Chapter - 8

2589 Words
Assistant in bed." Mariin kung saad. "Yan lang kaya kung i-offer na trabaho sayo dahil sobra sobra na mga empleyado ko sa katunayan mag te-terminate pa nga ako ng mga contractual employee ko next month." Pagdadahilan ko sa kanya at pinakiramdaman ang magiging reaksyon niya. "Assistant in bed.. assistant in bed.." Paulit- ulit niya bulong na parang bang iniintindi niya kung anung ibig kung sabihin. Kung titingnan mo siya parang inosenteng-inosente siya at hindi ma-absorb sa utak niya ang ibig kung ipakahulugan. Gusto kung matawa ng makita ang mukha niyang nakangiwing nag-iisip. "Meaning taga ayus ng kama, taga linis ng kwarto, taga linis ng toilet, taga linis ng bahay, taga laba, taga luto, taga alaga ng aso, taga dilig ng halaman, taga linis ng swimming pool. Katulong." Usal niya habang titig na titig sakin. "No! Huwag naman ganuon, huwag mo naman akung gawing alila mahirap yun. Alam kung mayaman ka kaya siguradong malaki ang bahay mo mahirap maglinis ng malaking bahay hindi ko kakayanin yun. Kaya nga hindi ko tinanggap yun offer sakin ng kapitbahay namin na mag-domestic helper sa abroad kahit malaki ang sahod. Ayaw ko ng ganuon trabaho. 'Yung tinitirhan nga namin bahay ni Lola na napakaliit hirap na hirap nakung linisin yung malaki pa kaya, ansaan naman konsensiya mo nuon? Ibang trabaho nalang ibigay mo sakin." litanya niyang humihigal kaya lihim akung napangiti, halos ikuwento na niya ang buhay nila ng Lola niya. "Saan kaba galing na kabundukan at wala kang alam? Hindi mo ba naintindihan sinabi ko?" Galit-galitan kung saad dahil hindi niya maunawaan ang ibig kung ipakahulugan sa mga sinasabi ko sa kanya. Naaliw akung palihim na pinagmamasdan ang magandan niyang mukha. Lalo na pag napapakagat labi siya, para tuloy gusto kung hilahin siya at kuyumusin ng halik ang mapupula niyang mga labi. "Ang sungit mo naman." asik niyang nakasimangot sakin. Mukha lang pala siyang inosente pero mataray pala niya. "For you information hindi man ako dito pinanganak pero dito na ako sa lungsod lumaki." Nakairap pa niyang turan. Tumayo pa siya at sinipat ang folder na binibuklat ko. "What!" Singhal ko ng makita siyang nanghahaba ang leeg sa pagsilip sa folder. "Anung tinitingnan mo. Bakit mo ako sinisilipan?" Asik ko narin sa kanya. "Sungit! Suplado hindi ka naman kaguwapuhan.Yabang mo. Mukha ka ngang palakang tetot." Anas niyang pabulong pero dinig na dinig ko naman. "Kaya naman pala kanina kapa nagpapa-cute sa akin." Ngisi ko sa kanya. "Huwag kang mangarap dahil hindi ako pumapatol sa damit na naglalakad." Pang-aasar ko pa. Matalim na irap lang isinukli niya sa akin. "Asa ka naman patulan kita. 'Tong ganda kung ito papatol sa unggoy na binaruan." Parinig na niya. At dumiretso ng upo na animo military. "Uso naman labaha bakit hindi mag-ahit." Pakanta pa niyang panunuya. Kaya hinagod ko ng aking mga daliri ang aking panga, naguumpisa na naman humaba ang mga balbas at bigote ko. "Balbon lang talaga ako. Dagdag s*x appeal yan na hinahabol ng mga babae. Soon ikaw na magse-shave niyan." Saad ko at kinindatan pa siya. "Eww!" "Ano tinatanggap mo naba offer ko sayo?" Pahinamad kung tanong at isinandal ang aking katawan sa likod ang ng aking swivel chair. "Bilisan mong mag-desisyon at marami pa akung trabahong dapat ayusin naaabala mo na akung masyado. Kanina ka pa daldal ng daldal." Dagdag ko pa na hindi man lang siya sinulyapan. Dahil kanina pa ako natutoksong yakapin at halikan ang mga labi niya. "Ang hirap naman kasi nun." Aniya at kinagat pa niya ang pang-ibabang labi. "Umasa pa naman akung matatanggap na sa trabaho. Sabi kasi nuong babae for interview na daw ako ngayon. Ganito lang palang klasing interview nasayang lang oras ko. Wala naman kwetang kausap itong CEO na 'to." Halos pabulong niya saad na dinig na dinig ko naman. "Tsk" palatak pa niyang parang hinayang na hinayang siya sa mga oras niya. "Be my Personal Assistant in bed for one hundred thousand pesos per month with free accommodation." Saad ko pa at pinakatitigan siya. Kita ko naman tumitig siya sakin na para bang may binabasa niya sa mukha ko. "One hundred thousand... Personal assistant in bed.." bulong niyang paulit-ulit at tumayo pa siyang tutop ng palad niya ang kanyang noo. Nakayuko siyang nagpalakad-lakad sa harapan ko habang nakasapo parin ang palad sa kanyang noo na para bang pasan niya ang mundo. Gusto kung matawa sa naging reaksyon niya pero baka lumabas ang pagiging tigre niya at mabulilyaso ang plano ko. Mataman ko lang siyang pinagmamasdan habang mabagal na napapakad-lakad sa harapan ko dahil hanggang ngayon wala pa rin siyang alam sa gusto kung mangyari. Alam kung kailangan nila ng pera. At ayun sa litanya niya kanina kailangan ng gamot at pang-check up ng Lola niya. "Paking shitttt!" Bulalas niyang bigla na may kalakasan na ikinagulat ko. Matiim din niya akung pinakatitigan. Na ikinakunot ng noo ko. "What?" Angil ko sa kanya. "Eh kampon ka pala ng kadilimang hayop ka." sikmat na niya at malalaking hakbang na lumapit sakin. Sabay hila niya sa necktie ko at pinitsirahan niya ako na mas lalong ikinagulat ko dahil hindi ko inaasahan ang mga gagawin niya. "Hayop ka! Kahalayan lang pala alam mong demonyo ka. s*x in bed lang pala ibig sabihin nuon pinaganda mo pa. Hindi ako tanga para hindi maintindihan ang gusto mong mangyari. Malibog karin palang hayop ka" Sigaw niyang dirediretso sa mukhan ko at binigyan pa siya ako ng isang malakas sampal sa kaliwang pisngi ko na ikinasindak ko. "Damn! f**k!" Sunod sunod kung mura ng pagsasampalin niya ako. Dahil sa unang pagkakataon may babaeng nangahas na sampalin ako ng ganito. Sa kabila ng maamong niyang mukha at malumanay magsalita may pagka-amasona rin pala siya. Hindi ko akalaing kaya pala niyang manakit at hindi man lang siya natakot sakin. "Hhmm" impit namin daing ng mariin ko siya hinalikan matapos niya akung sunod sunod na sampalin sa mukha. "Uugghh" tanging lumabas sakin lalamunan at halos pangapusan din ako ng hininga ng malakas niya akung tinuhod sa gitna ko na hindi ko inaasahan. Kinuha din niya ang mga folder sa ibabaw ng table ko at walang pakundangang pinaghahampas sakin habang nakapayuko akung sapo ang aking hinaharap. Kahit saan nalang ako tamaan hindi rin niya alinta kung gaano ba ka importante sakin ng mga folder na pinanghahampas niya sa akin. "Stop!.. Enough!.. Dammit!.." Singhal ko ng may kalakasan ng makabawi ako ng konting lakas habang sinasalag ang mga folder na hinahampas niya sakin. "Sinisira mo ang mga mahahalagang dokumento. Kaya mo bang palitan ang mga yan." Halos nangangapos ang hinigan kung mariing sigaw sa kanya dahil masakit pa rin ang gitna ko maging ang mukha ko medyo mahapdi na rin. "Impakto ka! Yang ang bagay sayo. Kulang pa nga yan. Magnanakaw" Balik sigaw din niya sakin, dinuro-duro din niya ako sa mukha ng isang saliri niya. Hindi ko alam na ganito pala siya katapang parang tigre sa kagubatan kung magalit. "Kasalanan mo yan hayup ka. Sa kabila ng mamahalin mong kasuotan at mataas na posisyon manyak ka din pala. At huwag ng huwag mo akung gawing tanga. Inosente lang ako pero hindi ako tanga. Naging CEO ka pa wala ka naman palang kwentang tao. Sayang gwapo ka pa naman manyak ka naman." Tunggayaw pa niyang humihigal at itinaas pa niya ang middle finger niya sa tapat ng mukha ko at padabog niya akung tinalikuran. "Subukan mong lumabas ng pinto na yan susunugin ko ang bahay ninyong mag-lola." Pananakot ko pa sa kanya bago pa niya mahawakan ang doorknob ng pinto ng nagmartsa siya paalis sa harap ko. "Sit" sigaw kung pautos sa kanya ng huminto siya sa paglakad at humarap sakin sabay sulyap ko ng couch sa may harapan ko. Matatalim ang kanyang abuhin mga matang nakatitig sakin na mas lalo pang tumitingkad ang kulay pagnagagalit siya. Tumitig pa siya sakin na hindi man lang mababakasan ng takot. Ni hindi man lang niya naisip na nasa loob siya ng aking opisina na pwede kung gawin lahat ng gusto ko. Naliliitan ba siya sa katawan ko at hindi niya naisip na kaya ko siyang ipagbalibagan saan man sulok ng opisina ko.. "Sit!" Muli kung mariing singhal sa kanya ng hindi paring siya tumitinag sa kinatatayuan niya. Na para bang naghahamon siya ng away kung makatingin."You may seat or else i'll f**k you really hard right now right then." pananakot ko pa sa kanya at matatalim ang matang tinitigan ko siya. "Tadaan mo may araw karin manyak ka, lulumpohin kita." mahinang asik niya na nadinig ko naman. Aliw na aliw talaga ako sa mukha niya pagnagagalit niya. Para siyang batang nagtatampo na kay sarap amoin at halik halikan. "What did you just say? Siguruhin mo lang na ikaw lang nakarinig ng mga sinasabi mo at siguruhin mo ring kaya mong gawin ang pagbabanta mo. Dahil kung hindi sisiguruhin kung hindi kana makakalakad sa gagawin ko sayo." Pananakot ko sa kanyang muli na may halong panunokso. "Pervert! Manyakol!" asik niyang masamang tumingin sakin. At padabog na siyang naglakad patungo sa kulay black na couch malapit sa table ko at pabagsak siyang naupo kasabay ng malakas na pagsipa niya sa coffee glass table sa harap niya na naging sanhi ng pagkatumba nito at nagkahati-hati ng ilang piraso, lumikha rin ito ng malakas na ingay. Na ikinatayo kung bigla pero bali wala lang sa kanya ang ginawa niya. Nagdikuwatro pa siya ng pambabaeng upo at naghalukipkip. "s**t!" Usal ko. Ibang klase talaga ang babaing ito. Walang takot at hindi man lang nag-iisip sa mga ginagawa niya. Ilang beses pa akung napamura sa isip ko. Kaya tinawagan ko na ang secretary ko. Mahihinang katok ang nadinig ko sa pinto ng opisina ko kasunod ng pagbukas nito at inuluwal ang aking secretary na mukhang gulat na gulat sa mga nakita. Bumaling din ang tingin niya sa babaing nasa may harapan ko at itinaas ng kilay pero mukhang mas mataray ang babae sa gawi ko dahil masama niya itong tiningnan from head to toe na may halong paghahamon. "Paki linis ng lahat ng ito." Utos ko sa kanya pero inismiran lang niya ako at muli'y tiningnan niya ng masama ang babae. "May problema ka? Di mo ba narinig inuutusan ka ng boss mo." Mataray niyang tanong na parang gusto na niyang sugurin ang aking secretary. "Tsk" palatak pa niya at matalim niya itong inirapan. Alam kung mataray din ang aking secretary na para bang pagmamay-ari niya ako kung umasta siya kung minsan lalo kung babae ang kausap ko. Pero mukhang hindi siya uubra sa babaeng kaharap ko dahil palaban ito. Ito ang tipo ng babaeng hindi magpapadaig sa kahit sino, hindi nagpapaapi. Laban kung laban ang style niya "Paki tapon niyo na yan wala ng silbi yan." Utos pa niya sa janitor kung naglilinis ng mga bubog ng lamesang binasag niya. Hawak nito ang isang paa ng lamesa na kulay silver. Habang inaayus naman ng secretary ko ang mga folder na nagkalukot-lukot. Prente lang siyang nakadikuwatrong nakapaupo na para bang wala siyang ginawang iskandalo. At kung makapag-utos para siyang asawa ko. Pasimple kung tinitigang ang maamo niyang mukhan habang nakamasid lang siya sa janitor na naglilinis sa harapan niya. Mahaba ang alun-alung niyang buhok na kulay light brown na nilagyan ng hairpin sa isang side na bumagay sa hugis ng kanyang mukha. May katangusang ang kanyang ilong maganda ang pakaka-ayus ng kanyang kilay maging ang pilikmata niya ay mahahaba at malatik. Makinis ang mamula-mula niyang kutis na kung susuriin mong mabuti sasabihin mong isa siyang anak mayaman. At ang may kanipisang mapupula niyang labi na natikman ko kanina kung gaano kalambut at kasarap halikan. Alam kung hindi siya marunong humalik kaya ibig sabihin ako ang unang nakatikim ng matamis niyang mga labi. Gusto kung namnamin ulit ang matatamis niyang mga labi. Gusto kung ako ang magturo sa kanya kung paano ang tamang paghalik. At damhin ang malambot niyang katawan. Naipilig ko ang aking ulo ng ilan beses dahil kung anu-anong kahalayan na ang pumapasok sakin utak. Tinawag din niya akung magnanakaw kaya napalakas ang tawa ko dahil na-gets ko kung anung ibig niyang ipakahulugan sa ibiningtang niyang magnanakaw daw ako. Ang una niya halik. Ako ang una. "Anung nakakatawa? Baliw ka siguro, tumatawang kang mag-isa." Singhal niya kaya napatingala sa kanya ang janitor. Naiiling nalang ako dahil sa kaalaman. "Akala ko swerte ka may dala ka rin palang kamalasan kaya siguro itinapon ka ng walang kwenta mong amo." Dinig kung bulong niya sa singsing ko. Kaya muli kung pinasadahan ng tingin ang babae sa'king harapan pinapaikot-ikot lang niya sa daliri niya ang singsing kung suot niya. Hinuhubad at isinusuot niyang muli habang binubulongan itong parang nag-oorasyon. Gustong-gusto ko ng hablutin sa kamay niya ang singsing ko at baka kung saan pa mapunta yun. Lagot ako kay Daddy dahil engagement ring nila yun nila Mommy na buhat pa daw yun kay Lolo Emerson. .. ***** .. Laking tuwa ko pa naman ng may tumawag sa aking kahapon. Sa dami ng pinag-aplayan ko ng trabaho sa loob ng dalawang buwan may isang tumungon sa application ko. Isang malaking kompanyang kilala kahit saan ka magpunta. Ang sabi-sabi isang istrekto at seryosong may edad na lalaki ang CEO pero iba naman ang taong nasa harap ko ngayon. Bata pa at mukhang laging bagong paligo sa kagwapohan, mamula-mulam ang mala adonis niyang kutis na parang sa babae. May mala troso sa tigas ng katawan na hindi man lang yata natinag sa mga sampal ko sa kanya kanina. Sa tigas at laki ng katawan niyang nahawakan ko kanina isang suntok lang niya sa aking siguradong isang taong akung pakakatulog. Mukhang sa gym na siya nakatira. Straight body ang porma niya, clear cut hair din siya. May slight stubble siyang bumagay sa medyo pangahan niyang mukha na nagbigay ng matapang na awra niya. Matangos ang ilong niya, maganda ang pares ng mga mata niyang kulay bughaw na binagayan ng mahahaba at malalantik na pilik mata, makapal ang mga kilay niyang halos magdikit na kaninang nagagalit at ang may kanipisang mga labing halatang hindi naninigarilyo dahil mapupula ito at ang sarap niyang humalik na muntik na akung matangay. Konting-konti na lang bibigay na sana ako kanina dahil nanghihina ang mga tuhod ko sa halik niya. Ano bang taglay meron ang halik niya bakit nakapanghihina at nakapagpapabilis ng t***k ng puso ko. Baka pagnaulit pang halikan niya ako atakihin na ako sa puso sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Assistant in bed na daw niya ako. Kung hindi lang kay Inay nung kang patulang kita kahit gaano ka pa kagwapo. Mag laway ka sa ganda ko tulad ng mga naging boss ko. Pero mas gugustuhin ko na itong CEO na bato-bato ang katawang kaysa sa naging mga amo ko. Para silang mga asong ulol na naglalaway. Lalo na ang mukhang bakulaw na parang palakang tetot na si Attorney tulo laway. At least itong si CEOng bato ang katawan sa tigas hindi pa tumutulo ang laway mukhang ako yata ang maglalaway sa tindig at tikas ng katawan niya plus ang taglay niyang kaguwapuhang nakapag papahina ng tuhod at nakapag papanginig ng kalamnan ko. Ito na ba ang bisang taglay ng singsing kung suot, ang sundin ang bawat salita ng lalaki sa aking harapan at madarang sa init na nagmumula sa katawan niya sa tuwing madadaiti ang katawan niya sa akin. Bagay na bagay sa kanya ang pangalan niyang nakalagay sa ibabaw ng table niya Franko Angelo Z. Villaneza para siyang kasing tigas ng pader na hindi basta-basta pwedeng banggain. . . . . . ......................................................... ... please follow my account and ... add my stories in your library. ... ..........."Lady Lhee".......... .........thanksguys.... loveu...lrs...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD