Chapter 3

4377 Words
"Uy, okay ka lang diyan?" Sa sobrang kahihiyan tumakbo ako dito sa dressing room. I'm so stupid! Today is the f*****g day! Nakalagay 'yon sa calendar ko. Bakit ba hindi ko man lang naisipan na magdala ng tampons at underwear! Ang mas nakakabwiset pa ay nagsuot ako ng puting shorts ngayon. Edi, kitang-kita 'yung dugo. Napaka-galing talaga ng pagkakataon! "I'm fine," malakas na buntong hininga ko. "May dala ka ba?" May pag-aalangan niyang tanong. "Wala." Lumunok ako at kinapalan na ang aking mukha. "P-Pwede mo ba akong ibili ng... ng..." "Oo naman," sagot niya na kahit di ko pa natatapos ang sasabihin ko. "Ano bang kailangan mo? Napkin ba? Inuutusan ako minsan bumili ni Mama niyan." Binuksan ko ng kaunti ang pintuan at sumilip doon saka ko inilabas sa maliit na siwang ang five hundred peso bill. "T-Thank you. Here's the money. Anyway... I dont use pads. Tampons ang ginagamit ko. Samahan mo na rin ng wipes and... and... underwear." Nakakahiya pero wala akong pagpipilian. He nodded, pursing his lips. "Okay. Tampons, wipes, underwear?" ini-numerate niya sa daliri ang mga bibilhin. "May kailangan ka pa?" Umiling ako. "W-Wala na... 'yan lang. Thank you," sagot ko't mabilis na sinarado ang pintuan pero narinig ko ulit ang mga pagkatok niya. Binuksan ko 'yon. "Why?" "Ano nga size ng underwear mo?" Napakamot siya sa namumulang tainga, parang nahihiya. "M-Medium," I answered, feeling embarassed. He nodded before walking away. Lahat na lang yata ng nakakahiyang pangyayari sa buhay ko nasasaksihan ng lalaking 'yun. Sino ba ang malas siya o ako? . . Tiningnan ko ang oras sa cellphone. Thirty minutes na akong pabalik-balik sa maliit na cubicle na ito, wala pa rin si Rocket! Kanina pa ako pasilip-silip sa labas. Nakakahiya dahil may mga naghihintay at nakapila para magsukat ng damit. "Ang tagal naman nun!" Inis na bulong ko saka sumilip uli. Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko siyang papalapit. "Ang tagal mo naman!" Reklamo ko. "Nakabili ka ba?" "Ang haba ng pila, e." Napakamot pa siya sa batok bago inabot ang maliit na paper bag sa'kin. "Ito ba?" Sinilip ko 'yon. Isang pack ng pad na non-wing at wet wipes. Hindi naman 'yon ang pinapabili ko, pero tinanggap ko na rin kaysa pabalikin ko pa siya sa department store at magtagal na naman siya. Ang hahaba ng binti niya, hindi ba dapat mabilis ang hakbang niya! "Sige pwede 'yan. Saan panty ko?" "Ayan, oh bulaklakin yan, ah," Nakangising sabi niya habang iniaabot sakin ang isa pang paper bag. "Sana plain lang binili mo!" Inirapan ko pa siya bago sinara ang pintuan. "Wow!" Rinig kong hindi makapaniwalang ani Rocket sa labas ng fitting room. "Ikaw na nga 'tong naki-suyo nagrereklamo pa. Wala man lang thank you." Mabilis kong isinuot ang bagong underwear na may pads at ginamit na yung shorts na bibilhin ko. I just removed the price tag to pay for it on the cashier. "May sinasabi ka?" Nakapameywang na sita ko sa kaniya paglabas ko sa dressing room. Ngumisi siya sa'kin. Umirap naman ako bago siya nilagpasan para pumunta sa counter. Sumunod siya sa'kin. Binayaran ko ang tag price na hawak ko at pagkatapos ay sabay kaming lumabas ng Forever 21. "Kasalanan mo 'to!" Paninisi ko sa kaniya. "Luh, siya? Anong kasalanan ko kung matagusan ka?" Nagulat siya sa sinabi ko. "Nagmagandang loob na nga 'yung tao ako pa 'tong masisisi. Ang labo nun ah.. tsk." "Magandang loob?!" Huminto ako at pumihit paharap sa kaniya, hindi makapaniwalang tiningala ko siya. "Hindi mo alam!" "Hindi ko talaga alam ang pinagsasabi mo," He chuckled. Namula ang pisngi ko sa inis. "Hindi mo alam na may kakambal kang kamalasan at nadadamay ako?!" Tinitigan niya ako ng ilang sandali at hindi ko akalain na tatawa siya ng malakas! Humawak pa ito sa tiyan kakatawa. Yung mga dumadaan tuloy ay napapalingon. Nalaglag ang panga ko. Anong nakakatawa sa sinabi ko?! Totoo naman 'yon malas siya! Sa inis ko ay tinalikuran ko siya't nagdadabog na umali. "Bahala ka diyan, bwisit!" "Uy, sandali!" Pigilan niya ako't hinawakan sa braso. "Hindi ka na mabiro, oh... Tara ice cream! libre kita. Init ng ulo mo, e," nakangising sabi niya pagpihit ko paharap. "Ice cream your face!" Tinaasan ko siya ng kilay sabay hawi sa kamay niya, but instead of letting me go, he put his arm around my shoulder. Sinama niya ako sa paglalakad niya. "Tara na, sungit." Then he looked away, pushing his tounge on the insides of his cheek, pretending that he didn't know, I was glaring at him. Bahagya ko siyang siniko sa tagiliran pero di pa rin niya inalis ang pagkakaakbay sa'kin. Nagkibit nalang tuloy ako ng balikat. Hindi naman ganoon kadikit ang katawan namin. So, maybe... it's just okay? . . BUMILI kami ng hot fudge sa Mcdonalds bago umakyat sa 3rd floor. Naupo kami sa hilera ng bakanteng benches sa labas ng cinema. Violet texted me to meet her here. Malapit na raw matapos ang movie at sabay kaming uuwi. I was busy eating my ice cream when I saw from the corner of my eyes, Rocket tilted his head to looked at me. "Mahilig ka ba sa horror movie?" My brow furrowed. "Hindi. Bakit?" "Yayain sa'kin manood nun..." Itinuro niya 'yung poster ng isang creepy doll na nakaupo sa rocking chair. Inirapan ko siya. "Kakasabi ko lang hindi ako mahilig sa horror movie. Bingi lang?" Napakamot siya sa ulo at lukot ang mukha na umiling. "Ano ba yan! Pick up line kasi 'yon! Hindi pa tapos." "Oh," I laughed. "Sorry naman..." Sumimangot siya lalo. "Tanungin mo ko ulit kung bakit." Lumabi siya na parang batang inagawan ng ice cream. I almost rolled my eyes. Pinagbigyan ang pag-iisip bata niya. "Oh, siya bakit?" "Yayain sana kita manood ng horror para sabay tayong matakot..." he smirked and leaned closer. "na mawala ang isa't isa." "What the fudge..." Nandidiring nilingon ko siya pagkatapos ay pailing-iling akong umiscoop ng ice cream. "Alam mo, Ikaw na yata ang pinaka-corny'ng taong nakilala ko! Tigilan-tigilan mo ang paghithit ng katol. Masama 'yan sa health naapektuhan na utak mo." He chukled, touching his chest dramatically. "Ouch! Sakit mo magsalita. Pero okay lang, atleast, nag-iisa lang ako... sa buhay mo." He said wiggling his brows. I rolled my eyes, biting my lower lip to surpressed a smile. I don't know why his corny joke makes me smile. "Kinikilig ka na naman sa'kin. Tsk." Tinuro niya sa mukha ko. "May isang babae na naman po ang nadagdag sa fans club ko." nakahawak siya sa baba, pailing-iling. "Lakas ng hangin, ah?" Humawak ako sa sandalan ng bench. "Muntikan akong tangayin!" Tumatawa si Rocket nang parehas kami matigilan sa boses lalaking nagsalita. I looked over my shoulder para makita kung sino 'yung nasa likuran ko. "Goldilocks?" "Levi?" Mabilis akong lumingon sa kanan ko, not knowing his face was inches away from mine. Umawang ang labi ko at nag-init ang pisngi. Sa sobrang lapit ng pisngi niya sa lips ko, halos mahalikan ko na. "Nakikipag-date si Goldilocks..." he said playfully, smirking at me. "Teka, pinagpalit mo na ba ako?" Yeah. I had a crush on him when I was in my first year. Si Genesis ang nagpakilala sa'min sa isang party ng common friend. He's nice and easy to get along with. Plus he's really good looking! Walang female specimen sa university ang hindi nagkakagusto kay Levi despite of being numero unong babaero! Famous rin siya sa university dahil palaging sumasali sa mga male pageant at ilang beses na rin nag-cover sa mga fitness magazine. And I heard, nag-aartista na daw ito.. "Hindi ako nakikipagdate," umiirap na tanggi ko. "I mean, He's... um a friend.." I said casually, and didn't even bother to glance at Rocket. Umaangat ang sulok ng labi ni Levi at binigyan ako ng tinging "Maniwala ako sa'yo". Pagkatapos ay tumuwid ng tayo at pumunta sa harapan ko. I was looking up to him, sitting on the bench. I noticed he's was wearing a plan white V shirt with a paired of black ripped jeans and white sneakers. May suot ring itim na relo at silver na necklace. He looked attractive. "Ano bang ginagawa mo rito at sinong kasama mo?" Tumayo na rin ako. Nakatingala pa rin sa kaniya. He's tall but not as tall as Rocket. Dumiretso siya ng tayo, pinamulsa ang dalawang kamay sa suot na black jeans. "Wala, ako lang. Nagkita kami nung manager ko kanina. May pinag-usapang bagong project. I will go shopping. You wanna come?" Inirapan ko si Levi. He was just kidding. I know him, masyadong feeling rin. Iniisip sigurong may something samin ni Rocket. Pinagseselos siguro si Rocket. I was about to answer Levi when I felt Rocket stood behind me. Ipinatong niya ang braso sa balikat ko. Tumingala ako sa kaniya. Salubong ang mga kilay niya at seryoso ang mukha. Anong nangyari? Kanina lang tawa siya ng tawa. "Oh, by the way... Levi this is Rocket. Rocket this is Levi, schoolmate ko." Pagpapakilala ko sa dalawa. Kabastusan naman kasi kung hindi ko sila ipakilala sa isa't isa. Kahit na ba hindi ko naman ka-close ang dalawang ito. Nag-shake hands si Rocket at Levi. Sandali pa kaming usap bago nagpaalam si Levi. Nakangiting tinapik pa nito sa balikat si Rocket. Tumango lang si Rocket. Kumaway naman ako hanggang sa makalayo si Levi. "Sino 'yon? Ex mo?" Salubong ang kilay na tanong ni Rocket ng maiwanan kami. "Why do you care, huh?" Mataray na tanong ko. "Hindi kayo bagay." He shrugged. "FYI hindi ko ex 'yun!" Tinaasan ko siya ng kilay. "Duh.. EX crush lang!" Hindi naman masakit magsalita ang lalaking ito, ano?! Oo. Hindi ako kagandahan at medyo kinulang sa height. Pero hindi pa rin tamang ipamukha niya 'yon sa'kin!? "Hindi kayo bagay," pabalewalang ulit ni Rocket. Nagkibit-balikat at umiling-iling. "Mukhang chickboy. Paiiyakan ka lang no'n." "At sino ka naman para magsabi kung sino ang bagay sa'kin at hindi?" "Isang concerned citizen." Ngumisi siya. "Kaya kung ako sa'yo, hanapin mo yung mapapatawa ka at mapapangiti sa mga jokes. Someone like..." "Someone like?" Tinitigan ko siya ng masama, hinihintay ang sagot niya. Umisod si Rocket sa tabi ko at sinalubong ang tingin ko. "Me? "You?" Natatawang sabi ko. Seryoso ba siya?! "Bakit?" Umangat ang sulok ng labi niya. "Hindi ka na lugi sa'kin, Uy!" "At ikaw pa talaga nagsabi niyan! Excuse me... mas lalong hindi kana lugi sa'kin. Never been kissed, never been—" "Ay, puta virgin!" Humalakhak siya. Inis ko siyang hinampas sa dibdib sabay nilayasan. "Whatever!" Gosh! Kamuntik ko nang i-broadcast na virgin pa ano! Bakit ba kasi kinakausap ko pa siya! Parang binibigyan ko siya ng ideya na pwedeng maging kami. Ewww! Over my dead toe nails. Hindi magiging kami 'no! "So, never been kissed, never been touched, huh?" Pang-aasar pa rin niyang humihimas sa baba. Simaan ko siya ng tingin at binilisan na lang ang lakad. Hindi niya talaga ako ng pang-aasar habang naghihintay kami. Thank god, lumabas na rin sina Violet at umuwi na kami. As always sinundo ako ng isa sa mga kuya ko sa labas ng condo ni Genesis . . Pagdating sa bahay kausap ni Tita Nicole sina Mama at Papa sa skype. Sinenyasan niya ako na kausapin sila. Pero nagpaalam akong magsho-shower muna sandali. Pagbaba ko nakasuot na ako ng terno silk pajama na may maliliit na print ng sunflower. Medyo basa ang buhok ko. Mama : Oh, Friday, ginabi ka yata, anak? Saan ka galing? Rinig kong sabi ni Mama. Binalingan ako ni Tita Nicole at nagpaalam sa'kin na may gagawin siya sa salas she also informed na may ice cream daw sa ref. Yey! "Galing po ako sa condo ni Genesis, Mom." I lied, getting a cup on the counter. Nilagyan ko yon ng ice cream bago umupo sa harapan ng laptop. I saw my mom, wearing a beige sweater. Her hair was in bun. Wala sa tabi niya si Papa. Pero naririnig ko sa background ang boses niya na nagtatanong kay Mama ano daw uulamin nila. Mama: Tsk. Tsk. Kumakain ka naman ng ice cream. Hindi maganda sa ngipin 'yan anak. I pouted. "Konti lang naman po, eh." "Magsipilyo ka pagkatapos mo kumain niyan." Kahit malaki na kami nina Kuya ang turing pa rin sa'min ni Mama parang mga bata. "Opo," sagot kong pinagpatuloy ang pagkain ng ice cream. "Kumusta ang mga grades mo, Anak?" "Okay lang po, Ma. Walang bagsak. I'll send my report card to you email na lang po para makita mo." "Mabuti naman. May sinabi sa'kin ang Kuya June mo." Nagbago ang tono ng boses niya kaya napaangat ang tingin ko mula sa kinakain kong ice cream. "Ano na naman sinabi ni Kuya?" My brow furrowed. "Oh, eh may boyfriend ka na daw. Bakit hindi mo sinasabi sa'min ha, Friday? Ang bata-bata mo pa. Eighteen ka pa lang. Nung panahon ko, magkakapag-boyfriend lang kapag tapos na sa pag-aaral. Hindi ba 'yon ang sinabi ko sa'yo?" panenermon ni Mama. I get it. The boyfriend thing. They just want the best for me. Lalo nag-iisa lang akong babae sa'ming magkakapatid. At ilan sa mga pinsan kong babae maagang nagsipagbuntisan. Kaya naiintindihan ko ang pagiging over proctective nila. Pero sa paghihigpit nila sa'kin, pinaparamdam lang nilang wala silang tiwala. It hurts at minsan nakakasakal na. Nineteen na ako but I still couldn't decide for myself without consulting them. I envied my friends you know? They have freedom. Ako? Hindi ko na nga alam anong gusto ko kasi palagi naman silang tumututol. Bumuntong hininga ako. "Wala pa isip ko 'yan, Ma. Nagpapaniwala kayo kay Kuya. Siya nga natutulog sa bahay ng jowa niya!" Biglang bumukas ang pintuan sa CR. "Hoy, imbento ka! Epal!" Sigaw ni Kuya June na lumabas doon. Binatukan niya ako bago sumilip sa camera. "Ma, wag ka maniwala dito. Epal tong tanga na 'to, eh!" "Aray ko! Ma, binatukan ako, oh!!!" Nagmamaktol kong tinulak ang kamay niya. Hindi naman talaga 'ko nasaktan. Gusto ko lang mapagalitan si Kuya. Humilot sa sintido niya si Mama, na-sstress na sa'min. "June, kapa ikaw nabuntis mo 'yang girlfriend mo, sinasabi ko sa'yo mag-impake ka na talaga. "Hindi naman, e!" Masama ang tinging naupo sa katabing silya ko si Kuya June. "Epal lang talaga 'to. Ang sarap mong kutusan!" Inambaan niya ako. Pero kaagd ko 'yong iniwasan at hinampas siya ng malakas sa braso. "Ma, oh! Kukutusan daw ako!" Sumbong ko kay Mama. "June, tigilan mo 'yang kapatid mo! Pumapatol ka e, mas matanda ka d'yan! Parang kayong mga bata! Naayos mo na ba 'yung mga papeles mo, ha?" "Wala pa akong passport. Hindi ko pa naaasikaso. Mama: Ano? Ang tagal ko nang pinaaayos sa'yo 'yan. Kung ano-anung inaatupag mo! Ngumisi ako at biniletan si Kuya June bago tinakbo ang hagdanan. Sa kaniya na nalipat ang panenermon ni Mama. Buti nga! Digital talaga ang karma! Ang bilis, e! Hindi talaga kami magkasundo dati pa, napaka-sumbungero kasi. Mama: Ang mga grades mo? "Puro bagsak 'yan, Ma! Landi ang inaatupag!" Pahabol ko bago nagmamadaling umakyat. "Friday!!!" Galit na sigaw ni Kuya June. . . Binuksan ko ang aircon pagpasok sa kwarto. I also picked up my phone before diving onto my bed. Nakita ko kaagad ang IG notification sa pag-scroll ko. Rocket Montero started following you Tumiyaha ako ng higa, kagat ang isang daliri na cli-nick ang IG account niya. Rocket Sid Montero| BS Engineering | 9423 followers Ang dami niyang followers. Wala pa yata sa kalahati ng sa'kin. Oh, Well.. magtataka pa ba ako? sa looks at status pa lang— I means he's a university athlete hindi malayong sikat siya lalo sa mga girls. Maingat at marahan pa akong nag-scroll sa IG niya. Mahirap na baka mapindot ko accidentally ang like button. It happened to me. Noong minsan i-stalked ko yung crush ko. I stopped scrolling when a picture caught my attention. It was Rocket and a pretty girl. Medyo naka-semi formal outfit sila doon. Nakayakap yung isang braso ni Rocket sa beywang nung babae habang naka-akbay naman ito sa kaniya. Parang nasa party sila, base sa background na madilim at mga lazer lights. Parehas rin silang nakangiti sa picture, mapungay pa yung mata. Are they tipsy? I like me better when I'm with you... October 17, 2018 Napa-irap ako. Napaka-corny naman ng caption! Girlfriend na niya ba 'to? Last year pa 'yung picture. Then yung mga recent post niya puro memes at laban sa NCAA. Curious na nag-scroll pa ako sa comment section. Mark13: Puta, CB na 'yan! Janna_Cruz: Yieeee! Lalandi! Rocket: Gagu, hindi ako nag caption na nyan! Irish: Hihi! Sorry, Bae. Love you! Bae? Yucks! Napaka-baduy naman ng endearment nila! Kasing baduy nilang dalawa. Padabog na ibinalik ko ulit sa bed side table ang cellphone at patagilid na humiga. Yumakap ako sa malaking hotdog pillow ko. Hindi ako nag-follow back! Manigas siya diyan! Nakasimangot na nagtalukbong ako ng kumot at natulog na. . . This past few days, I was busy looking for companies online na pwede akong mag-OJT. Actually may isa pang term after ng term ko ngayon bago ang On The Job Training. May partner company rin ang university. Pero mas gusto ko 'yung may option ako kaya pinaghahandaan ko na. May Ilang maliliit na hotels at restuarant na akong pinagpasahan ng resume at tatawag raw sila once na-approved ng general manager. And at last tapos na ang prelims namin. So, back to basic! Pwede na ulit mag-chill. I was walking at the U lane, texting the girls to hang out when someone called me. "Friday!" Nakita kong may kumakaway sa dulo ng U lane. Naniningkit ang mga matang, kinilala ko 'yon. It was Violet. Ano na naman kayang kailangan nito sa'kin? Magyaya rin siguro ng gala kasama sina Genesis at Jane. Ibinalik ko ang cellphone sa bulsa ng uniform ko at binilisan ang lakad papunta sa kaniya. "Kanina ka pa namin hinihintay." Bungad sa'kin ni Violet nang makalapit ako. Umarko ang kilay ko nang makitang kasama niya sina Mark at Rocket. Pareho pa silang nakasuot ng San Beda engineering uniform. Nakaupo sa may may waiting shed and they looked bored. "Huh? Bakit niyo ako hinihintay?" Tinapunan ko ng tingin ang dalawang lalaki sa waiting shed. Bawat estudyanteng dumaan napapatingin sa kanila. Oh, well... agaw pansin naman talaga sila. Sobrang tatangkad ba naman, lalo na si Rocket. "Niyaya nila tayo, e. Tapsi daw." Bumalik ang tingin ko kay Violet. Niyaya? FC naman yata masyado ang mga lalaking 'to! "Ayoko sumama," umiirap na sabi ko. "Pupunta ako sa condo ni Genesis. Bye." "Ang arte mo talaga 'no? Sarap mo batukan!" Kumapit sa braso ko si Violet. Ang higpit ng kapit! Yung tipong walang kawala! Saka ako hinila sa direksyon papunta sa overpass. "Vi, ano ba! Hoy—" "Boys, let's go! Gutom na raw si Friday! Nangunguna na oh!" Tumatawang Lingon nito sa dalawang lalaki. What the f**k! Sapilitan niya akong hinihila no! Nagkatinginan sina Mark at Rocket bago sila sumunod sa'min. Nagpatangay na rin lang ako. Nakakapagod makipagtalo kay Violet. Nagugutom na rin naman talaga ako. Tamang-tama for dinner. . . SA tampisan walking distance mula sa university kami nagpunta. Humanap kami ni Violet ng table while the boys ordered our food. Pumwesto kami sa bungad ng kainan sa tabi ng electricfan at utensils. Naglagay ng mga baso si Violet at pitsel ng tubig. Ako naman ang kumuha ng kutsara't tinidor pati tissue. Bumalik sina Mark at Rocket na bitbit ang foods. Lahat sila tapsi ang inioder ako lang umorder ng hotsilog. Inilapag nila ang mga foods sa table saka naupo na si Mark sa tabi ni Violet at sa tabi ko Rocket. He was quite and his expression was serious. Nakakapanibago. "Yey! Kain na!" Violet said like a kid. I slowly moved the condiments until it reached Rodket's knuckles, holding the utensil. "Ketchup?" I told him like an idiot. "Thank you." He said, giving me a small smile. Natuon na ulit ang tingin nito sa plato na wala pa ring bawas ang pagkain. He was just staring at it like he was thinking so deep, na nawawala na ito ng gana kumain. Hindi ako sanay na tahimik siya. Damn! Dapat wala akong pakialam doon. "Uy, tsong okay lang 'yun! Wag mo dibdibin." Tapik ni Mark sa balikat nito, naiiling pa. "May next year pa naman." Rocket fake a laughed, shooking his head. "Gago, hindi naman 'yon ang iniisip ko." Sumubo ito pagkatapos uminom ng tubig. "What's wrong?" Hindi ko na napigilang magtanong kay Mark. "Olats, kami sa NCAA." Napatingin ko kay Rocket. Iyon ba ang dahilan kaya siya malungkot at wala sa mood? "Tsk. Tsk. Hirap naman talaga makapasok sa NCAA" komento ni Violet. "Varsity nga namin laging laglag di ba, Friday? Sayang bumili pa naman kami ticket last time! Talo naman-" Sinipa ko si Violet sa ilalim ng mesa kaya natigilan sa pagsasalita. Tinaasan ako ng kilay but I ignored her. She was being insensitive! Syempre para sa mga athlete na tulad nina Rocket big deal iyon! Para namang hindi nito alam kung paanong nawawala rin si Jane sa mood kapag natatalo. Jane is a volleyball varsity. "Wala lang talaga sa'kin 'yun, Pre. Expect ko na 'yon, lakas ng Letran, e." Pabalewang sagot ni Rocket after uminom ng tubig. "Oo nga, tangina! Tinalo ang three time defending champion!" Naiiling na sagot ni Mark. "Three time defending champion?" Nagtatakang tanong kong naglilipat ang tingin sa dalawang lalaki. Hindi ko alam ang pinag-uusapan nila na-lo-lost tuloy ako. Wala kasi akong alam sa mga sports na 'yan! Napipilitan lang kami manood kapag may laban si Jane. "Hala, beh. Tanga lang? Sila ang defending champion!" Irap sa'kin ni Violet na akala mo naman talagang may alam. If I know kaya lang siya nanonood ng game para mang-hunting ng mga gwapong players. "Sorry naman! Ikaw na ang may alam." Sarcatic na sagot ko kay Violet at pinagpatuloy ang pag-kain. "Okay lang, bro. May next year pa." Mark said. Disappointment written all over his face. Rocket just nodded. Natapos kaming kumain na tahimik si Rocket panay tuloy ang sulyap ko sa kaniya. At hindi ko alam kung bakit ako na-bo-bother na malungkot at tahimik siya! Hindi naman ako ganito, ah! Nakakainis! Ano bang pakialam ko kung bad mood siya! Dumiretso kami sa may gilid ng overpass para ihatid sa sakayan sina Mark. Ayaw na nila magpahatid. Malandi lang talaga 'tong si Violet. "Next week, ah? Birthday ko." Paalala ni Mark habang naghihintay na kami sa jeep. Nasabi na niya kanina na birthday nga nito next week. Sa isang club daw sa Malate gaganapin. "Send ko na lang sa IG yung invitation." "Excited ako, Babe!" Tili ni Violet na nakakapit sa braso ni Mark. Tumango lang ako kahit hindi pa ako sure. Iisip na naman kasi ako ng alibi para payagan ng Tita at mga kuya ko. Bahala na! Next week pa naman 'yon! Pasimple kong sinulyapan si Rocket. Ang seryoso pa rin niya. Napabuntong hininga ako at nagdadalawang isip na nilingon ang 7/11 sa likod namin. "Wait lang," Paalam ko sa kanila. "Uy saan ka punta?!" Dinig kong tawag ni Violet. I ignored her. Tuloy-tuloy ako papasok sa loob ng 7/11. Paglabas ko bitbit ang dalawang funda, tumabi ulit ako kay Rocket. I inhaled a large amount of air before looking up to him. "Oh, Ice cream." Iniabot ko sa kaniya 'yung isang cone na hawak ko. Nagulat na bumaba ang tingin niya sa ice cream bago tumitig sa mukha ko. "Bakit mo ako binibigyan ng ice cream?" Nag-iwas ako ng tingin. "Para... hindi kana malungkot." Mabilis kong sabi. "Dalian mo! Kunin mo na natutunaw na, oh!" Inilapit ko pa ang ice cream sa kaniya. My eyes went back to him when I heard him chuckled. Kinuha niya 'yung ice cream sa kamay ko saka ngumiti. Kauna-unahang ngiti niya 'yon mula kanina. "Wala ba 'tong gayuma? Baka mamaya nilawayan mo 'to, ah?" Nag-init ang ulo ko at pinalo siya sa braso. "Ew! Ang kapal ng mukha mo! Ikaw na nga binilhan ko diyan, e! Akin na nga kung ayaw mo!" Natatawang hinuli niya ang kamay ko. "Joke lang, ito naman... binibiro ka lang, masyado kang highblood." Sinubukan ko bawiin ang kamay ko but he didn't let go instead he leaned forward. Close to my face. "Salamat dito, ah?" Tinaas niya yung ice cream. "Salamat rin pinagaan mo 'yung mood ko," he then pinched my cheek, smiling. My face heated. He was so close! So close that I could smell his breathe! Ang daya! Bakit ganun hindi amoy tapa 'yung hininga niya? Ang fresh pa rin? Bigla na-concious ako sa hininga ko. Binawi ko 'yung kamay ko at pasimpleng itinakip sa bibig bago huminga, still staring at him. "Alam mo imbes na yung ice cream ang matunaw... ako ang natutunaw sa titig mo sa'kin, e." He laughed at me. Umatras ako, namumula pa rin ang pisngi. "Shut up." I whispered, looking away. "Um... nanghihinayang ka pa rin ba sa game niyo?" Sinulyapan niya ako. Kinakain na 'yung ice cream na bigay ko. "Actually, wala na talaga sa'kin 'yun. Tanggap ko na minsan matatalo, minsan mananalo. Ganun, e. Move on na lang, bes!" Natawa ako. "So, you're okay na?" "Oo naman! Sumabay lang talaga si Rambo. Tangina talaga." Naiiling na sabi niya na parang naiinis at nanghihinayang. Kumunot ang noo ko. "Sinong Rambo?" "'Yung aso ko sinakmal nung aso ng kapitbahay namin, e. Nasa vet siya... tsk tsk. Medyo magastos!" He chuckled. "Oh, you like dogs?" "Bakit tatahol ka?" "Alam mo bwiset ka!" Inambaan ko siya ng suntok. Natatawang umilag si Rocket. "Akala ko joke yun, e, may nabasa akong ganun. Haha! Ang sarap mo talagang asarin 'no? pikunin mo, eh!" Inirapan ko siya at tinalikuran. "Bahala ka na nga sa buhay mo!" Nakakainis! Binilhan ko pa naman siya ng ice cream! Tapos iinis lang pala ako! Nakakapangsisi! Bumalik ang pagka-bully. Narinig ko siyang tumawa mayamaya tumigil at tinawag ang pangalan ko. "Friday?" "Ano?" Hindi ako lumingon. I crossed my arms over my chest, still annoyed. "Um... May gagawin ka bukas?" "Bakit?" He didn't answer. So, I turned around to look at him. He was staring at me, smiling. "Why are you asking?" I repeated. He looked away, scratching his head. "Yayain sana kita... bukas..." his gazed went back to me. "Lumabas?" Napatulala ako, nakatitig sa kaniya. Ina-absorb pa ng brain ko ang sinabi niya. Did he just asked me out on a DATE?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD