Chapter - 9

2559 Words
Itinutok ko nalang ang aking paningin sa akin laptop pero hindi naman ako makapag concentrate sa ginagawa ko dahil ang babae sa akin harapan kanina pa hindi mapalagay, tumatayo at nagpapalakad-lakad na para bang nasa park namamasyal. At biglang uupo na parang pagod na pagod. Anung bang nangyayari dito at para siyang hindi mapanganak na pusa. Hindi ko rin siya pinapansin at baka hindi na ako makapagpigil pa at kung ano magawa ko sa kanya. Kanina pa ako natatakam na halikan siya sa mapupulang niyang mga labi. Hindi naman ako ganito sa mga babae pero pagdating dito sa babae sa harap ko parang hindi ako makuntento sa isang halik lang. "Hoy CEO!" Agaw pansin niya sakin at tumayo pa siya sa harapan ko. Gusto kung matawa sa hitsura niya pero pinipigilan ko lang at baka magwala na naman siya. Ang hirap pa naman niya pakalmahin. "What!?" singhal ko sa kanya na hindi man lang siya natinag. "Pagamit naman ng toilet mo." Malumanay niyang saad sabay ng isang tango. Kaya lumingon naman ako sa bandang likuran ko. Alam kung nakuha niya ang ibig kung ipahiwatig kahit hindi ako magsalita. "Aayy mali!!.." Tili niya kaya napalingon ako sa gawi niya. "Sorry kwarto pala may kwarto ka pala dito." aniya at nagmamadali ng naglakad patungo sa isa pang pinto. "Pwede din dyang gusto mo samahan na kita umpisahan na natin yun trabaho mo para makadami na tayo." panunukso ko pa sa kanya. "Umandar nanaman kamanyakan mo." asik niya. "Malandi." dagdag pa niya bago pa niya isinara ang pinto. Kaya natawa ako ng mahina dahil ng bla-blush na siya kaya mas lalo siyang gumaganda pag namumula ang pisngi niya. Ang sarap niyang asarin, ibang klase siyang mapikon. Nasasabik tuloy akung makasama siya sa isang pribadong lugar 'yong kaming dalawa lang. Magkahawak kamay. Nakayakap siya ng mahipit sa akin, nasa ilalim ng aking katawan habang sinasambit niya ng paulit-ulit ang aking pangalan. "f**k!" mariin mura ko ng makita ko kung anong oras na. Let's go! Sumama kana sakin dalian mo." Singhal ko na sa kanya dahil muntik ko ng makalimutang may ka-meeting pala akung investor sa bago kung project. Bakit kasi naglalakbay ang aking diwa sa kakaibang daymensyo pag ang babaeng ito ang aking kaharap. "Sandali san ba tayo pupunta?" Takang tanong niya at tumayo na sa pagkakaupo niya. Isinukbit niya agad sa balikat niya ang shoulder bag at umagapay sa akin. "Here i-take down mo lahat ng mapag-uusapan mamaya." Aniko sabay abut ko sa kanya ng note mac ko. "Ibi-video ko nalang para copy lahat yun naman uso ngayon. Atska ako gagawa ng report." aniya. At sumunod sakin. "Wait lang ayusin mo muna yang necktie mo mukha kang tanga." singhal pa niya sa akin ng hilahin niya ako sa aking braso. "Kasalanan mo ito kaya nagulo damit ko." sikmat ko naman sa kanya at hinarap siya. "Ako na nga ang arte mo naman parang ngayon ka lang nagsuot ng ganyan." angil na niya sa akin at pinalis ang aking kamay na may hawak ng necktie at siya na ang nagayus. "Ayan mukha ka ng tao." pang-aasar pa niya at bahagyang tinapik ang aking dibdib. "Dalian mo mas mabilis pa ang pagong sayung lumakad." angil ko sa kanya at mabilis na siyang nilampasan papunta elevator at baka abutan pa kami ng traffic sa daan. "f**k! Damm!" Sunod-sunod na mura ko, ng maalala kung ang gamit kung sasakyan ang pulang sports car kung pinagsisipa niya. "Hala, kalaswa naman ng bibig nitong CEO na'to" Bulong din niyang umabot sa pandinig ko. "Maiwan kana, duon ka nalang muna sa office ko, hintayin mo nalang ako. Huwag kang aalis may pag-uusapan pa tayo." Malumanay kung saad at baka umalis siyang walang paalam. "Ok" maikling tugon niya. "Bumalik kana sa office." Aniko ng bumukas ang elevator. Hinapit ko siya sa bewang at kinintalan ng halik sa labi bago ako lumabas. Nanlalaki ang mga mata niya sa gulat sa ginawa ko. Hindi ko rin alam kung bakit ba bigla ko nalang siyang hinalikan buti hindi niya ako sinampal. "Gusto mo lang palang ihatid kita ng tanaw hindi mo pa sinabi agad." Matalim niyang irap sa akin. "Bye, Take care Mr. CEO. Mwaah, pwee!" Dugtong pa niya. Kaya nilingo ko siya at kinindatan. At bago pa nagsara ang pinto ng lift kita kung napatakip siya ng palad sa bibig niya. Sa unang pagkakatao nakita kung nakapaibabaw sa daliri niya ang bato ng singsing kung suot niya. "That's fit in your finger and you can wear that forever, Honey." May naka-plaster na ngiti sa mga labi kung usal sa kawalan. Diretso akung naglakad patungo sa parking area kung nasaan ang aking sasakyan, kailangan kung magpalit ng sasakyan ngayon. Piping bulong kung hindi mabura ang ngiti sa mga labi. Pinausad ko na aking sasakyan para puntahan ang aking ka-meeting. Kung magkakasundo kami sa conditions ko paniguradong maganda ang kalalabasan nito. Pero hindi ko pwedeng ilatag sa kanya ang lahat ng ideas ko. Bibigyan ko lang siya ng konting tips. At kung hindi siya papayag magtatayo ako ng sarili ko, with the approval of my Dad and Mom dahil ayaw kung balewalain sila. Marami silang mga experiences na pwede kung magamit sa hinaharap at alam kung hindi matatawaran ang galing nila sa pagnenegosyo. Pasipol-sipol pa akung nagda-drive dahil hindi na maalis sa isipan ko ang mala angel na mukha ni Yamileth. Ang malambot at matamis niyang labi na kay sarap halikan. Para siyang isang masarap na drug na nakakaadik. Sisiguraduhin kung magiging akin siya. At lahat ng paraan gagawin ko maging akin lang siya. "See you later Baby. I miss your sweet lips." Usal ko sa hangin. "Paano pa kaya ang baba baka mabaliw na ako paghindi ko pa siya natikman." Bulong kung parang nahihibang. . ****** . Pagkalabas ko ng elevator luminga pa ako dahil may mga empleyadong naghahabaan ang leeg sa pagtanaw sa akin. Nagbubulongan din sila. Bakit ano bang meron at pinagbubulongan nila ako. Pinasadahan ko lang sila ng tingin na may ngiti sa labi dahil ayaw ko naman magkaroon ng kaaway dito, lalo na at bago lang ako, kailangan ko munang maging friendly at huwag na munang pansinin ang mapang uyam nilang mga titig. Ano bang nagawa kung mali at pailalim sila kung sulypan ako. Dahil ba bago ako. Kinikilatis ba nila ako pero, ibang paraan ang mga titig nila. Naglakad nalang ako at hindi na sila pinansin. "Hey, where do you think your going?" Singhal na tanong ng babae, na alam kung siya ang secretary ng CEO. Kanina pagdati ko dito tinarayan na niya ako na parang siya ang boss. Masama rin niya ako pinag-iirapan kanina. Ngayon eto na naman siya mala demonyo kung makatingin. Secretary ba siyang talaga o s*x-retary ng CEO. "CEO's office." Maikling tugon ko sabay turo ng kamay ko sa pinto ng opisina ng CEO. "Hindi ka pwedeng pumasok d'yan kung wala si Sir." Sikmat na niya sa akin sabay sa hablot niya sa braso ko, kaya napaharap ako sa kanya. Gusto kung bigyan siya ng isang tadyak sa mukha dahil sa inasal niya. Pero baka lalo lang akung pag-initan ng mga alipores niyang parang asong ulol na nakangisi sa harapan ko. "Ang CEO mismo ang nagsabi sa aking sa loob ng opisina niya ako maghintay." Ganting singhal ko dito at piniksi ang aking braso upang kumawala sa kamay niya. "Alis!" Mariin sikmat ko na sa kanya ng humarang siya sa daraan ko. Gusto ko siya itulak pero nagpipigil lang ako. "At sino ka para palayasin ako dito. Ni hindi ka pa nga siguradong tanggap sa trabaho ang yabang mo ng magpalayas." Mariing saad niya at tuluyan ng ihinarang ang katawan niya sa pinto. "Padaraanin mo ba ako o aalis ako dito at sasabihin ko kay CEO na pinalayas mo ako." pananakot ko sa kanya. Ngunit mukhang hindi ipektibo ang sinabi ko. "Di lumayas ka, sino ka ba sa palagay mo at tatakutin mo pa ako? Isa ka lang naman aplikanteng nangaakit ng amo. Maraming ng tulad mong mapag-akin na babae ang pinalayas namin dito. Kaya kung ako sa'yo lumayas ka na at huwag mo ng hintayin palayasin at ipagtabuyan pa." Mahabang litanya niya. Gusto kung bigyan ng isang suntok sa mukha ang babae sa harap ko pero wala akung laban dito, alam kung madami siyang alepores sa paligid. Dahil kanina pa kami pinagtitinginan ng ibang empleyado dito. Hindi ko naman itataya ang maganda kung mukha sa pakikipagbasagan ng mukha sa ganito uri ng walang kwentang babae. "Hindi mo na kailangan ipagtabuyan pa ako. Aalis ako at sasabihin kung pinagtabuyan at nilait mo ako. Sikmat ko sa kanya. "Pero sigurohin mo lang na hindi na ako muling makababalik dito dahil sa sandaling magkrus ang landas natin muli dito. Sisigurohin kung sa kangkungan ka pupulutin." Mariin kung saad. Tinalikoran ko na siya at nagmartsang lumisan sa harap niya. Uuwi nalang ako para makapag pahinga. Kailangan din ni Inay ng makakasama sa bahay. Talaga nga naman kung mamalasin ka kahit wala naman karapatan tao kung makaasta masahol pa sa may-ari ng kompanya. Para siyang langaw na nakatungtong lang sa sungay ng kalabaw tingin niya sa sarili malaki pa siya sa kalabaw. Agad din akung sumakay ng elevator ng bumukas ito at pinindot ang ground flood. Kailangan ko pang maghintay ng jeep pauwi. Nasira na ang araw ko dahil lang sa isang walang modong babae na feeling boss kung umasta. Napabuntong hininga na lang ako paglabas ko ng elevator dahil hindi ko alam kung papasok na ba ako bukas, bakit kasi hindi na lang ako isinama ni CEO. Hindi rin malinaw kung tanggap na ba ako, wala naman kasi kaming matinong napag-usapan. Sayang malaki pa naman dapat ang susuweldohin ko. Tanging siya lang ang kumausap sa aking sa dinami-dami ng inaplayan ko. Pero hanggang ngayon nakabitin pa sa balag ng alanganin ang aplication ko kung tanggap na ba ako o hindi. Paano kung siraan ako ng babae at tuloyan ng i-reject ang application ko. Back to zero na naman ako nito. Sa halip na umuwi ako matamlay kung binaybay ang kahabaan ng naglalakihang mga building at masusing lumilinga, nagbabakasakaling may pwedeng aplayan ng trabaho kahit anong position. Hindi ako sigurado kung tanggap na ba ako. Pero sa glass door pa lang may mga nakapaskil ng "No Vacancy" ang iba nama'y "No Job Hiring" ang nakalagay. Sige lang ako ng lakad at umaasang makakakita ulit ng papansin sa akin. Pero nagdidilim na ang kalangitan sinyales ng nagbabadyang pag-ulan kaya humanap na ako ng pampasaheron jeep para makauwi na lang para hindi na abutan ng ulan sa daan at baka ako pa ang magkasakit mas malaking problema na naman ang haharapin namin ni Inay. . ***** . Walang pang isang oras ang naging pag-uusap namin ng ka-meeting ko. Maganda sana ang takbo ng usapan namin nang-umpisa pero mukhang pinapaikot-ikot lang niya ako. Bagito man akong masasabi sa larangan ng business pero sa lawak ng pag-aaral ko sa negosyo namin paano mo pang masasabing wala akung karanasan. Hindi ko sana nalamang pinag-lalaruan mo lang ang usapan kung wala akung alam. Sa susunod na magkita tayo sisigurohin kung ikaw ang lalapit at magmamakaawang makikiusap sa Villaneza. Huminto nalang ako sa isang kilalang restaurant para maka-order ng pwede namin kainin ni Yamileth alam kung naiinip na siya sa paghihintay sa akin. Nawalan na kasi ako ng ganang kumain kanina. Kaya agad ko rin tinapos ang meeting dahil wala ng patutunguhang maganda ang usapan. Sabay nalang kaming kakain sa opisina ko baka gutom narin siya. Kasabay ng pagbumuhos ng malakas na ulan ang paglabas ko ng restaurant kaya napahinto ako at nagpalinga-linga. Kung kailan ka nagmamadali saka naman uulan. Usal ko at malalaki ang hakbang na naglakad patungo sa sasakyan ko. "Franz!" dinig kung tawag sa akin ng isang pamilya na boses bago palang ako makasakay ng kotse. " Panchita" Usal ko ng nakita ko siya na may matamis na ngiti sa mga labing papalapit sa akin, agad din siyang kumapit sa braso ko at hinalikan ako na tumama sa gilid ng labi ko. Kung hindi ako nakaiwas ang labi ko ang mahahalikan niya. "Franz andito ka na rin pala. Musta na? Bagay na bagay sayo ang suot mo. Lalo kang naging gwapo. Saan ka ngatratrabahao ngayon? Sa car dealer ba? Ang gara kasi ng gamit mong sasakyan Sa boss mo ba yan? Mas bagay mo pala ang mahiksi ang buhok, muntik na nga kitang hindi nakilala." Mahabang wika niya at pinagmasdan pa niya akung mabuti maging ang sasakyan ko. "Panchita, what are doing here? Who's with you?" Tanong ko nalang at hindi na sinagot ang tinatanong niya. "Saan ka ba galing d'yan ba sa loob ng restaurant? Nag-take out ka ba para sa boss mo? Libre ka nga naman, kahit saan basta isakay mo lang ako d'yan sa service mo " Saad pa niya at mas lalo pa niyang niyakap ang braso ko. Tiningnan din niya ang bitbit kung paper bag. "Ano ba yan tinek out mo?" Dagdag tanong pa niya. "Sorry, next time na lang nagmamadali kasi ako ngayon." Saad ko. " Sino bang kasama mo at bakit andito ka?" tanong ko pa. "Sumama lang ako sa kanina, mayroon kasi silang ka meeting d'yan sa kabilang building." Aniya at nilingon ang apat na babae sa di kalayuan sa amin na nakamasid sa aming dalawa. "Ok, i have to go. See you next time." Usal ko at pumasok na ng sasakyan kung may pagmamadali. Dahil baka maabutan ako ng pagbaha at lalo akung maiipit sa traffic. Malalaki ang ginawa kung hakbang pagbaba ko ng sasakyan para marating ko agad ang elevator patungo sa opisina ko. Na miss ko siya agad kahit ilang oras lang siya nawala sa paningin ko. Agad ko rin binuksan ang pinto ng opisina ko at pumasok sa loob. "Yamileth where are you?" May kalakasan kung wika ng hindi ko siya nakita sa loob. Dahil bigla akung nakaramdam ng kaba sa aking dibdib. Kaya dumiretso ako sa tapat ng pinto ng cr at kinatok ito. "Yamileth are you there?" Tanong ko kasabay ng ilang beses kung pagkatok sa pinto. Ilang ulit pa akung kumatok bago pinihit ang doorknob. "s**t! Where is she. Sabi ko hintayin niya ako." bulalas ko ng makitang walang tao sa loob ng cr. Halos maibalibag ko ang bitbit kung paper bag na may lamang pagkain sa pagkadismaya. Kaya lumabas ako ng opisina ko para hanapin siya at baka nag-ikot lang. "Carlota where's Yamileth?" Sigaw ko sa secretary ko. "Saan siya nagpunta?" dugtong ko pa. "Umalis na Sir. Nagagalit nga dahil masama daw ugali n'yo, wala daw kayung kwentang kausap. Hinding-hindi na raw siya babalik dito kahit kailan. Marami nga sir siyang sinabing masasakit laban sa inyo." Litanya niya. Bahagya din niya kinagat ang pang-ibabang labi. "Sigurado ka bang sinabi niya yan?" Mariing usal ko at bahagyan sinulyapan ang CCTV sa may tapat namin. Kita kung nagiba ang kulay ng mukha niya. "Dahil kung hindi isa lang paglalagyan mo sa akin. "Dagdag ko pa at tinalikuran na siya. "Totoo sir naman minura-mura pa nga niya kayo kanina." Singhal pa niya. "Just wait and see paghaharapin ko kayung dalawa para malaman ko kung sino ang nagsisinungaling. Be ready woman." Asik ko na. "Pag ikaw ang napatunayang kung nagsisinungaling hinding-hindi ka na makakahanap pa ng trabaho kahit kailan." dagdag ko pa at pinagsaraduhan na siya ng pinto. . . . ......................................................... ... please follow my account and ... add my stories in your library. ... ..........."Lady Lhee".......... .........thanksguys.... loveu...lrs...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD