"Ini mini, minie moe... babalik-babalik sa kanya?" I bit a finger as I muddled staring at my clothes.
Kanina pa ako nakatayo rito sa harapan ng kabinet, wearing silk my robe, my hair still wet and I couldn't decide what to wear!
Yesterday, Rocket asked me to go out. But he didn't told where we were going today. Hindi ko rin sigurado kung date nga ba itong matatawag or bored lang siya? Basta na lang kasi niya akong tinanong na "labas tayo?" Iyon lang!
Ang labo! Biglaan siya kung magyaya. Ano bang pumasok sa isip ng lalaking 'yon?
Maybe he has a crush on me? Well, di ko siya masisisi, kahit may kasungitan ako, boys would still line up to get a chance on me. Yup! Ganoon ako kaganda.
After trying and mix matching few outfits, finally I I decided to go for a mustard yellow puffy sleeve summer dress, that the length touches my mid thigh. I partnered it with white low cut converse. For my accessories I chose a gold teardrop necklace and a tiny flower stud earrings. I also let my shoulder lenght hair down, that the curls framing my small face.
I examined myself in front of the mirror, smiling and satified with I'm seeing. Hindi ko tuloy napigilang mag-selfie at i-post iyon sa IG story. Captioned it with mellow yellow.
Pagkatapos kinuha ko na ang maliit kong body bag at inilagay doon ang mga kailangan ko like wallet, phone, liptint and wipes. Hindi na ako nagdala ng marami. Sure ako sa mall lang kami pupunta. Kakain sa labas then manonood ng movie or orcade.
Hindi ko pa nasubukang makipag-date, but I'm not that naive. Duh?! I watched and learned from movies and reading books.
To complete my outfit, I picked my gold cassion watch at the dresser. Isinusuot ko 'yon nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng phone sa bag ko. I took it out.
Rocket: D2 na me. San na u?
Kumunot ang noo ko at tumingin sa relo. Ang usapan namin ay sa university magkita. Excited la ba siya makadate ako? Masyado siyang maaga ng 30mins!
Mabilis akong tumipa habang bumababa sa hagdanan.
FeistyFriday: I'm on my way.
Rocket: SCAM! Haha!
FeistyFriday: Huh?
He sent me my IG story.
Rocket: Nagpaganda pa talaga para sa'kin. Tsk tsk.
I rolled my eyes. Ang kapal talaga ng mukha niya. Hello? siya kaya ang nagyayang makipag-date. May sayad talaga!
Nagmamadali akong nagreply.
FeistyFriday: Whatever, dumb b***h! Bye!
***
As usual hinatid ako ni Kuya June sa labas ng condo ni Genesis. Ang dami ko ng kasalanan kay Gene. Siya na lang ang palagi kong dinadahilan. Dapat akong bumawi sa bruhang 'yon.
"Hoy, tawagan mo ako kapag uuwi ka na," paalala ni Kuya bago ako bumaba ng kotse.
I just nodded and closed the door behind me.
Nang makalayo ang sasakyan niya, nagmamadaling ako naglakad papuntang Perpetual Help University.
Nagpalinga-linga ako, nakasilong sa waiting shed.
Nasaan na ba 'yung bwiset na 'yun?! Sabi niya nandito na siya!
Inis na kinuha ko ang phone sa loob ng bag, hindi pa tapos ang tina-type ko, bigla na lang may bumusina.
Pag-angat ko sa'king tingin, bumaba ang bintana ng pulang honda civic na nakaparada sa harapan ko. Ang nakangising si Rocket ang nakasakay doon.
"Uy, chicks.. tara date tayo?!"
Tumatawang inabot niya ang handle ng pintuan para pagbuksan ako, nang samaan ko siya ng tingin.
"Ang tagal mo!" Reklamo ko, pag-upo sa passenger seat.
"Hala, siya? Kanina pa ako nandito." He chukled.
I glared at him. "2mins. akong nakatayo diyan sa waiting shed! Ano hindi mo ako nakita?!"
Tiningnan niya ang oras sa cellphone na hawak. "Grabe siya, 2mins? Isang minuto lang, oy! Lumabas pa ako ng parking lot, e."
"Whatever!" Padabog na ikinabit ko ang seatbelt at nanunulis ang ngusong kinuha ko ang compact powder sa bag ko. Mabuti hindi humulas yung make-up ko. "Saan ba tatayo pupunta?" Tanong ko habang pasimple inikot ang paningin sa loob ng sasakyan.
Napansin ko ang nakadisplay na motorcycle sa dashboard at malaking eco bag sa backseat sa tabi nun may back pack na itim.
Kotse niya kaya ito?
"Hiniram ko lang 'to sa kaibigan ko," ani Rocket nang mapansing iniikot ko ang aking tingin sa loob ng sasakyan. "Okay lang ba sa'yong daanan muna natin si Rambo sa Vet? Daldalhin ko lang 'yung comforter at iba niyang gamit."
Ah, yun pala 'yung nasa backseat.
Lumingon ako sa kaniya at tumango. "Um... of course."
Nagmamaneho na siya when I noticed he was wearing a white plain body fit shirt, underneath his denim jacket partnered with a pair of black jeans and a white nike sneakers. May suot rin siyang itim na relo. He looked..fresh.
"Thanks." He glanced and smiled at me. "By the way..."
"Hmmm?"
"Cute mo ngayon." He said, pursing his lips.
Hindi ko alam bakit parang uminit ang pisngi ko. Napaiwas tuloy ako ng tingin.
Cute daw ako?! CUTE as in cute? Anong klaseng cute kaya?
"Bakit ka nag-bu-blush?" He teased, laughing.
"Uy, hindi 'no!!" Defensive na sagot ko.
"Huwag kang magalit! Nakakagalit ka agad, e!" Pang-aasar niya habang tumatawa.
Nakayukong nilaro ko ang mga daliri ko. "A-Anong klaseng cute ba kasi ang ibig mong sabihin?" I looked up to him, looking confused. "Cute na baby? Or cute na parang aso?"
"Cute..." he glanced at me, grinning. "Cute na ikaw mismo..."
I bit my lower lip to hide a smile. He pushed his tounge on the insides of his cheek to hide a smile too and we're both looking away, blushing.
***
"ANG cute-cute naman!" hinimas sa ulo ang asong nakahiga sa donut bed.
Nandito na kami sa Vet. I really thought Rambo was a huge dog! Ang angas kasi ng name. Kaya naman nagulat akong makitang maliit lang pala siya. He's a cute black french buldog.
"Okay na daw ba siya?" Tanong ko kay Rocket na kadarating lang after kausapin ang Vet.
"I-che-check pa raw ni Doc 'yung stitches niya, pero sabi naman maganda ang progress." Kinumutan ni Rocket si Rambo whose wearing a dog cone. "Kawawa naman ang, Bebe." he gave him a soft caressed on his body.
I smiled when Rambo made a cute squelling noise. Parang naiintindihan ang sinabi ni Rocket.
"Aw... bebe, you're so cute..." itinungkod ko ang mga kamay sa tuhod ko paro ilapit ang mukha ko kay Rambo.
Rambo looked up to me and licked my nose!
"Uy!" Tumawa si Rocket at hinawakan ako sa braso sabay hinila palayo kay Rambo.
I looked up to him, wiping my nose. Nakakunot rin ang noo ko, nagtataka.
"Sa'kin 'to, eh. Inuunahan mo pa ako!" Sabay akbay sa'kin.
This man.. Parang tanga! Magselos daw ba sa aso? Nakakainis pero cute.
Kagat ang ibabang labi na inirapan ko siya at siniko. Nilapitan ko ulit si Rambo, and gave him a pat on the head bago tiningala si Rocket na nakatayo sa harapan ko. Nakapulsa siya hindi at maalis-alis ang ngiti sa labi.
"Bebe, selos ang daddy, oh..." I giggled.
Rocket bit his lower lip. He leaned closer, staring at me. "Heard that buddy? You finally have a Mommy now," he whispered.
I bit my lower lip, blushing. He pursed his lip, blushing. Nakatitig lang kami sa isa't isa.
Sabay kaming napalingon likuran nang may tumikhim doon. It was Rambo's vet. Nakangiti siya sa'min, natutukso.
"Oh, Daddy, Mommy... kailangan na po magpahinga ng anak niyo."
Napapasong nag-iwas kami ng tingin sa isa't isa at gumilid nang suriin ng Vet ang stitches ni Rambo.
"Oh, goods na pala mga tahi ng bebe," sabi ni Doc na ngumisi sa'min. "Sa wednesday makakauwi na 'tong anak niyo."
Rocket Chukled. "Sige po, doc. G! Babalik na lang ako kapag i-didischarge na si Rambo."
Parang mag-barkada lang si Doc at Rocket mag-usap. Nabanggit niya sa'kin kanina mula pa baby si Rambo, ito na ang Vet niya.
"Sige po. Ingat po Daddy and Mommy," aliw na aliw na paalam samin ng Vet.
Napangiwi ako at awkward na kumaway sa doctor bago kami lumabas ng clinic. Nakakahiya narinig pa niya ang flirting namin ni Rocket!
Bakit ko ba kasi sinabi 'yon? "Selos ang Daddy..." Shocks! I sounded so malandi!
"Okay ka lang ba, Mommey?" Rocket teased when we got inside the car.
I glared at him. "Bwiset ka!"
Tinawanan lang niya ako bago ini-start ang sasakyan at pinaandar.
***
Pumarada ang sasakyan namin sa parking lot ng mall hindi kalayuan sa Pet Corner Vet Clinic. Tamang-tama dahil lunch time at talagang gutom na kami.
Pababa na sana ako sa sasakyan nang pigilan ako ni Rocket. Tumaas ang isang kilay ko nang senyasan niya ako ng "Wait" at nagmamadali bumaba. Umikot siya sa side ko para pagbuksan ako ng pintuan.
"Um... just trying to be gentleman," He said, smirking.
Isang matalim na irap ang isinagot ko sa kaniya. Hindi siya nauubusan ng mga linyahan. Siguro ang dami na niyang naging girlfriends! Sanay na sanay, eh!
***
Sa groundfloor kami nagpunta para maghanap ng makakainan. Tabi-tabi ang restaurants and fastfood dito at dahil weekends, medyo maraming tao. Lunch time pa.
"Saan mo gusto kumain?" Tanong ni Rocket sa'kin.
Nakasunod lang ako sa kung saan siya pumupunta. Kapag may tinuturo siyang kainan kundi maraming diners di ko naman gusto.
I shrugged. "Ikaw saan mo ba gusto?"
He looked up, thinking. "Zark's gusto mo?"
Sumimangot ako. "Hindi ako mahilig sa burger."
"Um..." he pursed his lip. "Popeye's? May bagong bukas dito."
I pouted. "Ano ba 'yan tutubuan na ako ng pakpak puro chicken. Iba na lang!"
"Tetsu, Ramen?" Napapakamot na siya sentido niya. Naiinis na yata.
"Ramen? Ayoko nun. Wag 'yon. Di ko feel mag-ramen ngayon." I crossed my arms over my chest.
"Eh, ano bang gusto mo talaga?"
"Ikaw nga---"
"Ako? Ako ang gusto mong lunch?" He teased. "Hala bastos!"
"Stupid! Sabi ko ikaw ang pumili... ang kulit 'ba," I answered, irritatingly.
Huminto siya para pumihit paharap sa'kin. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Lahat ng sinabi ko ayaw mo naman, e." He scratched his head a little. "Oh, ganito lang... bato-bato pick! Sino manalo siya pipili. Ano?"
"Dito?" Inikot ko ang paningin ko. Nasa gitna kami ng mall!
"Oo! Dali na. Oh, Game na!" Pumosisyon siya, kinuyom 'yung isang kamay niya.
'Yung mga dumadaan naweweirduhang sumusulyap sa'min! Ang tangkad pa naman ni Rocket kitang-kita ang kagaguhang pinaggagawa. Nakakahiya!
"Wala ka pala, e! Duwag!" Pagyayabang niya. "Bato-bato pick inuurungan!"
Pinaningkitan ko siya ng mga mata. Nawala bigla sa isip ko ang kahihiyan. Ayoko lahat yung hinahamon ako!
"Ito na bwiset ka! Kapag natalo ka— ikaw magbabayad ng food natin!" Kinuyom ko ang isang kamay ko, ready nang labanan ang kumag na 'to!
Hah! Nagkakamali siya ng kinalaban! Magaling pa naman ako sa bato-bato pick! Magaling akong mandaya!
"Sige ba!" He proudly said, tilting his head from side to side. Nag-jogging in place at pinatunog ang mga daliri. Katakot! Parang sasabak siya sa boxing match "Kapag ikaw ang natalo..." ipinantay niya ang mukha sa mukha ko at lumapit ng kaunti. "Kiss ko, ah?"
Nanlaki ang mga mata ko at umawang ang labi. "Kiss?" Itinulak ko ang mukha niya palayo. "Kis-kis mo dito gusto mo!" Sabay Inambaan ng kamao ko.
Malakas na tumawa si Rocket pero nagseryoso rin agad. "Tama na. Tama na, pasakalye mo diyan! Game na nang magkaalaman!"
"Game!"
Pumosisyon kaming dalawa. Pinagdikit ang mga kamao namin at pinagbunggo.
"BATO-BATO PICK!"
Race to five ang labanan. Sa tuwing mananalo si Rocket pinapagpag niya 'yung isang balikat niya na parang nagyayabang. Everytime I won, I will shrugged saying like "Duh! Loser." Para kaming mga tanga. But it was fun!
"Hah! Loser!" Pang-aasar ko habang naka-L sign ang daliri sa noo ko. Binelatan ko pa siya. "Ikaw ang magbabayad ng food natin!"
Hindi nga ako nagkamali! Panalo ako. Nag-tie pa kami ng ilang beses. He was so competitive, pero wala pa rin siyang panalo sa'kin!
"Dinaya mo ko, e! Yung kamay mo palaging nahuhuli! Ang daya talaga!" Reklamo niya, nanghahaba ang nguso.
"Baka duling ka lang! Better luck next time." Nakangising tinapik ko siya sa balikat. "Move on ka na lang, bes! O, ayun! Dun na lang tayo kumain oh! Gutom na ako..." I pouted, pointing at Sambokojin.
"Ah, ayon! Kaya pala ayaw sa mga sinabi kong kainan. May katakawan pala!"
"You will pay for our food," I reminded him.
His brow furrowed. "Ako naman talaga magbabayad. Boys scout 'to 'no!"
I rolled my eyes. "Corny talaga ng mga banat mo 'no? Pang uncle joke."
"Daldal mo naman 'no?" He shot back
"Atleast cute." I smirked.
"Sino may sabi?"
"Ikaw!!" Hinampas ko siya braso.
"Sinabi ko ba 'yon?" Nagkunwari siyang walang matandaan.
"Oo! Sa kotse kanina sinabi mo!"
So, he's lying to me! I'm not really cute for him?! Such a liar!
Tumatawang huminto si Rocket sa harapan ko. Sinimangutan ko siya at nagpalobo ng pisngi saka inis na bumaga ng hangin.
Lalo naman siyang tumawa. Ipinantay niya ang mukha sa'kin. Ang mga kamay ay nakatungkod sa tuhod.
"Sorry na." He pinched my cheek. "Cute."
I bit the insides of my cheeks to hide my smile. Ano ba 'yan! Agad nawala ang inis ko sa gesture niya na 'yon.
"Halika na nga. Tinotopak ka na. Gutom lang yan.
Inakbayan niya ako sabay hinila papunta sa Sambokojin. He was so close to me. So, close that I could smell his manly perfume. I smiled at myself, blushing.
I wont deny.. he smells so good!
***
"Anong course mo?" Tanong ni Rocket habang pinapanood ko siyang maglagay ng meat sa grill.
We were already inside Sambokojin. Pumwesto kami sa tabi ng glass wall. Ang daming pagkain sa table namin parang fiesta! Lahat yata ng uri ng meat kumuha si Rocket. Sayang daw ang bayad dapat sulitin. I laughed at that. Pero may point naman siya.
"BSHRM," sagot ko habang nag-pe-prepare ng lettuce sa plate ko. "Ikaw? Engineering ka diba?"
Rocket nodded. "Gusto mo 'yung course mo?" He was using his chopstick for cooking the meat.
I shrugged. "Pwede na. Ikaw gusto mo ba talaga mag-engineer."
Tiningnan niya ako, nakakunot ang noo. "Pwede na? Bakit pwede na? Hindi ba 'yon ang gusto mo?"
Bumuntong hininga ako. "I still don't know... what I want," pag-amin ko sa kaniya. "Ang weird ko ba?"
Napatitig siya sa'kin ng ilang sandali bago ibinalik ang atensyon sa pagluluto. "Hindi naman. Mahirap naman talaga pumili. It's between your dream and practicality." He shrugged. Binaliktad 'yung meat sa grill.
"So, what did you choose?" Nagpahalumbaba ako habang pinagmamasdan siya.
"Parehas," he answered. "Gusto ko talaga maging engineer at the same time malaki sahod. Si papa computer engineer, Si uncle naman Civil. Sabi ni Mama, bata pa lang mahilig na raw akong mag-drawing ng mga building at hagdanan. Ewan ko lang kung totoo 'yun o imbento si Mama!" He chukled, shooking his head. "It runs in the blood daw."
Natawa ako sa sinabi niya sabay napabuntong hininga rin. "You're lucky you have both."
Tumigil siya sa ginagawa at tinitigan ako. "Bakit? Ayaw mo ba talaga sa course mo?"
"I don't know. Hindi ko pa lang siguro nahahanap kung saan 'yung passion ko at kung ano bang plano ko sa buhay."
"Eh, bakit ka nag-HRM?"
"Magiging in-demand daw. Suggestion rin ni Tita at Mama ko." I shrugged. Their first choice was medical related course. Pero tumanggi ako. Natatakot ako sa dugo 'no!
Kumuha ako ng isang pirasong meat sa grill. "Pwede na ba 'to?"
He nodded. "Okay rin naman HRM, ah? Marami kang pagpipilian. Pwede ka sa hotel, sa cruise ship, sa bar, pwede rin sa back office ang laki ng hospitality industry. Ang daming opportunity." Komento niya.
"Bakit alam mo?" nagtatakang tanong ko.
"Ah, may kakilala lang." He smiled at me. "Ito oh, luto na 'to."
Inilagay niya sa plato ko 'yung mga naluto niyang meat at naglagay ulit ng panibago sa grill.
I gave him a small smile. "Thank you." Then I wrapped a lettuce with meat inside. Nilagyan ko 'yun ng kaunting bean paste. "Oh... gusto mo?" Saka Nahihiyang inalok sa kaniya.
"Ah," He opened his mouth. I leaned a little closer at isinubo 'yun sa kaniya. "Hmmm! Yummy! Thank you, ah!" Tumitig siya sa plato ko. "'Yun naman subo mo sa'kin, lagyan mo ng kimchi."
"Alin?" Tanong ko habang tinutusok-tusok ng chopstick yung mga meat sa plate ko. "Ito ba?"
"Oo 'yan!" He smirked then opened his mouth again. "Ah! Ang tagal naman nangangalay na bibig ko."
"Demanding mo, ah!" Napa-irap ako at sinaksak sa bibig niya yung sakaterbang meat na naka-wrapped sa lettuce.
Natawa ako nang suntukin niya ang dibdib at nagmamadaling inabot ang baso ng tubig sa tapat sabay nilagok ang laman niyon. Nabulunan siya, e!
***
AFTER we ate, we went at the bowling center. Pero hindi kami natuloy sa pagbobowling dahil may ginaganap na competition. So, we decided na to try billiard.
I volunteered to pay for our table since Rocket payed our food. 'Di naman pwede na siya lang ang gagastos. Hello, parehas lang kaming estudyante.
Hinatid kami ng isang staff sa billiard table namin. I'm so excited! This is first time! Ipinatong ko kaagad 'yung bag ko sa bench malapit sa'min, kinuha ko 'yung cue stick na inabot sa'kin ni Rocket.
"9 ball tayo. Marunong ka?" Rocket asked, putting the balls in a wooden triangle shelves.
"Um..." I bit my lower lip, shooking my head. "No."
"Weh?" He looked at me after placing the triangle shelve at the center of the billiard table. "Sige turuan kita."
Ini-explain niya sa'kin ang rules and regulations ng 9 balls. Pero wala akong maintindihan! Nadidistract ako.
He was standing beside me, yung isang braso niya nakaakbay pa sa balikat ko habang yung isang kamay niya may itinuturo dun sa billiard table.
"Yung puting bola, cue ball ang tawag d'yan. 'Yan ipangtitira mo sa mga bola na may number," paliwanag niya at ipinuwesto yung puting bola sa gitna. "Lowest to highest ang pag-shoot ng bola. Pero kung maipapasok mo agad yung 9 panalo ka."
"Ooh..." I nodded, tilting my head to the side. "What if maling bola 'yung tamaan ko?"
"Edi, chance ko na. Pwede kong ilagay 'yung cue ball kung saan ko gusto."
"Okay! Okay! Got it!" Madali lang pala! Basta focus sa ball number 9. "Game na! Game. Be prepared to lose, asshole!" Mayabang na sabi ko't binangga pa siya sa balikat.
"Wow! Yabang!" He chuckled. "Galing ka?"
Inirapan ko siya. "Bilisan mo na. Ang daming daldal e!"
Si Rocket sumargo sa mga bola. Two balls got inside the hole! When he get it, nakangising pinaka pa niya sa'kin. It was 1 and 2! Damn! How lucky this man!
Ako na ang sumunod na tumira nung hindi naipasok ni Rocket 'yung number 3. Ginaya ko siya kung paano ang posisyon. Dumukwang ako sa may billiard table, I focused my eyes on the cue ball before pushing the white ball using the cue stick.
What the f**k! Hindi man lang dumaplis yung dulo ng cue stick sa bola! Hala, may daya 'to!
"Muntik na matamaan, ah!" Pang-aasar sa'kin ni Rocket, tumatawa.
Inirapan ko siya. "Pinagbibigyan lang kita!"
"Sana all mataas fighting spirit!" He chuckled then position himself again for his turn.
Sunod-sunod ang mga bolang naipasok ni Rocket.
Ang bwiset! Hindi na ako pinalaro. Sa tuwing makakapag-shoot siya ng bola, nginingisihan pa ako parang magyabang! Ang yabang talaga!
"Ang daya naman, e! Hindi na ako nakalaro!" Nakasimangot akong pumadyak.
Natatawan namang lumapit siya sa'kin. "Oh, ikaw na mag-shoot nung 9."
I looked up to him, smiling like a little girl. "Help me. Please?"
He rolled his eyes, sighing. "Ang hirap tanggihan kapag cute 'ba."
Tuwang-tuwa na lumapit ako sa billiard table. I bend over. Rocket mimicked my posistion beside me. Ipinatong niya 'yung isang braso niya sa ibabaw ng braso kong nakahawak sa cue stick. Yung isang kamay niya at kamay ko ay naka-support naman sa kabilang dulo ng stick. Sa posisyon namin halos yakap na niya ako.
"Easy lang..." My heart doubled in beat when I felt his warm breathe on the side of my cheek. Halos magdikit na yung pisngi namin! "Smooth mo lang bitawan..." itinulak niya gamit ng cue stick ang puting bola at na-shoot yung 9 ball.
"OMG!" Tuwang-tuwang nilingon ko si Rocket. But I stopped when I saw him staring. I swallowed hard as his eyes went down to my lips.
"I-I won." I blinked twice.
"Ah, Sir, Ma'am? Another game pa po?" The Staff approched us.
Mabilis kaming naghiwalay tulad sa Vet clinic kanina. Nagpunta ako sa bench at kinuha ang bag ko, binuksan 'yon kahit wala naman akong kukunin talaga. Gusto ko lang itago 'yung namumula kong pisngi.
"Gusto mo pa maglaro?" Tanong ni Rocket na hindi makatingin sa'kin 'yung tainga niya namumula.
"A-Ayoko na... sa susunod na lang," sagot kong bahagya siyang sinulyapan.
"Okay." He nodded.
Umalis rin kaagad yung staff after sabihin ni Rocket na tapos na kami maglaro.
Paglabas namin sa bowling are, niyaya ko na siyang umuwi. 7PM na pala, 'di ko napansin 'yung oras dahil masyado kaming nag-enjoy.
"Sure ka? Ayaw mong magpahatid sa bahay niyo?"
Nakahinto ang sasakyan ni Rocket sa tapat ng waiting shed ng Perpertual Help.
Dito na lang ako sa university nagpahatid. Lalakarin ko na lang papunta sa harapan ng condo ni Genesis, kung saan dadaanan ako ni Kuya June.
Hindi ako pwede magpahatid kay Rocket sa'min kahit gustuhin ko. It would make a big deal. Nahuhulaan ko na katakot-takot na sermon at siguradong grounded ang aabutin ko. Kaya huwag na lang.
"Hindi na." Umiling ako't inalis na ang seatbelt. "Susunduin naman ako ng Kuya ko."
"Samahan na lang kitang maghintay hanggang sa dumating 'yung sundo mo," pamimilit niya.
I shooked my head. "My brother is on his way. You can go home." Nilingon ko siya kaya nahuling ko tinititigan pala niya ako. I pursed my lips. "Um... thank you for this day. I had so much fun.."
"Salamat rin. Nag-enjoy ako." He pursed his lips too.
"Baba na 'ko." kinuha ko yung bag ko at hinawakan ang handle ng pintuan.
"Okay. Ingat sila sa'yo!" Tumatawang pahabol pa ni Rocket bago ako tuluyang bumaba ng sasakyan.
Inirapan ko siya at mabilis na naglakad papunta sa condo ni Genesis. Naghintay ako sa harapan niyon ng 5Mins bago dumating si Kuya June. Napasimangot ako pagsakay ko sa backseat.
"Hi, Sissy!" Bati sa'kin ni Mia na nakaupo sa front passenger seat. Girlfriend ni Kuya June.
"Hello," I gave her a fake smile.
Dumaan pa kami drivethru sa Mcdonalds dahil sa feelingerang jowa ni Kuya pagkatapos ihatid saka pala kaming nakauwi.
I was so tired! After ko ng skincare night routine ko, pabagsak na akong humiga sa bed. Nakapikit na ako nang umilaw 'yung phone sa side table. I picked up.
Rocket: gudnyt, crush.
I rolled my eyes, smiling.
Isang date pa lang crush na agad? Wow. Speed lang!
FeistyFriday: Pa-fall!
Nagpalitan pa kami ng messages hanggang bumagsak na lang sa mukha ko 'yung cellphone ko. Ouch! Senyales ito na dapat na akong matulog. I sent my last message to him.
FeistyFriday: Nabagsakan na ako phone sa mukha. This your fault. Nyt!
Rocket: Aw.. halika kiss ko!
FeistyFriday: Bwiset!
Rocket: Haha! Nyt, crush ;)
Ibinalik ko ang cellphone sa ibabaw ng table. Yumakap ako sa unan at isinubsob doon ang mukha ko. Hanggang sa makatulog ako parang tangang nakangiti lang ako.