Chapter - 5

2325 Words
Pupunta tayo sa hospital bukas para dalawin siya. Kahit naman hindi tayo tanggap nuon lola parin natin siya." Maawtoridad kung saad. Kita ko sa mukha nila ang pagtutol sa sinabi ko kahit hindi sila magsalita pero wala na silang magagawa. Kapamilya parin namin si Lola Lorena, kadugo namin siya. Iba lang naging pananaw niya pagdating sa usapin asawa at salapi. Naging makasarili na siya. "Kuya ikaw nalang pumasok." Utos nila sa akin kaya sinamaan ko sila ng tingin. Nagtanim na sila ng sama ng loob kay Lola Lorena at hindi ko sila masisisi sa bagay na'yun dahil ako mismo malaki rin tampo ko sa kanya pero isina isang tabi ko nalang dahil iba na ang sitwasyon ngayon. Mahina na siya at wala ng lakas para gawin pa ang mga bagay na madalas niyang gawin sa amin nuong mga bata pa kami pagnakikita niya kaming mag-kakapatid. Tanging mga tubo at gamot nalang nagdudontong ng buhay niya. Awa ang una mong mararamdaman. Kalalaking tao nila pero pare-pareho silang nagtutulakan. Alam kung ayaw nila makita ito dahil takot sila kay Lola. Ilang beses din kasi namin pinuntahan nuon si Lola pero lagi niya kaming pinagtatabuyan at pinagsasalitaan ng masasakit kaya nagkatruma na kami sa kanya. Pero ngayon, iba na matanda na ito at lulubogan na ng araw tanging kami na lang ang kamag-anak niya. Kaya lumayo man ang loob namin sa kanya, kailangan parin namin siya alagaan at damayan kahit sa huling sandali ng kanya buhay. Maharan kung binuksan ang pinto ng hindi kumakatok at isinungaw ko ang aking ulo. Sakto rin lumingon ang bantay niyang nurse, marahil naramdaman niya kami kaya kinawayan ko ito at bahagyang isinara ang pinto. "Kumusta ang lagay ng pasyente?" Bungad ko dito ng lumabas siya ng kwarto. "Sino kayo? At ano kailangan niyo dito?" Usal niya at isa-isa niya kaming pinasadahan ng tingin sabay kagat sa ibabang labi niya at mapang-akit na ngumiti. "Miss huwag ka ng magpa-cute at walang papatol sa iyo isa man sa amin." Anas ni Ivan dito. At bahagya pa niyang itinoktok ang dulo ng isang daliri sa tuktok ng ulo ng Nurse. Kaya pasimple akung natawa sa ginawa niya. Siya ang pinaka mahilig sa babae pero pag-ayaw niya kahit yata maghubad ang babae sa harap niya hindi niya pagaaksayahan ng pansin. "Sagutin mo na lang tanong ko." Ulit ko. Mukha tuloy siyang napahiya sa ginawa niyang pangaakit sa amin. "Trabaho kasing atupagin mo at hindi yung para kang bulateng binudburan ng asin pagnakakita ka ng lalaki." Saad din ni Ace. "Gusto mo naman pwede kitang pagbigyan. Mahal nga lang serbisyo ko baka hindi mo kayanin. Kaya umayus ka at alagaan mong mabuti ang pasyente kung hindi mananagot ka sa akin." Pang-aasar pa niya dito. Kaya napatayo ito ng tuwid at pomormal ang ayus niya. "Natutulog ho, Stable naman vital sign niya pero mahina parin siya tulad ng dati." Diretsong aniya kaya muli kung binuksan ang pinto at sumilip. Kita kung himbing itong natutulog kaya nilingon ko ang tatlong kapatid ko at maingat na pumasok sa kwarto. Nagsunuran din naman sila. May mga tubong nakabit sa kanya mayroon din oxygen. Puti na halos lahat ng buhok niya. Kulubot narin ang balat niya maging ang magandang mukha niya kinupasan na ng ningning. Maingat kung kinuha ang isang kamay niya at nagmano ako dito dahil Lola pa rin namin siya kahit ayaw niya sa amin. At kung ano man hindi magandang nagawa niya sa amin matagal ko na siya napatawad. Dahil hindi ko malilimutan lahat ng magagandang ala-ala na kasama ko siya. Siya ang nagsilbing ilaw na tumatanglaw sa amin ni Mommy nuon. Sininyasan ko rin ang mga kapatid kung pawang nakatayo lang sa pinto. Para ba silang handang tumakas ano man sandali kung didilat ang mga mata ni Lola. Nag-aalangan parin ang mga ito kaya sinamaan ko na sila ng tingin. Hindi ko naman sila masisisi kung bakit malaki ang takot nila dito. Kaya wala rin silang nagawa, isa-isa silang maingat na kinuha ang kamay nito at nagmano ng walang nagsasalita sa amin at baka magising siya. Ilang minuto rin namin pinagmasdan ang hitsura niya wala ng bakas ng tapang ang awra ng mukha niya. Kitang-kita sa humpak niyang mukha ang iniindang karamdaman. Tila hindi narin niya kayang lumaban sa sakit na gumugupo sa kanya. "Kailangan ng malaman ni Daddy kalagayan ni Lola. Siya na ang bahala kung anung gagawin niya." Saad ko ng makalabas kami ng hospital. "Wyatt, sigurado ka bang nakakulong na lahat ng taong trumaydor kay Lola?" Tanong ko sa kanya. "Yeah, lahat ng may kinalaman sa nakawan. May gusto pa akung balikang mga tao sa hacienda, dudurugin ko mga pagmumukha ng mga iyon pagbalik ko roon." Mariin niyang usal. Marami din akung babalikan tao duon. Para ipamukha sa kanila kung sino ang nilait at inalipusta nila. "Mauna na kayo may pupuntahan lang ako." Ani Wyatt. "Bakit kuya Wyatt saan ka pupunta? Isama mo naman kami baka chixz yan." Usal ni Ace. "Kuya Wyatt kung mangbabae ka isama mo naman kami." Saad din ni Ivan. " Kuya Franz sama na tayo." dagdag pa niya. Kaya natawa na ako sa mga kapatid ko dahil ganito kami pagnasa ibang bansa kami. Paglabas namin ng campo kanya kanya kami ng gimmick para kaming nakawala sa kural. "Saan hospital? Bakit ngayon lang n'yo sinabi. Mommy ko yon dapat ako una n'yong pinagsabihan?" Dumadagundong ang nanggagalaitin boses ni Daddy sa loob ng living room matapos namin sabihin ang nangyari kay Lola Lorena. Naihampas din niya ang kanyang kamao sa mesa sa harap niya. Buti hindi ito nabasag. "Nasaan ang mga tao? Nasaan ang nurse? Pagbabayarin ko sila ng mahal." Dagdag na sigaw niya kaya natahimik kami. Kita ko rin ang takot sa mukha ni Mommy. Tinakasan siya ng kulay sa mukha at halos manginig ang katawan niya. Kaya agad napayakap dito si Kiara. "Mommy!" Sindak niyang wika. "Water please. Hurry up!" Muli niyang sigaw. Isang kasambahay naman namin ang mabilis na tumalima. "Sorry." Malumanay na niyang saad at niyakap si Mommy, hinagod-hagod din niya ang likod nito at ilang beses kinintalan ng halik sa noo. Pero kita parin sa mukha niya ang galit. Mukhang mahirap pahupain ang umusbong na galit sa dibdib niya. Ganito ba talaga si Daddy, totoo nga siguro ang sinasabi ng ibang masama siyang magalit at sa kanyan ko nakuha ang ugaling walang control pagnagalit. Sa unang pagkakataon nakita ko kung gaano kabangis si Daddy kung magalit. Lagi ko siyang nakikitang kalmado at malambing lalo na kung kaharap si Mommy. Pero ngayon halos patayin niya sa suntok at tadyak ang kawawang nurse. Hindi rin makaimik ang mga pulis sa paligid. Mukhang kilala nila si Daddy at ang ugali nito. "Bakit mo ilason ang Mommy ko? Sinong nagutos sa'yong lasonin siya? Saan ka kumuha ng drugs na itinuturok mo sa kanya?" Mariing niyang sigaw na paulit habang walang kapagoran sinusuntok ang nurse. "Clark enough baka mapatay mo na siya." Awat dito ni Mommy, ihinarang pa niya ang katawan at niyakap niya ito. "Papatayin ko talaga yang babaeng yan. Lahat sila. Mga walanghiya sila. Hindi pa ba sapat ang malaking penasusuweldo ko sa kanya at nilalason pa niya si Mommy." Mariin usal niya. Sino ba naman kasing anak ang hindi magagalit kung tinuturokan ng isang uri ng drug na nakapanghihina ng kalamnan at muscle ang iyong ina. Kaya pala halos hindi na ito lumalabas ng kwarto niya dahil nanghihina na ito, nawawalan na rin ng ganang kumain. At sa ganoun paraan nagagawa nilang manipulahin ang transaction ng hacienda, nakapagkakamal sila ng salapi. Sa kanila mapupunta ang malaking bahagi ng kinikita sa hacienda, pero walang nagtatagal sa kasamaan, lahat may hangganan. Putok na ang labi at kilay ng nurse namamaga narin ang mga mata nito. Pero hindi parin kumakalma si Daddy. Paano na lang kung siya ang pinapunta namin sa hacienda baka mas malala pa ang nangyari. Baka maging si Lola madali ang buhay kung ganito siyang walang kontrol sa sarili. "Dad, let's go." yaya ko na sa kanila. Nakamasid lang si Wyatt at ayaw niya makiaalam. Maging siya may galit sa mga ito. Pinagsabihan pa daw siya ng kung anu-anong masasakit na salita ng mga ito bago nadala ng mga pulis. "Saan pa ang iba?" Mariing sikmat na niya. "Nasa kabilang selda Dad." Singit ni Wyatt dahil siya ang nagpakulong sa mga ito kaya alam niya. Nabigla rin ako sa ginawa ni Mommy, pinagsasampal niya agad ang isang lalaki pagkakita niya dito. "Ikaw hayop ka ipinagkatiwala ko sayo lahat. Tratraydorin mo lang pala kami. Mukha karin palang pera demonyo ka." Sigaw niya dito. "Patawad po Ma'am Ella. Dala lang po ng pangangailangan." pagmamakaawa pa niya kay mommy pero sunod-sunod na suntok ang natikman ng mga ito mula kay Daddy. Kaya hinila ko na si Mommy. "Kuya bakit tinatawag si Mommy ng mga tao sa hacienda na Ella?" Bulong ni Ivan sa akin. Kaya pahapyaw kung ikinuwento sa kanya ang pagyayari sa pangitan nila Mommy at Lola Lorena at kung paano kinilalang tunay na anak ni Lola Lorena si Mommy at tinawag na Ella Mae Khan, hind man ditalyado pero alam kung maiintindihan nila lahat. "Franz be ready, i'll take you to the office tomorrow. You will start your new job as CEO." Maawtoridad niyang saad kaya mapatayo ako ng tuwid. "Ako mag-aalaga sa Lola ninyo alam kung wala akung maasahan ni isa sa inyo." Dugtong pa niya. "Yes, Dad." Tangin namutawi sa aking labi. Halos lahat ng empleyado at mga board of director nabigla sa disisyon ni Daddy ng ipakilala niya ako. May mga tumutol at may mga sumangayon din. Pero wala silang nagawa sa mga naging desisyon ni Daddy. At hindi rin mawawala ang mga taong mapanglait at mapanghusga, kaya pinakatandaan ko sila dahil may paglalagyan sila sa akin. Pag ako na humawak ng mga negosyo ng Villaneza idagdag pa ang mga business ng Khan. Pag pinag-isa ko sila mas lalawak ang masasakupan ko. Buburahin ko sa landas ko ang mga anay na sisira sa haligi ng negosyo namin dahil para sa akin wala silang puwang sa mundo ko. Umabot din ng dalawang oras ang emergency board meeting namin. Lahat naman ng tanong ng ibang board nasagot ko ng maayos. Meron talagang nang-iinsulto lang kung makapagtanong pero sinagot ko parin ng maayos dahil hindi pa ito ang tamang oras para ipakilala ko kung sino ang hinuhusgahan nila. Kailangan ko pang aralin ang bawat information nila. Marami pa akung gustong malaman bago ko linisin ang kompanya. Lahat ng may baluktok na pag-uugali ibabasura ko. Pagpasok namin sa office ni Daddy. Iginala ko ang aking paningin mukhang hindi ko gusto ang paligid. "Daddy pwede ko bang palitan ang paint, maging ang designed?" Nanantinya kung tanong. "It's up to you son. Ikaw na ang mag-oopisina dito kaya bahala ka na kung anung gusto mong ayos. Gawin mo ang sa palagay mo'y magiging komportable ka " Aniya matapos niyang ituro sa aking ang ibang gagawin. Just give me a ring, kung may kailangan kang itanong. Iiwan na kita dito, pupuntahan ko pa ang Lola mo, alam kung wala ni isa sa inyo ang maasahan kung magbantay kay Mommy." Dagdag pa niya at tinalikuran na ako diretsong lumabas ng pinto. Itinutok ko ang attention ko sa mga folders na nasa ibabaw ng table at inaral ang bawat isa. Kailangan i-review kong mabuti lahat. Ayaw kung mapahiya kila Daddy at Mommy dahil darating ang araw sa aking na sila aasal. Gusto kung ipagmalaki rin nila ako balang araw bilang isang magaling na negosyante at hindi Marine Corps. Hindi ko man mahigitan sila Daddy siguro kaya ko silang pantayan. "Sir, coffee?" anang isang tinig kaya nag-angat ako ng ulo at sinulyapan siya. Kanina ko pa siya napapansing laging dumidikit sa akin at nagpapa-cute. Simula ng ipakilala ako ni Daddy sa kanya. Pumapasok siya ng office ng walang kakatok-katok at biglang magsasalita, nakakadisturbo na siya. Ang sabi ni Daddy ilang buwan palang daw itong secretary kapalit ni Tito Dennis. Kung umasta naman parang isang dekada na kaming magkakilala. "Yes, black coffee please." tipid kung wika at hindi na siya pinansin. Kabisado ko na ang ganitong babae, mahilig sa laro. Isang ngiti mo lang bibigay na, minsan magde-demands pa kahit wala naman kayung relasyon. Ilan na bang babae ang nagdaan sa buhay ko at ang huli ang unang babaeng seneryoso ko pero iniwan at ipinagpalit ako sa iba. Nasaan na kaya siya ngayon? Kumusta na kaya siya? Mahinang usal ko. Napabuntong hininga nalang ako ng maalala ang singsing ko, sino kaya nakapulot sa kanya? Baka kaya nahulog sa kanal. Ilang oras namin hinanap ng mga bata yon pero wala talaga kaming makita. Kung nahulog sa kanal yun malabo ng makita pa yun. Anung sasabihin ko kila Mommy paghinanap nila yun. "Here's your coffee sir." Mapag-akit niyang usal at matamis niya akung nginitian. "Thank you, you may go now." Saad ko. "Bumalik ka na sa table mo at tatawagin na lang kita pag may kailangan ako. Next time kumatok ka naman bago pumasok sa opisina ko." Dugtong ko pa. Tumayo ako at humarap sa transparent wall glass na tanaw ang malawak ng kapaligiran. Kita rin ang naglalakihang mga gusali at ang mga nagsalimbayang mga ibat-ibang klase ng sasakyang parang nakakarerahan sa pagtakbo sa lansangan. May mga tao rin paroon at parito na parang nakikipagunahan din ng lakad. Napabuntong hininga nalang ako ng dahil kay Lola napaaga ang pag-upo ko bilang CEO. Apat na buwan na ngayon buhat ng ako na humawak ng kompanya namin pero wala parin pagbabago ang lagay ni Lola Lorena. Ilang empleyado narin tinanggal ko kabilang ang secretary ni Daddy. Wala narin ang ibang board na mapanira ng kapwa. Kahit sabihin pa nilang mas matigas ang puso ko kaysa kay Daddy wala na akung pakialam. Iba ang tatak ni Franko Angelo Zamora Villaneza kaysa kay Clarkson Angelo Ibanez Villaneza kahit sabihin pa nilang mag-ama kami. Gagawa ako ng sarili kung landas at tatak. . . . . ......................................................... ... please follow my account and ... add my stories in your library. ... ..........."Lady Lhee".......... .........thanksguys.... loveu...lrs...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD