Chapter One: Hallway
Dzyre Alonzo's POV
“Hello?” sabi ko ng sagutin ko ang tawag mula sa isang numerong hindi ko naman kilala. Sa totoo lang, hindi talaga ako palasagot ng mga unknown numbers. Madalas, hinahayaan ko lang silang mag-ring hanggang sa kusa na itong matapos. Pero ewan ko ba kung anong pumasok sa isip ko at nasagot ko pa ito. Siguro dahil bagong gising lang ako, antok na antok, at wala pa talaga sa tamang pag-iisip ang utak ko.
“Sino ba ’to?” dagdag ko pa, rinig ang pagka-irita sa tono ng pananalita ko. Paano ba naman kasi, ang aga-aga, tapos istorbo pa sa iisang araw na pahinga ko. Wala akong pasok sa school at wala rin akong shift sa trabaho. Ito lang talaga ang araw na plano kong bumawi ng tulog... or at least iyon sana ang plano ko.
“Where are you?” kalmadong tanong ng lalaking nasa kabilang linya, pero kahit ganoon ang tono niya, ramdam ko pa rin ang galit sa pananalita niya. “Aren’t you supposed to be at school before me? Alam mong may consequences kapag hindi ka sumunod sa akin, ’di ba?”
Hindi ko na kailangang antayin pa na sabihin niya ang pangalan niya. Sa boses pa lang nya, kilala ko na agad. Isang boses na nakakainis, mayabang, at parang laging may galit sa mundo.
“Did you mute my number?” dugtong pa niya, at kahit na mahinahon ang pagkakasabi nya, naramdaman ko na parang may kuryenteng gumapang sa kaloob-looban ng mga buto ko sa katawan. “Kanina pa kita tinatawagan pero hindi mo sinasagot. Pero nung tumawag ako gamit ang ibang number, nasagot mo agad? Yari ka talaga sa’kin pagdating mo dito.”
Napapikit ako at mariing napahawak sa phone. Hindi ko alam kung ano ba ang mas nangingibabaw sa nararamdaman ko sa mga oras na iyun, takot ba, kaba, o irita. Siguro halo-halo na. Basta ang alam ko, wala akong lakas para makipagtalo sa umagang maganda dapat pero nasira pa. Kaya ang ginawa ko na lang? Pinatayan ko sya ng tawag. Napapakamot na lang talaga ako sa ulo dahil sa inis na nararamdaman ko. Napapasipa at napapatadyak sa kutson habang na-i-imagine ko ang pagmumukha ng lalaking iyun.
Oo, alam kong lalo lang siyang magagalit sa pag patay ko ng tawag niya. Alam kong mas lalo akong mapapahamak sa ginawa ko, pero bahala na. Siya naman ang nanggulo sa beauty sleep ko.
Mga ilang minuto din akong nakatitig lang sa bubungan naming yero na may malilit na pumapasok na sikat ng araw. Iniisip ko kung babangon ba ako o magpapanggap na lang na wala akong narinig. Pero sa huli, nanalo pa rin siya. Napabuntong-hininga ako bago padabog na inilapat ang mga paa ko sa sahig naming kahit na anong linis ko ay para bang nang-gigitata pa rin.
“Bwisit,” bulong ko habang nag-aayos ng buhok. “Nakakainis. Nakakainis talaga.”
So... how did I even end up in this situation?
-ˋˏ✄┈┈┈┈
Isang araw, taimpim at payapa akong naglalakad sa hallway ng campus habang hawak-hawak ang mainit na inuming tsokalate na nabili ko sa canteen kasama ang aking mga kaibigan na sina Josephine at Carl. Masaya lang kaming nagke-kwentuhan ng biglang may sumulpot sa kabilang hallway. It was Anthony Hurls at ang mga minions nya na sina Caleb, Oliver, and Cameron. Dahil sa hindi sila tumitingin sa dinadaanan nila, nagkabungguan kami at natapon tuloy kay Anthony ang hawak kong inumin. Nanginig ang buo kong katawan at para bang tumigil ang mundo ko. I know not to mess with them dahil kilala sila bilang "the billionaire badboys" ng unibersidad and they are known for their bad behavior. Bukod duon, pagmamay-ari din ng mga magulang ni Anthony ang University na ito. Nang pumasok sa utak ko 'yun, lalo akong nawindang. Nataranta ako ng wala sa oras.
"WOAH!" malakas na bulalas ni Anthony kaya napatingin sa direksyon namin ang mga estudyanteng nakarinig sa kaniya.
"Omg!" sabi pa nga ng ibang nakakita, "Sino ba yung babae? Lagot talaga sya kay Anthony." napalibutan na kami ng bulong-bulungan ng mga marites na estudyante. Agad ko namang napansin ang pagdami ng mga matang nakatingin sa amin. Akala mong nanunuod lang ng pelikula sa sobrang invested. Yung iba pa ngang may hawak na libro ay napatigil din sa pagbabasa at napatitig sa amin. SHEMAY! Mga ganitong eksena talaga ang mga iniiwasan ko e.
"WHAT THE F?!" at dahil mainit ang inumin na tumapon sa kaniya, natataranta nyang hinubad ang coat pati na rin ang polong uniporme na suot nya. Habang busy siya sa ginagawa niya, ako naman ay natatarantang kinuha ang panyo na nasa bulsa ng paldang uniporme na suot ko at walang pag-iisip na ipinunas ito sa ngayong hubad na katawan ni Anthony. Nanlaki ang mga mata ko at napahinto ng mapansin ko ito. Narinig ko rin ang pagtawa ng mga kasamahan niya na lalo pang nagpadagdag sa kahihiyan na nararamdaman ko.
"S-Sorry" mahina at kabadong lumabas sa bibig ko habang napapasulyap sa mukha ni Anthony. Pero agad din akong napaiwas ng mapansin ko na para bang kinakabisado nya ang mukha ko. He wasn't saying anything. All he was doing was stare at my face. Lalo akong kinabahan, I was waiting for my friends to get me out of this situation pero I'm sure na pati sila ay hindi alam ang gagawin kaya hindi ko rin sila masisisi.
Habang pilit kong iniiwas ang tingin ko kay Anthony, napansin ng peripheral view ko na parang hindi na sa mukha ko nakatingin ang mga mata nya. Napatingin ako muli sa kaniya at tama nga ang pag-aakala ko. Nakatingin siya sa malulusog kong hinaharap na para bang kulang na lang ay gusto nya ng pisilin.
Napansin ko rin na pati ang mga minions na nasa likuran nya ay halos maglaway na sa dibdib ko. Oo, inaamin ko na hindi lang ito ang unang pagkakataon na napansin kong may nakatingin sa dibdib ko. Lalo na ngayon na halos bumitaw na ang isang butones ng blouse na suot ko sa sobrang lusog nito. Hindi pa kasi ako nakakabili ng bagong uniporme dahil sa isip-isip ko ay pwede pa naman itong nag-iisang uniporme ko kahit na nakaka-ilang taon na ito sa akin.
Napangisi ako sa inis, at ng marinig ng mga kaibigan ko iyun, alam na nila ang susunod kong gagawin. Pero bago pa ako makapagsalita, hinatak agad ako ng mga ito, "Uhm... sorry guys, kailangan na naming umalis, may klase pa kami." pagpapalusot ni Carl na may halo rin na pagpapa-cute. "Cya!!" dugtong pa niya, "never." at agad niya ring sinabi pero mahina lang.
Susugurin ko na talaga sila e. Wala akong paki kung sino pa sila. Pangbabastos ang ginawa nila. At talagang harap-harapan pa nilang ginawa.
"Hayst... muntik na tayo dun." wika ni Josephine bago muling nagpatuloy sa pag-inom ng inumin nya.
Maganda si Josephine, matalino at talaga namang sobrang ganda. Hindi ko nga alam kung paano ko 'to naging kaibigan e. Marami ang nagkakagusto sa kaniya. Marami ang napapatingin lalo na sa magandang hubog ng katawan nya. Wala syang kinakatakutan dahil alam nyang kahit na anong mangyari ay wala namang nagtatangkang umaway sa kaniya dahil sa palaban nyang katangian.
"Girl!! Mag-ingat ka na lang sa susunod." paalala naman sa akin ni Carl habang patuloy sa pag kendeng ng kanyang baywang. Carl is known for his good looks. Sayang nga at lalaki din ang hanap. Marami pa namang babae ang nagkakagusto sa kaniya kahit na alam naman nilang hindi sila magugustuhan nito.
Nag pintig ang tainga ko sa sinabi ni Carl kaya naman ay napasagot ako ng medyo malakas. "Hoy... excuse me! Unang-una sa lahat, sila ang hindi tumitingin sa dinadaanan nila. And secondly, they were staring at my bo0bs. Kulang nalang ay himasin nila. Sila na nga yung nakaperwisyo, sila pa ba ang magagalit. Kung hindi mo nga ako hinatak ay baka nabatukan ko pa ang mga yun."
Halos mapatitig ang dalawa sa akin dahil sa mga sinabi ko. Carl's lips were even slightly open sabay hampas ng mahina sa balikat ko. "Ano pa bang nakakagulat duon ha? Kahit nga ako na bakla hindi maiwasang mapatingin dyan sa napakalaki mong future." dahil sa sinabi nya na iyun, hindi namin napigilang humalakhak ni Josephine. "Gosh!! Minsan kinikilabutan na lang ako sa sarili ko e. Hindi ko alam kung gusto ko bang hawakan o naiinggit lang ako." dugtong pa ni Carl na lalong nagpatawa sa amin.
"Girl!! I feel you ah. Ako nga na babae naiingit sa kaniya, ikaw pa kaya na lalaki." at muli kaming tumawa ni Josephine habang si Carl naman ay napahinto at napa-awang ang bibig sabay napahawak sa kaniyang dibdib.
"Hoy, excuse me..." nakataas pa ang isang kilay ni Carl ng sabihin niya ito, "Atleast ako kahit na binabae ako, may makakapa ka pa rin kapag hinawakan mo, eh yung sayo, parang likod. Feeling ko kahit n!pple, wala ka e. Minsan nga napapatitig muna ako sayo bago ako magsimulang mag kwento para maka sigurado na nakaharap ka sakin at hindi nakatalikod."
Halos hindi na ako makahinga sa kakatawa dahil sa dalawang ito. Ganyan talaga sila kahit nung una ko silang nakilala. Kaya nga naging komportable ako sa kanila kasi kaugali ko sila. They don't take jokes too seriously, parang ako lang.
Habang patuloy silang nagpapalitan ng mga salita, ako naman ay biglang natigilan ang pagtawa ng makita kong papalapit sa akin sina Anthony. Paano ako nakasigurado na sa akin sila pupunta? Because they never took their gaze out of me.
Napansin ko rin na iba na ang suot ng binata. Naka-uniporme pa rin pero wala na ang mantsa na kamalas-malasan ay kagagawan ko pa.
I stood still... not breaking eye contact with Anthony. Nagpapakita lang ako ng katapangan pero deep inside, halos tawagin ko na ang lahat ng santo sa sobrang kaba.
"Meet me at the gym after class. Only you." malamig na wika sa akin ni Anthony ng makarating sya sa harap ko at agad din namang umalis matapos.
Natahimik ang paligid at agad namang napunta sa akin ang pansin nila Carl at Josephine, "Hala ka girl, I think you just awaken the devil." pang-aasar pa ni Carl na lalo kong ikinakaba.