Chapter 5

4603 Words
My whole week was productive! Katatapos lang ng exam kaya marami akong free time at maagang umuuwi para manood ng series sa Netflix. I read the books that I bought last year pa from BBW and NBS booksale. I think, I needed to buy a new bookshelf dahil nagsisisikan na kasi sila doon sa luma ko. I also went out with the girls. After ng meeting sa org. kumakain kami sa KFC. Ang busy nila except Violet na palagi kong nakakasama. Si Jane busy sa training, but I don't know... she's been acting weird lately. I texted her last and asked what's her problem. Emoji lang ang isinasagot sa'kin. Ang gulo! Ganoon rin si Genesis na palaging nagmamadaling umalis. Isa lang naman ang madalas kitain nun ang kaniyang long time boyfriend. They're perfect together! Relationship goals talaga! They both came from a good family, independent, reponsible, focus sa goal at higit sa lahat ay first nila ang isa't isa. I want to have a relationship like that. Gusto ko ang first ko— ay siya na rin ang last. Palagi akong pinagtatawanan ni Violet kapag sinasabi ko 'yon. There is no such things like that daw. Pero naniniwala akong, lahat tayo ay may nakalaan na tamang tao. Someone who will accept you, embrace flaws and love you for who you are. Gosh! Ang lalim non, ah? Ang cringe! Friday nang yayayain naman ako ni Violet pumunta ng mall para bumili ng gift kay Mark. Hindi sila masyadong nagkikita. Busy daw si Mark sa preparation para sa birthday nito tomorrow. He'll be turning 21, if im not mistaken. So, medyo biggie 'yon for him. It's like the debut for boys. "Bakit ang mamahal ng coat dito! Dalawang linggo allowance ko na 'to, ah!" Narinig kong reklamo ni Violet habang iniisa-isa ang nakasabit na coat sa rack. I was standing beside her, getting irritated and bored. Naikot na namin buong men's clothing section, wala pa rin siyang napipili. Sumasakit na paa ko sa heels na suot ko! "Mahal talaga ang coat, tanga!" Pnasadahan ko nang tingin 'yung hawak niyang black velvet coat. "Sana sa ukay ka na lang bumili kung gusto mo makatipid! Tapos pinakuluan mo na lang." She rolled her eyes. "Ang hirap naman magregalo sa RK! Katawan ko na lang kaya ang iregalo ko?" Seryoso siya nang sabihin 'yon kaya naman napairap ako. I checked my phone when a notification popped up. In-open kaagad 'yon. Si Rocket. He's been constantly messaging me these past few days pagkatapos ko siya i-follow back sa IG. After our date we never get a chance to see each other again. He's been busy too. Prelims rin kasi nila. Nagpapalitan naman kami ng messages, mostly mga walang kwentang bagay lang ang sinasabi niya. Like, he would send me a corny punch lines or memes. Kapag hindi ako nag-re-reply, uulan ako ng selfies at emoji. How annoying. Napipilitan tuloy ako magreply. Eversince I've met him. Ang papel niya talaga inisin ako! Rocket : akala ko NOVEMBER na. I rolled my eyes typing my reply. Friday: Bakit? Kasi... akala mo araw na ng pantay at dadalawin mo ang namatay nating conversation? Alam ko na 'yan! Rocket: akala ko November na kasi ang daming patay na patay sa'kin... including you! :) Friday: patay na patay? Gusto mo patayin kita? Rocket: papatayin mo ko sa... pagmamahal. Ugh. Friday: ..!.. Rocket: Uy, foul 'yan! Friday: foul? Bibig mo ang foul! Rocket: haha! pikon. I saw him typing, I just waited for his message. Rocket: anong oras kayo pupunta sa party ni Mark? My eyebrow furrowed. Friday: Why? Isasabay mo kami? :) Rocket: luh? Nagtanong lang. Assumera kaagad? Friday: I hate you! Rocket: haha. di na mabiro to. Gusto kita sunduin kaya lang walang mahiraman ng sasakyan. Gagamitin daw nung isa kong tropa. Tsk :( I smile when I saw the sad emoji. Naiisip ko 'yung pa-cute-sad face niya. Friday: Oh, it's okay. Mag-book na lang kami ng grab. What time will you be there tom.? Rocket: 6PM! Friday: Galet ka niyan? Bakit ang aga yata? Rocket: ewan ko kay mark atat na atat ampota. Dinadamay pa ako! gusto ko pa naman sabay tayo :( I bit the insides of my cheek to contain myself from smiling. Ang clingy nakakainis! Friday: It's okay. I'll see you there tom. :) "Ayon! Kaya pala mukha akong tanga kakasalita rito may ka-chat pala!" "Aray! Tanga, wala akong ka-chat!" Tiningnan ko nang masama si Violet pagkatapos hilahin ang buhok ko. Hindi ko naririnig kanina pa pala niya ako tinatanong. "Sus!" Tumaas ang kilay niya. Hindi naniniwala sa sinabi ko. "Utot mo! Mapupunit na nga bunganga mo sa sobrang laki ng ngiti mo diyan. Share ka naman sino ba 'yan, ha?" Iniwas ko kaagad 'yung cellphone ko nang subukan niya iyon kuhanin. "Wala! Chismosa nito!" "Wala daw? Pero ngumingiti? Landi mo!" Inirapan ko siya at sinamaan ng tingin. "Ano ba nakapili ka na? Ang tagal mo! Anong oras na, oh!" Sumulyap ako sa relo ko. "Magdidilim na. Susunduin na ako ni KuyaJune." "Akala mo naman di ko nakita kung sino ka-chat!" Pang-aasar niya sa'kin, hinampas pa ang buhok ko. "Landi mo! Gusto na madiligan! Yiiieee!" Nag-iinit ang pisnging, lumingon ako sa paligid saka pinalo ng malakas sa braso si Violet. "Ewwww! Kakahiya ka!" Gosh! Hindi ko pa nga naiisip ang bagay na 'yon no! Hindi ba pwedeng first kiss muna bago 'yon? WTF, Friday? Shut up! Tumatawang tinawag na ni Violet ang sales lady na nag-assist sa'min at humingi ng size nung coat na napili niya. Pagkabayad namin sa cashier nagpasundo na ako sa kuya ko. Isinabay namin si Violet hanggang sa kanto ng dorm na tinutuluyan niya. . . PAGDATING sa bahay umakyat ako sa kwarto. Niyaya pa akong mag-dinner ni Tita Nicole but I told her, I already ate kahit hindi pa. I need to start my diet. Feeling ko... feeling ko lang ah? Tumataba na ako. I turned the lights and aircon on, before going to my bathroom. I took a shower and finished my skin care night routine and wore a pale pink nighties. I sat down on my vanity dresser, drying up my hair with a white towel. Ayokong natutulog na basa 'yung hair ko, masakit sa ulo pag-gising sa umaga. Habang nagpapatuyo, I turned the bluetooth on of my phone, automatic na nag-connect siya sa maliit na speaker sa room ko then I played a ramdom song on my spotify. [Love Story - Taylor Switf] I hummed and banged my head a little while continuing drying up my hair. I'm not a fan of TSwift but she's okay though. Growing up, hearing the blasting guitars and drums in my brothers room, influenced my taste in music. I'm more on the pop punk and pop rock genres. I have this huge poster of Panic At The Disco pinned on my wall for almost 6 years now. Iniyakan ko pa ang Kuya ko para lang ibigay sa'kin 'yon. Who wouldn't? It has a signature of Brendan Urie! I banged my head more wildly as I turned up the music in my room. Nakakadala ang kanta ni Taylor! I'm feeling the vibe. I stood up, getting my fake reading glasses and wore it. I started dancing in front of the mirror like a stupid teenager, like a f*****g frustrated dancer! I moved my hips to the beat. Pointing at myself in the mirror, making pa-cute faces. "Romeo, save me I've been feeling so alone! It's a love storyyyy... baby just say yes!" Tumawa ako nang malakas ng pumiyok sa mataas na partw ng kanta. Wala talaga akong katalent-talent. But who cares?! I'm enjoying the music! Duh? And it's been a long time since I've done this! Pinagpawisan tuloy ako. Namula 'yung magkabilang cheeks ko at medyo nagulo 'yung hair ko. I bit my lower as I stared at my reflection in the mirror. Hinawakan ko ang magkabilang cheeks ko. Bakit parang ang blooming ko? Parang lang, ah? Di naman ako masyadong assumera! Napapansin rin 'yon ng iba kong kaklase. O, maybe inuuto nila ako? But... Whatever! I feel pretty tonight! I need to take a selfie! Urgent 'to! Minsanan lang ako makaramdam na feeling ko sexy ako! Dali-dali kong inabot ang cellphone sa ibabaw ng vanity dresser. Tinungkod ko ang isang tuhod ko sa vanity chair, revealing my thigh a little. I bit a finger while the half of my face was covered with the phone. Ibinaba ko rin ng konti 'yung neckline ng nighties ko to show a little... chest. Oo na! Maliit ang boobs ko! Nagmana ako sa Tita ko. I took a few shots. Nakagat ko ang ibabang labi ko habang ini-isa isa yung mga pictures. Gosh. Hindi ba ako mukhang malandi nito? Pero sayang kung hindi ko ipopost.. Nag-effort pa naman ako umangulo saka mas malala pa nga mga pinopost ni Violet! I bit my lower lip, thinking and staring at my picture. I slighty looked like I have a cleavage, nakahawak yung isang kamay ko sa likod ng ulo, revealing my flawless underarm. Medyo naka-side view rin ako. So, na-emphasized 'yung jawline and pointed nose ko. Nag-aalangan pa rin ako pero bahala na! Hindi naman ako sobrang ka-conservative at lalong walang boyfriend na magbabawal sa'kin! I directly posted it on my IG story without filter. I believe that those filters cannot top good lighting + right angle + natural beauty. I sat on my bed, watching the views go up. I giggled when some of my blockmates and schoolmates reacted. May iba pang nag-heart react p sa hindi ko naman kilala personally, nakakasalubong ko lang sa university. Levi : Wow, chicks! Goldilocks. Brandon: Add to heart. Pwede? Gerald: this girl is on fire! Basti: 09750818001 call me. You're hot! Kazu: Does your brother knew about this? I rolled my eyes on Kazu's reply. Kaibigan siya ni Kuya June magka-blockmate sila. Nakalimutan ko naka-follow nga pala kami sa isa't isa. I hoped he won't tell Kuya about this. Patay talaga ako! Natigilan ako sa pag-scroll sa sunod-sunod na notification. Kumunot ang noo ko habang binabasa yon. Rocket : ang panget. Rocket: hindi mo bagay. Rocket: delete mo nga yan. Ang daming message! Kung makapag-utos ang demanding! Who the hell he think he is?! Nag-init kaagad ang ulo ko. Mabilis akong tumipa sa phone. Ang lakas ng tunog ng mga daliri ko sa screen sa sobrang gigil! Friday: Mas panget ka! Friday: Pakialamero na! Epal pa! Rocket: luh? Galit na galit? Usto manaket? haha. Rocket: tsk.tsk. Friday: eh, ikaw? Papansin ng papansin? May ka lang yata sa'kin, eh! Rocket: ay iba din! Sana all confident! Why he sounded sarcatic and mad! Inaano ko ba siya?! Kanina lang maayos kaming magka-chat, ah! Rocket: bigyan kita holy water baka mahimasmasan ka sa mga pinagpopost mo ghorl. Lol Friday: Inom ka holy water pasmado ang bibig mo. Rocket: ha? Sumbong kita sa nanay mo. Friday: Samahan pa kita! Rocket: samahan kita sa pluto. Friday: ikaw na lang! wag ka na babalik! Rocket: edi na-miss mo ko nun?! WTF! Wala talagang kwenta kausap! Bwiset! Rocket: speechless? Palit ka na lang damit mo, oy! Baka pulmonyahin ka pa. Haha! Friday: Wala kang pakialam kahit mag-nude ako dito! Inggit ka? Gaya ka! Rocket: luh? Gusto makita abs ko. Wag na screenshot mo pa. XD Friday: wag ka nang mag-chat! Nasisira ang gabi ko! Rocket: K. bye. K. bye pala, huh? Talagang ba-bye na! I immediately blocked him! Inis na pinatay ko na rin ang music sa kwarto at inihagis ang cellphone sa kama! Nawala na ako sa mood. "Ah!!! I hate you to the moon and back!!" I angrily gritted my teeth, diving on to the bed. Paano niya nagagawang siraan ng ganoon kadili ang mood ko! I hate him! I really hate him! Isinubsob ko ang aking mukha sa malaking unan at mariing pumikit. Hanggang sa makatulog ako nagpapalpitate ang puso ko sa sobrang galit. . . The Next day was saturday. I usually woke up early on weekends para makapag-jogging around our area. I tried to be fit as much as possible so I make time atleast 20-30mins for fitness activitity. Bukod sa kinakailangan sa course ko. I also believe that health is wealth. Pero nagpatanggahali ako ng gising today dahil aattend kami sa birthday ni Mark mamayang gabi. Syempre inuman 'yon. Kailangan may energy at maayos ang tulog. Kasing iksi pa naman ng height ko ang pain tolerance ko sa alak. Ayokong mapahiya mamaya 'no. Bumaba ako ng lunch time para kumain then pumanhik din kaagad to fix my things that I will bring later. Isang duffel bag na puti ang pinaglagyan ko ng mga gamit ko. Medyo madami kasi my heels, make ups at dresses na pagpipilian ni Violet mamaya. Nagpahatid ako sa condo ni Gene around 6PM kahit 9PM pa ang party, matagal kasi mag-ayos si Violet. Yes. I lied again. Ang dami ko ng lies! Dagdag points na naman ako nito sa hell. But I don't have any choice! Kung sasabihin ko ang totoo, hindi naman nila ako papayagan may kasama pa 'yung sermon or worst I would be grounded. I feel... guilty and I feel bad about lying. But they just couldn't trust me enough. "Ano? Bagay ba? Ito na lang ba? Or yung isang halter dress?" Napahinto ako sa paglalagay ng mascara para tingnan sa reflection ng salamin si Violet na kalalabas lang sa walk in closet ni Genesis. She's wearing a black sparkling mini dress partnered with red stilleto heels. Her hair tied in a high pony tail. Pang-anim na palit na niya wala pa rin mapili. While I'm wearing a silver sleeveless satin top partnered with high waisted demin ripped jean and a black angle strapped heels. Minimal lang ang accessories ko, gold stud earrings and a gold neckless with small letter F choker. I tied my hair in a double bun leaving a strand on both side of my ears. "Okay na 'yan. Hindi ka ba napapagod ka kapapalit?" Tumayo siya sa tabi ko, retouching her make up. Kanina pa siya naka-make up. Humulas na. "Balita ko kasi maraming magagandang friends si Mark. Alam mo na ang daming sosyal sa San Beda." She told me getting the hot red mac lip stick. She applied a little on her already bloody red lips. My brow furrows, not getting what she's pointing out. "So? Ano naman?" Violet sighed. "Hindi mo nage-gets?" "Hindi talaga." Umiling ako, tinatapos na ang paglalagay ng mascara sa kabilang mata ko. Bumuntong hininga ulit si Violet, malakas. Kaya nakuha na naman ang atensyon ko. Ibinalik ko ang mascara sa vanity drawer at pinagmasdan siya sa salamin. She was leaning on the dresser, her arms crossed over her chest. She's looking down at her feet. Para siyang nabobothered na hindi ko maintindihan bakit. "Anong problema mo?" She heavily sighed again. I rolled my eyes and turned to face her. "Para kang tanga! Ano bang problema mo?" Sinilip ko pa ang mukha niya at ang bruha tinawanan ako. "Mukha ka kang tanga! Ang serious ko rito, pagkita ko sa mukha mo, mukhang natatae." We burst into laughter. When the laughed died down. I lightly nudge her. "Ano ngang problema?" "Wala naman. Iniisip ko lang ang hirap yata makipag-sabayan sa mga kaibigan ni Mark. Baka magmukha lang akong trying hard." She looked up, sighing. "'Yung gift ko nga sa kaniya ilang araw na lunch ko 'yon." "Hindi mo naman kailangan makipag-sabayan kahit kanino, Vi." I told her. "Kung may gusto siya sa mga kaibigan niya— edi, sana isa doon ang jinowa niya. He saw something in you that he didn't saw with anyone else. He likes you. I can see that. Ano ka ba! Cheer up! Walang insekyora sa'tin!" She chuckled. "Tangina kasing PMS 'to! Ang drama ko tuloy! Wala pang dilig later. Grr!" "Just don't think over. Enjoy each others company na lang muna," I advised. "Girls, are you done?! Yung grab niyo nasa ibaba na." Genesis yelled outside the room. Dinampot ko ang itim na purse saka sabay na kaming lumabas ni Violet ng kwarto. Naabutan namin sa salas na bihis na bihis rin si Genesis. Jane was sitting on couch wearing her pajamas while eating cereals. Busy rin sa pagcecellphone. "Teka, aalis ka rin?" Nagkakatakang tanong ko kay Gene habang nagsusuot siya ng heels. She's wearing a red mini dress. Her hair was in a soft curl. "Yup." She nodded. "May ime-meet lang." Before I could ask more question, kinuha na niya ang purse sa table at nagtuloy-tuloy sa pintuan. "Let's go! Ang tagal niyo." Lumingon pa siya bago tuluyang lumabas "We gotta go, Jane! Lock the door! Bye!" Sumunod kami ni Violey kay Genesis. "See you later, Jane!" Paalam ko kay Jane. "Hintayin mo kami, Jane! Wag ka muna matutulog!" Pahabol ni Violet bago isinara ang pinto. "Bye. Take care!" Jane yelled. SA isang club sa Tomas Morato kami dinala ng grab. Iyon ang address na ibinigay ni Mark. Pagbaba ng sasakyan, nakipila kami sa mga taong naghihintay sa labas para kumuha ng reservation. When it was our turn, a male staff wearing long sleeves with black vest welcomed us. Pinakita ni Violet yung invitation sa cellphone niya. "This way, Ma'am." The staff told us, leading the way. Pagpasok namin sa loob ng club sinalubong kami ng malakas na party music, ang pinaghalong amoy ng alak at sigarilyo, mga nagsasayaw sa dancefloor and the neon lights roaming around the club. They were pink and silver and gold. Kumikislap sa madilim at maingay na lugar. I've been to a club once sa may Eksclusiv and it was Genesis 18th birthday. So, feeling ko di naman na ako ganoon ka-naive sa ganitong lugar? Hinatid kami ng staff sa second floor. Kaagad naming nakita si Mark nang tumayo ito at luminga-linga. Nang makita niya kami kaagad siyang lumapit. "Happy Birthday, Love." Tumalon si Violet at niyakap ang mga braso sa leeg ni Mark. "Thank you, Love." Mark kissed Violet on the lips. Nandidiri akong nag-iwas ng tingin. Maghahalikan lang kasi sa harapan ko pa! Ew! "Tara, nandoon sila." Nauunang lumakad sa harapan ko si Mark na nakaakbay pa kay Violet. Huminto kami sa harapan ng isang table with familiar and unfamiliar faces. "Wooooy! Siya ba 'yung kasama mo sa Victoria Court?" Nang-aasar na bungad ng isang lalaking naka-pulang dress shirt. Sila 'yung mga lalaking kasama ni Mark at Rocket sa mall noong unang beses na imeet-up namin sila. "Mga gago!" Mark shot back, his arm around Violet's waist. "Baka mamaya maniwala 'to. Hindi totoo yun, love. Nang-uurat lang mga 'yan!" Violet glared at Mark. "Victoria Court, huh?" "Love, di totoo yun!" Mariing tanggi ni Mark, takot na takot. "Eh, sino yung kasama niya sa SOGO last time?" Hirit pa ng isang lalaking naka-itim na band shirt. "Mga tarantado!" Binatukan ni Mark 'yung isang lalaki, raising his middle finger, getting annoyed now. "Easy! Pikon amputa!" Nagtawanan ang mga laaki sa couch. "Mark!" Kaway ng isang magandang babae sa kabilang couch. May kasama rin siyang grupo. Ito ba ang girl friends na tinutukoy ni Violet kanina? I've never met them. Parang wala sila sa mall last time? Dinala kami ni Mark sa kabilang couch. Natigilan ako nang makitang naroon si Rocket. Sitting beside an unfamiliar girl. Puro babae ang nasa couch na 'yon. Huh? Kaya pala hindi ko siya napansin pagdating namin. Nandito pala lumanlandi?! Hindi ko alam bakit lalong nadagdagan ang inis ko bukod sa ginawa niya kagabi. Humalukipkup ako at nakataas ang isang kilay na tinitigan siya ng masama. Pinaramdam ko talaga yung titig ko. Nang tumingin siya sa'kin. Inirapan niya ako bago nag-iwas ng tingin. My lips parted in disbelief. Aba! Ang kapal ng mukha! "You must be Violet!" Pakilala nung magandang babae kumaway sa'min. She's wearing a white tube top paired with a black ripped jeans and silver heels. Her hair was tied in a high ponytail. She's very pretty and tall! She extended her hand to Violet. "Hi! I'm Summer!" "Hi! Nice to meet you." Nakipag-shake hands si Violet, nakangiti. "And you're?" Summer looked at me with a friendly smile plastered on her lips. "Friday," I said giving her a small smile. "Come join us." She gestured the empty seat to us. Pero iisa na lang ang bakanteng silya at naupo roon si Violet. "Um... let's get another seat for Friday. Wait." Tatawag sana si Summer ng waiter para humingi ng extra chair nang tumayo si Rocket sa inuupuan nito at tumingin sa'kin. "Diyan ka na maupo." Ininguso nito ang vacant seat. "How sweet, Rocky! Thanks!" Tinapik ni Summer sa pisngi si Rocket. "Friday sit here!" "Doon muna ako kina Mark, Sum." Paalam nito bago umalis. Ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Okay. Kung ayaw niyang magpansinan kami fine! Hindi ko 'yon kawalan! "Ano ba yan..." bulong nung babaeng katabi ni Rocket kanina, nanghahaba yung nguso niyang nakasunod ang tingin sa palalayong lalaki. My brow furrowed. Si Janna ba 'to? Oo nga siya nga. Hindi ko kaagad nakilala. She looked... different? Nag-ready siya for this night, sure ako. She's wearing a tube dress with belt on it. Her hair tied in a half pony at ang kapal ng make up niya! Glittery pa ang ginamit na eye shadow. Parang siya ang may birthday. Naupo ako sa bakanteng couch sa tabi ni Janna, ignoring her glare. Mas nananaig 'yung inis ko kay Rocket. Ano bang problema niya? Siya na nga itong lumait-lait sa IG story ko kagabi! Ngayon, parang ako pa 'yung may ginawang masama sa kaniya! Bahala siya diyan! "Oh, shot ka muna!" Inabutan ako ng shot nung nagpakilalang Czarina. She's wearing a navy blue off shoulder and leather skirt. "Thank you." Inistraight ko 'yon at inilapag ang baso sa mesa. Pinipigilan ko mapangiwi. Damn! I really hate tequilla! "I heard from Perps kayo?" The girl infront of Violet who's wearing a plain shirt and a jeans asked. She has this boyish vibe. "I'm Jela by the way." "I'm Violet and this my friend Friday," Violet answered, getting the shot from Czarina. "And yes from Perpetual kami. Lahat ba kayo engineering student?" "Oh, No.. No.." Summer shooked her head, sipping on her margarita. "I graduated last year. Me and Irish actually. BS Management." My brow furrowed. Irish? Sounds familiar. "Si Jela BSIT 'yan then si Cza, Nursing. Itong si Janna lang engineering sa girls namin," she added. "How about you?" Jela asked. "BS Marketing. Itong si Friday BSHRM," sagot ni Violet. "Oh, nice! Business and Hospitality industry. Good choice." Summer commented, nodding. "Whatever," Janna scoffed. Tumaas ang isang kilay ko. No one heard her dahil walang nag-react at mahina lang yung pagkakasabi niya pero narinig ko kasi magkatabi lang kami. And I noticed she's glaring at me the whole time! What is wrong with her ba? Ano ba ginawa ko sa kaniya? Shot after shot! Ang lalakas nila uminom! Violet coping up so well! Parang tubig kung laklakin 'yung tequilla nakikipag-sabayan sa mga kaibigan ni Mark. They're so wild. While here I'am feeling dizzy. "Guys, loosen up! Ang bagal natin uminom, oh!" Itinaas ni Czarina 'yung bote ng Henessy, pouring alcohol in our shot glass. "Let's greet our Marky a HAPPY BIRTHDAY!" Summer yelled raising her glass. Tumayo si Mark habang kinakantahan namin. I sneak a stare at Rocket. He's wearing a denim jacket and a red shirt underneath paired with a black ripped jeans and white nike sneakers. I noticed he got a new ear piercing. (Helix piercing) maliit na bato ang hikaw niya na kumikislap sa tuwing natatamaan ng ilaw. Napansin ko nang bulungan si Rocket ng lalaking katabi nito at may ipinabasa sa cellphone. Kumot ang noong bumaba doon ang tingin ni Rocket, nagsalubong ang kilay pagkatapos ay naiiling na iniwas ang tingin sa cellphone. Tumawa naman 'yung lalaking katabi niya. May sinasabi sa kaniya pero di na pinansin ni Rocket. He's looking away, na parang may iniisip na malalim. I'm still staring at him when he suddenly looked at me. Our gazed met. The side of his lip rose up, nang mahuli niya akong nakatitig. Hindi siya nag-iwas ng tingin, instead naghahamon niya akong tinitigan pang lalo. He crossed his arms over his chest not letting go of my gazed. I did the same. Naghahamon ko rin siyang tinitigan habang nakataas ang isang kilay. Hah! Bakit ako ang iiwas? Wala naman kong ginawang masama! He was treating me coldly without telling me the reason! Damn him! Ginagawa niya akong manghuhula! Si Rocket ang naunang mag-iwas ng tingin. After mag-blow ng candles ni Mark at mag-wish bumalik kami sa table namin. Summer called the waiter and asked for another blowjob shot. Sabay-sabay namin 'yon ininom. I almost throw up! Mabuti nalunok ko pa! "Girls, let's dance!" Yaya ni Czarina na nangunang tumayo. "f**k, yeah!" Hinila ni Summer si Violet patayo sa couch. "Let's go!" I stood up and held my head. Pakiramdam ko gumagalaw yung sahig! "Teka, nahihilo ako!" "Tara! Hina nito!" Hila sa'kin ni Violet. Kung hindi ako nakahawak sa braso niya malamang nasubsob ako. "Hoy! Kaya niyo pa ba!" Jela yelled following us. "Wait up!" sigaw ni Janna na nasa likuran ni Jela. "Keri syempre!" Violet answered, obviously drunk. "Ang babagal! Sayaw na sayaw na ako!" Czarina laughed. Huminto si Summer nang nasa hagdanan na kami pababa. She looked down, holding on to the railings. Nagliwanag ang mukha niya na parang may nakitang kakilala. "Irish!!!" She yelled, waving her hand. A beautiful woman wearing a red bralette top, black leather skirt and black heels came over us. Her hair was in a soft curl. "f**k you b***h! Lasing na kayo?" Natatawang bungad ng babaeng tinawag na Irish. "Ang hihina niyo pa rin!" "Wow! Ikaw na malakas!" Komento ni Jela, tumatawa rin. "Tomador ng Tomas Morato!" "Gaga!" The girl laughed gaily. Pati tawa niya ang ganda pakinggan. I stared at her boobs then bumaba sa sarili kong boobs. Nahiya at nanliit naman 'yun cup A ko. She's like what? B or C? She has a perfect body figure. "We're gonna dance, tara!" Aya ni Czarina na bumababa na ng stairs. "Go ahead. I'll say hello to the boys first." Pagtataboy niya sa'min. Nginitian pa niya kami ni Violet bago nagpunta sa couch nina Mark. My eyes followed her. She walks gracefully, her hips swaying in a sexy manner. Lahat ng boys sa table napasipol ng makita si Irish, then their teasing her. Hindi ko lang maintindihan kung kanino dahil sa lakas ng mukha at medyo naliliyo kong isip. But I heard something like... "CB na yan!" "Pota, ayan tayo kapag inuman, e! May nagkakabalikan!" "Mamaya mag-check in na yan, oh!" My brow furrowed. I'm confused. Who are they teasing? I frowned when Irish stopped in front of Rocket. Itinukod niya yung dalawang kamay sa back rest ng couch, nakulong si Rocket sa pagitan ng couch at ng mga braso ni Irish. The boys cheered, teasing them even more. Napatingala si Rocket kay Irish. Irish staring down at him. Their lips aren't moving, hindi sila nag-uusap nagtitigan lang. Then Rocket stood up holding her waist, pushing her lightly. Pero niyakap ni Irish ang mga braso sa leeg ni Rocket, hinila pa itong palapit.. at nanlaki na lang mga mata ko nang lumapit ang labi ni Irish sa bahagyang nakaawang na labi ni Rocket, giving him a chaste kissed. He has a girlfriend? T-They kissed... My lips parted. Hindi ako makagalaw. Hindi ito ang unang beses na may makita akong naghahalikan at ang unang pumapasok sa isip ko ay kadiri. But seeing her kissing Rocket... I couldn't find a word to describe how I felt... hindi ko siya mapangalanan. It's something new, something foreign, something I don't want to feel...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD