Parehas kaming tahimik pagpasok sa elevator. Iniisip ko pa rin bakit niya ako kakausapin? Wala naman akong violation, ah? Isang beses lang akong nag-over break. Ang babaw na dahilan niyon para alisin ako sa trabaho! Gustong-gusto ko nang tanungin si Mr. Villegas anong kailangan niya sa'kin pero parang kabastusan naman 'yon. Hindi ko pwedeng pairalin ang pagiging impatient ko dito, he was one of my boss. Mahirap na. Bumukas ang elevator sa floor ng cafeteria at nagulat pa ang mga empleyado nang makita naroon si Mr. Villegas. Bumati ang lahat at nag-alangan kung sasakay ba, until Mr. Villegas gestured them to get in. "Friday?" Lumingon ako sa tumawag sa pangalan ko at namilog ang aking mata nang makita si Ate Rozen. Sa ilang buwan ko rito mula pa noong mag-OJT ako, ngayon lang kami nagki

