Gustong-gusto ko na siyang lapitan. Pinagpapawisan narin ako sa loob ng sport car ko sa init dahil nakasarado na ang aircon nito. Gusto ko pang marining ang boses niyang nagtatalak. Kahit puro paninisi at maaanghang na salita lumanabas sa bibig niya ngunit parang ang sarap sa pandinig ko at naaaliw akung pagmasdan siya.
"Ito ba ang sasakyan ng amo mong bakulaw na nambato sa akin.Tama ibinato ka niya sa akin kaya pag-aari na kita ngayon. Saan na siya ngayon? At oras na makita ko siya babalian ko siya ng hininga. Tingnan ko lang kung may lakas pa siyang ipagmamalaki kapag nagkabuhol-buhol ang hininga niya." Singhal niya na muntik kung ikatawa ng malakas. Hinugot niyang muli sa daliri niya ang singsing na kilalang-kilala ko. Hawak ng dalawang daliri niyang kinakausap ito na parang batang paulit-ulit na pinagagalitan. Gusto ko mang sabihin aking ang singsing na hawak niya hindi ko naman maibuka ang aking bibig. Hindi ko rin maiangat ang aking mga paa pababa ng sasakyan. Mas naaaliw akung pagmasdan ang pagdra-drama niya, na para ang laki ng problema niya. Kaya pinakinggan ko nalang mabuti ang bawat salitang binibigkas niya.
"May araw ka rin magkru-krus din ang landas natin. Kung hindi lang check up ni Inay ngayon hihintayin talaga kita hudas ka para pagbayarin sa pambabato mo sa akin ng singsing ng asawa mong sinto-sinto, sayang din ang dugong nabawas sa akin." Mariing asik niya at muli niyang pinagsisipa ang gulong ng sasakyan ko. Kahit umaaray na siya dahil nasasaktan narin siya sa ginagawa niya.
"Malas ka siguro talaga singsing ka kaya itinapon ka ng amo mong baliw. Pag hindi pa ako natanggap sa trabaho ngayon, itatapon na kita sa gitna ng dagat, o kaya ihuhulog nalang kita sa butas ng septic tank sa likod bahay para wala ng makakita sa iyo. Hantayin mo lang magkrus ang landas natin bakulaw ka at pagbabayarin kita sa ginawa mo sa akin. Isusumbong din kita kila Papa at Mama para multuhin ka nila animal ka, hilahin sana ang mga paa mo mamayang gabi nila Mama para makaganti ako sayo." dugtong pa niya bago nagmartsang naglakad. Natatawa na lang ako sa litanya niya. Buti nalang at walang tao dito sa basement kung hindi baka mapagkamalan pa siyang nasisiraan ng bait.
Ilang minuto pa ang pinalipas ko bago ako bumaba ng sasakyan ko at sinundan ko siya ng tingin. Huminto siya sa gilid ng kalsada at pinapasadahan ng tingin ang bawat pampasaherong jeep na dumaraan sa harap niya. Iniaangat niya ang isang kamay at dali-daling sumakay sa humintong jeep.
Sa unang pagkakataon nawalan ako ng lakas ng loob na humarap sa isang babae, biglang na blangko ang isip ko. Hindi ko rin alam kung natatakot ba ako dahil sa lakas ng kabog ng aking dibdib kanina o sadyang kinakabahan lang at baka masira niya ang aking sasakyan. Pakiwari ko tumigil ang pag-inog ng mundo ko kanina ng dahil sa isang estrangherang babae. Ang maganda niyang mukha at ang balingkitan niyang katawan, sa tantiya ko nasa five feet and six inches ang height niya, na parang modelo kung lumakad pero parang tigre naman kung pagalitan ang sasakyan ko. Makikilala rin kita at sisiguruhin kung magiging akin ka.
Agad kung hinugot ang cellphone sa bulsa ko at nag-dial. [Bring all application paper of all applicants into my office now.] mariing usal ko kahit hindi pa niya sinasagot ang phone niya at agad ko rin pinagbabaan ito. Kailangan makita ko ang resume niya. Kung sino ba siya. At kung ano talaga ang kalagayan niya dahil pakiramdam ko may kakaiba sa kanyan.
Napapangiti pa ako habang naglalakad papasok sa opisina ko dahil hindi mawaglit-waglit sa isipan ko ang maamo niyang mukhang nanggagalaiti sa galit habang sinisipa ang gulong ng aking sasakyan.
Napakunot noo ako sa nakita sa ibabaw ng table ko pagpasok ko. Agad akung umupo sa swivel chair ko at binuklat isa-isa ang ang mga folder. Pero wala ang babaeng nakita ko sa basement at base sa note na nakalagay sa ibabaw ng folder pumapasok na ang mga taong may ari ng folder. Bakit nagkaroon ako ng bagong empleyado ng hindi ko alam at wala akung approval. Base sa mga working experience ng mga ito, at education attainment hindi qualify sa position nila. Malayo sa mga qualifications na hinahanap ko at hindi related sa position nila ang natapos at experience nila. Kaya agad kung tinawag sa intercom ang secretary kong walang alam gawin kung hindi magpapansin, at magpakita ng cleavage, konti nalang at sisisantihin ko na siya.
"Tawagin mo ang HR head." Mariing asik ko dito ng hindi nag-aangat ng mukha.
Mahihinang katok sa pinto ang nadinig ko na hindi ko na pinag-aksahang pang tingnan dahil agad din itong bumukas.
"Pinatatawag n'yo raw ako." Usal niyang parang hindi marunong romispeto sa nakatataas sa kanya. Kaya pinakatitigan ko siya ng bigla nalang siyang umupo sa harap ko without my permission ganito ba talaga ang asal niya. O isa rin siya sa hindi ako matanggap bilang CEO ng sarili naming kompanya meron ba siyang ambag sa negosyo namin at ganito siya kung makaasta. Pinasusuweldo lang siya ng company namin at hindi siya ang boss dito.
"I told you to bring all the application paper of all applicants. Bakit ito lang ibinigay mo? Where's the others?" Mariing kung asik dito.
"Yan na ang mga napili namin para sa nabakanteng mga position, katunayan nagumpisa na silang pumasok nuon lunes pa." Diretso niyang saad.
"Damm!" Asik kung mura. "At sinong nagsabi sa yong kayo ang mag approved ng mga aplikante? Sino ang nagbigay sa'yo ng karapatan para pangunahan mo ako sa mga disisyon ko? Sino-sino ba ang mga taong ito at mukhang ang lakas naman yata nila sayo." Sunod-sunod na tanong ko, dahil lalong nag-iinit ang ulo ko sa pag-uugali niya. May palakas system pala dito sa kompanya namin bakit hinayaan sila ni Daddy.
"Yes, pamangkin ko ang isa at pinsan naman ni Mrs. Barnatia ang isa at mga kamag-anak ng ibang empleyado ang iba kaya sigurado akung mapagkakatiwalan at maasahan sila." Pagmamayabang pa niya. Ano naman karapatan niyang pagyabangan ako. Kami ang may ari nito pero mas mayabang pa siya sa akin.
"Dalhin mo lahat ng applications ng mga aplikante ngayon dito kailangan kung makitang lahat." Asik ko na sa kanya. At pabagsak kung isinandal ang aking likod. Kaonti nalang mapapatid na pisi ng pagtitimpi ko. Matitikman mo na ang galit ko. Usal kung pabulong.
Pairap siyang tumayo at nagmartsang palakad patungo sa pinto, padabog din niyang isinara ito. Kaya naiiling nalang ako dahil sa ipinakikita niyang asal. Ang pagiging walang modo niya ang maglalagay sa isang paa niya sa hukay. Baka maiyak at magsisisi ka mamaya. Bulong ko nalang at muling pinasadahan ng tingin ang mga folders. Baka sumabog ako sa galit at kahit babae siya masaktan ko lang siya.
"Walang kakatok-katok sa pintong pumasok siya at marahas niyang ibinagsak sa ibabaw ng mesa ko ang hindi ko pa mabilang na folder sa dami. "Ito na bang lahat?" Mariing kung tanong habang iniisa-isa ko ang folder at hinahanap ang babae. Pero dalawang beses ko ng binuklat isa-isa wala parin. "Kulang ito nasaan ang iba." Singhal ko na sa kanya.
"Yang ng lahat may isa akung tinapon dahil nakalagay ang pangalan niya sa blacklist." Mariin niyang ani.
"Kunin mo at ipakita mo sa akin. Tawagin mo rin lahat ng taong tinanggap mo at maging ang mga kamag-anak nilang nagtratrabaho dito." Mariing kung utos sa kanya. Ipapakilala ko sa kanya kung sino ang boss dito. Hindi nila ako pwedeng manduhan sa sarili kung kompanya. Ako ang nagpapasweldo sa kanila bakit sila ang dapat kung sundin. Sino sila sa akala nila. Presidente ng America?
"Ayan!" hagis niya sa table ko sa isang folder na nakapalipit na parang damit na bagong laba, kaya inunat ko yon para makita ang picture kung ito nga ang babae. "Briella Yamileth Samaniego y Dumlao" pabulong kung basa sa pangalan niya. "Sinong naglagay sa kanya sa blacklist?" Tanong ko dito.
"A certain Attorney Guanzin." Usal niya kaya binuklat ko isa-isa ang mga naka attached na credential niya. Graduated with highest honor sa isang kilalang university, topnotcher board exam. "Damm! Mura ko sa isipan ko. She's ginious, brain and beauty." May mga clearance din siya sa mga previous employers niya magin ang sinasabi niyang Attorney Artemio Guanzin may clearance din ini-issued at lahat ng papuri nakalagay sa clearance pero bakit inilagay siya nito sa blacklist. Sinong abogado ito at gaano kalaki ang Law firm niya. Bulong ko sa isipan ko.
Muli kung pinasadahan ng tingin ang mga folder ng mga taong nasa harapan ko, puro sila under grad, ang isa nasa accounting department, working experience cashier sa isang grocery store. At isa-isa ko silang tiningnan. Taas noo at parang may kayabangan ang ngisi nilang nakaukit sa mga labi. Anung ipinagmamalaki nila sa akin.
"Uulitin ko ang tanong ko kanina. Sino ang nagutos sa inyong mag hired ng empleyado ng wala akung pahintulot?" Mariin kung tanong. Ibibigay ko na sa kanila ang hinahanap nila. Pagsisisihan nilang ako ang kinalaban nila. Kung gusto nilang mag-hired ng tao magtayo sila ng sarili nilang kompanya para malaya nilang gawin ang gusto nila.
"Ako ang nag-hired bilang HR head may karapata ako i-hire ang gusto ko." Sikmat na niya.
"Kung dadaanin natin sa karapatan mas may karapatan akung tanggaling kayung lahat sa kompanya ko. Simula bukas ayaw ko na kayong makikita pa sa loob ng kompanya ko. Maliwanag ba? At dahil ikaw rin ang nag-hired sa mga tao ng wala akung pahintulot ikaw din ang magpapasweldo sa kanila simula ng araw na pumasok sila dito." Mariing saad ko. Kita ko ang panlalaki ng mga mata nila.
"Hindi mo ako pwedeng tanggalin dito dahil si Sir Clark ang nag-appoint sa akin bilang HR head." Sikmat pa rin niyang tiwalang-tiwala sa sarili.
"Kahit sino pang nag-hired sayo dito, kahit na si Lolo Emerson pa. Kung anung gusto ko yung ang masusunod dahil ako na ang CEO ngayon, o baka hindi mo pa alam. Kaya lahat kayo ayaw ko ng makikita pa dito bukas." Maawtoridad kung asik sa kanila. "O baka gusto niyo pang ipakaladkad ko kayo palabas ng building ng Villaneza." Dagdag ko pa.
"Sir patawad po hindi na po mauulit." Wika pa ng isang umiiyak. Lahat sila hindi makapaniwala sa tinuran ko. Nag-iiyakan na silang lahat. Maging ang Head ng HR halos lumuhod sa harap ko. Tinabig ko nalang ang kamay niyang humawak sa braso.
"Hindi n'yo ako makukuha ng mga drama n'yo. Kanina ang gagaling n'yo magsalita, kung sagut-sagutin n'yo ako daig n'yo pa ang may ari ng kompanya, ngayon may paiyak-iyak pa kayo. Kahit magsi luhod pa kayo sa paanan ko at lumuha ng dugo hindi na magbabago ang disisyo ko. Now all of you, leave. Get out of my office now. Hindi ko kailangan sa kompanya ko ang tulad n'yong bastos, walang modo at mas magaling pa sa akin." Singhal ko na sa kanilang may kalakasang boses. "Umalis na kayo bago pa ako tumawag ng mga securities para ipakaladkad kayo palabas ng building na ito." Dugtong ko pa ng patuloy parin sila sa drama nila. Dahil walang puwang ang tulad nila sa kompanya ko, maraming tao ang mas magagaling pa sa kanila. Marami rin nangangailang ng trabaho na may magandang asal.
Itinutok ko ang pansin ko sa laptop sa harapan ko may gusto akung malaman. Sino ba si Briella Yamileth Dumlao Samaniego? "Presto!" Bulalas ko nang makita ang picture niyang nakangiti. Kabilang siya sa mga list ng three topnotchers board exam. Meron din nag-offer sa kanyang Military scholarship for international student. "Declined" Why? How come na nag offer ng scholarship ang kilalang military academy sa kanya? Bakit niya tinanggihan?" bulong ko. Both parent deceased. Kaya tiningnan ko resume niya kung tama. Guardian, Mrs. Iluminada Garcia Samaniego, relationship, grandmother. Simula elementary hanggang secondary education nasa top one siya. Wala rin nakalagay kung kailan namatay at kung ano ikinamatay ng parents niya. Tanging lola lang niya ang kasama niya sa picture at ito ang nagsabit ng medal niya. At ng mabasa ko ang speech niya, puro papuri, paghanga, pasasalamat, at pagmamahal sa mga magulang at lola niya ang nilalaman. Marami ding international companies ang nag-offer ng trabaho sa kanya pero lahat yon mukhang hindi niya pinansin. Ano ba ang bumabalot sa pagkatao ng isang matalino at magandang Briella Yamileth Samaniego? At nasa blacklist siya.
.
*****
.
Kumusta naging lakad mo ngayon apo? Gusto mo na bang kumain nakaluto na ako." Ani ng lola niya pagpasok palang niya sa loob ng bahay nila. Tulad ng dati matamlay lang siyang tumugon dito.
"Tulad parin po ng dati parang may napapansin lang po ako Inay, parang hindi sila interesado sa akin di tulad ng dating halos ayaw na nila akung paalisin. Kabaliktaran naman ang mangyayari ngayon, gusto nila umalis na agad ako sa harapan niya. Hindi ba parang kataka-taka na yon Inay?" Matamlay niya usal dito.
"Baka naman may nagawa kang mali o hindi maganda sa mga nakaraang pinagtrabahuhan mo." Malungkot nitong tugon at naupo sa harapan niya.
"Wala naman akung bad records Inay, atska marunong naman akung makisama kahit sa janitor pa. Ngayon nga sa malalaking kompanya na ako nag-pasa ng mga application ko. Sabi hintayin nalang daw tawag nila pero mukhang malabo rin yon. Lagi nalang tatawagan ang sagot sa akin kaya hindi na ako umaasa pang may tatawag pa sa akin." Litanya niya. Dalawang buwang mahigit na niyang naririnig ang salitang tatawagan pero hanggang ngayong ni isang tawag wala siyang natatanggap, paano pa siyang aasa sa salitang hintaying ang tawag o di kaya ay tatawagan nalang siya.
"May awa ang Diyos maghintay kalang, baka sinusubok ka lang at may nakalaan iba para sayo." Usal ng lola niya. Maging ito awang-awa na sa kanya.
"Magpapahinga lang po ako Inay, mauna na kayung kumain." Saad niya at tumayo na, bitbit ang kanyang shoulder bag na pumasok sa kwarto niya. Gusto niyang ipahinga ang nanakit na mga binti sa kalalakad maghapon.
Pabagsak niyang ihiniga ang pagal na katawan sa sariling kama. Dilat ang mga matang tumitig sa puting kesame. Hindi niya maubus maisip kung anung nangyayari sa kanya bakit ang ilap ng trabaho sa kanya ngayon. May angkin talino at ganda siyang taglay na laging number one requirement pero wala parin saysay ang lahat.
"Anung bang kamalasan ang dumapo sa akin ngayon. Paubus narin ang natitira kung pera. Ano ang mangyayari sa amin ni Inay ngayon. Baka lalong makasakit siya dahil sa malas. Ito sigurong singing na 'to ang malas sa buhay ko. Pag hindi pa ako natanggap sa trabaho itatapo na kitang singsing ka tandaan mo. Kaya ka siguro itinapon ng amo mo dahil may kaakibat kang kamalasan. Kung hindi ka lang maganda itinapon na talaga kita." Bulong niya sa singing na suot niya. Dahil sa tuwi-tuwina ito ang nasisisi niya.
Tumayo na siya at lumabas ng kwarto para maligo dahil kanina pa nanglalakit ang kanyang katawan sa halos maghapon paglalakad nababasa siya ng pawis idagdag pa ang makapal na usok na nagmumula sa mga sasakyang nasasalubong niya.
"Kain na Yam!" Hiyaw na tawag ng lola niya ng matanawan siya sa sala nila.
"Mamaya na po ligo po muna ako Inay." Tugon niya dito at nagmamadali ng pumasok sa banyo nila. Ayaw niyang ipakita sa lola niyang masyado siyang apektado ng nangyayari sa kanya ngayon at baka damdamin din ng lola niya magkasakit na naman ito ulit.
.
.
.
.........................................................
... please follow my account and
... add my stories in your library.
... ..........."Lady Lhee"..........
.........thanksguys.... loveu...lrs...