Third Person’s POV
Matapos ang huling klase ng araw na iyon, diretsong nagtungo si Anthony sa university gym, iniisip na nanduon na ang dalaga at nag-aantay sa kaniya kagaya ng napag-usapan. Hindi na siya nag-asaya ng oras, pati ang mga kaibigan niya ay iniwan na niya rin. Hindi na rin siya nakapag sabi pa sa mga ito dahil ang importante sa kaniya ngayon ay ang makapunta sa napag-usapang lugar.
Ngunit ng makarating siya sa loob ng gym, ang tanging nakita niya lang duon ay ang mga basketbolistang player na nagpa-praktis kasama ang kanilang coach. Bukod duon, wala ni isang estudyante ang makikitang nakatambay roon.
Inisip na lang ni Anthony na hindi pa tapos ang klase ng dalaga kaya napangisi siya ng bahagya bago tuluyang umupo sa isa sa mga bench na malapit sa dingding. Mula sa bulsa ng kaniyang pantalon ay kinuha niya ang vape at walang pag-aalinlangang hinithit iyon.
Mahigpit na ipinagbabawal ang anumang uri ng paninigarilyo sa loob ng campus, ngunit bihira lamang ang may lakas ng loob na sumita kay Anthony Hurls. Kahit ang mga staff at guwardiya ay mas pinipiling magbulag-bulagan na lang sa tuwing makikita nilang may nilalabag nanamang batas kolehiyo si Anthony.
Sanay na sanay na si Anthony sa ganitong set up. Kung may magtatangkang magsumbong sa kaniya, alam niyang kaya niyang baliktarin ang kwento. Ayaw na ayaw niyang makarating sa mga magulang niya ang mga kalokohang ginagawa niya sa loob ng unibersidad, at sa tuwing may umuusbong na problema, palagi siyang may nakahandang palusot. Sa huli, ang nagsumbong pa ang napapasama. Kaya naman hindi na rin nag-aabala ang mga staff, dahil alam nilang kahit anong mangyari, si Anthony pa rin ang lalabas na tama.
Samantala, ilang building ang layo mula sa gym, hindi mapakali si Dzyre habang unti-unting nalalapit ang pagtatapos ng kanilang klase. Paulit-ulit niyang tinitingnan ang orasan, pakiramdam niya’y bumibilis ang t***k ng kaniyang puso sa bawat minutong lumilipas. Hindi niya alam kung susundin ba niya ang sinabi sa kaniya ni Anthony o kung tatakasan na lang niya ito. Ngunit kasabay ng pagnanais niyang umiwas ay ang takot na unti-unting bumabalot sa buo niyang pagkatao. Kilala niya si Anthony, alam niya kung ano ang kaya nitong gawin kapag nabaliwala ang kagustuhan nito.
“Class dismissed!” ani ng kanilang propesor bago tuluyang lumabas ng silid-aralan.
Agad na nagsimulang nag alisan ang mga estudyante, ngunit si Dzyre ay nanatiling nakaupo ng ilang segundo, tila ba pinipilit pang kontrolin ang sariling paghinga. Nang sa wakas ay tumayo siya at naglakad palabas ng classroom, kapansin-pansin ang kaba sa kaniyang mga kilos.
“So ano? Pupunta ka ba?” tanong ni Josephine habang sabay-sabay silang naglakad sa hallway. “Pwede ka naman naming samahan. Kahit magtago na lang kami sa loob ng storage area.”
May pag-aalala sa boses ng kaibigan, at iyon ang unang pagkakataon na narinig ni Dzyre si Josephine na ganoon. Si Josephine kasi ang tipo ng babaeng walang kinatatakutan, ang laging nauunang magyaya ng kalokohan. Pero hindi iyong mga kalokohang maglalagay sa kanila sa peligro, mga simple lang, kagaya ng pag-agaw ng bakanteng mesa sa canteen kapag wala na silang mapwestuhan.
“Oh my gosh, this is stressing me out!” malambot ngunit halatang may kaba sa boses ni Carl habang nakasukbit sa balikat niya ang kulay puti niyang bag.
Si Dzyre naman ay patuloy lang sa paglalakad. Hindi niya nililingon ang mga kaibigan, hindi rin siya sumasagot. Hindi dahil ayaw niya silang pakinggan, kundi dahil sa dami ng senaryong naglalaro sa kaniyang isipan, parang kusa nang humaharang ang sarili niyang utak sa lahat ng sinasabi ng mga kaibigan niya. Gusto niyang umatras. Gusto niyang tumakbo palayo. Ngunit parang may humihila sa kaniya paabante.
Sa sobrang lutang niya, hindi niya namalayang may nabangga na siyang estudyante. Ngunit hindi tulad ng nakaraang pagkakataon, hindi siya sinita ng nakabungguan niya. Hindi siya pinagtaasan ng kilay. Nilagpasan lamang siya nito at nagpatuloy sa paglalakad, na para bang walang nangyari.
Dahil sa bungguang iyon, nagising ang diwa ni Dzyre. Bigla siyang huminto, saka nagpasya sa loob lamang ng ilang segundo. Sa halip na dumiretso sa gym, mabilis siyang kumabig palabas ng building. Mabilis siyang naglakag palayo hanggang sa tuluyan na siyang tumakbo, leaving her friends behind.
Nagkatinginan sina Carl at Josephine bago sila nagmadaling sinundan si Dzyre. "Dzyre, wait!" sigaw pa nga ni Carl, ngunit dahil sa dami ng estudyanteng nasa hallway, nabigo silang sundan ang dalaga.
Meanwhile, patuloy pa rin na nag-aantay si Anthony sa pagdating ni Dzyre at walang kaalam-alam na tinakasan na siya ng dalaga. Ilang minuto pa ang lumipas bago may pumasok ng gym at lumapit sa kaniya. Walang iba kung hindi ang mga kaibigan niyang sina Oliver, Caleb, at Cameron.
“Damn, bro!” rinig ang mapang-asar na tono ni Oliver. “Did you just get stood up?”
Natawa naman ang magkakaibigan dahil duon. Nobody ever stood up Anthony
Ngunit para kay Anthony, walang kahit anong nakakatawa sa nangyari. Walang sinuman ang nagkaroon ng lakas ng loob na hindi siya siputin... not until now.
Nung una ay naiinis pa si Anthony ngunit ng makalipas na ang ilang minuto ay napalitan ito ng isang napang-asar na ngisi This is new to him. And somehow, it felt… entertaining.
“Let’s go,” nag-aya na si Anthony na lumabas ng gym pagkatapos ay ipinaloob muli sa bulsa ang vape na kanina pa niyang hawak. Hindi na ginawa pang big deal ng mga kaibigan ni Anthony ang nangyari kaya ng mag-aya na itong lumabas ay sumunod na lang sila.
Habang sina Caleb, Cameron, at Oliver ay masayang nagke-kwentuhan at nagpaplano ng gagawin nila ngayong tapos na ang kanilang klase, hindi naman maalis sa isip ni Anthony ang nangyari kanina.
Paulit-ulit na bumabalik sa kaniya ang imahe ng babae. There was no way na may mang-gaganoon sa kaniya. He has done this multiple times, and nobody has ever dared to stood him up.
"She’s interestingly annoying", ani Anthony sa kaniyang sarili, kasabay ng bahagyang pag-angat ng sulok ng kaniyang labi.
“Huy! Saan tayo kakain?” biglang tanong ni Cameron, pasimpleng binabasag ang katahimikan ng kaibigan. “We’re thinking Vikings.” dagdag pa nito.
“Anong we’re thinking?” angal naman Caleb habang inaayos ang bag na nakasukbit sa kaniyang balikat. “Ikaw lang ang may gusto nun. We wanted to eat by the bay. Yung bagong tayong seafoods restaurant doon.”
“Ang layo kaya nun,” sagot ni Cameron, agad na napasimangot. “Isang oras pa yung byahe. Hindi tulad ng Vikings na wala pang twenty minutes.”
Napatigil si Anthony sa paglalakad at bahagyang inilingon ang ulo para tignan si Cameron. Napapatawa na lang ito sa pala reklamong kaibigan. “Ayun lang ba ang problema mo?” aniya, may bahid ng pang-aasar. “Bakit pa at may big bike tayo? Kayang-kaya nating gawing twenty minutes lang ang byahe doon.”
Kasabay ng kaniyang sinabi ay ang paglapit nila sa nakahilera nilang mga big bike. Makikintab, magagara, at tila ba sumasalamin sa personalidad ng mga may-ari nito. Para kay Anthony, ang layo ay hindi kailanman naging hadlang. Lalo na kung gusto niya ang pupuntahan.
Dahil dito, napalingon si Cameron kay Oliver at para bang nagmamaka-awa ang mga mata na sumang-ayon ito sa kaniyang gusto. Si Oliver naman ay tahimik lamang at hindi nakikisali sa kanilang debate. At dahil hindi tinatanggal ni Cameron ang tingin sa kaniya, hindi naiwasang napatingin si Oliver sa mga mata ng kaibigan habang kinukuha niya ang helmet na nakapatong sa kaniyang motor. Sa totoo lang, pinipigilan lamang nito ang matawa. Gusto man ni Oliver na sang-ayunan si Cameron, hindi naman siya magawa sa kadahilanang kagaya nila Anthony, nung nakaraan pa rin niya inaantay magbukas ang restaurant na "Seafoods by the bay."
Nang mapansin ni Cameron ang bahagyang ngiting sumilip sa labi ni Oliver at ang kasunod nitong pagkakamot sa ulo, alam na niya agad ang sagot.
“Damn it! Alright, whatever!” napabuntong-hininga si Cameron at wala nang nagawa kung hindi ang sumang-ayon sa gusto ng mga kasamahan. “Ganun naman talaga kapag hindi importante.” dugtong pa niya na para bang nagpapa-awa pa.
Natawa na lang si Anthony habang isinusuot ang helmet, ganoon din ang iba pa nilang kaibigan.
Kaya naman gustong kumain ni Cameron sa Vikings, dahil mayroon itong iba't-ibang flavor ng paborito niyang yogurt. Bukod duon ay talaga namang masasarap ang mga pagkain duon at marami ka pang pwedeng pagpilian. At kung kakayanin ay pwedeng pwede mong matikman ang lahat ng potaheng nakahain duon. Pero kahit na ganoon, wala nang nagawa pa si Cameron kung hindi ang sumang-ayon sa mga kaibigan.
Sasakay na sana si Anthony ng kaniyang BMW R18 ng makita niya ang mga kaibigan ng babaeng nakabungguan nya kanina sa hallway. "Hey! Hey!" malakas na pagtawag ni Anthony sa mga ito kaya naman agad na napalingon sa kaniya sina Josephine at Carl. Ayaw na sana pang huminto ni Josephine ngunit si Carl ay nagpumilit pa kaya wala nang nagawa si Josephine kung hindi ang huminto na lang rin. Hindi na nagsayang pa si Anthony ng oras at agad ding nilapitan ang dalawa. Nang iniangat ni Anthony ang face shield ng kaniyang helmet, kita sa mukha ni Carl ang pagka excite, at tila ba bumagal ang pag galaw ng nasa paligid at si Anthony na lang ang nakikita niya. Nang mapansin naman iyun ni Josephine, napailing na lang siya at hindi napigilang napa-ikot ang mga mata.
"Where's your friend?" malamig na tanong ni Anthony. "And if you don't know where she is, just give me her number." dugtong pa nito ng hindi niya nakita ang dalagang hinahanap niya. Hindi siya sinagot ni Josephine pero si Carl... walang pakundangang isiniwalat ang numero ng kaibigan na para ba siyang nahipnotismo sa kagwapuhan ng binata.
"GOT IT!" sigaw ni Cameron na mabilis na nasundan ang mga numerong binigkas ni Carl. Matapos ay tinalikuran na sila ni Anthony ng hindi manlang nagpapasalamat.