***
Briella Yamileth POV
"Inay punta na po ako, bibili na ako ng gamot n'yo para hindi na lumala pa yang ubo n'yo. Kumain lang po kayo kung magutom kayo may nakahanda naman pong pagkain dyan. Baka po matagalan ako, magpapa-print pa kasi ako ng mga resume ko para sa monday makapaghanap na ulit ako ng bagong trabaho." Mahabang litanya ko sa Lola ko na kung tawagin ko'y Inay. Siya nalang tanging kasama ko sa buhay simula ng mamatay ang aking mga magulang. Siya ang laging naka alalay sa akin simula bata pa ako. Marami na siyang sinakripisyo para sa akin simula nuon hanggang ngayon.
"Sige apo mag-iingat ka at huwag kang magpapagabi. Dilikado na ang panahon ngayon, maraming masasamang tao ang gumagala para makapanakit ng kapwa." Bilin niya. "Kung bakit kasi umalis ka pa sa dati mong trabaho, maganda na nga duon. Ngayon mahihirapan ka na naman maghanap. Ilan na bang trabaho ang inayawan mo. Hindi ko na yata mabilang. Hindi porque matalino at maganda ka pwede ka ng lumayas na lang sa trabaho pag hindi mo nagustohan at nagsawa ka." Dagdag sermon pa niya. Kung alam lang niya kung gaano kawalanghiya ng dati kung amo baka himatayin pa siya. Hindi naman ako aalis kung hindi nila ako binabastos. Puro sila manyak, mukhang naman silang mga butete ang lalaki ng tiyan daig pa ang buntis na malapit ng manganak.
Isinukbit ko na ang sling bag ko matapos kung pasadahan sa salamin ang pustura ko at lumabas na ng bungalow type na bahay namin at dumiretso palabas ng kalawangin namin gate. Hindi ko na pinansin ang panenermon ni Inay. Kailangan ko pang maglakad ng ilang metro para makarating sa kanto upang makasakay ng jeep.
Tatawid na sana ako ng may isang sumaragasang pulang sports car ang parating kaya napahinto ako sa gilid ng daan para hintayin siyang makaraan. "Aayyy! s**t!" Tili ko ng biglang may tumamang matigas na bagay sa noo ko. Agad ko itong tinukop dahil pakiramdam ko para tinusok ng pako sa sakit. Nakita ko ang palad ko na may pulang likido kaya muli kong pinahid ng palad ko ang aking noo.
"May dugo ka sa noo Ineng baka natalsikan ka ng bato, ang bilis naman kasi ng pulang kotse." Usal ng isang may edad ng lalaking may dalang mga supot.
"Marami kasing mga driver ngayon na akala mo pag-aari nila ang buong kalsada. Mga kaskasero." Segunda rin ng isa pa at diretso lang silang naglakad.
"Baka tinamaan ka ng batong maliit." Wika pa ng isang babae at nilampasan na ako kaya agad din akung yumuko upang kumpermahin ngang bato ang tumama sa noo ko pero laking gulat ko ng may kumikinang na singsing sa may paanan ko. Nilingon ko ang pulang sport car pero malayo na ito kaya dinampot ko ang singsing at dumiretso na akung tumawid sa kabilang kalsada habang pinapahiran ko ng panyo ang noo kung may sugat, humahapdi na rin ito. Kailangan ko ng magmadali dahil ibibili ko pa ng gamot si Inay. Pupunta rin ako sa computer shop para magpa-print ng resume. Para makapagsimula na ulit akung mag-apply ng trabaho.
Muli kung pinasadahan ng tingin ang singsing na hawak ko simple lang siya pero napakaganda niya. Tatlo ang bato niyang kumikinang isang malaki sa gitna at dalawang medyo maliit sa magkabilang gilid. Muli kung kinapa ang akin noong humahapdi parin. Hindi ko naman makita kung malaki ba ang sugat nito. Pinahid ko uli ang aking panyo sa parte ng noong may sugat ngunit kaunti nalang ang dugong dumikit sa panyo pero masakit parin. Tutop ko nalang ang aking noon habang naglalakad at baka tumulo ang dugo mapatakan pa ang aking mata.
Pumasok ako sa isang kilalang drug store para bilhan ng gamot sa ubo si Inay. Tinanggal ko ang panyo sa noo ko at tiningnan kung may dugo pang bago pero wala na akung makitang sariwang dugo marahil hindi naman kalakihan ang sugat kaya madaling naampat sa pagtagas. Gusto ko rin sanang tanungin kung may gamot sila para sa noo ko pero wala naman nang dugo. Hindi narin masyadong masakit. Kaya binaliwala ko nalang at sinabi ko ang pangalan ng gamot ni Inay. Agad narin akung lumabas ng drug store ng mabili ko na ang kailangan kong gamot at muling naglakad.
"Pagnakita ko amo mo lulumpohin ko siya. Dahil sa kanya nasugatan ako." bulong ko sa singsing at isinuot sa daliri ko. Sakto naman ang sukat hindi malaki hindi rin maliit. Inikot ko sa loob ng palad ko ang parteng may diyamante para maitago ko. Dahil hindi ko alam kung tunay ba ito o hindi. Malamang hindi siguro kaya itinapon, muli kung bulong sa isip ko at pumasok nasa loob ng computer shop.
Naupo ako sa isang bakanteng bangko sa harap ng computer." Kuya pabukas ng 23." Usal ko sa bantay. Nag-angat naman siya ng tingin sa akin at tumango. Mabilis akung nagtipa sa keyboard ng computer at gumawa ng resume ko. Magpapa-print nalang ako ng madami, wala naman nadadagdag sa mga data ko maliban sa mga previous jobs ko. Mahinang bulong ko sa hangin. Kailangan ko rin umuwi ng maaga para makainum ng gamot si inay, baka ihitin na naman siya ng ubo.
***
Isang lugar lang alam kung pwede kung puntahan. Saka ko na proproblemahin ang singsing ni Mommy. Kailangan ko munang makasagap ng sariwang hangin. At paghilumin ang sugat ng aking pusong sawi. Tila mas namomroblema pa ako sa pagkawala ng singsing ni Mommy kaysa sa nilikhang sugat ng pag-iwan niya sa akin. Mas nag-aalala pa ako sa singsing. Alam kung mahalaga kila Mommy ang singsing pero saan ko naman hahanapin yun. Ilang oras din kaming parang baliw na naghahanap sa lugar pero naglaho nalang na parang bula.
Muli kung ni-review at pinakinggan ang usapan ng mga tao sa loob ng library ng mansyon. Tama lang ang pinagkabitan ng mga surveillance camera. Kuhang-kuha ang mukha ng mga tao malinaw ding naririnig ang pinag-uusapan nila. Sakto rin dahil harvest season ng mangga at cacao kaya malaki ang sales ng mga produktong inani. Ito rin ang panahon magkakamal ng salapi ang mga magnanakaw. Kuwentado na niya agad kung magkano ang kikitain ng hacienda at kung magkano ang maibubulsa ng bawat isa sa kanila. Ng masiguro kung kompleto na ang lahat, hinugot ko sa bulsa ang telepono ko at dinayal ang numero niya, alam kung hindi niya ako matatanggihan. Ako na ang gumawa ng paraan para mapasok namin ang hacienda kaya siya na ang tatapos.
[Wyatt, i have found a lot of information. I already know who's the real thief is. I send you all the details. Gusto kong pagbayaran nila ang mga ginagawa nila, gusto ko silang makulong lahat. Ikaw na munang bahala sa kanila meron pa akung importanteng gagawin. Kailangan lang mailayo muna si lola sa bahay bago hulihin ang mga salarin maging ang private nurse ni lola may kinalaman din sa mga nangyayari. Paki check din kalusugan ni lola, kailangan madala siya ng hospital sa lalong madaling panahon bago mahuli ang lahat.] Mahabang wika ko at hindi na siya hinintay na sumagot agad ko ng pinagbabaan ng telepono.
Alam kung kaya na ni Wyatt yun dahil kompleto na ang nakalap kung mga ibedensiya. Hindi ko man sila kilala pero kailangan nilang managot sa batas. Naaburido na ako, babalik na lang ako sa hacienda pag ayus na ang lahat. Babalikan ko lahat ng nanglait at umalipusta sa akin, ipapakilala ko kung sino ako. At hindi ko kailangan ang mga taong walang modo at mapang-api ng kapwa. Kailangan ko munang mag-relax. At mag-isip ng mabuti at kung paano maibabalik ang singsing nila Mommy.
Nangiti ako ng makita ko ang mala-paraisong lugar. Ilan na bang kasal at wedding anniversary ang dinaus dito maging kilalang mga politiko at mga sikat na artista pilit na nagpapa-book dito. Sa ganda at sa lawak ng lugar para kang nasa malapantasyang paraiso. Dito din ikinasal nila Mommy at Daddy maging sila Tito Dwayne at Tita Everlight. Maging mga best friends nila Daddy at Mommy. Saksi ako sa lahat ng yon. Maging ang aking kaibigang matagal na nawalay sa amin nakiusap din dito ikasal. Kung ako mag-aasawa gusto kung dito rin kami ikasal. "Damn!" Sigaw ko ng maalala ang babaeng sanhi kung bakit ako nandito. Hindi siya bagay na mapunta dito, hinding-hindi siya makakatapak sa lugar na ito. Hindi siya karapat-dapat sa ganitong lugar.
"Señorito maligayang pagdating po sa Clarita de Isla." Bungad bati ng caretaker. Kaya napabalik ako sa wisyo.
"Kumusta na po kayo dito Manong Carding?" Wala po bang nagiging problema dito?" Sunod-sunod kung tanong.
"Aba'y wala naman po Señorito. Kayo lang po ba mag-isa?" Tanong pa niya kaya napatango na lang ako.
"Hindi naman po ako magtatagal dito mga limang araw lang dahil uuwi rin ako sa birhtday ni Daddy gusto ko lang pong mag-relax muna bago sumabak sa bago kung trabaho." Aniko at dumiretso na ng lakad patungo sa mansyon. Ayun kay Mommy makasaysayan ang islang ito para sa kanila ni Daddy.
Nailing na lang ako ng maalala ang sinabi ni Mommy, dahil daw sa galit niya kay Daddy pinasabog niya ang lumang mansyon gamit ang improvised explosive devices na siya mismo ang gumawa. Kaya ang laki ng takot ni Daddy kay Mommy. Tutol din siyang pumasok kami sa military pero wala din siyang nagawa ng suportahan kami ni Mommy at Tito Dwayne nasa lahi daw namin ani Mommy.
"Kumain ka na Señorito Franz, pasensiyahan mo yan lang naihanda ko, hindi ka naman kasi nagsabing tutungo ka dito sana nakapaghanda ako." Aniya, nagmakita ko kung anung nakahain sa ibabaw ng mesa para tuloy ginutom ako. Puro sariwang isda, pusit, halaan at alimango.
"Ito ba ang sinasabi n'yong hindi pa nakapaghanda. Napakarami na nito Manong Carding. Halina kayo sabayan na ninyo ako." Aniko at naupo na matapos akung makapaghugas ng mga kamay.
"Katatapos ko lang kumain, lumabas lang ako ng matanawan ko yate mo." Turan niya kaya sa gutom ko nilantakan ko na ang masarap na mga sea food.
Pagtunog ng cellphone ko ang pumukaw sa masusi kung pag-aaral sa data ng kompanya. Isang text message galing kay Wyatt kaya agad kung binasa.
From: Bro. Wyatt:
Kuya, Ivan and Ace will be arrive at 6:45pm tomorrow, please pick them up at the airport. Basa ko kaya napamura ako bukas na nga pala birthday ni Daddy kaya dali-dali na akung gumayak para mas maaga akung makarating.
Bago ko pa nahinto ang sasakyan may nagmamadali ng babaeng lumabas ng gate namin at nagpalinga-linga pa siya, na parang may hinahanap at bawat sasakyan inaaninag niya.
"Talagang yan si bunso parang pagong." Saad ni Ace ng makilala niya ito.
"Hinahanap na niya tayo." Saad din ni Ivan. Kaya agad na silang bumaba ng sasakyan ng maihinto ko na ito.
"Kuya!" Usal niya at mabilis na nagtatakbo sa gawi namin. Agad din siyang yumakap sa amin.
"Musta na ang prinsesa namin?" Agad na tanong dito ni Ivan.
"Na missed ko kayong lahat mga kuyas." Aniya at mahigpit din yumakap sa akin.
"Miss na miss na din namin kayo." Turan ko at kinintalan siya ng halik sa noo.
"Kuya Franz mamaya na kayo pumasok after ng short message ni Daddy." aniya at binigyan niya kami ng instruction kung kailan kami lalapit kay Daddy.
Nakakobli lang kami dito sa halamanan tanging ulo lang namin ang nakalabas, medyo madilim din dito at hindi kami gaano nakikita. Pinagmamasdan namin sila Daddy at Mommy sa taas ng mini stage habang nagbibigay ng mensahe niya at pasasalamat sa dumalong mga bisita. Di nagtagal umakyat na rin si Wyatt at ang aking kapatid na bunsong si Kiara Princess. Dumalikod siya sa gawi namin at nag-sign ang mga daliri niyang pwede na kaming umakyat sa mini stage. Ikinober din nila ni Wyatt ang katawan nila para hindi kami agad makita nila Daddy. Pinagtitingin din kami ng ibang guest dahil ang dalawang kapatid ko naka complete uniform attired pa, naka abstract military camouflage pa rin na parang sasabak sa geyera buti nalang wala silang dalang baril. Payuko kaming lumapit sa stage hanggang makaayat na kami sa taas.
"Dad, Happy birthday" Bati namin sabay-sabay sa kanya. Kita ko ang pagkagulat sa mukha niya ganoun din Mommy. Agad niya kaming niyakap tatlo kaya hinila ko rin si Mommy para mayakap din namin. Pasimple rin nagpahid ng luha niya si Mommy kaya natawa ako.
"Hindi ko alam na makakauwi kayong tatlo ng sabay-sabay." Garalgal na boses niyang wika. "Sabi ni Wyatt hindi daw kayo uuwi." dagdag pa niya. Kaya nagbigay nalang ng maikling mensahe sila Ivan at Ace. At ng ako na ang may hawak ng mic nilingon ko pa si Daddy bago nagsalita.
"First i just want to greet our Dad a happy birthday, this is your night Dad." Aniko at muling nilingon siya. "And.. i just want to announce that i will be the next CEO of Villanueza group of company, when my Dad stepped down from his position. I just want to manage our business soon. Para makapag-relax na sila Daddy at Mommy. I just.."
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla nalang akong niyakap ni Daddy na may namumuong mga luha sa kanyang mga mata. Ito ang matagal na niyang dinadalanging, ang may isa sa aming magkakapatid na mag-manage ng business nila. Pumalakpak naman ang mga tao matapos akung yakapin nila Mommy.
"That's my man!" sigaw din ni Tito Dwayne na ikitawa ko.
"Are you serious son?" hindi makapaniwang tanong niya kaya natawa ako.
"I'm serious to death Dad. Aaralin ko na po lahat simula sa monday." Aniko
"Thank you son." usal niya. Maging si Mommy hindi nakapaniwala.
"How about your obligation? Your job." usal ni Mommy.
"I already resigned Mommy from my job. And i was finished my master's degree in US, Business Adm. and Accountancy." Pagtatapat ko sa kanila. Kaya naglalaki ang mga mata nila ni Daddy na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Ask them" dagdag ko pa at itunuro ang mga kapatid ko.
"Bakit hindi niyo sinabi sa amin?" Singhal na niya sa mga kapatid ko. Pero niyakap naman niya ng mga ito.
"Mom, surprise nga daw po para sa inyo sabi ni Kuya. Kami na po umakyat sa stage noong graduation day siya." Pagyayabang pa ni Wyatt at niyakap si Mommy.
"Porquet matatanda na kayo hindi na n'yo kami naalala." Pagtatampo ni Mommy.
"Mahal hayaan mo na ang mga bata. Maganda naman ang ginawa nila." Alo naman ni Daddy dito.
"Huwag ka ng magtampo Mom." Aniko at niyakap din siya.
Alam kung masayang-masaya sila Mommy lalo na si Daddy sa naging disisyon ko. Kita ko sa mga mata niya ang kislap ng kaligayahan na hindi matatawaran. Tama lang ginawa ko. Hindi ko man mahigitan ang naging achievement ni Lolo Frank bilang isang military high ranking official, at least natapatan ko siya. At tulad ni Lolo Frank noon kapanahonan niya nagsakripisyo din siya alang-alang kay Mommy kaya kaya ko rin yun gawin para sa pamilya ko.
"Kailan mo sasabihin kay Daddy?" Bulong ni Wyatt sabay siko niya sa akin. Kaya napabalik ako sa malalim na pag-iisip.
"Baka bukas na lang ayaw kung masira ang gabing ito." Ganting bulong ko sa kanya. "Dalawin muna natin bago ko sabihin kay Daddy." Dagdag ko pa pero kita kung nanglaki ang mga mata niya.
"Ikaw na lang." Usal niya. Matanda na siya pero may trauma parin siya kay Lola Lorena.
.
.
.
.........................................................
... please follow my account and
... add my stories in your library.
... ..........."Lady Lhee"..........
.........thanksguys.... loveu...lrs...