Chapter - 15

2514 Words
"Huwag kang masyadong atat attorney. Naparito lang ako para magbayad ng utang sayo dahil meron akung isang salita at maninigil narin. Pero mas marami kang utang sa akin na dapat mong pagbayaran ngayon. Kulang pang kabayaran ang inutang ko sa iyo, kung tuso ka mas tuso ako attorney dahil may nauna ng halimaw na buwitre hayok sa laman ang bumili sa kaluluwa ko. Isang CEO na walang puso at kaluluwa. Kalahating milyon na yan attorney subra-sobra sa inutang ko sayong ipinambayad ng hospital bills ng lola ko." Dinig na dinig kung mahabang wika niya. Para akung binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Bakit hindi niya sinabi sana ako nalang nagbayad para hindi na kami umabot sa ganito. Himutok ko ng marinig ang katotohanan. "Pero may dapat karin bayaran sa akin attorney ang pag-aakusa mong nakadispalko ako ng 50M. At ang panggigipit mo sa akin, ang paglalagay mo sa akin sa blacklist kaya pala kahit janitor sa palenke hindi ako matanggap hayop ka. Kailan ka pa nagkaroon ng 50 milyon ni one million nga wala ka, dahil nauubos ang pera mo sa pambabae at pagsusugal mo hayop ka idagdag pa ang halos araw-araw na shopping hobbit ng gurang mong asawa." Singhal niya ditong malinaw kung naririnig. Kasunod ng paglipad ng kung anung bagay ang nakita ko sa monito na tumama sa mukha ng abogado. Kaya sunod-sunod akung napamura. Dapat pala sinundan ko nalang siya. "Hayup ka wala pang taong nanakit sa akin ng ganyan, pagbabayaran mo ang ginawa mong ito sa akin. Ipakukulong kita. At sisigurohing kung mabubulok ka sa bilanguan. Isa kang masamang impluwensiya sa mamamayan, anak ka ng mga tulisan." Mariin singhal ng abogado. "Kahit ano pang sabihin mo wala akung pakialam. Dahil wala kang alam sa tunay kung pagkatao." sikmat din niya dito. "Sisiguruhin kung masisira ka bilang abogado dahil sa ginawa mo sa akin hayop ka attorney kupal." Sigaw na niya dito at muling may bagay na tumama kay attorney. "Damn, ganito ba siya katapang talaga." Usal ko habang pinanunuod sa monitor ang nanyayari. Magalaw man ang camera pero nakikita ko parin ang mga kaganapan kahit paputol-putol. Halos hindi ko maigalaw ang katawan ko ng makita kung tinutukan siyang bigla ng baril ng abogado, pigil-pigil ko ang aking hininga. At halos manigas ako sa kinauupoan ko ng tumapat ang dulo ng baril sa harap ng spy camera ibig sabihin kay Yamileth yun nakatutok. At sa ulo niya nakatapat. Hindi ko rin napansin kung saan kinuha ng abogado ang baril. Paputol-putol kasi ang nakukuha ng camera, marahil natatakpan niya ang lens nito. Dahil maya't maya siya gumagalaw, buti nalang at naiipit kung mabuti sa pinaka-lock niya. "Bang!" Halos mabingi ako sa umalingaw-ngaw na putok. Sanay ako sa putok ng kahit anung uri ng baril. Pero iba parin pala kung sa kanya na tatama. Pinagpapawisan narin ako ng malapot sa takot na baka kung anong nangyari sa kanya. Kasalanan kung lahat ng ito pinabayaan ko siya. Dapat ako ang nagproprotekta sa kanya. Dapat ako ang kasama niya sa labang ito. Wala rin silbi ang ginawa kung inbistigasyon mas lalo pang napasa ang naging resulta. Dapat tinanong ko nalang siya nuon. Nasa akin na ang lahat nang pag kakatao dahil araw-araw ko siyang kasama, pero hindi ko ginawa at agad siyang hinusgahan at nilait ngayon ako ang umani ng sakit na idinulot ko sa kanya. Mga hinaing kung hindi ko alam kung mapapatawad pa ba niya ako. Nag blurb narin ang monitor ko marahil natabunan ang spy camera. Nanghihina kung muling tiningnan ang monitor. Kung pwede lang pumasok sa loob ng monitor ginawa ko na para makita ko kung anung nangyari sa kanya. Saan ba siya tinamaan. Ayus lang ba siya? Kailangan ba siyang dalhin sa hospital. Mariin kung naihilamos sa mukha ko ang aking palad sa dami ng katanungan at sa matinding pag-aalala sa kanya. Nag-iinit narin ang aking mga mata sa nagbabadyang pagluha. Pagsisisi at hindi pinahalagahan ang nag-iisang babaeng minahal ko. "Dimonyo ka Attorney hindi mo ako masisindak ng baril mo hayup ka." Nanlalaki ang akin mata ng marinig ang nanggagalaiti niyang boses. Halos pigilin ko ang aking hininga ng umikot ang spy camera at kuhang-kuha ang pag-igkas ng paa niya na tumama sa panga ng abogado. "Tang..'na" Bulalas ko habang pinagmamasdan ang nangyayari sa monitor. Dalawang sunod na flying kick pa ang tumama sa mukha ni Attorney. Kasunod ng nagliparang mga libro at mga papel mula kay Yamileth. "Fuvk, sino ka bang talaga Yamileth bakit ang lakas ng loob mo." Usal ko habang pinanunuod siya. Muli nabuhayan ako ng loob dahil ligtas siya. Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong tumapat sa isang salamin ang camera kaya nakita ko siya sa monitor. "Bilang nalang ang mga araw mo bilang abogago attorney kupal tandan mo yan dahil hindi mo kilala kung sino kinalaban mo. Wala akung ginawang masama sayo hayup ka, kahit na minamanyak mo ako wala kang narinig sa akin. Pero ibang usapan na ang ginawa mong paninira sa pangalan ko at panggigipit sa akin. Pagbabayaran mo ng mahal lahat ng ginawa mo tandaan mo yan attorney kupal." Sigaw niya dito. "Lahat ng mga vedios n'yong nakuha i-post n'yo yan sa social media. I-up load n'yo yan lahat." Muli niyang sigaw at lumakad na siya. Saan na siya pupunta. Paharap na sa pinto ang camera at alam kung lalabas na siya ng opisina ng abogado. "Yes, i can help you Honey. Ako ang magpapadis-bar sa kanya. Sisiguraduhin kung mawawala ang yabang niya." Usal ko habang nakatingin sa monitor para makita ko siya kung saan siya pupunta. Sana mapatawad mo ako Baby. Usal ko pa habang pinanunod ang mga dinadaanan niya. Ngayon nalinawan ko ng lahat, isa siyang matinong tao. Ang problema ko lang ngayon anung gagawin ko para mapatawad niya ako sa mga nagawa at nasabi ko sa kanya. Mariing kung nasabunutan ang ang aking buhok dahil sa kagagohan ko. Ang hirap pa naman niyang suyuin. Binawi ko rin ng sapilitan ang singsing ko sa kanya. Mukhang ako ang luluhod at magmamakaawa sa paanan niya. "Pangako lahat gagawin ko para sa iyo at hinding hindi na ako magdududa pa. Iingatan at aalagaan kita. Ako na ang mag proprotekta sayo simula ngayon." Usal kung paulit ulit kahit hindi niya ako naririnig. Muli kung naalala ang binitawan niyang salita kanina.(Ibinenta daw niya ang kaluluwa niya sa isang halimaw na buwitreng hayok sa laman, sa isang CEO na walang puso at kaluluwa) ako ang tinutukoy niya. Ano na gagawin ko ngayon? Lalong sumama ang image ko sa kanya. "Sorry baby nadala lang ako ng matinding selos. Hindi mo naman kasi ako pinapansin." Usal ko pa sa kawalan. Mabilis kung dinampot ang mga damit kung basta ko nalang hinagis kanina at agad sinuot ang mga ito. Kailangan ko siyang sundan. Kailangan kung malaman ang kalagayan niya. Kailangan kung masigurong ligtas siya. "Walang papasok sa dalawang room na ini-reserved ko." Mariing kung saad sa mga staff ko. Isa ito sa mga hotel na pagaari namin. At nagmamadali na akung lumabas ng building diretso sa basement kung nasaan ang sasakyan ko. Kailangan kung makarating sa lugar kung nasaan siya. Pagsakay niya ng kotse agad niyang kinalikot ang gadget upang alamin ang location ni Yamileth kita niya hindi pa ito nakalalayo sa opisina ng abogado. Pinaharurot niya ang sasakyan kung saan tinuturo ng maliit na red dot sa map ng gadget niya ang location, diretso lang tingin niya at paminsan-minsan nililingon ang gadget kung nagbabago ba location ng dalaga. Ilang beses narin siyang naki-pag overtake. At ilang sasakyan narin ang galit na bumubusina sa kanya pero wala siyang pakialam sa mga ito. Sinundan lang niya ang direction na itinuturo ng gadget niya. Pero nagtataka na siya dahil huminto na ito sa isang lugar. At mas lalo siyang nabahala dahil naka steady lang ito sa isang lugar, ang hospital sa tapat niya. May pagamamadali siyang pumasok dito at patuloy na nilo-locate ang lugar ng spy camera. Nag-aalala siyang baka may tama ng baril ang dalaga. Diretso siya sa ER dahil duon siya tinuturo. Inikot niya ang lugar at inaaninag ang bawat tao. Umusad pa ako ng lakad at isa-isang pinasadahan ng tingin ang bawat tao. Isang babaeng payat at may karungisan ang nakita kung may yakap na damit. Nakatulala siyang nakaharap sa isang kamang napapalibutan ng kulay berdeng tela. May luma din siyang bag sa kandungan niya. "Manang saan po ang may ari niyan? Bakit po nasa inyo yan damit?" Tanong niya sa isang ginang na mahigpit na yakap-yakap ang blazer ng dalaga. Agad din niyang hinila dito ang blazer para masigurong kay Yamileth nga ang damit. "Sir akina po yan. Sa akin yan, Ibinigay sa akin ni ma'am yan." Usal nito at hinablot sa akin ang damit. At muling niyakap. "Nasaan na ho ang babaeng may ari ng blazer?' Ulit niyang tanong dito. "Umalis na po siya sir sumakay ng taxi, ipinasuot niya ito sa aking anak na may sakit. Binigyan din niya kami ng perang pampa-Doctor at pambili ng gamot." Paliwanag nito. "Kukunin ko lang po itong pin, at ibabalik ko sa kanya." Saad niya dito. At muli niyang hinila sa babae ang blazer. Matapos niyang makuha ang pin. Ibinalik na niya dito ang damit. Inabutan din niya ito ng lilibohin."Idagdag mo na sa pambili ng gamot at pagkain n'yo." Dugtong pa niya at nilisang na ito. Hindi niya alam kung saan ito hahanapin. Kung nasaan na ito ngayon, kung may sugat ba ito. Kung may tama ba ito. Ngayon siya nag-aalala dito. Mariin din niyang hinagod ang batok ng maalala ang ginawa niyang pagpapahirap dito. Kung paano niya ito sinaktan, ilang beses niyang sinampal, natikman din niya ang dugo nito sa labi. Dalawa na silang nanakit dito. Ilang beses na niyang dinayal ang number nito pero hindi sinasagot, ring lang ng ring ito hanggang sa mawala. Hindi na siya mapalagay dahil sa kaiisip sa dalaga. Ano bang nangyari dito. May sugat ba ito. Mga katanungan gusto niya ng kasagutan. Isang lugar lang alam niyang pupuntahan nito. Kaya agad niya pinasibad ang sasakyan. Gustong niyang masigurong nasa ligtas itong kalagayan. Matinding traffic ang nagpapainit lalo ng ulo niya. Ilang beses narin siyang bumusina ng sunod-sunod pero mga sigaw ng kapwa niya driver ang naging tugon sa kanya. Wala naman siyang alam na alternative na daan para makaiwas sa traffic. Hindi narin siya pwedeng umalis sa pwesto niya dahil ipit na siya ng ibang sasakyan. Kinakabahan man pero kailangan niyang lakasan ang loob. Ilang hugot at buga pa ng hangin ginawa niya bago binuksan ang pinto ng sasakyan. Subalit laking gulat niya ng makitang may kadenang nakapulupot sa bakal na gate ng bahay ng mag-lola. May dalawang malalaking padlock din ito sa dungtongan ng kadena. Nalalanta narin ang mga dahon ng mga halamang dati-rati ay mayayabong at berding-berde. Sunod-sunod na malulotong na mura ang naibulalas niya ng masuring mabuti kung totoo ba ang nakikita. Agad siyang nagpalinga-linga sa paligid umaasal darating ang dalagang nililiyag. Ang kaninang kaba ngayon matinding takot na ang nararamdaman niya. "Boy!" Tawag niya sa mga batang naglalaro sa gilid ng kalsada. "Kilala n'yo ba si Yamileth? Nakita n'yo ba sila ng Lola niya?" Sunod-sunod na tanong niya sa mga ito. "Wala po sila d'yan." Wika ng isa. "Umalis po sila Ate Yamyam. May dala po silang bag na malalaki." Ani pa ng isang bata. "Opo kuya umalis po sila. Nuong pa pong Saturday." Singit din ng isa pa. Kaya mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya sa kaba. Takot sa maaring mangyari, baka hindi na niya makita ang dalaga. "Alam n'yo ba kung saan sila nagpunta?" Nagbabakasakali niyang tanong at umaasang alam ng mga bata ang lugar na pinuntahan ng mga ito. "Hindi po kuya. Nakita nalang po namin sila paalis na." Turan ng isa. Halos maghina siya sa nalaman, bagsak ang mga balikat na tinalikuran niya ang mga bata matapos niyang pasalamatan ang mga ito. Saan ba kita makikita usal niya at muling nilingon ang bahay kung saan may maganda silang ala-ala ng dalaga sa tuwing susunduin niya ito. Wala na siya nagawa kung hindi umalis kailangan pa niyang pumasok sa opisina dahil marami siyang trabahong dapat tapusin. Ang kaninang masayang sandali niya, ngayo'y napalitan ng walang kapantay na kalungkutan at pagsisisi. Isa nalang ang pag-asa niyang makikitang muli ang dalaga ang opisina niya, maghihintay siya at aasang papasok din ito. At sisiguruhin niyang hindi na ito aalis sa tabi niya. Matamlay siyang naglakad papasok sa opisina niya. Umaasang mabubungaran niya ang dalaga sa loob ng opisina tulad ng madalas niyang nakikita. Tatayu ito at ipagtitimpla siya ng kape. Pero walang Yamileth siyang nakita kahit anino nito. Pabagsak niyang ibinaba ang mga gamit niya at nanalanging bubukas ang pinto at papasok ito. Walang ganang nagsimula siyang magtipa sa laptop niya. At manaka-nakang sumusulyap sa dating upuan nito. Ngayon siya nagsisisi kung bakit niya hinayaan mawala ito sa kanya, kung bakit niya ito sinaktan. Ilang beses narin niyang sinubukan tawagan ito pero cannot be reach na ang contact number nito. Nakapatay na ang cellphone nito. Isa nalang alam niyang paraan ang social media account nito. Kaya hinanap niya ito, pero iba ang bumungad sa kanya. Ang vedios sa nangyari sa opisina ng abogado. Kompleto itong mapapanuod, nakatalikod si Yamileth sa lahat ng angolo, kaya hindi nakikita ang mukha niya at tanging mukha lang ng abogado malinaw na nakikita at naririnig. Nakita niyang binato ni Yamileth ng flowervase ang kamay ng abogadong may hawak na baril na nakatutok dito sabay yuko nito at tumama ang bala sa kung saan dahil hindi nahagip ng camera pero madidinig sa background na may nabasag na salamin. Kasabay ng mga tilian at ang pag-galaw ng camera ng nagbi-video. Nakita rin sa vedio na hinubad ni Yamileth ang suot na heels bago nagpawala ng dalawang sunod na flyingkick. Ilang beses din nitong hinambalos ng shoulder bag ang abogado, na hindi niya nakita sa monitor niya. Marahil natakpan ni Yamileth ang lens ng camera kaya hindi na captured ang ibang kaganapan. Matama lang niyang pinanuod ang videos at binasa ang mga comments ng mga tao na pawang pabor kay Yamileth. Ilang araw na siyang naghihintay sa pagpasok ng dalaga pero hanggang ngayon wala pa parin ito. Ilan beses na rin siyang nagpapabalik-balik sa bahay ng mga ito pero naka padlock at wala parin pagbabago duon. Nakausap narin niya ang taxi driver na sinakyan nito sa pamamagitan ng plate number nito na nakita sa CCTV. Lahat ng surveillance cameras sa dinaanan nito kinuhanan nila ng footages pero wala rin saysay. Hindi na niya nakita ng humalo ito sa kumpol ng mga taong paroot parito sa isang palenkeng wala pang CCTV na naka install. "Yamileth where are you, honey? Magpakita ka na sa akin, please. Sorry na kung nasakatan kita, hindi ko na uulitin." Bulong niya sa kawalan ng paulit-ulit na para bang nasa harapan lang niya ang dalaga. Pagtunog ng selpon niya ang gumambal sa pagmumuni-muni niya. At ng makita niya ang caller id, tumikhim muna siya bago niya ito sinagot. [Yes Daddy. May problema po ba?] . . . ......................................................... please follow my account... and add my story in your library.. ...loveyouguys..God Blessed Us.. thanks much......lrs.. ....."Lady Lhee"....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD