BUMILI KAMI ng ice cream bago umakyat na sa third floor. Rocket was prepared, dahil kagabi pa lang nakabili na pala siya ng ticket online, so dumiretso na kami sa cinema. Hindi na kami pumila para bumili ng ticket. When we got inside, he immediately put his hand around my shoulder para di ako lamigin. Nang mag-umpisa na ang palabas. Parehas nang natuon ang atensyon namin sa palabas. "I hate that movie! I swear.. I f*****g hate it!" Sumisinghot na pinunasan ko ang aking mata ang likod ng palad ko. I thought the film was a romantic comedy. Sa unang mga scene kinikilig at tumatawa pa ako, but when it reached the climax until the ending. Umiiyak na ako. It's about choosing between your dream, family and the man you love. Alin ang priority mo at sino ang igi-give up mo. If that would happen

