Kasalanan mong lahat ng yan hayop ka. Isa kang kriminal. Sisigurohin kung mananagot ka sa ginawa mong ito." Sigaw niya sa aking sa pagitan ng pag-iyak.
Hindi ko nalang pinansin ang pagwawala niya at pagbibitaw ng kung anu-anong maaanghang sa salita, nilayuan ko nalang siya dahil nagiging bayulente na siya. Nakakakuha narin siya ang pansin sa mga tao sa paligid. Hindi ko alam kung anung mararamdaman ko ngayon. Hindi rin kaya ng konsensiya kong may mangyaring hindi maganda sa lola ni Yamileth sa kaalamang kalalabas lang pala nito ng hospital. Hindi rin niya sinasagot ang tanong ko kung nasaan ito. Tanging iyak lang ang ginagawa ng babae. Nasaan ba siya at iba ang kasama ng Lola niya. Piping bulong sa aking isipan. Mabait ito at walang ginawang masama sa akin lagi akung pinagtitimpla ng kape pagsinusundo ko ang apo niya. Pero paano ang aking kapatid. Sinaktan nila ito. At dapat nilang pagbayaran ang mga ginawa nilang pananakit dito.
Prente lang akung nakaupo sa bench di kalayuan sa babaeng pari't paritong naglalakad paikot-ikot. Rinig ko rin sa kinauupuan ko ang mga hikbi niya. Kailangan kung maghintay ng magiging resulta ng check up ng matanda. Manaka-naka rin niya akong sinisibat ng mala kidlat sa talim niyang mga mata. Na hindi ko nalang pinapansin. Baka pang ito ang pinatulan ko isa pag dagdag konsensiya kung dadalhin. Isang suntok ko lang tutumba ito at baka bukas na siya magising. Parang hindi sila marunong matakot, at laban lang ng laban. Bawal yata silang kantiin dahil para silang langgam pagnagalit, kaagad agad kang susugurin at kakagatin. Kaya ba sinaktan nila ang aking kapatid ito ang malapit sa kanila.
Agad akung napatayo ng bukas ang emergency room matapos ang halos isang oras na examined ginawa sa matanda. Agad din nagutos ang Doctor na iayus ang ICU room.
May mga tubo at oxygen na nakakabit dito. Nakangiwi rin ang nguso nito. Inatake raw ito. Dahil hindi pa raw ito lubusang gumagaling, nagpilit lang daw ang mga itong lumabas dahil sa kakapusan sa pera at nakiusap na sa bahay nalang lubusan magpapagaling. Ngyaon na-stroke pa ito ng dahil sa kanya. At walang kasiguruhan kung gagaling pa ito. Kaya ang babae hindi na matigil sa kakaiyak. Dagdag pasanin na naman niya sa konsensiya ito.
Dalawa na ngayon ang dinadalaw niyang pasyente at parehong walang kasigurohan kung kailan magigising ang mga ito. Hindi parin niya makuha ang tamang sagot sa mga tanong kung saan si Yamileth dahil wala siyang makuhang natinong sagot sa babaeng wala yatang ginawa kung hindi umiyak at mura-murahin siya sa nangyari sa matanda. Walang lumalabas sa bibig nito kung hind mga salita pagbabanta at paninisi. Pero hindi siya titigil hanggat hindi siya nakakakuha ng tamang sagot kung nasaan ang babae. Kung saan ito nagtatago at sino ang mga kasama nitong nanakit sa kapatid niya.
"{Man..come here to my office we have a serious conversation. ASAP.}" basa niya sa isang text message mula sa kaibigan.
"{ I'll be there in an hours. just wait.}" Reply niya dito at nagmamadaling tumayo. Ngayon lang ito ng text sa kanya ng ganuon. Madalas nagyaya itong lumabas kasama ang mga kaibigan nila pero ngayon mukhang importate ang sasabihin nito.
Malalaki ang hakbang na lumabas siya ng opisna at diretsong sumakay ng elevator patungo sa parking area. Agad din siyang sumakay ng kotse niya at pinasibad ito matapos imaniobra. Nag-aalala siya sa kaibigan at baka may kung ano naman itong problema. Katatapos lang nito sa sa isang buwis buhay na laban na muntik na naman nitong ikamatay.
"What's up Bro?" Bungad niya dito pagpagasok sa opisina nito. Seryoso ang mukha ng kaibigan ng tumingin ito sa kanya kaya alam niyang may hindi na naman magandang nangyari o mangyayari.
"Sit!" Agad din nitong utos sa kanya. Mukhang galit ang kaibigan niya."Read it!" Mariin din nitong utos matapos ibagsak sa harapan niya ang isang may kanipisan folder.
"Anacleta Austria
Complainant,
Case Number...xxxxx
For: Reckles Imprudent reasul....
- versus -
Mr. Franko Angelo Villaneza
Respondent
Halos lumuwa ang mga mata niya sa nabasa. At hindi makapaniwala sa nakikitang nakasulat. Kalakip ang isang sworn affidavits. May kasama pang mga picture ng matandang halos wala ng buhay na nakahiga sa kama.
"Now explain that to me, how come na gumawa ka ng ganyan krimen." Mariin niyang asik sa akin. "You know me Villaneza lagi akung nakapanig sa mga taong inaaapi. At alam mo ang pinagdaan ko. At sa lahat ng ayaw ko yung nanakit ng taong walang kalaban-laban. Mukhang masisira yata ang pagiging magkaibigan natin nito." Seryosong saad niya sa akin.
"Hindi ko naman siya sinaktan nataon lang na may sakit pala siya at kalalabas lang ng hospital. Kaya siya inatake." Malumanay kung paliwanag. "Gusto ko lang malaman ang totoong nangyari kay Kiara. Sila ang nakakaalam kung sinong nanakit sa kapatid ko kaya hindi mo ako masisisi kung may nagawa akung mali." Dugtong ko pa.
"Kung kaya mong kausapin ang pamilya, areglohin mo nalang para hindi ka magkaroon ng bad records. Dahil mukhang disididong siyang sampahan ka ng kaso at hindi ko sila matatanggihan, alam mo ang advocacy ko." Saad pa niya. "Gumawa ka ng paraan hanggat nasa kamay ko pa yan. Pag naisampa na yan sa korte mahihirapan ka ng mahugot pa yan." Dagdag pa niya.
"Ako ng bahala kakausapin ko siya. I-hold mo muna yan." Pakiusap ko sa kanya.
"Buti nalang sa akin siya lumapit, paano nalang kung sa iba? Ano ng mangyayari sayo? Masyado ka kasing padalus-dalos mag-isip. Dinadaan mo kasi lahat sa military assault." Paninisi pa niya. "Wala ka sa geyera Villaneza kaya huminahon ka. At yan ang maglalagay sayo sa kapahamakan. Baka pagsisihan mo yan sa bandang huli at habang buhay mo yang dadalhin sa konsensiya mo." Dagdag paninisi pa niya.
"Huwag mo na akung sermonan Nikkle Belanger, alam mo naman kung anung nangyari kay Kiara. Sino ba naman ang hindi magagalit sa sitwasyon niya ngayon." Singhal ko na sa kanya.
"Kumusta na si Kiara hindi pa ba siya nagigising? Tanong na niya dahil alam niya kung anung pinagdadanan namin ngayon. Sa kanya ko unang inilapit ang nagyari sa kapatid ko. Isa siya sa nagpa-imbistiga sa nangyari pero malinis daw at pinagplanohang mabuti ang ginawang krimen kaya walang makitang ibidensiya sa creme since.
Alam kung mahirap siyang kausapin sa ganitong sitwasyon dahil na pinagdaanan niya pero ang sa akin lang unawain din niya ako dahil buhay ng kapatid ko ang nakasalalay dito.
Ilang linggo ko naring tinitiis ang mga pasaring at matatalim niyang tingin. Araw-araw ko narin silang dinadalaw at binibigyan ng pagkain, kasabay ng pagdalaw ko kay Kiara bago ako pumasok sa trabaho. Alam ko naman ng dahil sa akin nalagay sa panganib ang buhay ng matanda ni hindi ko alam ang pangalan niya kung hindi ko pa nakita sa affidavit. Lahat naman ng gastos nila pina-charge ko na sa akin at binigyan ko rin ng magagaling na specialistang Doctor para sa karamdaman niya. Para iatras ang kasong isinampa sa akin. Alam kung totohanin ni Nikkel ang pagbabanta niya sa akin. Pero hindi ibig sabihin hindi na sila mananagot sa sinapit ng kapatid ko.
"Pwed mo naman akung kausapin huwag yung puro kayo pasarin. Hindi ko naman sinasadya ang mga nangyari. Nadala lang ako ng galit dahil sa ginawa ni Yamileth sa kapatid ko. Hanggang ngayon hindi parin siya magigising mahigit isang buwan na. Tinatanong ko lang naman kung nasaan na siya. Anung masama dun? Gusto kung malaman kung nasaan na siya ngayon. Gusto ko siyang makausap, sa akin siya may galit bakit sa kapatid ko siya gumanti. Sabihin mo sa akin kung nasaan siya. Kung saan siya nagtatago? Makipag kita siya sa akin at mag-uusap kami." Mariin kung litanya sa kanya bakas na bakas parin sa mukha niya ang kinikimkim na galit. Kita ko rin ang namumuong mga luha sa mga mata niya. Para may gusto siyang sabihin na hindi niya alam kung paano niya sisimulan.
"Kung hindi ka naniniwalang hindi pa nagigising ang kapatid ko simula ng pagtulong-tunlongan nila, pwede kitang samahan sa kwarto niya sa 8th floor andun siya nakahiga at hindi pa namin alam kung kailan siya magkakamalay." Muli kung saad as kanya. Kailangan kung kumbinsihin siya at paniwalaing totoo ang mga sinasabi ko.
"Anung kaugnayan mo kay Yamileth? May relasyon ba kayo?" Mariin niya singhal. "Ikaw ba ang ama ng pinagbubuntis niya. Ikaw ba ang walang kwentang lalaking nakadisgrasiya sa kanya? Ikaw nga singuro. Ang lalaking walang bayag. Ang lalaking basag ang pula ng itlog na tinakbuhan siya." Mahabang sikmat niyang nanggagalaiti. At halos ipinako ako sa aking kinatatayuan sa mga narinig. Para akung binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ko maibuka ang aking bibig. Hindi ko narin naintindihan ang iba pa niyang sinasabi. Para akung nabingi. "Ikaw ka nga hayop ka. Ikaw nga ang nakabuntis kay Mileth. Isa kang duwag, wala kang bayag. Bakla!" Sigaw niyang paulit-ulit. Pinag hahampas na naman niya ako.
"Buntis siya." Paus kung bulong na hindi makapaniwala ng matauhan ako ng paghahampasin niya ako. Galit na galit na naman siyang pinagsisigawan ako.
Halos suntukin ko ang akin sarili sa nalaman. Kaya ba siya galit na galit at maging ang kapatid ko sinaktan niya dahil nagbunga ang minsan nangyari sa amin. Dapat ako ang kiausap niya at hindi ang kapatid ko, ako ang sinaktan niya. Kaya ko naman panagutan yun. Anak ko yun, anak namin bakit hindi niya sinabi. Bakit nagtago siya. Mga tanong na hindi ko pa alam ang kasagutan.Totoo bang buntis siya o gawa-gawa lang ng babae sa harapan ko para makuha ang sempatya ko.
"Totoo bang buntis si Yamileth o gawa-gawa mo lang?" Singhal ko na sa kanya. Gusto kung makasiguro kung totoo ngang buntis siya. At nasaan siya ngayon. Gusto kung makumperma kung totoo.
"Kung hindi ka naniniwala wala na akung magagawa. Wala ka naman kuwentang lalaki ano pa ba ang aasahan sa iyo. Hindi kita pinipilit, sino ka naman para pagkatiwalaan ko. Isa ka lang naman masamang taong handang pumatay ng kapwa, yung walang kalaban laban lang kaya mo." Singhal pa niya at nagmartsa na siyang nilisan ako. Sinundan ko nalang siya ng tingin dahil hanggang ngayon hindi parin maiproseso ng utak ko kung ano ang totoo.
Wala akung nagawa kung hindi ang magpalakad-lakad lang sa harap ng ICU room malapit sa nakaupong babaeng masamang nakatingin sa akin. Gusto ko siyang kausapin, tangunin ng maraming bagay pero alam kung hindi na niya ako kakausapin ng matino sa talim ng mga mata niya. Kailangan ko na naman pakalmahin siya, magpalipas ng ilang oras o araw.
Kailangan kung maglagi dito sa hospital ngayon para makakuha pa ng mga impormasyon tungkol kay Yamileth, kailangan kung masiguro kung totoo ang siniwalat niya. Kung totoo, nasaan siya? Ano ginagawa niya ngayon? Kumusta ang anak namin, ang pagbubuntis niya sa anak namin. Naaalagaan ba niyang mabuti ang sarili? Ang dami kung tanong sa aking sarili. Hindi ko na alam kung paano ko ito mareresulbahan, mga katanungan pumipiga sa aking utak dahil wala akung maapuhap na matinong sagot. Ilang buwan narin simula ng may mangyari sa amin, ng parusahan ko siya dahil sa matinding selos na nauwi sa karahasan.
"Please sagutin n'yo naman po ang mga tanong ko. Gusto kung malaman ang katotohan para alam ko kung anung gagagwin. Hindi ako duwag at kaya kung panindigan ang ano mang responsibilidad ko. Hindi ako tumatalikod sa tungkulin ko. Sabihin n'yo sa akin kung saan siya nakatira ngayon. Kung ayus lang ang lagay nila ng ipinagbubuntis niya, ng anak namin." Litanya ko, at halos magmakaawa na ako sa kanya. Pero wala parin akung makuhang tugon mula sa kanya. Matigas siya at balewala ako. Parang hindi niya naririnig ang mga sinasabi ko.
"Lumayo kana sa aking harapan, hayup ka. Wala akung tiwala sa pagmumukha mo. Ang mga taong katulad mo ang hindi dapat pinagkakatiwalaan. Mga walang kwenta. Mahilig lang manakit ng mga taong walang laban." Malakas niya singhal sa akin. "Lumayas ka na sa harap ko. Aliisss!" Muli niya sigaw at nagsimula na naman siyang magwala sa galit.
Wala akung nagawa kung hindi lumayo sa kanya pansamantala dahil nakakaagaw na kami ng pansin sa mga tao sa paligid, pinagtitinginan na nila kami. Kung nasa ibang pagkakataon lang kami kanina ko pa pinilipit ang leeg nito sa inis. Naupo nalang ako muli sa bench at isinandig ang ulo sa sandalan upang pahupain ang inis na nararamdam ko sa babae at baka makagawa pa ako ng isa pang pagkakamali.
Kailangan kung malaman ang buong katotohanan at nasaan na siya. Kailangan ko siya makita at makausap. Kung totoo man buntis siya, akin yon. Anak ko ang dinadala niya. Alam na alam kung akin yun. Ako ang unang lalaki sa buhay niya. Sa akin niya ibinigay ang sarili niya at hindi sa abogadong ginawan siya ng eskandalo, ang sumira sa pangalan niya.
Halos hindi ko inaaalis ang mga mata ko sa babae dahil hindi ako pakampante hanggat hindi ko nalalaman ang totoo. Kailangan ko siyang bantayan sa bawat kilos niya at baka bigla nalang siyang mawala. Baka dumalaw din si Yamileth dito dahil alam kung hindi niya matitiis ang Lola niya. Baka nagkakasalisi lang kami.
Magdamag akung hindi natulog at maya't maya kung sinisilip kung saan siya natutulog. at bawat galaw niya pinagmamasdan ko. Pero hindi ko naman siya pwedeng bantayan 24/7 may mga trabaho akung dapat harapin. Makumperma ko lang na totoong butis siya at malaman ang tinitirhan niya humanda lang siya sa akin. Kukunin at ilalayo ko sa kanya ang aking anak. Magdusa siya sa pagmamakaawa. Hindi ko sila mapapatawad sa ginawa nila sa kapatid ko.
"Sir may meeting po kayo sa Golden Globe Hotel mamayang 10:30." Paalala ng secretary ko pagkababa niya ng folder sa harap ko kaya napatingin ako sa switch watch ko. May isang oras pa ako para gumayak.
Hinilot ko ang aking sintido sa dami ng mga iniisip ko hindi ko na alam kung anung uunahin ko. Nagkasunod-sunod na ang mga alalahanin at problema ko simula ng umupo akung CEO. At sigurado akung umpisa palang ito. Marami pang darating. At ang pinaka malaking gumugulo ng buong sistema ko ang pagbubuntis daw ni Yamileth.
Tumayo na ako upang pumunta sa venue ng meeting namin at baka ma-traffic pa ako. Hindi naman kalayuan dito ang GGH kaya sandali lang ang magiging biyahe ko huwag lang masyadong traffic.
Sunod-sunod na pag-ring ng telepono niya ang gumambala sa kanilang meeting kasama ang mga investor na mula pa sa Canada hindi pa sana niya ito sasagutin dahil nasa kalagitnaan sila ng paguusap. Kung hindi lang paulit-ulit itong tumutunog. Kaya napilitan siyang kapain ito sa bag ng laptop niya. At ng makita niya ang caller id napatayo siya ng wala sa oras."Franz anak nagising na kapatid mo at ikaw ang hinahanap. Pumunta ka na dito agad." Diretsong wika ng Mommy niya at agad din nitong pinutol ang tawag. Kaya wala din siyan nasabi.
"Sorry guys it's an emergency call." Agad niyang wika at may pagmamadaling sinamsam lahat ng gamit sa ibabaw ng table. Tumayo naman ang iba bilang pagbibigay unawa sa kanya ang iba naman ay banayad lang na tumango bilang pagsanayun sa pag alis niya. Halos tumakbo na siya palabas ng restaurant at hindi pansin kung may mabunggo siya. Patakbo rin niyang tinungo ang sasakyan at nagmanadaling rin sumakay dito. Halos paliparin na niya ang kotse sa pagmamadali. Kaba at excitement ang nararamdaman niya sa pag-gising ng kapatid. Malalaman narin nila ang tunay na nangyari dito.
.
.
.
.........................................................
please follow my account...
and add my story in your library..
...loveyouguys..God Blessed Us..
thanks much......lrs..
....."Lady Lhee"....