Gumuguhit sa kalsada ang tatlong sports car na sinusundan ng tingin ng bawat taong nakakakita dito na animo nagkakarerahan sa bilis. Nasa unahan nito ang mabilis din sumisibad na isang matte Ducati Testa Stretta black na nakasuot din ng purong itim ang driver nitong si Franz. At kasunod ang tatlong mga kapatid patungo sa kanilang hacienda. At sigurado silang sermon ang aabutin nila sa kanilang ina pagnakita silang humahaharurot sa gitna ng kalsada. At maladas siya ang unang pinagagalitan nito
Umiba siya ng direksyon pagdating nila sa malawak na lupain ng hacienda nila matapos siyang bumusina ng ilang sunud-sunod. Tinahak niya ang maalikabok na daan patungo sa lugar kung saan siya naglagi ng ilan buwan, sa Lola Caring niya. Natawa siya ng bigla itong tumayo at kunot noong inaninag ang bulto niya. Naka black leather jacket, pants at maging boots at helmet niya itim. Kaya natatawa siyang hinubad ang helmet.
"Naku pong bata ka, akala ko kung sino na." Bulalas nito. Kaagad siyang lumapit dito at nagmano. "Nakikiramay ako sa pagkawala ni Donya Lorena" Usal nito.
"Salamat po Lola Caring. Nasa masyon na po sila Mommy. Hintayin nalang po natin ang sundo n'yo." Aniya dito at iginiya na papasok sa loob ng bahay para gumayak na ito.
Wooaaw! Ang gara ng motor mo ah, saan mo nakulimbat yan!" May pagaasar na turan ng dati niyang kasamahan sa manggahan ng mapadaan ang mga ito
"Siguro illegal ang bago mong trabaho kaya nagkaroon ka ng ganyan." Saad pa ng isa.
"Baka drug lord na yan ngayon. Kaya big time na." Hirit pa ng isa.
"Naku, tiyak mapapalayas na kayong mag-lola dito dahil ang bagong may ari na ng hacienda ngayon ang panganay na apo ni Donya Lorena na Ex Marine" ani pa ng isa at sabay-sabay ang mga itong nagtawanan.
"Oo nga kaya, ngayon palang lumayas ka dito, baka ipakulong ka nun, ex marine yata yun di ka uubra duon." pang-aasar pa mga ito sa kanya.
"Kayo ang magbilang na ng oras, dahil ngayon nalang kayo makakatutong dito." Mariin niyang saad sa mga dating kasamahan. At iniwan na ang mga ito, pumasok na siya loob ng bahay ng Lola Caring niya para hintayin ang sundo nitong silang Isaac.
Mga sari-saring pakikiramay ang maririnig mula sa mga taong kaharap ng mga magulang nila. Ang Mommy niya ang abalang kumakausap at nagpapasalamat sa mga tao ng haciendang nakikiramay. Dahil mas kilala ang Mommy niya kaysa sa Daddy niya, ito ang kinakausap at binabati ng mga tauhan nila, nakaagapay lang dito ang Daddy niya sa likuran naman ng mga ito ang mga kapatid niya nakaalalay din sa mga magulang nila.
"Here he is." dinig niyang saad ng kanyang ina pagbaba ng kanyang Ducati. "Marahil kilala na n'yo siya dahil madalas ko siyang isinasama dito nuon bata pa siya. Isa siyang dating high-ranking elite marine officer, but unfortunately nag-resigned na siya to manage our business. My eldest son Franz Angelo Villaneza, Ex Marine." May pagmamalaking saad ng Mommy niya sa malakas na boses, sabay ng pagtanggal ng helmet niya. Dinig niya ang pagsinghap ng mga taong nagkukumpolan sa harap ng mansyon kung saan nakatayo ang Mommy nila katabi ang Daddy at mga kapatid niya.
Pinasadahan niya ng tingin ang mga tao. Lalo na ang mga nakasama niya sa manggahan at tubuhan, ang mga taong nanlait sa kanya nuon. At ang grupo ng mga kalalakihang iminsulto sa kaniya kani-kanina lang. Puro nakayuko ang mga ito ngayon. At ang ikinabigla niya isang may edad na babae ang yumakap sa kanya na hindi niya inaasahan.
"Franz, Hijo kumusta kana nakikiramay kami, pasensiya na hindi kami nakarating sa burol ng Lola mo." Ani ng isang babaing mahigpit na nakakapit sa braso niya. "Hindi rin nakauwi si Panchita ngayon marami daw trabaho." dagdag pa nitong may malawak na ngiti.
"Magandang araw po sa inyong lahat. Siguro naman natatandaan n'yo ako, nakaharap ko na ang karamihan sa inyo. Ilang buwan din akung nagtrabaho sa manggahan at tubuhan. Dahil ibig kung makilala kung sino ang dapat pagkatiwalaan at kung sino ang may hindi magandang intensyon dito. At alam kung alam din ninyo kung anung nangyari dito. Lahat ng taong gumawa ng kremin nagdurusa na ngayon sa bilangguan. Marami pa akung isusunod. Ngayon alam na ninyo kung sino ako siguro naman pwede ng lisanin ng mga taong may kakambal na katamaran at yabang ang nasasakupan kung lupain at huwag na ninyong hintayin pang itapon ko kayo sa kagubatan." Mahabang niyang wika. At muling sinuyod ng tingin lahat ng tao sa harapan nila. May mga taong nakayuko at hindi makatingin sa kanya.
"Clara ako nga pala si Pacita ina ng fiancè ni Franz na si Panchita. Magiging mag-balae pala tayo." Usal ng babae sa kanyang ina. Para siyang napaso sa tinuran nito kaya dali-dali niyang pinalis ang mga kamay nitong nakakapit sa braso niya at lumayo dito. Naiiling na nilisan niya ang mga ito at pumasok sa loob ng bahay. Sumunod naman ang mga kapatid niya sa kanya.
"Kuya mukhang dami mo yatang pinaluha dito, kaya pala ang tagal mong naglagi dito. May fiancè ka na naman." Pang-aasar sa kanya ni Wyatt.
"Mas gusto ko si Ate Yam." Saad ng kapatid niyang babaeng nakakapit nanaman sa kanyang braso.
"Kuya ipakilala mo naman kami kay Yam mo, huwag mo naman sarilinin." Pang-aasar din sa kanya ni Ivan na may kasamang tawa.
"Tigilan nga n'yo ako. Humanap kayo ng sa inyo."singhal niya sa mga kapatid niyang nagtatawan.
"Kailan ka pa naging possessive Kuya?" Hirit din ni Ace, kasunod ng malalakas na tawanan.
Napuno ng tawanan ang unang araw nila sa mansyon. Kahit puno parin ng pag-aalala ang dibdib niya dahil mahigit isang buwan ng wala siyang balita sa dalagang madalas kasama sa usapan nilang mag-kakapatid. Hindi naman niya masabi sa mga itong nawawala si Yamileth, iniwan na siya dahil sa kagagohan niya. At mukhang pinagtataguan na siya nito. Alam niyang nagalit ito sa kanya dahil sa mga sinabi at ginawa niya dito. Hindi naman niya akalain plano pala ng abogado ang lahat para makuha ang dalaga, buti nalang at malakas ang loob nito.
"Franz ilang bang babae ang fiancè mo at mukhang kahit saan yata may fiancè ka. Ikaw ba may plano mag-asawa ng matino o talagang lahat ng babaeng matipuhan mo gustong mong pakasalan.?" Mariin tanong ng Mommy niya habang kumakain sila.
"Mom, ilang bang engagement ring meron ka?" Tanong naman ni Kiara sa ina,
"Isa lang binigay ko sa Mommy n'yo, galing pa yon kay Daddy, sa Lolo Ermerson n'yo." Sabad ng Daddy nila.
"Baka naman nagpagawa ng marami si Kuya para ipamudmod sa mga babae niya." Natatawang kantyaw ni Wyatt.
"So replika lang ba ang nasa daliri ni Ate Yam Kuya Franz?" Tanong ni Kiara.
"No Hell, that's the only one." Singhal na niya sa mga kapatid niyang pinakakaisahan siya.
"Yon naman pala eh. Bakit kasi tinatago mo samin ang Yammy mo? Huwag kang mag-alala hindi namin aagawin, kikilalanin lang namin." Nakangising pang-aasar din ni Ivan.
Magsitigil na nga kayo, hindi ko ipakikila sa inyo yon. Kilala ko na kayo." Asik na niya kaya lalong nagtawan ang mga kapatid niya. Hanggang ngayon tikum parin ang bibig niya tungkol kay Yamileth. Wala siyang magandang maidahilan sa mga ito kung hindi puro singhal
"Kaya pala hindi mo pinapupunta sa bahay tinatago mo talaga." Saad ni Ivan.
"Mom see, malapit na kayung magka-apo ni Daddy.." Saad naman ni Ace.
"Siguraduhin mo lang matinong babae yan Franz, kung hindi duon kayo titira sa gitna ng bukid ng lolo Franko n'yo, kayo ang magtatanin duon." Asik ng ina nila." At kayong magkakapatid tandaan n'yo hindi lahat ng naka-palda pwede n'yong patulan." Dagdag pa ng Mommy nila. Na mukhang masesermonan na naman sila.
"Mom, CEO na ako ngayon kaya sila nalang patirahin n'yo sa bukid ni Lolo Frank." Pang-aasar din niya sa mga kapatid niya. Dahil ito ang laging panakot ng Mommy nila sa kanilang magkakapatid simula pa nuong high school sila.
"No way!" Asik ng bunso nila. "Sila kuya na lang para matigil sa pambabae nila." Dugtong pa nito.
"Si Kuya Wyatt dapat duon dahil duon siya pinanganak." Saad naman ni Ivan nag-aasar din at sinigundahan pa ni Ace.
"Magsitigil na nga kayo, subukan lang talaga n'yung mag-uwi ng babaeng hindi kanais-nais duon ko kayo patitirahin. Magsaka kayo duon." Mariin turan ng Mommy nila.
Natapos ang tatlong araw nilang bakasyon sa hacienda na puno ng tawanan at tuksuhan. At sa tuwing mababanggit ang pangalan ni Yamileth hindi niya maiwasan sisihin ang sarili sa nangyari. Kasalanan niya ang lahat kung bakit umalis ito ng walang paalam. Kung hindi lang umalis ito baka kasama niya ito ngayon at masayang sila dahil totoo naman maipagmamalaki niya ang dalaga.
"Mag-iingat kayo sa pagda-drive" Mariing bilin ng Mommy nila. Dahil nagpaiwan ang mga ito sa hacienda. Gusto daw ng Daddy nilang magkapagpahing pa ng ilang araw na malayo sa mausok na lungsod.
Bawat araw na dumaraan sadyang kabagut-bagut para sa kanya. Hanggang ngayon wala parin siyang balita sa dalaga, madalas din siyang dumadaan sa bahay ng mga ito pero ganun parin walang pagbabago, naka-padlock ito. At lahat ng mapagtanungan niya iisa ang sinasabi, umalis na ang mga ito at walang nakakaalam kung saan nagpunta at kung kailan ang balik ng mga ito.
Isang buwan ng matulin lumipas pero ni anino ng dalaga hindi pa rin niya nakikita. Lagi niyang tinatanong sa isipan kung may trabaho na ba ito, kung ayus lang ba lagay ng mga ito. Saan na nakatira ang mga ito at kung may sapat bang pinagkakakitaan ang mga ito para may pambili ng pagkain nila sa araw-araw. Lalo't kagagaling lang sa sakit ng lola nito at may mga gamot pang-iniinum, may follow-up check up din ito sa Doctor nito minsan isang linggo na hindi na pinupuntahan. Kung may pambili pa ba ng mga gamot ng Lola niya ito. Mga katanungan hindi niya alam kung saan siya mangangapa ng kasagutan. Kung alam lang sana niya nuon una hindi na sana niya pinahirapan pa ito, hindi na sana niya pinarusahan at pinuwersa ang dalaga. Bakit kasi hindi niya ito tinanong agad nuon kung saan gagamitin ang pera, at kung bakit kasi siya naniwala sa nakalap na impormasyon na mali naman pala. At pawang gawa gawa lang ng abogado para maangkin ang dalaga.
Tinutok nalang niya ang buong attention sa mga trabaho niya upang hindi maisip pa ang dalaga. Malapit narin masimulan ang bago niyang project na sila ni Yamileth ang gumawa ng proposals. Ito ang nag suggest ng ibang ideas sa project niya, pero hanggang ngayon wala parin ito. Araw araw na niyang iniikutan ang bahay ng mga ito at nagbabakasakaling umuwi na ang mga ito pero tulad ng dati wala parin kahit anino ng mga ito. Bigo parin siyang makita ito. Wala rin provincial address na nakalagay sa resume nito, paano niya ito mahahanap.
Malalaki ang hakbang na pumasok siya sa isang Japanese restaurant upang kitain ang mga broker niya.
"Hi Franz!" Ani isang tinig na kilalang-kilala na niya. At hindi na niya kailangan pang lingonin dahil bigla nalang siyan nitong niyakap at hinalikan na tumama sa dulo ng labi niya.
"Anung ginagawa mo dito Panchita? Hindi mo dapat inuugaling yumayakap at humahalik sa isang lalaki sa isang pampublikong lugar." Mariin niyang asik dito. Pinalis din niya ang mga kamay nito nakapulupot sa katawan niya.
"Franz, wala naman masama kung yakapin at hagkan kita. Mag-fiancee naman tayo. At soon magiging mag-asawa na tayo." Mapag-akit nitong wikang may malawak na ngiti sa mga labi. "Sorry hindi kami nakarating ng mamatay ang Lola mo. Pero condolence parin. Hindi mo naman sinabing Lola mo pala si Donya Lorena. Sana matagal na tayung nakasal." Dugtong pa nito. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinilabutan sa sinabi nito.
"Salamat." Tangin nawika niya. "Pasensiya na may ka-meeting pa ako." Aniya at muling marahang hinawi ang mga kamay nitong mahigpit na nakakapit sa braso niya.
"Sasamahan nalang kita, wala naman akung gagawin ngayon." Saad pa nito at malalaki ang hakbang na sumunod ito sa kanya.
"Sorry pero hindi ko kailangan ng kasama. Sumama kana sa mga kasama mo." Aniya dito at iniwan na ang babae, tuloyan na siyang pumasok sa VIP room kung saan naghihintay ang ka-meeting niya dahil late na siya.
Matamlay man at walang gana ang araw-araw na routine ng buhay niya simula ng iwan siya ni Yamileth pelit parin niyang pinagagaan ito. Ibinubuhos nalang niya ang mga oras sa trabaho upang hindi na maisip ang dalaga. Ngunit lagi parin niyang sinisisi ang sarili kung bakit siya iniwan nito, nakokonsensiya din siya sa kalagayan ng buhay ng mga ito, baka wala parin itong trabaho.
Ilang beses narin siyang sumasamang lumalabas sa gabi kasama ang mga kaibigan niya para kahit papaano mabawasan ang pangungulila niya dito. Pero pakiramdan niya para siyang nagkakasala kung may mga babaeng halos kumandong na sa kanya. Parang may mga matang nagmamasid sa kanya, kaya kahit gustohin niyang makipag-date sa babae hindi niya magawa. Wala naman siyang ibang paraan para hanapin ang dagalang nagtatago na. Halos ipasuyod na nga niya ang buong metro makita lang ito pero wala paring nangyari.
Napasandal nalang siya sa bangko kinauupuan at inilapat ang batok dito, mariin din niyang ipinikit ang mga mata at bahagyang hinilot ang sintido upang maibsan ang pagsakit nito sa samut saring iniisip. "I need rest." Usal niya at tumayo na.
Isang lugar lang alam niyang pwede niyang puntahan, ang kaniyan paraiso at sa tuwing nalulongkot siya duon siya naglalagi. Nakapagre-relax siya kahit paano. Yun walang gagambala sa kanya, malayo sa ano mang alalahanin. Tahimik at sariwa ang hangin.
"Cancel all may appointment for one week." Marin utos niya at dumiretso ng lakad patungo ng elevator. Pero bigla siyang naphinto ng may maaalala, paano kung bumalik si Yamileth. Ipinilig nalang niya ang ulo at diretsong pumasok sa loob ng elevator dahil imposibleng magpakita pa ito sa kanya sa tindi ng galit nito sa kanya baka nga hindi na ito bumalik sa trabaho at magpakita pa sa kanya.
Walang siyang ginawa kung hindi ang pagurin ang sirili sa paglangoy sa dagat maghapon at pagsapit ng gabi alak ang tangin hawak niya sa dalampasigan. Dito naman niya nilulunod ang sarili mag-isa at paminsan minsan binibigkas ang pangalan ng dalaga.
Ang inaasahan niyang kapayapaan ng isipan ay mas lalong nagulo sa pangungulila. Dahil walang sandaling hindi niya ito naiisip. Kaya ang isang linggong bakasyon naging tatlong araw lang. Muli siyang nagpasyang bumalik sa lungsod at pumasok nalang sa trabaho dahil dito kahit paano nalilibang ang isip niya.
Pagtunog ng cellphone niya ang nagpagulantang sa kanya dahil sa lalim ng kanyang iniisip, kaya agad niyang dinampot at sinino ang tumatawag. Mommy niya ang nasa caller id kaya agad niyang isinagot yon.
"[Franz."] Garalgal na boses ng Mommy niya ang narinig niya sa kabilang linya. Kaya napatayo siya dahil bigla binundol ng kaba ang kanyang dibdid.
"Mom, what happened?" May kabang tanong niya dito at mahigpit na nahawakan ang cellphone.
"[Pumunta ka dito sa hospital ngayon at andito ang kapatid mo."] Umiiyak na utos ng Mommy niya kaya mas lalong lumakas ang kaba niya sa bidbid. Ni hindi sinabi ng Mommy niya kung anung nangyari sa kapatid, bigla nalang nito pinutol ang linya matapos sabihin ang pangalan ng hospital.
.
.
.
.........................................................
please follow my account...
and add my story in your library..
...loveyouguys..God Blessed Us..
thanks much......lrs..
....."Lady Lhee"....