Chapter - 18

2546 Words
May kabang bigla nalang niyang hiniklat ang nakampay niyang coat sa sandalan ng swivel chair niya at may pagmamadalin isinuot ito. Palaisipan parin sa kanya kung bakit nasa hospital ang mga ito at ano ang nangyari sa kapatid. Patakbo siyang lumabas ng opisina at halos lahat ng madaan niyang mga tao napapatingin sa kanya. Agad din siyang sumakay sa elevator, kulang nalang suntokin na niya ang pin bottom nito para makarating na siya sa parking area kung nasaan ang sasakayan niya. Patakbo rin siyang lumabas dito at hindi pinansin kung may mabubunggo ba siya. Kaya lahat ng nakakakita sa kanyang masasalubong niya agad na umiiwas at sinusundan siya ng tingin. Halos paliparin na niya ang sasakyan sa bilis nito at ilang beses narin siyang nag-o-over take sa mga sasakayan nadaraanan, mga busina ng mga sasakyan na muntikan na niyang mabangga na may kasamang mura ang naririnig niya mura ng mga driver, pero wala na siyang pakialaam duon ang importante sa kanya makarating agad sa hospital, sa kapatid niya. Wala pa siyang idea kung anung nangyari dito. Ano ang sakit nito. Ingit ng sulong ng sasakyan niya ang nagpalingon sa mga tao sa harap ng hospital dahil sa biglang pag-preno ng kotse niya, at wala sa ayus niyang ihinimpil ito. Mabilis at nagmamadali siyang lumabas ng sasakayan niya. Lakad, takbo ang ginawa niya para marating agad ang silid ng kanyang kapatid. "Mom what happened?" May pag-aalalang bungad niyang tanong pagpasok niya sa kwarto ng kapatid. Malalaki ang hakbang na lumapit siya sa kama ng kapatid. At mas lalo siyang nasindak ng makitang may mga sugat ito sa mukha. Putok ang ibabang labi nito, may black eye din ito. May mga pasa ito sa braso na tila nabugbog. Meron din benda ito sa ulo. Habang hawak ng Daddy niya ang isang kamay nito. Marahan naman hinahagod ng Mommy niya ang buhok nitong wala sa ayus. May swero rin nakakabit sa isang kamay nito. "Mom, kumusta na lagay niya? Anung nangyari sa kanya? Nakipag-away ba siya? Sinong may gawa niyan sa kanya?" Sunod-sunod niyang tanong ng makita ang kalagayan ng kapatid na bunso. Nag-aral ng self defence ang kapatid niya kaya alam niyang kaya nitong ipagtanggol ang sarili pero bakit nabugbog ito. "Hindi pa namin alam kung anung totoong nangyari, may tumawag lang sa aming mga pulis. At ayun sa mga taong tumulong sa kanya may binabanggit daw na pangalan at itong ang paulit-ulit na tinatawag at isinisigaw ni Kiara." Tugon ng Mommy niya kasabay ng mga hikbi nito. Nagpapahid din ito ng mga luha. "Wala pa kaming natatatanggap na report mula sa mga pulis kung ano ba talaga ang totoong nangyari. Nangangalap palang sila ng ebidensiya." Sabad din ng Daddy niya. "Sino naman ang tinatawag niya Mom? Kaninong pangalan?" Tanong niyang muli. "Ang sabi ng mga tao, Ate Yam daw ang isinisigaw ng kapatid mong paulit-ulit." Tugon ni Mommy. Mariin niyang naikoyum ang mga kamao sa mga narinig nagtangis din ang kanyang mga ngipin. At sa naiisip niya, gumaganti ba ang babae dahil sa mga ginawa niya dito. Binayaran naman niya ito at walang kinalaman ang kapatid niya sa kanilang dalawa. Bakit nadamay ito, at bakit sa kapatid niya ito gumanti. Kagustohan din naman nito ang nangyari sa kanila. Ibinenta niya ang sarili sa akin sa halagang kalahating milyon, ano pa ba ang problema duon? Siya naman ang nagpresyo sana kung nakulangan siya sa aking siya magsabi at hindi sa kapatid ko. Dalawa naman ang cheque kung ibinigay sa kanya bakit iniwan niya ang isa. Ngayon sa kapatid ko siya maninigil, bakit ito ang pagbabayarin niya sa nangyari sa kanila. "Nasaan na daw po ang babaeng binabanggit ni Kiara?" Mariin at may galit niyang tanong sa mga magulang. "Hindi pa namin alam, wala pa kaming natatanggap na report galing sa mga pulis." sagot ng Mommy niya. "Kung sino mang may kagagawan nito kay Kiara, sisiguruhin kung magbabayad ng mahal. At baka mapatay ko pa sila." Mariing saad niya. "Franz calm down hintayin natin ang report bago tayo gumawa ng hakbang, hindi rin ako papayag na hindi managot ang may gawa nito sa kapatid mo." Saad ng Daddy niya. "Wala silang karapatan saktan si Kiara, ako mismo ang papatay sa kanya dahil sa ginawa niya sa kapatid ko." Asik na niya. "Franz, huwag kang mula mag-isip ng kung anu-ano, wala pa tayong matibay na ibidensya. Hintayin muna natin magising ang kapatid mo dahil siya lang makapag sasabi kung ano ba ang totoong nangyari at kung bakit niya tinatawag ang Ate Yam niya." Pagpapakalma sa kanya ng ama. Dahil kanina pa umuusok ang bunbonan niya sa galit sa babae, bakit dinamay nito ang kapatid niya sa galit nito sa kanya. "Hindi na ako makapaghintay Dad, dapat lang panagutan nila ang ginawa nilang ito, inosente ang kapatid ko. Napakabata pa niya para saktan nila ng ganyan. Ipakikilala ko sa kanila kung paano magalit ang isang Villaneza." Singhal na niya. "Franz huwag kang mag-padalus-dalos don't repeat my mistake son, baka pagsisihan mo rin ng habang buhay." Ani ng Daddy niya. "Ikaw ang saksi kung paano ako naghirap sa paghingi ng tawad sa Mommy mo. Kung paano muntikan ng masira ang buhay natin. Walang magandang ibubunga ang pagiging agrisibo, huminahon ka at huwag magpadala sa bugso ng galit sa didib mo. Ayaw kong maranasan mo ang nangyari sa akin nuon, sa amin ng Mommy mo. Hanggang ngayon inuusig parin ako ng aking konsesiya." Mahabang litanya ng Daddy niya. Pero buo na ang pasya niya pananagutin niya si Yamileth sa ginawa nito sa kapatid niya kahit may kakaiba siyang nararamdaman para sa babae. Pagbabayarin niya ito. Siya ang magpaparusa sa mga ito. Matitikman nito ang galit niya at kung paano magparusa ang isang Villaneza. Sisigurohin niyang pagsisisihan ng mga ito ng habang buhay ang ginawa sa kapatid niya. Tumalikod na siya sa mga magulang ng walang binitiwan kahit isang salita at diretsong naglakad palabas ng pinto. Ni hindi na niya nilingon ang ina kahit ilan beses pa siya nitong tinawag. Malalaki ang hakbang na lumabas siya ng hospital. May pagmamadaling lumabas siya ng gusali ng hospital at sa di kalayuan nakita niyang pinagkakagulohan ng mga security guards ang sasakayan niya kaya napakut noo siya. "Sir sa inyo po ba itong sasakyan na nakaharang?" Tanong ng isang security guard, pero hindi na niya ito pinansin kahit alam niyang nakabalandra ang kotse niya sa daan, may posibilidad din itong masagi kung may emergency. At walang siyang magagawa kung sakali dahil siya ang mali, may sign board din na "no parking" sa mismong tapat ng pinag parkingan niya. Sa unang pagkakataon lumabag siya sa isang ordinansa. Kaagad siyang sumakay sa sports car niya ng hindi tinungon ang tanong ng mga tao, at baka maging ang mga ito madamay sa init ng ulo niya. Minaniubra niya ito at pinaharurot sa iisang direksyon na alam niya, nagbabakasakaling may tao na sa bahay ng mga ito. Pagkahinto ng sasakayan niya agad niyang sinilip ang bahay ng mag-lola pero wala parin itong pagbabago. Nagpasiya parin siyang bumababa at lumapit sa gate pero maalikabok na ang lugar, marami narin nagkalat na tuyong dahon ng halaman, tuyot narin ang mga halaman na dati rating malalago. Marumi narin ang balkonahe ng mga ito indekasyon walang taong nagagawi sa lugar dahil ni isang bakas walang makikita sa sementado nitong flooring na may makapal na alikabok at nagkalat na tuyong dahon. "Tang.....na. Saan ka ba nagtatagong babae ka? Mahahanap at mahahanap din kita at sisigurohin kung pagbabayaran mo ng mahal ang ginawa mong ito sa kapatid ko. Kayung mag-lola ang sisingilin ko. Dudurugin ko kayo sa mga palad ko mga hayop kayo." Kuyom ang mga kamaong mariin niyang anas habang pinagmamasdan ang kapaligiran ng bahay nila Yamileth. Ilang minuto pa siyang tumayo at nagmasid sa paligid bago nagpasyang lumisan sa harap ng bahay nila Yamileth. Isang sulyap pa ang ginawa niya at tuluyan ng sumakay sa kotse niya. Naglibut rin siya sa palibot at sa mga kalye malapit dito at nagbabakasakaling makikita ang mga ito. Hapon na ng maisipan niyang bumalik sa hospital para kumustahin ang kapatid. Ilang ulit din niyang nilibut ang buong barangay nila Yamileth pero ni anino ng mga ito hindi niya nakita. "Mom, kumusta na si Kiara hindi pa ba siya nagigising?" Bungad niyang wika matapos niyang gawaran ng halik sa pisngi ang ina. "Hindi pa, ang sabi ng Doctor mga dalawa hanggang tatlong araw pa daw bago siya magising. Stable naman ang vital sign niya, hintayin nalang daw nating magising si Kiara." Malumanay na saad ng Mommy niya, bakas sa magandang mukha nito ang labis na pag-aalala ganuon din ang Daddy niyang hindi na umaalis sa tabi ng kapatid niya. "Kumain na muna kayo Mom, Dad may dala akung pagkain." Aniya at isa isa niyang inilabas at inayus sa lamesita ang pagkain binili sa isang kilalang restaurant. "Ako na muna dito." Dugtong pa niya at pilit pinatayo ang kanyang ina, inalalay niya ito patungo sa isang silya tapat ng lamesita. Pinagmasdan niya ang kapatid habang pinapalitan ang benda nito sa ulo, ayun sa Doctor tinamaan daw ito ng isang matigas na bagay na naging sanhi ng pagputok ng ulo nito. Nangingitim narin ang mga pasa nito sa braso at mukha. Patuyo narin ang mga sugat nito sa labi. Buti nalang at napilit niyang umuwi ang mga magulang kaya magdamag niyang binantayan ang kapatid at bawat pumapasok masusi niyang sinisiyasat maging ang mga gamot na itinuturuk dito. Kailangan nilang magdoble ingat at baka masalisihan sila dahil hanggang ngayon hindi pa nila alam kung ano ang motibo ng pananakit sa kapatid niya at kung sinu-sino ang mga nanakit dito. Hindi ito basta-basta matatalo kung isa o tatlong tao lang kalaban ng kapatid. Iisang tao lang ang alam niyang may gawa nito. Paghihiganti ng isang babaeng sinaktan niya at pinagbintangan ng kung anu-ano, pero bakit sa kapatid niya at hindi siya ang pinaghigantihan nito. Magkasundo rin ang mga ito at laging masaya pagmagkasama. Magaling din dumipensa sa sarili ang dalaga dahil nasaksihan niya kung gaano ito kahusay sumipa. Mga katanungan sa isip niyang wala paring malinaw na kasagutan kaya nakabuo na siya ng disisyon pagbayarin ang mga ito sa ginawa sa kapatid niya. Ginawaran niya ng mabining halik sa noo ang kapatid matapos malinis ito ng mga nurse. Paano na kung hindi magising ang kapatid sa tindi na pagkakapalo sa ulo nito. Malaking dagok sa buhay nila kung mangyayari yon, nag-iisang kapatid niyang babae ito, mahal na mahal ng Daddy niya ito na hanggang ngayon bini-baby nito ang nag-iisang prensesa nila at hindi siya papayag na walang managot sa nangyari sa kapatid. Hahanapin niya ang babaeng isinisigaw nito bago nawalan ng malay at pananagutin niya, dudurugin niya sa mga kamay niya ang mga ito. Sisiguruhin niyang kahit kailan hinding-hindi na nito makakalimutan ang mga parusang igagawad niya sa mga ito. Pagsisihan nito kung bakit pa nagkrus ang landas nila. "Nagkamali ka kinalaban mo, ipatitikim ko sayo ang tatak Villaneza na hinding-hindi mo na makakalimutan sa tanang buhay mo." Mariing bulong niya sa kawalan. Habang pinagmamasdan ang himbing parin natutulog na kapatid. Mahihinang katok ang pumukaw sa malalim niyang pag-iisip kasunod ng pag-ingit ng dahon ng pinto, kaya napabaling ang tingin niya sa pagbukas nito. Magkasunod na pumasok ang mga magulang niya dito. Mababakas parin sa mga mukha nito ang labis na pag-aalala. "Kumusta na kapatid mo? Wala parin bang pagbabago? Hindi parin ba siya nagigising?" Sunod-sunod na tanong ng Mommy niya ng salubungin niya ito at hagkan sa noo. Kita sa mga mukha ng mga ito ang labis na pag-aalala. Ang malalamlam na mga mata nito ang patunay na halos hindi rin nakatulog ng maayus ang mga ito. "Wala parin Mom, maghintay nalang daw muna tayo." Malumanay niyang tugon sa mga ito. "Umuwi kana Franz para makapag pahinga ka naman, kami na bahala dito." Saad ng Daddy niya habang matiim nitong pinagmamasdan si Kiara. Hinahagod din nito ang isang kamay ni Kiara at kinakausap na parang sasagutin siya nito. "Sige na Franz umuwi ka na, may trabaho ka pa." Susog din ng Mommy niya. Wala siyang nagawa kung hindi magbilin sa mga ito ng dapat gawing pag-iingat, at nagpaalam na. Kailangan din niyang subaybayan ang mga kilos ng mga tao sa paligid dahil baka nasa tabi-tabi lang nila ang kalaban at ano mang oras sumalakay ang mga ito at puntiryahin ang kapatid niya. Ito ang kahinaan ng pamilya nila, lahat gagawin ng magulang nila huwag lang masaktan ang nag-iisang kapatid niyang babae. "Mom, tawagan n'yo agad ako pag may naging problema, o pagbabago. Mahigpit niyang bilin sa ina. "Kukuha rin ako ng mga taong magbabantay sa inyo dito, mahirap na baka masalisihan tayo ng kalaban." Maawtoridad niyang saad bago siya tuluyang lumabas ng pinto ng kwarto ng kapatid. Minsan pa niyang inikutan ang bahay nila Yamileth, umikot din siya sa palibut ng barangay ng mga ito, umaasang maiispatan niya isa man sa mag-lola. Pero bigo parin siyang umuwi at sa mansyon nila siya dumiretso, dito niya gustong matulog kahit ilan oras lang bago pumasok sa opisina. Magdamag niyang bintayan ang kapatid kaya halos bumagsak na ang talukap ng mga mata niya ng masilayan niya ang kanyang kama. Tanghali na at wala sa kondisyong pahinamad na naupo siya sa swivel chair niya, pagpasok sa loob ng opisina niya. Kung hindi lang tambak ang trabaho niya hindi siya papasok dahil mas gusto pa niyang maghanap ng mga taong nanakit sa kapatid niya. Gusto niyang galugadin isa-isa ang mga bahay sa paligid para makita ang mga taong isinisigaw ng kapatid. Mahihinang katok sa pinto ng opisina ang narinig niya na hindi na niya pinag-aksayahan pang pansinin kung sino ang gustong imistorbo sa kanya. "Sir may kailangan po ba kayo, coffee or juice? Malumanay na wika ng secretary niyang nagaakit. At ng lingonin niya ito nakabukas pa ang ilan botones ng blusa nito. "Get out!" Sigaw niya dito dahil wala siya sa mood ngayon. "At huwag na huwag kang papasok sa opisina ko ng hindi kita tinatawag." Hiyaw pa niya dito, nahihintakutan naman itong nagmamadaling lumisan sa opisina niya. Naisandal niya ang nangalay na likod sa sandalan ng upuan niya, hindi niya namalayan ang oras, mariin niyang naipikit ang mga mata at hinilot-hilot ng dalawang daliri ang sintido sa dami ng iniisip, idagdag pa ang babaeng hanggang ngayong nagpapagulo parin ng isipan niya. Tama bang pag-aksayahan pa niya ito ng oras para isipin. Paaano ang ginawa nito sa kapatid niya. Kaya ba nilang patawarin ito sa pananakit nito kay Kiara. Paulit-ulit paring niyang itinatanong sa isipang kung sino nga ba si Yamileth at kung anong hiwaga ang bumabalot sa pagkatao nito. Saan ba ito nagmula, bakit ba hindi niya inalam ang buong pagkatao nito at sa unang kita palang niya dito nakaramdam na siya ng kakaibang pintig ng pusong dito lang niya naramdaman. Pinagkatiwalaan na agad niya ito ng ganuon kabilis, mabait ito at matalino, pino kung kumilos, pero pagnagalit daig pa ang gutom na tigre sa kagubatan. Saan na ba ito nagtatago ngayon? At ano ang susunod nitong mga plano laban sa kanila. Pero hindi siya papayag na maulit pa ang nangyari sa kapatid, hahanapin niya ito at hindi siya susuko sa paghahanap dito para panagutin sa mga ginawa ng mga ito sa nakababatang kapatid. . . . ......................................................... please follow my account... and add my story in your library.. ...loveyouguys..God Blessed Us.. thanks much......lrs.. ....."Lady Lhee"....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD