Chapter - 19

2536 Words
Ilang araw ng lumilipas pero hindi parin nagigising ang bunsong kapatid niya. Ayaw din ipaalam ng mga magulang nila sa mga kapatid niya ang nangyari tungkol kay Kiara hanggat hindi raw lumalabas ang results ng inbistigasyon. Makakagulo lang daw sila sa mga ito at baka daw magpilit lumabas ng kampo at mag-uwian lahat. Dahil hindi pa daw malinaw kung ano ang totoong nangyari sa kapatid niya. Kaya mag-isa niyang sinusubaybayan ang bawat kilos ng mga tao sa paligid. Lagi rin siyang naiikot sa barangay nila Yamileth at nagbabakasakaling makita ang mga ito. Dahil alam niya hindi habang buhay makapagtatago ang mga ito, lalabas at lalabas ang mga ito sa lungga nila. Summer season na kaya maiinit ang panahon at idagdag pa ang tirik na tirik na sikat ng haring araw kaya tagaktak ang mga pawis niya mula dibdib hanggang likod, maging sa mukha niya umaagos ang masaganang pawis niya, pero kailangan niyang mag inspections sa site upang masigurong di kalidad ang ginagamit na mga materyales sa building na ipinatatayo niyang bagong project, para hindi siya masira sa mga investors nila. Ayaw niyang pinupulaan siya, mitikoloso siyang tao, gusto niya perpekto at pulido. Ayaw din niyang nasasayang ang pagod at hirap niya ng walang magandang nangyayari. Ayaw niyang mag-aksayan ng pera para lang mapunta sa wala o maibulsa ng iilang taong mapagsamantala. Lahat, iniisa-isa niyang nilalapitan at sinusuring mabuti. Nakasunod lang ang mga tauhan nila sa kanya. Hindi rin siya masyadon nagtitiwala sa mga ito dahil alam niya ang kalakaran sa ganitong trabaho. Uso dito ang tinatawag na commission o yung under the table. At kadalas malaki ang nakukuha ng mga ito kaya nga karamihan sa mga ito may mga magagarang sasakyan at bahay kahit hindi naman kalakihan ang sweldo. Katumbas ng mga sub-standard na mga materyales kaya ang labas mabuway at madaling gumulo ang building dahil hindi matatag ang pondasyon at layu-layo ang bakal. Masyado rin matabang ang semento. Pagpasok niya sa barracks hinubad niya agad ang kulay grey na hard hat na pinasuot sa kanya kanina. Dahil sa init ng panahon kailangan pa niyang punasan ng panyo ang mukha niyang basa ng pawis bago naupo sa kabisera ng lamesa kung saan nakalatag ang draft plan ng ptoject niya. Kasama niya ang mga Engineer, Architects at supervisor. Nakabuhos man ang mga oras niya sa trabaho pero sinisiguro niyang may nakalaan parin siyang oras para sa pamilya niya lalo na ngayon isang buwan na wala parin pagbabago sa kondisyon ng bunsong kapatid, hindi parin ito nagigising at walang katiyakan kung kailan ito gigising. Naaawa narin siya sa mga magulang niya halos sa hospital na ang mga ito nakatira at hindi iniiwan ang kapatid niya kahit may private nurse itong nagbabantay. Tulad ng dati wala parin siyang natatanggap na magandang balita mula sa mommy niya. Tulog parin hanggang ngayon ang kapatid niya. Wala rin siyang balita sa mga nanakit dito at ang sabi may depekto ang mga surveillance camera sa paligid ng pinangyarin ng krimen at pawang mga hearsay lang nakabase ang mga report ng mga ito. Kaya hindi malinaw kung ano ba talaga ang nangyari sa kapatid niya. Lagi rin sinasabi ng kanyang ama na maghintay sa pag-gising nito bago gumawa ng hakbang. At baka daw pagsisishan nila kung makagawa siya ng kamalian. Pero hindi na siya makapaghintay ng matagal. At sa oras na makita niya ang mga ito, mananagot sa kanya ang mag-lola. Muli siyang nagpaikot-ikot sa mga kayle malapit sa bahay nila Yamileth matapos niyang bisitahin ang kapatid sa hospital. Tulad ng dati wala parin indikasyon may tao sa loob ng bahay ng mga ito. Kaya dumiretso na siya papasok sa opisina. Marami siyang dapat tapusin mga trabaho. Marami rin siyang mga dapat pirmahan at i-review mga reports. Kailangan din niyang saguting ang mga e-mail ng mga kliyente niya. Napa-angat ang ulo niya ng may kumatok sa pinto. At hinintay niya kung sino ang papasok. Ang bilin niya walang mang-iistorbo sa kanya at hindi siya tatanggap ng kahit sinong bisita maliban sa pamilya niya at kaibingan. "Sir, sorry po. Nagpipilit po kasinn....Ayyy!...." Tili nito na hindi natapos ang sasabihin ng biglang may tumabig dito. At diretso siyang naglakad papasok sa loob ng opisina ko. Nakasuot lang siya ng puff sleeve square neck crop top at jean skirt na hanggang kalahati lang ng hita niya ang haba kaya kitang kita ang makinis niyang balat, kita narin ang cleavage niya, maging ang kanyang makinis at impis na tiyan nakalabas. "Sinabi ko na sayo ako ang fiancee ng boss mo. Bakit kailangan harangin mo pa ako." Sikmat nitong ikinagulat niya. "Pag-ikinasal na kami papalayasin na kita dito. Maraming pwedeng pumalit sa'yo." Dugtong pa nito at nagmartsa palapit sa kanya. "Anung ginagawa mo dito? Bakit andito ka? Paano mo nalaman ang opisina ko?" Gulat kung tanong sa kanya ng makita ang ginawa niya sa secretary ko. Kung umasta siya parang pag-aari niya ang opisina ko. "Dinadalaw kita, matagal na tayung hindi nagkikita. Nami-miss na kita." Malambing niyang saad, Diretso siyang naglakad palapit sa akin kaya agad kung iniiwas ang aking mukha upang hindi niya ako mahalikan. Sa tuwing nagkikita kami, niyayakap at hinahalikan niya ako. Kadalasan hindi ko maiwasan dahil bigla nalang siyang susolput sa harapan ko. Gaya ng nasa site ako hinalikan ako sa harap ng mga investors at mga tauhan namin. At ipinagmamayabang na fiancee ko raw siya. Hindi na ngayon wala na kung nararamdaman sa kanya. Mas minahal ko pa ang babaeng hindi ko lubos na kilala at hanggang ngayon hindi ko pa nakikita. Pagbabayarin ko sila sa ginawa nila sa kapatid ko. Pumuwesto siya sa likuran ko at niyakap ako. Iniiwas ko parin ang mukha ko sa kanya. Dama ko ang init ng hininga niyang tumatama sa aking leeg. Dumadampi rin ang kanyang mga labi sa punong tenga ko. Sa tuwing magsasalita siya. Parang sanay na sanay siyang mang-akit ng lalaki. Alam na alam ko ang ganitong galawan ng mga babae. "Pasensiya na Panchita marami akung trabaho. Nakatambak ang mga kailangan kung i-review mga report. Kaya hindi ako tumatanggap ng bisita dito. Kailangan kung tapusin lahat ng mga ito." Singhal ko sa kanya. "E di hihintayin kita. Hindi ka naman siguro aabuting ng magdamag dyan." Usal pa niya at umabot na sa dibdib ko mga kamay niyang marahan humihimas. "Sinabi ko na sayo marami akung trabahong dapat tapusin kaya makaaalis ka na. Ayaw ko ng iniistorbo ako at ayaw na ayaw ko ring may babaeng pumapalupot sa katawan ko sa oras ng trabaho. Hindi ito oras ng pakikipaglandian. Kaya makaaalis ka na. Lumabas kana o tatawag ako ng security para kaladkarin ka palabas ng opisina ko." Sikmat ko sa kanya at binaklas ang mga kamay niyang nakapulopot sa aking leeg. Kita sa mukha niya ang pagkabigla sa ginawa at sinabi ko. " Lumabas ka na Panchita." Halos pasigaw ko ng utos sa kanya. Kung nuon nagmamakaawa ako sa kanya ngayon halos kilabutan ako sa tuwing nadadaiti ang balat niya sa akin. Sa kaalaman pera lang pala kailangan niya sa isang tao. Tama nga sila Avita. Maging ang kanyang ina ayaw ng tantanan si Mommy simula ng malaman niya ang totoong pagkatao ko, lagi daw itong nagyayayang mamasyal sila sa mall. At kung anu-ano pang pinag-sasabi. "Dito lang ako hihintayin nalang kita sabay na tayung umuwi. Namiss ko yung lagi tayung magkasama nuon." Saad pa niya at hinimas ang aking hita bago naglakad patungo sa couch malapit sa mesa ko at umupo dito. "Lalabas ka ba o hihintayin mo ang mga guard para kaladkarin ka palabas." Sikmat ko na at tinaliman siya ng tingin. "Bakit ba ganyan ka na ngayon? Hindi ka naman ganyan dati at alam kung mahal na mahal mo parin ako." Saad niya. "Sige pagbibigyan kita ngayon siguro pagod ka nga. Babalik nalang ako kapag hindi kana busy."Aniya ay naglakad na patungo sa pinto. Dagdag sakit ulo ko siya. At lagi kung nakikita kung saan-saan. Isa pala siyang sales representative ng isang drugs company. Kaya kung saan-saan siya nagpupunta hanggang dito sa opisina ko. Itinukot ko naman ang buong attention ko sa mga gawain ko para maaga akung makauwi kailangan palitan ko sila Mommy sa pagbabantay kay Kiara. Dahil hindi naman sila masyadong nakakatulog sa hospital, nag-aalala rin ako sa kalusugan nila hindi na sila tulad ng dating kayang tumagal magpuyat kahit ilang gabi. May edad narin sila. Banayad at may pag-iingat kung hinahagod ang buhok ni Kiara. Buti napapayag ko sila Mommy na umuwi muna. Medyo pumayat na siya at nawala narin ang natural na mamula-mulang kulay ng balat nito sa tagal ng pagkakapato niya sa kama ng karamdaman. Ni hindi na siya nasisikatan ng araw o nakasasagap ng sariwang hangin. Isang tubo ng oxygen lang ang nagbibigay ng hangin sa kanya at isang swero sa kanang kamay niya. Ito ang nagsisilbing pagkain niya. "Bunso gumising ka na dyan para makauwi na tayo. Miss na mis ka na ni Kuya. Please bumangon ka na dyan. Maaawa ka naman kila Daddy nahihirapan narin sila." Kausap ko sa kanya kahit alam kung hindi niya ako maririnig. Lagi ko rin nakikita at naririnig sila Mommy na kinakausap siya na para bang sasagutin sila nito. "Huwag kang mag-aalala pagbabayaran nila ang ginawa nilang ito sayo. Lahat sila sisingilin ko at parurusahan. Nagkamali sila ng sinaktan nila. Walang pwedeng umapi sa mga Villaneza dahil wala naman tayung inagrayadong tao."Dagdag na usal ko pa at hinawakan ang kamay niyang walang swero at ikinulong ko ito sa dalawang palad ko at hinahalik-halikan. Tulad ng lagi kung ginagawa sa kanyan nuon bata pa siya pag-umiiyak. "Gising na bunso, bangon ka na d'yan." Tulad ng nakasanayan na niya bago pumasok sa trabaho umiikot at dumadaan siya sa harap ng bahay nila Yamileth. Kahit tinaghali na siya ngayon dahil magdamag siyang nagbantay sa kapatid at halos dalawang oras lang siyang nakatulog. Wala paring palya na sa tuwing umaga umiikot siya dito. Umaasang makikita ang mga ito. Laking gulat niya ng makitang nakakalas at nasabit lang ang makapal na kadenang dati nakapaikot sa bakal na gate ng bahay nila Yamileth. Kaya kaagad siyang bumaba ng kanyang sasakyan sa pagaakalang pinasok ito ng magnanakaw. Luminga-linga pa siya at nagbabakasaling may makitang ibang tao bago maingat na itinulak ito pabukas. Bahagyan itong umingit kaya humito siya at muling sumilip sa loob ng maliit na bakuran. Ng masigurong walang kakabang ingay maingat niya ito muling itinulak. Ilang mga bakas lang ng hugis sapatos ang kanyang nakitang nakabakat sa maalikabok na sementadong sahig ng balkonaheya. Kaya nakasisiguro siyang isa hanggang dalawang tao lang ang nakapasok sa loob. Bahagya ding nakabukas maging ang pinto ng bahay. Maingat at malalaki ang mga hakbang niyang tinungo ito at agad din sumilip sa loob upang masiguro kung pinasok ba ito ng magnanakaw. Halos manlaki ang kanyang mga mata sa nakita kung sino ang nasa loob ng bahay. Kaya kaagad-agad siyang pumasok dito. Nakaupo itong nakapasandal sa likurang ng bangkong kinauupuan, maging ang ulo nito medyo nakatingala sa pagkakapatong ng batok nito. Pikit ang mga mata. Nakatutok din dito ang isang stand fan. Kita rito ang may iniindang karamdaman. At ng sumagi sa isip niya ang kalagayan ng nakababatang kapatig. Biglang umusbong ang galit sa kanya dibdib at walang pagdadalawang isip na agad niya dinakma sa magkanilang balikat ito. "Nasaan si Yamileth? Nasaan ang apo mo? Anong ginawa niya sa kapatid ko? Bakit ni'yo sinaktan ang k..." "Hayop kaaa! Bitiwan mo siya. Wala kang karapatan saktan siya." Mga tili at pagpalo ng puluhan kahoy na walis tampo ang pumutol sa sasabihin pa sana niya. At kahit saan nalang siya tamaan nito. Maging ulo niya ilang beses din tinamaan ng pulohan kahoy ng walis. "Walanghiya ka tigilan mo siya at huwag mo siyang sasaktan hayop ka. "Muli niyang sigaw na nanggagalaiti. Puro salag lang tangi niyang nagawa at ng makakuha siya ng tiyempo agad niya hinablot ang walis. "Nasaan si Yamileth?" Mariing kung tanong sa babaeng ng wawala sa galit. Matatalim din ang kanyang mga matang nakatitig sa akin. "Nasaan ang babaeng 'yung? Saan n'yo siya tinatago?" Muli kung sigaw. Pero hindi siya nasindak, dinakma niya ang isang flower vase at ibinalibag sa akin. "Hayop ka sino ka? Bakit kilala mo ang pamangken ko. Ikaw ba ang may pakana nito. Ikaw bang nangwalahiya sa kanya?" Sunod sunod niyang tunggayaw at lahat ng mahagip ng mga kamay niya ibinabalibag niya sa akin kaya puro ilag lang nagagawa ko. Matapang siya at walang takot handa siyang lumaban at ipagtanggol ang sarili. Kahit may edad narin siya malakas parin siya at mukhang hindi siya uurong sa labanan tulad rin siya ni Yamileth handang lumaban para ipagtanngol ang sarili. "Aahhh... T-tumigil na kayo.. F-franz.. uugghh.." Mga ungol at pautal-utal na boses na nginginig ang nagpatigil sa babae at agad niya itong dinaluhan. Kita ko ang pangangatal ng kanyang katawan. "Diyos ko! Tiyang anung nangyayari sayo? Anung masakit sayo?"Takot na takot siyang sunod sunod na tanong dito habang niyugyog niya ang katawan ng matanda. Halos tumirik na ang mga mata niyang matalim na nakatitig sa akin. "Tiyang magsalita ka. Tiyang huwag kang bibigay. Dadalhin kita sa hospital." Natataranta niyang paulit-ulit na sigaw kasabay ng pag-iyak niya. Agad din niya hinila ang bangkong kinauupuan nito palabas ng pinto habang sumisigaw ng tulong. Wala na akung nagawa kung hindi buhatin siya at isakay sa aking sasakyan. "Hayup ka kasalanan mong lahat ng ito, kung hindi mo siya sinaktan hindi siya aatakehin. Walanghiya ka." Paulit-ult niyang sigaw kasabay ng walang tigil niyang pagpalo sa aking katawan. "Pag may nangyaring hindi maganda sa kanya mananagot ka hayup ka." Muli niyang sigaw sa akin. "Agad kung pinaharurot ang aking sasakyan ng maiayus ko na siya sa likurang ang aking sasakyan. Yakap yakap lang siya ng babaeng umiiyak at paulit-ulit niya itong kinakausap. Walang tigil na malalakas na busina ang ginagawa ko. Ang iba ay nagbibigay daan pero marami parin ang hindi nakauunawa ng emergency signed ng private vehicle o sadyang wala lang silang pakiaalam sayo. Kaya madalas din ang pag-ovetake ko at halos paliparin ko na ang sasakyan patungong hospital. Kahit alam kung nagagalit na ibang driver dahil sa bilis ko at muntikan na silang masagi. Kaagad din kaming sinalubong ng isang nurse at tinanong kung anung nangyari sa pasyente. "Stretcher ang kailangan namin." May kalakas kung saad at hindi tinugon sa tanong niya. Agad din tumalima ang isa pang nurse na lalaking nakatayo sa di kalayuan sa amin. "Oh.. Bakit anung nangyari kay Lola. Kalalabas lang niya ah, ilang oras palang nakalilipas." Bulalas niya ng mapagsino ang dala naming pasyente. Kaya nabigla rin ako sa tinuran niya. Mabilis din niyang hinila patulak ang stretcher. Sinundan ko nalang sila habang mabilis nilang tulak-tulak ang kinahihigan nitong stretcher. At agad itong ipinasok sa emergency room. Kaya naiwan kami ng babaeng patuloy parin sa pagwawala at sinisisi ako. Kung anu-ano rin ang mga sinasabi niyang pagbibintang sa akin. Mga pagbabanta at masasakit na salita na lumalabas sa bunganga niya sa galit habang patuloy parin sa pag-iyak. Pero kahit anung gawin niya pagbabayarin ko parin sila sa kawalanghiyaang ginawa nila sa kapatid ko. Pipilitin ko silang ilabas ito sa lunggang pinagtataguan nito, kung hindi sila ang mananagot at magbabayad sa ginawa nila sa kapatid ko. . . .......................................................... please follow my account... and add my story in your library.. ...loveyouguys..God Blessed Us.. thanks much......lrs.. ....."Lady Lhee"....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD