Chapter - 16

2472 Words
Labis ang pag-aalala ko matapos kung marining ang mga sinabi ni Daddy at agad-agad kung sinam-sam ang mga gamit kung nagkalat sa ibabaw ng table. Kaagad niyang hinablot sa coat rack ang coat niya at mabilis na isinuot habang mabikis na naglalakada kailangan niyang puntahan ang ama sa hospital ayon dito pinatatawag daw sila ng Lola Lorena niya. Alam nilang wala ng pag-asa magtagal pa ang buhay ng Lola nila dahil tinapat na sila ng mga Doctor nito. Maging ang kaibigan ng Daddy niyang si Thom na isang mahusay na doctor ganuon din sinabi nito. Matanda na ito, at mahina na ang resintensya, humalo na sa dugo nito ang drug na ini-eject dito na unti-unting lumalason sa lola niya. Minaniubra niya ang sasakyan at mabilis na pinahaharurot yun patungo ng hospita. Nag-alaala din siya sa Daddy niya, ilang buwan narin itong matiyagang binabantayan ang ina sa hospital at umaasang gagaling pa ito at muling makakasama. Maingat niyang ipinark ang kotse sa gilid ng hospital, agad din siyang lumabas at may pagmamadin pumasok sa loob ng nasabing hospital. Diretsong tinungo ang elevator para mas madali niyang marating ang silid na inaakopa ng lola niya. Humugot muna siya ng ilang malalalim na hinga, bago mahinang kumatok sa pinto kahit may pag-aalinlangan. Maingat niya itong binuksan at bahagyan isinungaw ang kanyang ulo. "Franz, pasok ka Hijo. Gusto ka raw makita ng Lola mo." Bungad ng Daddy niya. Kaya humakbang siya papasok. Ang yayat at maputla nitong katawang nakalatag sa kama ang tumambad sa kanya. Kumupas narin ang angkin ganda nitong hinahangaan at kinaiinggitan ng karamihan. Puti na ang mga buhok nitong walang ayus na nakabagsak sa unan. Wala na ang mabangis nitong awra na nakikita niya nuon dito. Ang matatalim nitong matang tumititig sa kanila ng mga kapatid niya at ang matatalas nitong dila na nagbibitaw ng hindi katangap-tanggap na mga salitang ipinupokol sa kanila ng Mommy nila. May mga sari-saring aparato at tubo din nakakabit dito bilang life support. Nangangamba parin siyang baka ipag tabuyan na naman siya nito kahit wala na itong lakas. Dahil wala naman sa lakas ng tao ang kasamaan kung hindi nasa ugali. Ang pag-angat ng kulubot nitong kamay ang napansin siya na tila pinalalapit siya, bahagya din kumikibot ang mga labi nitong wala na halos kulay. "Lola!" Malalaki ang hakbang niyang tinawid ang distansiya niya sa kama at walang pag-aalinlangan maingat na inabot ang kamay nito at nagmano. Malamig at manipis na ang kamay nitong damang-dama niya. "Lola, kumusta po?" Pilit ang ngiti niyang tanog dito. Sumilay naman ang isang matamis na ngiti dito, kasabay ng pag-agus ng mga luha nito. Halos mataranta siya ng makitang umiiyak ito at hindi alam ang gagawin. "Dad!" Anas niya at nilingon ang ama. Tumango lang ang kanyang ama at bahagyang ngumiti. "F-..franz." Utal at nanginginig nitong bigkas sa pangalan niya. "Can you forgive me for what i have done? For all that i have done." Garalgal nito pakiusap sa kanya. Kaya mahigpit niyang ginagagap ang palad nito at hinalikan. Pinahid din niya ang luhang naglandas sa may sintido nito gamit ang isang daliri. "Lola, mahal na mahal po namin kayo, at kahit kailan hindi po kami nagtanim ng galit sa inyo. Kalimutan na po natin lahat at mapalakas po kayo. Andito lang po kami naghihintay sa paggaling n'yo." Malumanay at sensero niyang saad dito. Mahihinang katok sa pinto ang nagpatigil sa sasabihin pa sana niya dito. Bumukas yun at inuluwa ang Mommy niya kasabay nitong pumasok ang Tito Dwayne niya. Kaya dito rin nabaling ang tingin ng Lola niya. Sinalubong ito ng Daddy niya at hinalikan sa pisngi. "E-ella." Usal nito. "Don't called that name, I'm Clara. Patahimikin na n'yo ang taong may pangalan n'yan. Masyado mo na siyang ginagambala." Mariing usal ng Mommy niya. Niyakap at pinakalma ito ng Daddy niya. "Sorry, nasanay na akung yan ang tawag ko sayo." mapagkumbaba nitong wika. "Kumusta ka na Tita. Magpalakas na kayo at dadalhin namin kayo sa Australia, hinihintay na kayo ng doctor n'yo duon." Saad nito matapos magmano sa Lola niya. "Hindi ko na kaya Hijo, hindi na ako kasing lakas ng dati." Usal nito sa paus na boses. "Gagaling pa po kayo Mama Lorena, sasamahan ko kayo ulit, pupuntahan natin ang doctor n'yo duon." Susog din ng Mommy niya. "Magaling na doctor yun at alam kung kaya niya kayung gamutin." Dagdag pa nito may kasinungalingan. Ang pagbalong ng luha sa mga mata ng lola niya ang nagpaantig ng damdamin niya. Maging ang Daddy niya pasimple din nagpahid ng mga luha dahil sa nasasaksihan. Alam nilang pinalalakas lang ang loob ng Mommy at Tito Dwayne niya ang lola niya. At ang muling pagkakabati ng mga ito. Ang pagyakap ng mahigpit ng Mommy niya ay tanda ng pagpapatawad nito sa Lola niya. Ang paghaplos ng mga palad nito ang nagbibigay ng kislap sa mga mata ng Lola niyang wala patid na lumuha dahil sa tuwa. Ganuon din ang Tito Dwayne niya marahan nitong hinahagod ang mga buhok nitong nakasamburga. At manaka-nakang kinikintalan ng halik sa noo ang Lola niya. May ngiti sa labi at halos maluha na siyang pinagmamasdan lang ang mga ito. Alam niyang maging ang Daddy niya masaya sa nasasaksihan. Ito ang nag-alaga sa kanya nuon bata pa siya. Ito ang lagi niyang kasama nuon panahong wala sa tabi nila ang Daddy niya, pag umaalis ang Mommy niya para asikasuhin ang ibang negosyo nito sa ibang bansa ito ang kaagapay niya. Napabaling muli ang paningin nila sa pinto ng muli itong bumukas. Bakas ang seryosong mukha ng kapatid niyang si Wyatt ng pumasok ito, takot naman ang mababakas sa mukha ng bunso niyang kapatid na si Kiara Princess. "Kuya! Daddy!' Usal nito at humalik sa pisngi niya at sa Daddy nila. Agad niyang iginiya ito palapit sa kama ng Lola nila. Muli nasaksihan niya ang pagkakaisa at pagpapatawad sa isa't isa ng pamilya niya. Ngunit huli na ang lahat. Kung kailang bilang nalang araw at oras ng lola niya atska pa nangyari ito. Hindi na nito madarama ang saya ng may buo at malaking pamilyang nagmamahalan. "Excuse me po, pasensiya na po pero oras na ng pahinga ng pasyente." Magalang na saad ng private nurse nitong may dalang maliit na tray na may laman mga gamot. " Baka po masyado ng mapagod ang pasyente." Dagdag pa nito. Kinuhanan na nito ng vital ang Lola nila. Kaya lumayo na sila sa kama para bigyan daan ito. Matapos sabihin ng nurse na normal ang vital ng Lola niya. Lumabas na sila dahil kailangan ng makapagpahinga ng lola. "Salamant sa inyo." Usal ng Daddy nila pagkalabas nila ng kwarto. "For what?" Asik dito ng Tiyo Dwayne niya. "Sa pagdalaw kay Mommy at pagbibigay ng lakas ng loob sa kanya." ani ng Daddy niya. "Malaki parin utang na loob namin sa kanya. Kahit nagsusungit siya. Siya ang nag-aalaga at nagpaaral sa kapatid ko. Kaya huwag kang magpasalamat." Singhal nito. Nasanay na silang laging nagsisinghalan ang Daddy niya at Tito Dwayne niya. Pero lagi rin itong magkasama. Lalo na pagnegsoyo ang pinaguusapan hindi na naghihiwalay ang mga ito. "Let's go, Mom, Dad. Kain muna tayo, hindi ko na kayo nakakasalong kumain." Usal ko na at hinila na sa kamay si Kiara, kanina pa nakayakap sa kanya, mukhang hanggang ngayon may takot parin ang kapatid niya. "Mauna na kami ni Kiara sunod nalang kayo sa amin."Aniko ng makarating kami sa parking area at nagkanya-kanya na kami ng sakay sa mga kotse namin. "Kumusta na ka Franz, wala bang nagiging problema sa opisina? Panimula ng Daddy niya pagkaupo nila matapos maibigay ang mga order nilang pagkain."Kung magkakaproblema andito lang ako, kami ng Mommy mo. Magsabi ka lang." Dugtong pa ni Daddy. "So far Dad wala pa naman. Kaya ko pa po." Tugon niya. "Dad wala talagang magiging problema si Kuya kasi kasama niya ang fiancè niya sa opisina niya. Kaya masipag na masipag siya. Kayo ba naman magkaroon ng inspiration sa tabi mo." Singit ng kapatid niya. "What fiancè?" Bulalas ng Mommy niya. "May fiancè ka na agad Kuya? Seryoso ka?" Parang hindi makapaniwalang tanong ni Wyatt sa kanya. Kaya hindi siya makaimik. Pinapahamak talaga siya ng bunso nila. Ngayon pa nito sasabihin may fiancee siya kung kailang hindi niya alam kung nasaan na ito, kung kailan iniwan na siya nito. "Yes, si Ate Yam na meet ko siya nuong minsang pinuntahan ko siya sa offfice niya. She's pretty at napakabait niya, magkakasundo kayo Mom." Saad pa ni Kiara. "How did you know na fiancè nga ng Kuya Franz mo yon?" Tanong ng Mommy niya dito. "Mom, suot niya yung singsing mo, right Kuya Franz. Engagement ring nila Mommy yon?" Pagaasar pa nito. Pero hindi parin siya makaimik. Dahil hanggang ngayon hindi parin niya nakikita ang dalaga kung saan na ba ito. "So engaged to be married na pala si Kuya. Kuya dalawin nga rin kita sa office mo para makilala ko naman ang sister-in-law to be ko." Ngisi nito sa kanyang nang-aasar.. "Hayaan n'yo na at tumatanda narin yan kuya n'yo dapat mag-asawa na siya." Sabad naman ng Tito Dwayne nila. "Siguruhin mo lang matinong babae ang ihaharap mo sa amin Franko Angelo, kung hindi malilintikan ka sa akin." Pambabanta pa ng Mommy nila. "Wala akung pakialam kung mahirap ba siya o mayaman basta matino at pwede mong ipagmalaki kahit kanino at hindi yung kahit kaninong kama natutulog." Dagdag pa ng Mommy niya. "Mom, i think makakasundo mo siya. Pareho kayo ng ugali mabait pero matapang, mukhang hindi uubra ang kalokohan ni Kuya." Ani Kiara. Dahil alam nito ang ugali ni Yamileth ilang beses ng lumabas na magkasama ang mga ito. "Mukhang may magpapatino na sayo Kuya." Pang-aasar sa kanya ni Wyatt. "Hindi ka na pala pwedeng lumabas ngayon, at sa opisina mo pa nagtratrabaho, mukhang bantay sarado ka na hindi pa man." Ngisi pa ng kapatid niya sa kanya. Tikom lang ang bibig niya at baka kung ano ba masabi niya, tiyak makakatikim siya ng malakas na sampal mula sa Mommy niya pag nalaman nito kung anung ginawa niya kay Yamileth na hanggang ngayon wala parin siyang balita. Pero paano ba niyang ipapaliwanag sa mga itong nawawala ang babaeng pinaguusapan nila at hindi niya alam kung saan nagpunta ang mga ito. "Kailan ba ang plano n'yong magpakasal Franz? Kailangan mo rin yan, dahil isa yan sa hinihiling ng mga board of directors. Ganyan din ako nuon, mas bata pa ako sayo ng maupo ako bilang CEO. Pero hindi pa ako handa nuon." Saad ng Daddy nila. "Wala pa Dad. Hindi naman kami nagmamadali." Pagsisinungaling niya. Araw-araw siyang maagang pumapasok at umaasang makikita pa niya si Yamileth, madadatnan sa opisina niya, pero hanggang ngayon ni anino nito hindi niya nakikita. Nag-aalala narin siya dito, baka wala parin itong trabaho. Saan ito kukuha ng panggastus ng mga ito sa araw-araw. Araw-araw narin nilang dinadalaw ang lola niya, dahil narin sa pakiusap ng Daddy nila. Sa mga huling sandali man lang daw ng buhay nito mapasaya nila ito. Minsan sa hospital na sila kumakain, para kasama nila ito. Lagi itong nakangiti sa kanila, tulad ng dati, noong bata pa siya. Sunod lahat ang gusto niya dito. Kita rin niya ang saya sa mukha ng Daddy niya sa pagtanggap namin sa Mommy niya. Pero isang umaga dumating ang balitang alam na niyang mangyayari pero nakakabigla at nakakalungkot paring tanggapin ang katotohanan. Pagdating niya sa hospital nadatnan na niya ang mga kapatid at Mommy niya, yakap nito ang ang kanyang Daddy na tumatangis. Maging ang kapatid niyang bunso umiiyak. Lumapit siya sa kama at itinaas ang puting kumot na tumatakip dito. At sa huling pagkakataon hinalikan niya ito sa noo. Tulad ng ginagawa niya dito pagdinadalaw niya. "May you rest in peace Lola makakasama mo na si Lolo at si Tita Ella. I love you, Lola. Mamimiss ko po kayo." Bulong niya dito. Kasabay ng pamumuo ng mga luha niya. At muling ibinalik ang takip nitong kumot. "Mayroon na bang magaasikaso sa bangkay?" Tanong niya dahil alam niyang hindi na nagagawa ng Daddy niya yon. "May kinontal na ako Kuya, lumabas na tayo dito para madala na sa morgue ang bangkay." Saad ni Wyatt. Inalalayan nila ang mga magulang nila palabas ng kwarto. "Dad, saan ibuburol si Lola?" Malumanay niyang tanong dito. "Sa mansyon niya. Duon niya gusto." Tugon ng Daddy niya. "Umuwi na po muna kayo, pag naayus na ang lahat atska nalang kayo pumunta sa mansyon." Aniya sa mga magulang. "Wyatt kayo na ni Ace bahala dito, Kiara sumama ka na pauwi. Ivan samahan mo ng umuwi sila Daddy pupuntahan ko mansyon ni Lola para maabisuhan ang mga tao duon. Tatawag narin ako sa hacienda." Utos niya sa mga kapatid. "Kuya hindi pa alam ni Tito Dwayne. Kailangan din natin ipaalan kay Tito Rem." Saad ni Ace. "Ako ng bahalang komontak sa kanila. Sige na iuwi mo na sila Daddy para makapag pahinga sila." Aniya dito. At nagkanya-kanya na sila ng lakad. Alam niyang kung saan man ito ngayon masaya na itong kasama ang pinakamamahal na anak na si Tita Ella. Ang totoong Ella Lorraine Khan at ang Lolo Emerson nila. Na sa kwento nalang ng Daddy nila nakilala. Ang unang gabi ng burol, maraming nakiramay na mga empleyado nila at mga kaibigan nito. Maging mga pamilya ng mga kaibigan ng Daddy niya kompleto. Dumalaw din mga kaibigan niya at dating naging mga kaklase nuon. Hindi rin umaalis ang daddy niya sa tabi ng kabaong nito at lagi ring nakabantay dito ang Mommy niya hanggang ihatid ito sa huling hantungan katabi ng lolo Emerson niya. Ikaw na rin mag-manage ng mga negosyo ng Lola mo Franz. Maging ang hacienda at mga negosyo niya sa America. Lahat ng pinangalan niya sayo nuon hindi ko na yun babawiin, para sayo na talaga ang mga yon. Maging itong mansyon sayo iniwan ng Lola mo. Ang mga hotel sa Australia at Canada sa Mommy mo lahat nakapangalan. Kaya lahat ng natirang nakalagay sa pangalan ko at sa mommy ninyo paghahati-hatian na ng mga kapatid mo. Para naman talaga sa inyong magkakapatid lahat ng yan." Mahabang wika ng Daddy nila. "Lahat kayo pag-aralan ninyong mabuti ang pagpapatakbo ng mga negosyo. Hindi habang panahon ang Kuya ninyo ang mag-manage ng lahat ng business natin. Paano na kung mag-asawa na siya, at magkaroon narin kayo ng sarili ninyong pamilya. Kaya hanggat maaga pa pagtulong-tungan na ninyo asikasuhin yan." Seryosong wika ng Daddy nila. Tahimik lang silang nakikinig dito. Alam naman nilang darating ang araw na magkakaya-kanya na sila. Bubuo ng sariling mundo kasama ang sariling pamilya. Muli sumagi sa isip niya si Yamileth. At wala siyang maapohap na dahilan sa pamilya niya kung bakit hindi ito sumipot sa burol ng Lola niya. "Next week, be ready we're going to hacienda." Saad ng Mommy niya. . . . ......................................................... please follow my account... and add my story in your library.. ...loveyouguys..God Blessed Us.. thanks much......lrs.. ....."Lady Lhee"....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD