang pa nga ang ginawa ko sayo kanina. Dahil sa susunod hindi lang ganuon ang gagawin natin pero sa ngayon kailangan muna kitang turuang humalik." Aniko at kinabig na siya sa batok at hinalikan. "Open your mount, gayahin mo lang ginagawa ko." Anas ko sa kanya at mariing muli siyang hinalikan. Buti naman at tinted ang salamin ng kotse kung gamit ngayon. Sa unang pagkakataong namimilit ako ng babae, isang babae hindi ko alam ang tunay na pagkatao. Kung saan nagmula, kung ano ang tunay niyang pag-uugali. Kung pwede pa siyang pagkatiwalaan. Kung wala ba siyang bad records. Napabuntong hininga nalang ako. Bakit kailangan ko pa alamin ang family background niya kung wala naman siyang ginagawang masama sa akin. Ako nga ang may kahalayang ginanagawa sa kanya. At may pinaplano hindi ko alam kung makabubuti ba sa akin o makasasama. Baka ako ang magsisisi nito sa huli. Dahil sa kakaibang nararamdaman ko sa kanya. Pag gusto mo ang isang tao matatanggap mo siya kahit sino pa siya. Kahit saan pa siya nagmula. Kahit anung uri pa ng pamilya ang meron siya. Kahit anung lahi pa siya. Yayakapin at buong puso mong tatanggapin ito. Pero kung hindi mo naman kayang unawain siya, magtiis ka at magdusa sa pighati. Humanap ka isang perpekro na hindi mo malasap ang ligaya at kapanatagan ng kalooban. At lasapin ang kahugkangan ng buhay na walang ligaya. Matapos kung matikman ng ilang beses ang matatamis at malambot niyang mga labing magdamag kung kinasabikan. Nag-umpisa na akung mag-drive pero ang katabi ko hindi maipinta ang mukha. Simula kanina hanggang ngayon nakasimangot siya, kahit anung sabihin ko hindi man lang siya mangiti. Ganito ba siya talaga. Alam kung kahit anung gawin ko hindi siya aalis sa akin dahil wala siyang pwedeng aplayan ng trabaho kahit saan pa siya pumunta, maliban lang sa akin. Ako mismo ang tutuklas ng sekreto niya. Sino ba siya at ano ang itinatago niya, bakit siya palipat-lipat ng trabaho. At sino si Attorney Goanzin? Ano ang kaugnayan niya dito, anong kababalaghan ang ginawa niya dito, at umabot ang lahat sa tanggalan siya ng karapatan mabuhay ng maayus. Masasayang ang ilang taon niyang pinaghirapan kung hindi niya magagamit ito ng maayos. . . . ......................................................... ... please follow my account and ... add my stories in your library. ... ..........."Lady Lhee".......... .........thanksguys.... loveu...lrs...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD