Chapter - 3

2589 Words
Alam kung ngayon lang sila nakakita at nakahawak ng ganitong kahi-tech na mga gamit. Kaya namamangha silang dalawa at nakaaaliw silang pagmasdan.Tuwang-tuwa sila at maingat na sinusuri ang bawat isa. Spy camera ito with audio, day and night vision." turo niya sa apat na maliit na camera sa harap nila. At isa-isa niya pinaliwanag dito kung ano ang kakayahan ng mga ito upang makakuha ng magandang angulo at marinig ang linyang bibigkasin ng sino man magsasalita, may sari-sarili rin sukat at hubog ang bawat isa. May spy pen din tulad ng isang ordenaryong panulat, at animo isang crystal vase lang ang iba na pwedeng ipatong sa sa working table, meron din pwedeng idikit lang sa wall. Kaya mas lalong namangha sila ng malaman ang kapasidad ng mga ipinakita nitong sari-saring hi-tech na gamit. "Para talaga tayong nasa pelikula nito. Sa tv ko lang nakikita ang mga ito. Meron din pala sa totoong buhay ng ganito. Ngayon nahahawakan ko na magagamit ko pa. Bulalas pa ni Avita. "Bakit may mga ganito ka Franz? Saan mo kinuha ang mga ito? Siguradong hindi ka magkakaroon nito kung wala kang connection, hindi basta-basta ang mga ito. Baka wala rin nito dito sa Pilipinas." Mahabang wika nito. Pero nanatili lang siyang tikom ang bibig. Hindi pa panahon para sabihin nito ang tunay niyang trabaho. "Mahal ang mga ito. Ginagamit lang talaga ang mga ito sa malalaking secret operation para mahuli ang kreminal." Saad din ni Isaac. Inabut din sila ng halos tatlong oras sa pag-uusap bago nagpaalam ang mga ito. Pero bago pa lumabas ng pinto si Avita hinarap pa siya nito at kinumpronta. "Hoy Franz, girlfriend mo na pala si Panchita. Kailan pa naging kayo? Bakit hindi mo man lang nasabi sa akin. Alam mo bang sira ulo ang babaeng yon baka gamitin ka lang." Tunggayaw nito sa kanya at bahagya pa siyang tinampal sa braso. "Kilala ko ang babaeng yon, hindi kami closed non, pero buhat ng dumating ka naging closed na kami. Kahit iniiwan ko siya lagi parin sunod ng sunod sa akin." Dagdag pa nito. "Mabait naman atska maganda." aniko na lang at nginitian siya. Dahil hindi ko rin alam kung paano ko siya naging girlfriend, basta ang alam ko grilfriend ko na siya. "Mag-iingat ka sa kanya. Yan lang masasabi ko sayo. Lalo na sa nanay niya." Usal pa niya at lumabas na ng pinto. Kumaway pa silang dalawa ni Zack at nagdiretso ng naglakad. Maging siya nga nahihiwagaan din dahil bigla nalang niyang naging girlfriend ito. Hindi naman mahirap magustohan ang dalaga dahil maalalahanin ito tulad ng mommy niya kaya nagustuhan din niya ito. Kahit nuong una palang niya itong makita naagaw na ang pansin niya nito. Plano niya talagang ligawan ito pero wala pang ligawan nangyari, naging nobya niya na ito agad. Naipilig nalang niya ang ulo ng maalala ang nobya. Niyaya niya itong manuod ng sine sa darating na linggo. Ang unang date nila, sa loob ng dalawang linggo nila bilang mag-nobya ngayon lang niya ito maide-date na silang dalawa lang. Nahuhulog na nga ang loob niya sa dalaga, malambing at maalaga ito. Nakangiti siyang pumasok na sa loob ng bahay nila. Iniligpit niya ang mga tasang pinag-inuman nila ng kape at hinugasan ang mga ito. Matapos niyang magawang linisin ang kalat nila umakyat na siya sa hagdanan at pumasok sa kwarto niya para pagtuunan naman niya ng pansin ang laptop niya. Kailangan na niyang aralin ang mga negosyo nila dahil siya na ang papalit sa posisyon ng kanyang ama. Palihim niya itong ginagawa sa tulong ni Wyatt. Ito lang ang tanging nakakaalam na nag resigned na siya sa serbisyo para tuparin ang pangarap ng ama na sana may isang anak itong hahalili dito at mamamahala ng negosyo nila, dahil ang inaasahan nitong kapatid nilang bunsong nag-iisang babae wala rin hilig sa pagnenegosyo. Kaya naisipan nila ni Wyatt na sorpresahin ang ama sa darating nitong kaarawan. Nakapangalan din sa kanya ang halos kalahati ng negosyo nila. Maging ang airline na kinuha ng Mommy niya sa Daddy niya nakapangalan din sa kanya. Ang mga negosyo at ibang ari-arian ng mga Khan nailipat na sa pangalan niya bata palang siya. At hanggang ngayon hindi na ito binago. Kaya kailangan siya talaga ang magsakripisyo, ganuon din ang sabi ng kapatid niya, bilang panganay sa kanilang limang magkakatid siya daw dapat ang papalit sa kanilang ama. Marami ng sinakripisyo ang kanilang ama para sa kanilang mag-kakapatid at saksi siya sa lahat ng hirap ng mga magulang. May baka sa dibdib kung masusing sinisipat ang kumikinang na singsing, ngayon ko planong mag-propose kay Panchita dahil nais ko na siyang ipakilala kila Mommy. Pagnatapos ang misyon ko dito sa hacienda. Masaya ako kapag kasama ko siya napakalambing niya. Kahit marami akung naririnig tungkol sa kanya hindi ko yon pinapansin dahil hindi naman yun ang nakikita ko sa kanya. Mapagmahal siya at maalalahanin. Nakikita ko sa kanyan ang ugali ni Mommy. Tamang nga sigurong may ipakilala na akung girlfriend pag ako na naging CEO. Isa daw sa hinahanap ng mga investors at mga board, dito daw makikita kung responsable kang tao. Hindi man ako kumbinsido sa paniniwala nila pero pagbibigyan ko sila para walang maraming usapan. Naligo na ako at ng nagbihis ng medyo ayus para hindi naman nila ako laging nilalait. Mga luma at wala sa uso daw ang mga damit ko. Hindi ko lang masabing pinaglumaan talaga ang mga sinusuot ko dahil props ko lang ang mga ito. Dahilan ko nalang na walang pambili ng bago. Hinimas-himas ko pa ang aking balbas na may kahabaan na, sinadya ko talagang pahabain para magmukha akung gusgusin. Maging ang buhok ko hanggang balikat ko na rin. May ngiti sa labi akung lumabas ng bahay at dumiretso sa may manggahan dahil alam kung lahat ng mga kasamahan kung trabahante anduon ngayon dahil may konting salo-salo upang ipagdiwag daw ang malaking inani ngayon. Kaya kailangan kung samantalahin kompleto ang lahat ng tauhan para masaksihan nila ang gagawin ko. Kinakabahan man pero disidido na ako sa gagawin ko. "Eto na ang singsing mo. Ibinabalik ko na sayo ang singsing mo na mukha naman pwet lang ng baso. Walang kinang kaya alam kung fake lang yan at baka kung saan mo lang bangketang binili yan." mariin saad niya sakin at padabog niyang inilagay sa aking palad matapos niya hugutin sa isang daliri niya ang singsing na isinuot ko lang sa kanya kanina. "Panchita hindi ba pumayag ka naman kaninang nag-propose ako sayo. Huwag ka naman magbiro ng ganito." Malumanay kung turan na may halong kaba saking dibdib. "Oo pumagay ako pero hindi ibig sabihin nuo'y payag na akung magpakasal sayo. Alam na alam mong ayaw kung makapag-asawa ng isang hamak lang na magsasaka at tauhan lang sa hacienda. Dito na ako pinanganak at ayaw kung dito rin mamatay. At habang buhay nalang magsisilbi sa mga Khan. Ayaw kung maging alipin nalang habang buhay. At alam mo kung ano ang gusto ko. Kung mag-aasawa man ako yung mayamang kayang ibigay lahat ng nanaisin ko hindi tulad mong mas mahirap pa kaysa akin. Ni walang ambisyon laging nakatanghod sakin." litanya niyang humihingal "Kung yaman lang ang kailangan mo kaya ko din yun ibigay sayo magtiwala ka lang sakin." Pagsusumamo ko pa sa kanya. "Maghintay ka lang ng ilang panahon at matutungonan ko lahat ng pangarap mo." Dugtong ko pa. "Hindi na dahil alam kung wala ka ng magagawa. Kung hindi lang ako nahihiya kanina sa mga taong nakapaligid sa atin hinding-hindi ko tatanggapin ang fake mong singsing." Singhal pa niya. At nagmartsa na siyang lumakad palayu sakin. Kaya agad ko siyang hinabol at niyakap ng maabutan ko siya. "Babe please pag-usapan natin ito. Huwag mo naman akung iwanan hindi ba sabi mo mahal mo ako. Alam mo kung gaano din kita kamahal." pagmamakaawa ko sa kanya. Siya ang unang babae minahal ko, marami man nagdaan babae sa buhay ko pero puro panandalian lang yun at walang seryosong ugnayan. Pero siya minahal ko at nerespeto. Kulang nalang lumuhod ako sa harapan niya sa pagmamakaawa."Babe mahal na mahal kita. Ikaw lang ang nag-iisang babae sa buhay ko alam mo yan." dagdag ko pang pagmamakaawa. "Ano ba bitiwan mo nga ako Franz." singhal na niya sakin at pilit niyang kinakalas ang mga braso kung nakayakap sa kanya. "Please, Panchita huwag mo akung iwan lahat ng gusto mo ibibigay ko sayo dito ka lang sa tabi ko." pakiusap ko pa. "Ano ba Franz. Tama na nga drama mo." sikmat niya at itinulak ako ng ubod ng lakas. Kaya nagkahiwalay ang aming katawan. "Sa isang araw sasama na ako kay Harvie papuntang lungsod duon na ako titira at magtratrabaho kasama siya kaya wala ka ng magagawa pa. Mabubulok ka nalang dito sa bukirin ng mga Khan. Tulad ka rin ng Lola mo tumanda na siyang nagsisibi sa mga Khan hanggang sa mamatay siya taga silbi parin siya." singhal niya sakin at nagmamadali na siyang naglakad papalayu sakin. Wala akung nagawa kung hindi pagmasdan ang papalayung bulto ng katawan niya na halos magtatakbo palayo sakin. Ang una kung pag-ibig na inakala kung panghabang buhay na. Kaya inalagaan at minahal ko siya na halos bantayan ko na siya araw at gabi. Umabot din ng apat na buwan mahigit ang relasyon namin. Lahat ng gusto niya pilit kung sinusunod at binibigay pero balewala lang pala sa kanya ang mga ginagawa ko para sa kanya. Maging ang panlalait at pang-aalipusta ng nanay niya tiniis ko para sa kanya. Hindi ko rin binigyan pansin ang mga babala nila Avita at Zack. Ang tanging sinunod ko lang ang idinidikta ng puso ko. Ngayon lang ako nasaktan ng ganito. Masaķit palang talikuran ka ng babaeng mahal mo at ipagpalit ka sa ibang lalaki. Ilang minuto pa akung makatulalang makatayo kung saan ako iniwan ni Panchita. Mabibigat ang aking mga paa na parang may malalaking batong nakadagan. Hindi ko maihakbang ang mga ito, bagsak din ang aking mga balikat, nanghihina rin ako para akung tinakasan ng lakas. Halos lahat ng oras ko inilaan ko sa kanya para ipadama kung gaano ko siya kamahal ngunit iba pala pakahulugan niya sa mga ginagawa ko. Sayang lang effort ko. Sa dami ng mga babaing nagdaan sa buhay ko ngayon lang ako nakatanggap ng rejection. Ang mga babae ang lumalapit at nagbibigay ng motibo sa akin para mabigyan pansin ko. Mga babaing liberated. Ang akala kung may pagpapahala sa dangal dahil isa siyang probinsiyana hindi pala tulad din siya ng mga nakilala kung mga babae, pera lang habol sa sa'yo. At pagwalang kang pera ibabasura ka. Hindi ko alam kung paano ako nakauwi sa bahay ni Lola Caring ang alam ko lang kanina may mga tumatawag sa akin pero hindi ko sila nilingon. Pagpasok ko sa loob ng bahay agad akung umakyat sa taas at pumasok sa aking kwarto, nagpalit ako ng damit at agad din lumabas. Gusto kung mapag-isa, gusto kung lumayo muna, at mag-isip. Masakit sa dibdib at mahirap tanggapin hindi dahil sa mahal ko siya kung hindi ni-reject ka ng isang simpleng babaeng ni wala sa kalingkingan ng mga naging babae ko. Malalaki ang hakbang kung tinalonton ang daan palabas ng bukirin patungo sa kalsada, itong pinakamalapit na daan palabas dito. Pinara ko ang tricycle na dumaan at agad sumakay, nagpahatid ako sa kabayanan kung saan ko iniiwan ang aking sasakyan. Kahit maalikabok wala na akung pakialam ang gusto ko lang makalayo muna sa lugar kung saan naranasan ko ang unang kabiguan. Sa unang babaeng aking minahal.Tama nga sila Avita. Dapat sinunod ko nalang sila nuon at hindi hinayaang nahulog sa patibong niya. "D'yan na lang ho sa tabi." utos ko kay Manong driver, agad naman niyan ihinto sa tabing kalsada. Inabut ko na sa kanya ang limang daan at iniwan na siya kahit tinatawag pa niya ako para daw sa sukli. "Sa inyo na ho." sigaw ko nalang dahil medyo malayo na ako sa kanya. "Good morning sir." Bati ng security guard na bantay sa private parking lot. "Kukunin na po ba ninyo ang sasakyan n'yo sir?" Dagdag pa niya kaya tinanguan ko na lang siya at nilampasan na siya. Sumakay rin agad ako sa aking sasakyan matapos kung pasadahan ng tingin ang kabuoan nito. Medyo maalikabok na ito dahil ilang buwan ko rin hindi nagagamit buti na lang at may bubong ang space ko. Pagtapat ko sa outpost ng guard inabutan ko siya ng lilibohin kita kong nagulat pa siya. "Boss ang dami po nito, sobra-sobra na po ito. Bayad na po n'yo ang anim na buwan." Saad niya habang hawak-hawak niya ang record book niya. 'Sayo na pang miryenda mo." Turan ko at iniwan na siyang nakanganga. Pinaharutrot ko na ang sasakya palayo at walang direksyon kong saan patungo. Hindi ko pa alam kung saan ako pupunta. Kailangan ko parin bumalik sa hacienda para sa aking misyon. May mga pinaghihinalaan na ako pero kailangan ko pang makasiguro. Nawalan ako ng focus sa talagang misyon ko dahil sa kanya napunta ang lahat ng attention ko. Sinayang ko lang pala ang panahon ko sa kanya. Isa pala siya huwad at mapagpanggap na babae. Pera lang mahalaga sa kanya, sa kanila ng nanay niya. Magkikita tayung muli at ipakikilala ko sayo kung sino ang sinayang mo. Kung sino ang nilalait ninyong mag-ina. Kinapa ko sa bulsa ng polo ko ang singsing. Ilang oras palang ang lumipas muna ng ibalik niya ito sa akin. Muli nagsisikip na naman ang aking dibdib sa sama ng loob sa pag-iwan niya sa akin at ipinagpalit sa iba. Kaya binuksan ko ang salaming bintana ng kotse ko upang pumasok ang sariwang hangin. Ano bang maling nagawa ko at iniwan niya ako at ipinagpalit sa iba? Dahil ba sa iniisip niyang isang hamak na magsasaka lang ako at tauhan ng mga Khan tulad ng isinisigaw niya kanina kaya inayawan niya ako. At sa galit ko mariin kung naikuyom ang aking palad na may hawak ng singsing at sa sama ng loob naibalibag ko ito at dumiretso sa labas ng bintana. "f**k! s**t!" Sunod-sunod na mura ko ng magising ako sa katotohanan. At maalala kung engagement ring nga pala nila Mommy at Daddy ang singsing. Agad sana akung mag-u-u-turn pero hindi pwede dahil may center island kailangan ko pang dumiretso bago ako makabalik. Tandang-tanda ko pa na dito sa gawing ito ko lang naihagis ang singsing ngunit wala na akung makita isang oras na yata akung parang tangang naghahanap dito paikot-ikot kasama ang tatlong batang nagbultaryong tulongan akung maghanap. Nakayuko kami ng mga bata at masusing pinagmamasdan bawat pagitan ng mga buhagin at bato maging ang mga bitak ng semento sinusuri at sinisilip namin baka nasingit sa siwang. "Kuya ano po bang hitsura ng singsing n'yo?" Tanong ng isang bata katulong kong maghahanap. Kanina pa rin sila pabalik-balik ng lakad na mataman din nakatutok ang mga mata sa lupa. Pinagtitinginan na rin kami ng ibang taong dumaraan. Pero mas mahalagang makita ko ang singsing ni Mommy. Ngayon ako nagsisisi kung bakit ang engagement ring pa nila Mommy ang kinuha ko dapat bumili na lang ako ng iba. Wala pa sana akung problema ngayon. Himutok ko pa. "May tatlong bato siya sa gitna, dito ko lang yon naihulog. Pagnakita n'yo bibigyan ko kayo ng malaking pabuya, ililibre ko rin kayo sa Jolibee." Turan ko sa kanila. Kita ko ang pag-aliwalas ng mga mukha nila. Halos mabali narin ang katawan nila sa pagkakayuko at mulat na mulat din ang mga mata nilang marahan nagpapaikot-ikot at umaasang makikita ang singsing. . . . . . ......................................................... ... please follow my account and ... add my stories in your library. ... ..........."Lady Lhee".......... .........thanksguys.... loveu...lrs...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD