Mataman ko lang pinagmamasdan ang ginagawa ng Doctor at mga nurse kay Inay. Tusok dito tusok duon. Tapik-tapik sa likod at himas-himas sa dibdib. Ayus na at kasa kukuhanan ng B/P at Temperature. Tatapatan din ng stethoscope sa dibdib at likod. "Hingang malalim po Lola. Sige pa po isa pa. May nararamdama pa po ba kayung bara sa panghinga? Hindi ba sumasakit ang likod n'yo?" Mga ilan lang sa mga paulit-ulit na tanong ng mga Doctor na nagche-check up kay Inay. Kabisado ko na nga mga litanya nila. Kulang nalang ako ng magtanong kay Inay para hindi na sila magsalita.
Matapos ang ilang pagtatanong ng Doctor. Bilin dito bilin duon ulit ang litanya niya. Ilang Doctor na ba ang nagpapabalik-balik dito sa loob ng kwarto niya, iisa lang naman mga sinasabi. Isa lang nabago ngayon. "Kung tuloy-tuloy na ang magandang kondisyon ni Lola maaari na kayung lumabas sa susunod na araw. Pwede ng sa bahay nalang ipagpatuloy ang pag-inum ng mga gamot. Ibalik mo nalang siya para sa follow up check up niya. Maaari ka narin pumunta sa billing section para maihanda na mga bayarin n'yo." Malumay niyang saad. Kaya nakahinga ako ng maluwag at lihim akung umusal ng pasasalamat sa Poong may kapal. Sa wakas makalalabas narin kami sa amoy gamot na kwartong ito. Bulong ko pa.
May ngiti sa mga labing marahan niyang sinusuklay ng mga daliri ang mahaba at magulong buhok ng lola niyang payapang natutulog. Puti na ang alun-alon nitong mga buhok, kulubot narin balat nito sa mukha at may ilang pekas narin na animo dapang nunal. Sa ilang buwan nitong nakaratay sa kama ng hospital medyo humumpak na ang pisngi nito. Buti nalang hindi rin ito nahihirapan huminga tulad ng dating parang hinuhukay sa kailaliman kung humugot ng hangin ibubuga. Wala narin oxygen na nakakabit dito, hindi narin ito iniihit ng ubo. At tanging swero na lang ang nakakabit sa isang kamay nito. Ang problema nalang niya ang bills nila ng lola niya.
Lumabas na siya ng kwarto ng lola niyang himbing ng natutulog matapos niya itong ihabilin sa bantay sa kabilang kama. Isang pasyenteng ka-share nila sa kwarto. Tinungo niya ang billing section para malaman na niya kung magkano ang ihahanda niyang pera. Dahil maaari na daw ilabas ang lola niya sa loob ng isa hanggang dalawang araw. Ayun pa sa dalawa pa nitong Doctor.
"400,328.83" Bulalas ko ng makita ang hospital bills namin at halos lumuwa ang mga mata ko sa laki. "Bakit umabot ng ganito kalaki? Saan naman ako kukuha ng ganito kalaking halaga ng salapi. Hindi naman kami mayaman." Sikmat ko pa sa babaeng nakaupo sa billing section. Dahil sa pagkabigla ko.
"Miss paki basa na lang kung anu-ano ang mga dapat n'yong bayaran. Naka itemized naman. Lahat po kasi ng Doctor n'yo pawang mga especialista, tatlo po doctor niyo, para sa puso, para sa kidney at specialist din para sa lungs. Plus yong mga gamot at antibiotic. Ang room naman po 1,800 per day. At kung magtatagal pa kayo dito madaragdagan pa yan." Mahabang litanya ng babae sa harapan ko na parang hindi apektado sa pagsigaw ko sa kanya. Muli niyang ibinalik ang paningin niya sa computer sa harap niya dahil may babae rin sa tabi kung nagpapa-compute ng bills nila.
Nanghihina akung napaupo sa puting bench tapat ng billing section. Saan ako kukuha ng ganito kalaking halaga. Sa loob ng tatlong buwan namin dito sa hospital halos kalahating milyon na ang bayarin namin. Meron din kaming ka-share sa room pero ang mahal parin ng kwarto, para kang nag-check in sa isang hotel. Dapat pala ipina-check up ko na siya sa doctor noon una palang nagumpisa ang ubo niya hindi na sana lumala at di na umabot sa ganito. Pneumonia at tuberculosis, delikadong sakit daw para sa matatanda at kung minsan hindi na daw nalalampasan, pero ang lola ko daw kinaya at naka recovered sa ganitong uri ng sakit. Pasalamat na daw ako sabi pa ng mga Doctor, pero grabe naman ang mga professional fee. Mamumulubi naman ako. Wala pa ngang fifty thousand ipon ko. Kanino naman ako maghihiram ng ganito kalaking pera, wala pa naman akung trabaho ngayon. Hindi rin ako makapaghanap ng trabaho dahil walang magbabantay kay Inay. At pag naiuwi ko na siya hindi parin ako pwedeng umalis ng bahay dahil hindi parin siya pwedeng mag-kikilos kailangan daw ng mahabang pahingan. Mariin kung naipikit ang mga mata ko dahil sa mga samut saring iniisip. Sino ang pwede kung lapitang tao para utangan.
"May taglay ka sigurong kamalas singsing ka. Simula ng isinuot kita nagkandamalas na ako, malaman ko lang talaga kung sino amo mo humanda siya sa akin." Bulong ko sa singsing kung napulot bago ako pumasok sa loob ng kwarto ng lola ko.
"Musta ka na Inay? Ayus na ba pakiramdam mo?" Nakangiti kung tanong ayaw kung ipahalata sa kanyang problemado ako. Masaya siyang inaabutan kong nakikipagtsismisan sa babaeng bantay sa kabilang kama na may sakit din na tulad ng sa kanya.
"Ayus na ako apo maluwag na ang paghinga ko hindi na rin ako inuubo." Saad niya kaya nakahinga na ako ng maluwag pero natutuliro naman ang utak ko kung saan ako kukuha ng pambayad namin dito. Ayun sa Doctor niya pwede na kaming lumabas bukas kung patuloy na magiging normal ang condition niya sa loob ng bente kwatro oras. Pero kailangan ko pa rin daw kausapin ang iba pang Doctor niya. Sa dami ng Doctor niya hindi ko na alam kung sino ang dapat sundin. Dapat pare-pareho ko silang mapapayag na kailangan ng lumabas ni Inay bukas para hindi na lumaki pa ang bills niya. Aalagaan ko nalang siya sa bahay.
"Inay magpalakas po kayung mabuti para makalabas na kayo dito." Usal ko pa. Hindi ko naman pwedeng sabihin ang problema at baka lalong hindi kami makalabas. Kailangan kung magmukhang masaya para hindi narin siya mag-alala pa. Tama ng ako nalang mag-isip ng paraan kung saan kukuha ng salaping pambayad dito.
"Huwag kang mag-alala ayos na ako. Magkano ba ang babayaran natin dito? Kung kukulangin ka meron naman akung naitatabi konti muna sa pension ng mga magulang mo pwede natin gamitin yon." Aniya. "Mahigit trenta mil din yon." Dugtong pa niya.
"Ako na po bahala sa bayarin, kung kukulangin atska nalang natin galawin yon." Pagsisinungaling ko kahit nakukulta na utak ko sa pag-iisip kung saan ako kukuha ng pera. Sino ba ang dapat kong lapitan. Wala naman akung closed friend na may pera. Isang lang alam kung may pera pero delikado ang kinabukasan ko sa kanya. Para siyang isang mabangis na hayop na hayok sa laman. Pero kung wala talaga akung malalapitan mapipilitan akung lumapit sa kanyan.
Pinagmasdan niya ang ginagawang pagti-test sa kanyang lola. "Hinga po ng malalim Lola." Utos dito ng Doctor, na agad din sinunod ng lola niya. "Wala na po ba kayung nararamdam kakaiba tulad ng kinakapos sa paghinga. Inuubo." Tanong pa ng Doctor.
"Wala na Doc, maluwag na paghinga ko ngayon di tulad ng dati na parang hinahabol ko ang paghinga. Para akung kinakapus ng hangin sa baga." Usal ng lola niya.
"Reresetahan ko nalang kayo ng gamot n'yo. Kailangan kumain ng masusustanyang pagkain iwasan ang masyadong matataba. More on fruits and vegetables. Kailangan din ng mahabang tulog para makapagpahinga, makabawi kayo ng lakas. Kailangan rin ma-checkup ko kayo once a week for six months." Ani pa ng Doctor kaya kinabahan siya sa narinig dahil kailangan na naman niya ng pera para sa check up ng lola niya. Maging ang dalawang doctor na naunang nag check up sa lola niya kanina. Kailangan din nilang bumalik sa susunod na linggo para sa follow up check nito sa mga doctor.
"Doc, kailan po kami pwedeng ma-discharge?" Tanong niya rito matapos magbilin ito ng mga dapat at hindi pwede sa lola niya.
"Kung wala ng magiging problema at magtutuloy-tuloy na ang magandang condition ni Lola pwede na kayung makauwi bukas." Saad nito. Matapos makita ang temperature ng lola niya.
"Inay, iiwan ko muna kayo may pupuntahan po ako, kung gusto n'yong matulog, matulog lang kayo. May pagkain din po dito Ibibilin ko nalang kayo sa kabila." Aniya dito, tukoy sa bantay sa kabilang kama.
"Saan ka ba pupunta?" Tanong nito.
"Uuwi lang po ako at may aayusin lang ako para makalabas na kayo dito bukas."Saad kung pagsisinungaling. Kailangan kung makipagsapalaran dahil kung hindi lalo kaming mababaon sa utang at baka hindi na kami makalabas dito. Kung hindi lang na hospital si Lola baka may trabaho na ako ulit ngayon.
Malalalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Pagkalabas ko ng silid na inaakupa ni Inay at mabangal na naglakad palabas ng building ng hospital. Kailangan kung magsakripisyo para kay Inay. Minsan lang ito at isinusumpa ko hinding-hindi ko na ito uulit pa. Bakit kasi kahirap ng mahirap hindi ka nawawalan ng problema tungkol sa salapi. Kung pagkain lang sa araw-araw makakaraus kami dahil hindi naman kami naselan sa ulam. Pagkalabas ko ng hospital nilakad ko naman ang isang waiting shed sa di kalayuan para maghintay ng jeep papunta sa amin. Kailangan kung maligo bago puntahan ang taong alam kung hindi ako mahihindian. Alam ko rin kung ano ang hihingin niyang kapalit. Alang-alang kay Lola gagawin ko at ibibigay kung anung gusto niya.
Muli dinukot ko sa bulsa ng maong kung pantalon ang papel na nalukot na at pinasadahan ng tingin, nadagdagan na naman ito dahil kahapon pa ito. May in-ejection na naman antibiotic at gamot kay lola kanina. Nadagdag na rin ang araw at hanggang bukas pa kami. Muli kung isinuksok sa bulsa ko ang papel at sumakay na ng jeep na huminto sa harap ko. Pahinamad akung naupo at ni hindi ko inayus ang aking pag-upo sa mahabang bangkuan ng pampasaherong jeep, buti nalang ilan lang kaming pasahero at puro babae pa.
Kailangan ko pang makipag-deal sa isang demonyo mamaya para mailabas ko na si Inay at baka hindi ko kayanin ang magiging hospital bills namin. Ito lang ang tangin paraan para magkaroon ako ng perang bambayad. Ang isakrepisyo ang aking kinabukasan at dangal.
Dalawang linggo lang pinalampas niya para makapag pahinga at alagaan ang lola niya. Kailangan niya ng mapagkakakitaan. Dahil hindi siya pwedeng tumunganga nalang maghapon ng walang pera, kailangang-kailangan niya ng trabaho ngayon para may pambili sila sa mga gamot at check up ng lola niya. Kailangan din niya mabilhan ito ng mga masustansiyang pagkain at prutas para mabilis na gumaling at bumalik sa dati ang katawan nito
Maghapon na akung naglalakad pero ni isa sa mga inaaplayan ko walang magandang tugon. Ilang araw narin akung ganito, pudpod na ang takong ng sapatos ko wala parin akung mahanap na trabaho. Ano bang nangyayari mukhang may mali. Karamihan walang bakante kahit may nakapaskil naman "hiring" "wanted" pero sasabihin nila wala na or tatawagan na lang daw nila ako. Mukhang malabo pa sa sabaw ng pusit yung salitang tatawagan na lang nila ako ni hindi nga nila pinag intetesang basahin application ko o Resume ko. Pangalan ko lang ang tatanungin wala na. Kahit utility o chamber maid sa mumurahing hotel mukhang inaayawan ako. Maging sebedora sa cafeteria hindi rin interesado sa akin. Ano na bang nangyayari sa mundo? Bulong ko habang naghihitay ng masasakyan pauwi.
"Magandang gabi Inay mano po." Aniko pagpasok ko sa munti naming bahay at hinubad ang aking sapatos.
"Oh apo! Ginabi ka? Kumusta lakad mo ngayon?" Tanong niyang may pag-aalala sa mukha. "Nagsaing na ako. Pwede na tayung kumain." Dagdag pa niya ng maiabot ko sa kanya ang supot ng lutong ulam na binili ko sa kanto.
"Ako na po, baka mapagod pa kayo." Usal ko. At nagpresinta ng maghugas ng pinagkainan namin kahit masakit ang aking mga binti sa kalalakad.
"Wala ka pa bang nahahanap na trabaho?" Tanong niya. "Dati rati sandali lang nakakakita ka na agad bakit ngayon mukhang mailap yata sa iyo ang trabaho." dugtong pa niya.
"Huwag po kayung mag alala makakakita rin po ako." Katwiran ko. At hindi na siya nilingon ayaw kung mahalata niyang aburido narin ako sa nangyayari sa buhay namin.
"Sabagay hindi lahat ng suwerte para sayo. Paminsan-minsan sinusubok ka rin kung gaano ka katatag. Pero huwag kang mag-alala apo, ganyan talaga ang buhay. Huwag kang mawawalan ng pag-asa hanggat bilog ang mundo at humihinga tayo may pag-asa." Matalinghaga niyang wika. Alam kung may ibig siyang ipakahulugan.
"Inay kahit na bilog ang mundo hindi rin naman patag ang kinatatayuan natin, kaya kung hindi matatag ang pagkakatayo mo tiyak madarapa ka." Ganting makahulugan ko rin turan. Dahil nakasangla ang aking kaluluwa sa isang demonyong hayuk sa laman.
Ilang peraso nalang ng resume ang meron ako. Halos dalawang dosena ng resume ang ipina print ko pero hanggang ngayon wala parin saysay ang lahat. Dati dalawa hanggang tatlo lang na kompanya ang pag aaplayan ko may trabaho na ako. Ngayon hindi ko na nga mabilang kung ilang pinupuntahan ko para mag apply pero wala parin. Bukas isang bago pakikipagsapalaran na naman ang haharapin ko sana naman mapasok na ako kahit anung trabaho tatanggapin ko, dahil paubos narin ang saving ko hindi na aabutin ng isang buwan magdidil-dil na kami ni Inay ng asin. May mga gamot pa siyang dapat inumin sa loob ng anim na buwan. May regular check up din siya once a week. Ano ng mangyayari sa amin.
"Ano bang nangyayari sa mundo ngayon. Ito ba ang resulta ng climate change? Nakakainis talaga ano bang problema at ginaganito ako ng panahon maging ang mga babaeng yun akala mo kung mga sinong magagaling. Mga wala naman silang kwenta. Ito sigurong singsing na ito ang malas sa aking kaya lahat na lang ng inaaplayan ko nire-reject ang application ko. Bwesit kang singsing ka makita ko lang amo mo. Lulumpuhin ko siya hanggang hindi na siya makatayo forever." Dinig kung mariing usal ng boses ng isang babae kaya napahinto ako sa pagbaba ng aking sports car.
Nagpalinga-linga pa ako para hanapin siya. Isang naka bistidang babae na may kahabaan ang buhok ang mabagal na naglalakad sa di kalayuan sa kotse ko kaya pinakatitigan ko siya. Para siyang angel na bumaba sa langit, napakaamo ng mala diyosa niyang mukha kahit nakasimangot siya at mukhang may kinagagalitan pero wala naman akung nakikitang kasama niya. Nagsasalita siyang mag-isa at nagpapapadyak sa inis na parang maiiyak na.
"Aghh! Letche ito yon. Ganito yon. Ito na yun. Dito lang pala kita makikita hudas ka. Sino bang impaktong herodes ang may ari nito." Asik niya sa sasakyan ko ng makalapit siya dito. At ilang beses niyang sinipa-sipa ang gulong nito sa may unahang kaliwang bahagi. Ilang beses din niyang pinalo ng palad niya ang hoods maging ang fender. Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse ko para lumabas upang awatin siya sa ginagawa niya pero napahinto ulit ako ng makita kung ano ang bagay na kinakausap niya.
Nanglalaki ang mga mata kung pinagmamasdan siya sa ginagawa niya at pinakikinggan ang mga sinasabi niya. Dahil hindi ako makapaniwala sa makikita ko. Bakit napunta sa kanya yun? Kilalang-kilala ko ang bagay na nasa dulo ng dalawang daliri niya. Ang ilang oras kung binalik-balikan 'yon sa gilid ng kalsada nasa kanya ngayon at hawak niya ng dalawang daliri na parang batang kinakausap at pinagagalita. Kulang nalang paluin niya ito. Bakit napunta sa kanya ang singsing ko? At bakit niya ito sinisisi. Anong kasalanan ng singsing ni Mommy sa kanya at ganuon nalang galit niya dito.
.
.
.
.
.
.........................................................
... please follow my account and
... add my stories in your library.
... ..........."Lady Lhee"..........
.........thanksguys.... loveu...lrs...