Chapter - 2

2582 Words
Kinabukasan madilim-dilim palang bumagon na ako para gumayak patungo sa trabaho ko. Kailangan kung makarating ng mas maaga para makita ko ang nangyayari sa paligid. Gusto kung mahuli kung sino ang gumagawa ng hindi maganda sa loob at labas ng hacienda. Kailangan kung manmanan ang bawat kilos ng tao sa paligid ko. Kailangan maaga din akung magtungo sa manggahan dahil yon ang biling ni Manong Felix. Para natapos na daw kami sa pag-ani ng mangga dahil sa isang araw darating daw ang buyer ng mga mangga. Dito ko makikita kung paano sila magbentahan at kung sino ang may contact sa buyer. Kailangan kung pag-aralan ang mga galaw ng bawat isa para malaman ko kung sino ang kalaban at kakampi. Kung saan napupunta ang pinagbentahan nito, kung naka-record at inirereport ba ang saktong halaga ng ibinayad sa mga produkto. Nagsisimula palang sumikat ang haring araw, tinalunton ko na ang daan papuntang manggahan bitbit ko ang isang platic bag na may lamang pabaon ni Lola Caring na pananghalian ko raw at pang miryenda. Gusto kung makita ang mga tao kung gaano sila katapat sa trabaho nila. Gusto kung makilala silang lahat. Kanina nilibut ko ang puno ng mga cacao wala pa ni isang tao marahil madilim pa at masyado pang maaga. Mukhang tama nga ang sabi nila malapit narin anihin ang mga bunga ng mga cacao. Luminga-linga pa ako ng malapit na ako sa distinasyon ko. Wala pa akung makitang tao sa palibot ng manggahan mukhang ako ang nauna. Kaya pinagtatuloy ko pa ang lakad ko hanggang may matanaw din ako sa di kalayuan mga taong naka-umpok nag-uusap. Nilingon nila ako ng maramdaman nila ang mga yabag ko dahil sa pag-ingit ng natatapakan kung mga dahong tuyo na nagkalat sa lupa. "Magandan umaga po" Bati ko sa kanila ng makalapit ako. "Ikaw pala Franz magandang umaga din." Balik bati din ng isa. "Ang aga mo rin palang pumasok." Turan din ng isa. "Bago lang kasi kaya maaga, pagtumagal na yan magiging pasaway na rin yan." Saad pa ng isang lalaki, at nginisihan pa niya ako. Gusto ko siyang bigyan ng isang sapak sa mukha, kaya lang kailangan kung maging mahinahon. Isang pilit na ngiti na lang ang naging tugon ko sa kanilang lahat, hindi na ako umimik at nakiramdam na lang. Mukhang may inggitan dito at palakasan nangyayari dahil simula palang kahapon pansin ko ng sa aking ibinibigay lahat ng utos. Kahit alam nilang bago ako dito o sadyang pag-bago ka kakayan-kayanin ka na lang nila. Gagawin utusan kahit sa kanila naman dapat ang trabaho. Mas madami pa ang oras ng pahinga nila kaysa oras ng trabaho. Kanya-kanya din sila ng hilian sa trabaho kahit toka naman nila ang gawain. Katamaran talaga sa katawan ang pinaiiran nila. "Andito ka na rin lang magsimula ka ng umakyat sa puno at mamitas, siguraduhin mo walang malalaglag na bunga dahil magsasayang ka lang at baka makarating pa yan kay Donya Lorena mawalan ka pa ng trabaho kawawa ka naman. Kahit apo ka pa ni Aling Caring pwede ka ring palayasin dito." Mahabang wikang pambubuska pa niya. Sa nipis ng katawan at liit niya, isang sipa at tadyak ko lang dito sigurado akung hindi na ito makakalakad. Hindi ko nalang siya pinansin, naglakad na ako para maghanap na punong maraming bungang pwedeng akyatin. Baka hindi na ako makapagtimpi ibitin ko pa sila sa mga sanga. Tatandaan ko mga mukha n'yo at babalikan ko kayo, hindi ko kayo kailangan dito. Piping bulong ko sa isipan ko habang pomoporma na sa pagakyat sa puno. Muli ko pa sila pinasadahan ng tingin at mabilis ng umakyat sa puno. Bilang na ang mga araw n'yo bulong ko ng makarating ako sa taas. Nakakawili rin mamitas ng mga bunga lalo na pagnakikita mong namimintog sa laki ang bawat isa, makikinis din ang balat nila dahil sa nakablot na dyaryong nagbibigay proteksyon dito para hindi mapinsala ng mga insekto at hindi rin magasgasan. Ang matataas daw quality ng bunga nito ay ini export sa ibang bansa at ang mga reject sa local market lang bagsak. At sa dami ng ani bawat season paniguradong malaki rin ang kinikita nito. Ang record nito ang isa sa gustong-gusto kung makita. Dalawang linggo na ako dito pero hindi ko pa nakikita kung sino ang hudas ng hacienda. "La paano ako makakapapasok sa loob ng mansyon ng walang makakakita at nakakakilala sa akin? Gusto kung makita ang record ng mga transaction dito sa hacienda, ilang ba ang taong nakatira duon?" Sunod-sunod na tanong ko dahil ayaw ko naman makagulo at baka malaman pa ni Lola na andito ako. Kailangan ko parin magingat. "Lola, may iba pa bang staff o tauhan bukod sa katulong at nurse ang nakatira sa mansyon?" Ulit kung tanong. Ngunit bago pa nakasagot si lola may mga mahihinang katok sa pinto na kaming narinig. "Nana Carinngg!" Sigaw ng nasa kabilang dahon ng pinto. Kaya tumayo na si Lola Caring at naglakad patungo sa pinto para pagbuksan ang bagong bisita. Naiwan lang akung prenteng nakaupo sa kahoy na bangko. "Magandang gabi Nana Caring isusuli ko lang sana itong hiniram namin gamit sa inyo." Dinig kung wika ng boses babae. "Hali kayo pasok kayo." Anyaya pa ni Lola Caring sa mga tao. "Hi! Franz." Bati niya kaya napaangat ako ng mukha. "Avita ginagabi yata kayo." Usal ko at tumayo na para lapitan siya. "Sinong Franz ba binabati mo?" Tanong ng isang babaeng may edad na rin. "May bisita ka pala Nana Caring." Dugtong pa niya. "Franz, Nanay ko nga pala." Pakilala niya sa akin. Pero hindi naman umimik ang nanay niya at pinakatitigan lang akong mabuti bago pa niya nilingon si Lola Caring. "Siya na ba ang anak ni Ma'am Ella?" bulong niya kay Lola Caring pero dinig ko pa rin, bahagya din tumango si Lola. "Naku, ka laking tao mo na pala ngayon Señorito. Ang gwapo mo kamukhang-kamukha mo si Sir Clark" Usal niyang bigla na ipinagtaka namin maliban na lang kay lola. "Hindi mo na ba ako natatandaan? Ako ang nag-aalaga sayo pag andito ka sa hacienda. Ako ang yaya mo nuon." Aniya. "Ang Yaya Liza mo. Marahil hindi mo na ako namumukhaan." dugtong pa niya. Kaya napatingin ako kay Lola. "Halika kayo, dito tayo sa loob mag-usap." Singit ni Lola at agad naman sila nagpasukan sa loob. Kaya sumunod na rin ako. "Magsiupo kayo." utos pa niya. Sa atin-atin lang ito." bungad ni Lola at pinaliwanag niya dito kung bakit ako dito nakatira. Sinabi din niya ang sitwasyon namin. Una hindi siya makapaniwala. Pero nangako rin silang makikipagtulongan. "Boss ka pala namin Señorito." Usal ni Isaac na hindi makapaniwala. Ganun din si Avita na nakamulagat lang sa akin. "Bakit hindi mo na ba natatandaan si Isaac siya ang batang lalaking lagi mong binigyan ng mga laruan at pagkain mo." Ani Yaya Liza. Maging siya hindi ko narin namukhaan, may ilang hibla na ng buhok niya ang kulay puti. May wrinkles narin siya sa paligid ng mga mata. "May natatandan po akung maliit at payat na bata nuon si Zack, yun laging umiiyak." aniko dahil lagi siyang may sakit nuon kaya ipina-doctor pa ni Mommy. "Naku, siya na nga ang Zack na tinatawag mo nuon na sakitin. Si Isaac pamangkin ko." Aniya. Kaya nangiti ako. "Si Avita naman siya ang binagbubutis ko nuon na lagi mong sinasabing magiging kapatid mo." dagdag pa niya. "Ikaw pala ang laging ikinukuwento ni Nanay sa amin na apo ni Donya Lorena na alaga niya." Saad din ni Avita. "Señorito tutulongan ka namin, magsabi ka lang." ani Isaac. Mukha naman siyang seryoso sa sinasabi niya, mukha rin siyang mapag kakatiwalaan. "Franz na lang Zack. Huwag kayung mag-alala kailangan ko talaga ang tulong n'yo dahil hindi ako pwedeng pumunta sa mansyon, hindi ako pwedeng makita ni Lola." Saad ko. Malaki ang maitutulong nila sa akin sa gagawin kong plano. Sila ang gagamitin ko para mapasok ang mansyon. Umabot din ng ilang oras ang pag-uusap namin tungkol sa mga plano ko at dapat nilang maging partisipasyon. Gusto kong mahuli ang mga kreminal na sumasabutahe sa transaksyon ng pinagkakakitaan ng hacienda, para matapos na ito, para makabalik na ako sa dating buhay ko. Ang ibang negosyo naman ni Lola ayos naman daw ang takbo ayun kay Wyatt, namo-monitor naman daw ni Daddy ito lang talagang hacienda ang problema ko. Dahil wala kaming control dito at tanging si Lola lang namamahala nito kaya nga dito niya piniling manirahan. "Ayyy!" Isang tili ng babae ang gumambala sa pamamahinga ko at pagmamanman sa mga tao sa paligid. Kaya napatayo ako at dali-dali ko siyang nilapitan. "Are you alright?" What happened? Are you hurt?" Sunod-sunod kung tanong sa kanya ng makita ko siyang nakapasaldak sa batuhan hawak niya ang kanyang paa. "Hindi mo ba kayang tumayo? Masakit ba paa mo?" Muli kung tanong ng hindi siya tumitinag sa pagkakaupo kaya agad akung yumoko para binuhatin siya dahil alam kung hindi na siya makakatayo. "Masakit yung paa ko. Nadulas ako sa bato." Umiiyak niyang turan, kumapit pa siya sa leeg ko kaya amoy na amoy ko natural body scent at ang pabangong ginamit niya. Mamasa-masa pa rin ang buhok niya, mukhang bagong paligo lang siya. Dumidikit din ang malulusog niyang dibdib sa aking katawan. Ibinaba ko siya sa damuhan dahil iba na ang aking nararamdaman, lalaki ako at babae siya, paanong hindi ka mag-iinit kung ganito ang didikit sayo. Kita ko rin ang cleavage niya. Umupo ako sa paanan niya para tingnan ang paa niyang masakit para sana hilutin pero nagkamali yata ako ng pwesto dahil kita ko ang bikini niyang kulay pulang lace. Isang short slevee loft denim dress lang suot niya may mga butones sa harap hanggang baba, hindi rin nakasara ang tatlong botones sa bandang taas kaya kita ang hinaharap niya, hanggang tuhod lang haba nito. Para siyang pupunta sa kung saan samantala dito lang naman siya sa manggahan naglalagi. "Damm!" Mahinang mura kung sunod-sunod dahil sa tanawing masisilip ko. Lalo tuloy akung nagiinit. Ni hindi man lang niya kinipit ng tuhod niya ang kanyang damit. "Masakit pa ba?" Tanong ko sa kanya habang banayad kung hinihilot ang ang paa niya. "Iiyak ba ako kung hindi masakit." Angil niya at padaskol na pinahid ang luha sa pisngi. "Arayy! Masakit tili niya ng bahagya kung ginalaw ang paa niya kaya natawa ako sa hitsura niya. Para siyang batang napalo sa pwet. "Anung nakakatawa. Umiiyak na nga ako pinagtatawanan mo pa ako." Sikmat pa niya kaya ako na nagpahid ng mga luha niyang naglalandas sa mga pisngi niya. "Sshh.. Huwag ka ng umiyak, mawawala din yan mamaya, ipahinga mo lang." Aniko. "Ano ba kasing ginagawa mo sa batuhan?" tanong ko na sa kanya. Dahil ang luwang naman ng patag na lupang dapat daanan sa batuhan pa niya napiling maglakad. "Duon lang kasi ang malilim na daan." Anas niyang humihikbi, kaya kinabig ko siya at dinala sa dibdib ko para yakapin at tumigil sa pag-iyak. Pero lalo tuloy akung mag-init sa ginagawa ko. Lalo akung nadarang sa init na nagmumula sa katawan niya. "Huwag ka ng umiyak. Papangit ka niyan." pagpapatahan ko sa kanya. Buti na lang at walang tao sa lugar namin dahil oras ng pahinga, dahil kung may makakakita sa amin baka isip pa nilang may ginagawa kaming hindi maganda. "Sino ba kasing hindi iiyak kung halos mabali na ang paa mo." Angil pa niya. Simula ng makilala ko sila lagi na silang nasa tabi ko kasama si Avita kahit tinatarayan niya ako, lagi siyang nagpapa-alala sa akin. "Ano bang ginagawa mo dito? Saan ka ba pupunta? Tanong ko dahil nakabilis siya nakasandalyas din siya ng tatlong pulgada ang taas kaya natapilok. Bakit kasi ang mga babae ang hilig sa mataas ang takong na sapatos kahit hirap na hirap naman maglakad, nagririklamo rin masasakit ang mga binti. Hindi kaya nila napapansing lumalaki rin mga muscle nila sa binti ng dahil sa taas ng heels ng sapatos na suot nila. "Pupuntahan ko si Avita, susunduin ko siya, pupunta kami sa bayan." Tugon niya. "Paano ka makalakad niyan kung masakit paa mo? Kung gusto mo samahan ko na kayo." Aniko. Pero sumimangot lang siya. "Magpapaalam ako kay Manong Felix para samahan ko kayo." Dagdag ko pa. Kita kung umaliwalas ang mukha niya. Sinamahan nga niya ang mga itong pumunta ng mall naglibut sila at bumili ng ilang perasong gamit. Nagkayayan din silang manuod ng sine ng makita nilang paborito nila ang mga bida sa isang pilekula. Hindi rin siya lumalayo sa dalaga at lagi rin naka-alalay kay Panchita dahil medyo hirap pa itong maglakad. Lagi din itong nakapit sa braso niya. "Umamin ka nga, kayo na ba ni Franz?" Bulong dito ni Avita ng magpaalam ang binata para mag cr. Dahil kanina pa niya ito napapansing nakahawak sa braso ni Franz maging sa loob ng sinehan magkatabi ang mga ito at hindi naghihiwalay. Hindi lang niya alam kung may ginagawa ba ang mga itong milagro. Sa mahigit isang oras nilang panunod nakahilig lang ang kaibigan sa balikat ng binata, makaakbay naman ito sa kaibigan niya. Nahihiya nga siyang lingonin ang mga ito. "Sa palagay mo? Bakit wala naman masama pareho naman kaming single. Ang gwapo kaya ni Franz kita mo naman daming nagpapa-cute sa kanya." Saad nitong nangiingit. Kita rin ang kakaibang ngisi sa mga labi nito. Kinabukasan nagulat pa siya dahil kumalat na sa mga kasamahan ang balitang mag nobya na sila ni Panchita. Hindi na lang siya umimik dahil gusto muna niyang makausap ang dalaga. Nag-aalala din siya sa dalaga baka kung anong isipin nito sa kanya. Misunderstood lang ang lahat at pawang tsimis lang ang kumakalat na balita. "Hi Franz!" Isang malambing na tinig ang nagpalingon sa may likuran niya. At atomatiko itong lumapit at humalik sa pisngi niya kahit may mga tao sa paligid nila. Nagulat man siya sa ginawa ng dalaga, kumislap naman ang mga mata niya sa tuwa. "Isaac! pasok kayo. Hintayin n'yo na lang sa sala si Franz baba na yon." Utos nito sa kanila. Pagbaba niya sa maliit nilang salas kita niya agad ang dalawang bulto ng katawan kaya napabalik siya sa kwarto niya. Binitbit niya ang may kalakihan karton na naglalaman ng mga gamit niya, malalaki ang hakbang na muli siyang bumaba ng hagdanan upang puntahan ang mga tao sa sala. "Pre, ito na yong mga sinasabi ko sa inyo." Bungad niya sa mga ito. At isa-isa niyang ipinakita ang laman ng karton. Ipinaliwanag niya sa mga ito ang dapat gawin at saan lugar ikakabit ang mga bagay na makatutulong para mahuli nila kung sino ang salarin sa mga tao sa loob ng mansyon. Mataman naman nakikinig ang mga ito sa mga sinasabi niya. "Huwag kayong mag-alala naka-connect na yan sa gadget ko once na naikabit na n'yo yan automatic na mabe-view ko na. Madali ko nalang mamo-monitor ang bawat galaw nila kahit madilim at nakasarado pa ang ilaw, malakas din ang audio recording niyan kahit mahina lang usapan nasasagap ng recording piece." Mahabang paliwanag niya sa mga ito. Isa-isa rin sinisipat ni Zack at Avita ang mga surveillance camera na isang pulgada lang halos ang laki. "Puro high tech lahat ng gamit mo boss, pang spy talaga." Bulalas pa nito, kaya natawa siya ng mahina. Gusto man niyang sabihin dito ang tunay niyang pagkatao, hindi rin niya magawa. Pero alam niyang darating ang araw na malalaman din nito ang lahat. "Para tayong si James Bond nito." Saad din ni Avita kaya natawa na siya sa tinuran nito. . . . ......................................................... ... please follow my account and ... add my stories in your library. ... ..........."Lady Lhee".......... .........thanksguys.... loveu...lrs...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD